Share

Kabanata 7

Author: Glazed Snow
Tinikom ni Monica ang labi pagkatapos ay ngumiti nang matamis, puno ng kasiyahan ang puso niya. Tuluyan niyang ibinagsak ang katawan sa bisig ni Shawn at inangat ang makinis na mukha para tingnan ito.

“Alam ko naman na hindi mo ako kayang tiisin. Hindi mo ako kayang iwanan,” banayad niyang bulong.

Si Shawn Velasco ang pinakamayamang lalaki sa Cavite. Gwapo at matikas. Higit sa lahat, makapangyarihan at kayang yumanig ng mundo sa isang iglap kung gugustuhin niya. Sa madaling salita, siya ang kumakatawan sa lahat ng pantasya ni Monica pagdating sa isang lalaki.

Pero tatlong taon na ang nakakalipas nang masangkot si Shawn sa isang aksidente at na-coma. Idineklara ng mga doktor na hindi na ito muling magigising kaya nagduda siya noon. Hindi alam ni Monica kung paano niya ilalaan ang pinakamagandang taon ng buhay niya para sa isang lalaking ganoon ang kalagayan.

Kaya tumakas siya.

Walang nag-akala na si Maxine ang papalit sa pwestong iniwan niya. At sa loob lamang ng tatlong taon, nagising si Shawn.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Monica kung paano ‘yon nangyari. Mismong ang mga batikang doktor na tumitingin kay Shawn ay tinawag itong isang ‘medical miracle’.

Kaya bumalik ulit si Monica dahil alam niyang mahal pa rin siya ni Shawn at kailanman ay hindi siya nito kayang bitawan.

Tinitigan ni Shawn ang babae. “Kung hindi dahil sa nangyari noon, sa palagay mo ba ay kaya pa kitang mahalin nang ganito?”

Sa pagbanggit nito ng ‘noon’, nanigas si Monica at nagkaroon ng bakas ng guilt sa kanyang mga mata. Agad niyang iniba ang usapan. “Magkatabi ba kayong matulog ni Maxine?”

Muling ibinaling ni Shawn ang tingin sa kanya. “Kung hindi kami magkatabing matulog, ikaw ba ang dapat kong katabi?”

Alam na ni Monica ang sagot—hindi pa. Hindi pa pwede dahil labag iyon sa batas. Sinadya lang niyang itanong iyon at sinakyan lang ito ni Shawn kaya binigyan siya nito ng isang mapaglarong sagot.

Gustong-gusto ni Monica ang ganitong ugali ni Shawn—para sa kanya, isang kaakit-akit na kombinasyon iyon ng pagiging seryoso at pagiging mapanukso. Sa ilang salita lang, napapula nito ang pisngi niya. Ang malamig at tahimik na lalaking gaya ni Shawn ay ang mga tipo ng lalaking nais niyang tuklasin kung anong klase ng apoy ang nakatago sa ilalim ng kontrol nito.

Biglang gumalaw si Monica, inikot ang katawan at umupo sa kandungan ni Shawn. Sa ganoong paraan, nakayakap siya sa leeg nito at saka inilapit ang mga pulang labi para bumulong ng napakalambing.

“Gusto mo ba akong tabihan?”

Mabilis na itinaas ni Mike ang divider sa pagitan nila. Matagal na siyang nagtatrabaho sa boss niya kaya alam na niya ang gagawin.

Habang si Shawn ay tahimik lang na nakatitig sa babae. Provocative ang suot nito, isang pulang spaghetti-strapped na damit. Habang nakakandong si Monica sa kanya, bahagyang umangat ang laylayan ng palda at nabunyag ang mahaba at makinis nitong mga binti na nakapulupot sa pantalon ni Shawn.

Kaakit-akit at mapang-akit.

Hinigpitan lalo ni Monica ang pagkakapulupot sa bewang ng lalaki.

“Sige na, sabihin mo na. Gusto mo ba akong katabi sa pagtulog?”

Isang oo lang mula kay Shawn at handang ibigay ni Monica ang lahat.

Hindi naman pinanganak kahapon si Shawn. Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Monica. Pero may nangyari, biglang sumagi sa isipan niya ang imahe ni Maxine sa bar kanina. Ang mga binti nitong perpekto ang hugis, makinis at malambot. Naalala niya rin nang tanungin siya nito kung kaninong binti ang mas gusto niya—ang kanya ba o ang kay Monica. Hindi niya malaman kung bakit, pero si Maxine ang sumagi sa isip niya ngayon.

Naalala din niya ang paraan nang pag-angat nito ng binti, ang itim na high-heels nito habang umiikot sa bukong-bukong—kung paanong dumulas ang daliri nito sa paa sa kahabaan ng kanyang hita at nagtanong kung ang mga binti ba ni Monica ay pumupulupot din sa bewang niya.

Hinawi ni Shawn ang mga kamay ni Monica mula sa leeg niya. “Hindi pa ako hiwalay.”

Natigilan si Monica at sinabi, “At ano naman ngayon?”

“Hindi ako mangangaliwa habang may asawa pa ako,” malamig na sagot ng lalaki.

Tumahimik si Monica. Biglang naglaho ang tensyon sa paligid. Tinapos na ni Shawn ang isyung iyon.

Kahit na may bahid ng pagkabigo, bumaba pa rin si Monica mula sa kandungan ni Shawn nang may kumpyansa. May pride pa rin siya—hindi siya ang tipo ng babaeng ipipilit ang sarili. Hindi niya ipipilit na ibigay ang sarili nang buo kung hindi rin siya tunay na ninanais ng lalaki.

“Shawn, kailan mo ba balak na hiwalayan si Maxine?” malamig niyang tanong.

Itinuon ni Shawn ang tingin sa bintana. Sa totoo lang, mas gugustuhin niyang si Maxine mismo ang maghain ng diborsyo kahit na buo na ang pasya niyang hiwalayan ito.

“Malapit na,” tugon niya sa malamig na boses.

****

Samantala, pag-uwi nina Maxine at Althea sa apartment nila, agad na binagsak ni Maxine ang katawan sa kama na parang pagod na pagod siya para sa kaganapan ng gabing iyon.

Simula bukas, babalik na ulit sa normal ang buhay niya.

Hinanap niya ang cellphone niya at binuksan ang messenger niya. May dalawa siyang account. Sa loob ng tatlong taon, ginamit niya ang Mrs. Maxine Velasco, pero ngayon, opisyal na niyang isasantabi ang katauhang iyon.

Nag-log in siya sa isa pa niyang account. Pagbukas niya, agad nagliwanag ang group chat na may may group name na ‘Loving Family’, at may mga mensahe doon.

Iyon ang pinindot ni Maxine.

Kuya 1:

Aba, ang bunso naming kapatid ay online na ulit!

Kuya 2:

Welcome home, little sister!

Kuya 3:

Yakapin ang bunso!

Lahat sila ay nagpadala ng mga virtual bouquets of flowers bilang pagsalubong kay Maxine.

Kuya 1:

Tatlong taon ka ring tumakas dahil may lalaki kang inibig nang husto. Iniwan mo si Lolo! Sulit ba, ha?

Maxine:

Nope, hindi sulit.

Kuya 2:

Mukhang nabigo ka sa pag-ibig, ha!

Kuya 3:

Sa palagay ko, hindi mo kinayang kontrolin at baguhin ang lalaking ‘yon.

Kuya 1:

Tama na ang pang-aasar niyo sa kanya! Sabihin na lang natin na ito ay isang trial of love. Pero sorry, bunso, ang hirap talagang pigilan!

Dahil sa pambubuska nito sa kanya, gusto na niyang sipain ang mga lalaki palabas ng group chat na iyon. Sa inis niya, binago niya ang pangalan ng group chat mula sa Loving Family sa Annoying Family.

Pagkatapos ng ginawa niya, naging seryoso na ang isa sa kanila, si Bernard.

Kuya 3:

Bunso, oras na para bumalik ka. Puno na ang schedule ng operasyon ko pero may naka-schedule akong isang komplikadong heart surgery para sa ‘yo bukas sa ospital.

Nagpadala si Maxine ng okay na emoji.

Pag-exit niya sa group chat, napansin niyang may isa pang friend request—galing iyon kay Shawn.

‘Kalokohan,’ bulong ni Maxine. Tatlong taon siyang nag-message gamit ang isa niyang account bilang Mrs. Velasco pero ni minsan hindi siya ni-replayan ni Shawn.

Ngayon na gamit niya ang tunay niyang account, siya na ngayon ang hinahabol nito.

Dati ay binabalewala lang siya nito.

Marahang tinapik ni Maxine ang screen…

****

Sa Velasco Group—ang gusaling sumasagisag ng kapangyarihang pang-ekonomiya ng buong Metro Manila,.nakaupo si Shawn sa opisina niya matapos maihatid si Monica.

Tahimik niyang binabasa ang mga dokumento sa ilalim ng malambot na liwanag. Marami siyang kailangan pirmahan na mga kontrata at papeles. Sa likod niya, tanaw mula sa salamin ang mala-alikabok na liwanag ng siyudad, mga ilaw na kumukumpas sa kanya—sa lalaking nagmamay-ari ng lahat.

Ping!

Isang malinaw at matinis na tunog ang bumasag ng katahimikan ng opisinang iyon.

Dinampot ni Shawn ang cellphone at binuksan ang messenger niya. Ang henyo at junior niya ay nagreply na kaya napahinto siya at dahan-dahang ngumiti…
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maricel Dambong - Dionaldo
Nice story
goodnovel comment avatar
ecy jimenez
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 200

    Agad naman na tumawa si Gregorio sa isang banda.“Ang Maxine na ito ay siguradong naiinggit kay Amanda natin. Kaya nga sinabi niya ang mga iyon dahil gusto niyang sirain ang hapunan na ito,” wika ni Gregorio.“Ang simpleng batang ito na galing sa probinsya ay nangahas pang tawaging manloloko si Surgery Master? Nakakatawa,” dagdag naman ni Katie.Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Surgery Master at agad na nagsalita sa kanya.“Surgery Master, huwag mong masamain si Maxine. Naiinggit lang siya sa atin dahil hindi maayos ang kanyang isipan,” paliwanag ni Amanda.Tumingin naman si Surgery Master sa direksyon kung saan nawala si Maxine at bahagyang huminga. Kahit hindi niya eksaktong alam kung ano ang nadiskubre ni Maxine, ramdam niya ang pagkabalisa at takot.Sa kabutihang palad, pinaalis siya ng pamilya Garcia.Tiningnan naman ni Surgery Master ang pamilya Garcia na parang pag-aari niya at ngumiti nang mahinahon. “Ayos lang. Wala akong pananagutan sa mga sinasabi niya,” saad naman

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 199

    Naramdaman ni Mrs. Marivic na ito na ang pinakamagandang sandali ng kanyang buhay. Pinapayaman siya ng kanyang dalawang pinakamamahal na apo.Ngumiti nang may pagmamalaki sina Monica at Amanda. Ang dalawang gintong bulaklak ng pamilya.Puno naman nang kagalakan ang ikalawa at ikatlong sangay ng pamilya Garcia.Samantala, tahimik namang pinanood sila ni Maxine mula sa sulok. Ang kasiglahan at karangyaan ng pamilya Garcia ay hindi kailanman magiging sa kanya. Ang tanging taong mahalaga, ang kanyang ama ay matagal nang wala, nakalibing na, at ganap nang nakalimutan ng buong pamilya Garcia.Sa sandaling iyon, biglang naramdaman ni Maxine ang isang tingin na nakatuon sa kanyang mukha. Tumingin siya pataas at nakita si Shawn.Nakatayo si Shawn sa ilalim ng maliwanag na ilaw, direktang nakatingin sa kanya.'Ano ang tinitingnan niya?' aniya sa kanyang isipan.Ngayong gabi, kasama niya si Monica pabalik sa lumang mansyon, upang suportahan ito.Tila nakalimutan ng lahat dito na siya ang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 198

    Lahat ng mga katulong ay labis na nasasabik, puno ng paghanga kay Amanda.Sa sandaling iyon, bumaba naman si Mrs. Marivic kasama si Gregorio mula sa ikatlong sangay at si Katie. Lahat sila ay nakabihis nang pormal, habang may ngiti sa kanilang mga mukha.Nang makita ni Marivic si Maxine, agad siyang nagsalita nang malamig.“Maxine, ngayong gabi ay dadalhin ni Amanda si Surgery Master sa bahay para sa hapunan. Mas mabuting manahimik ka at huwag mong saktan si Surgery Master o baka hindi kita patatawarin!”Napatingin naman sina Gregorio at Katie kay Maxine nang casual. “Ma, narito na si Amanda at si Surgery Master. Halika, salubungin natin sila.”Pagkatapos nilang magsalita, huminto ang isang mamahaling sasakyan sa garahe ng mansyon ng pamilya Garcia.Magkahawak-kamay na pumasok si Amanda kasama si Surgery Master sa kanilang bahay.Ngayong gabi, nakasuot si Amanda ng mahabang gown, nagliliwanag at nakakaakit ang kanyang postura. “Lola, Mom, Dad, ipakikilala ko sa inyo si Surge

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 197

    Habang naririnig ang halakhak ng dalawang babaeng empleyado, tumingin si Arriana patungo sa Velasco Corporation.Bilang isang estudyante ng pag-arte, natural niyang naiintindihan na ang Global Entertainment ng Velasco Corporation ay kumokontrol sa kalahati ng industriya ng entertainment, taglay ang mga pinakamahuhusay na resources at koneksyon. Mga bagay na karamihan sa tao ay pwedeng pagsikapan sa buong buhay nila at hindi man lang maaabot.Lahat nang iyon ay pag-aari ni Shawn, ang lalaking ito.Dahan-dahang sumilay ang mga mata ni Arriana sa isiping iyon.Samantala, bumalik naman si Shawn sa opisina ng CEO at tinapik nang malakas ang mga dokumento sa mesa.Inilabas niya ang kanyang telepono at binuksan ang messenger. Hindi pa rin sumasagot si Maxine.Sa sandaling iyon, tahimik na pumasok si Mike at mahina ang boses na nag-ulat sa kanya.“Sir, wala raw po si madam sa paaralan ngayon. Pumunta po siya sa ospital para alagaan si sir Lucas.”Sa mga nakaraang araw, laging ni-re-rep

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 196

    Habang nagsasalita, ngumiti si Jessica kay Maxine na tila may halong pahiwatig. “Maxine, mahusay talaga ang performance ng asawa mo sa pagkakataong ito.”Nagulat naman si Arriana at tumitig kay Maxine. “Maxine, si Mr. Velasco ba ang asawa mo? Talaga bang ikaw ang Mrs. Velasco?” takang tanong ni Arriana.Tumango naman si Jessica at sinabi, “Oo, siya nga ang totoong Mrs. Velasco. Ang Maxine nga natin!”Hindi naman makapaniwala si Arriana sa kanyang narinig. Hinawakan niya ang kamay ni Maxine, puno ng inggit ang mukha. “Maxine, ang swerte mo talaga.”Ngumiti naman si Maxine nang pahilis at may halong komplikadong emosyon. Hindi niya alam kung ano talaga ang pakiramdam ng kaligayahan.Humiga siya sa kama at inilabas ang kanyang telepono, binuksan ang messenger at hinanap ang pangalan na asawa. Pagkatapos nang sandaling pag-aatubili, nagpadala siya ng mensahe rito.Maxine:Salamat.Isang simpleng salita lamang iyon, ngunit makabuluhan. Ilang sandali lang, bigla namang tumuno

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 195

    Biglang binuksan ni Shawn ang pintuan sa likod, hinawakan si Filipe sa kwelyo, at hinila palabas ng sasakyan.Nanginginig nang todo si Filipe dahil sa ginawa ni Shawn. “M-Mr. Velasco, a-ano... ano ang nagawa ko para magalit ka nang ganito? Pakiusap—”Ngunit, hindi siya binigyan ni Shawn nang pagkakataong magsalita. Isang suntok ang kanyang tinama sa mukha nitoBumangga ang katawan ni Filipe sa sasakyan dahil sa lakas ng impact.Kapag nakikipaglaban si Shawn, tense at malalakas ang mga kalamnan sa ilalim ng kanyang suit at kamiseta. Bawat suntok ay eksakto at walang awa. Sunod-sunod na suntok ang tumama, at natabunan ng dugo ang mukha ni Filipe. Hindi na siya makapagsalita para humingi ng kapatawaran.“Aling kamay ang humawak sa kanya? Ito ba?”Isang hampas lang at nabasag ni Shawn ang kanang kamay ni Filipe.Samantala, nahulog naman si Filipe sa lupa, mababaw at hindi pantay ang kanyang hininga.Sa sandaling iyon, dumating naman si Mike kasama ang grupo ng mga tauhan niya.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status