Share

Kabanata 6

Author: Glazed Snow
Sa kanilang social circle, kilala si Monica hindi lang sa taglay nitong kagandahan kung hindi pati na rin sa talino. Nagtapos siya sa kolehiyo sa isang prestihiyosong unibersidad at walang ibang kayang tumapat sa kanyang mga kwalipikasyon sa mga elite ng Metro Manila.

Itinuturing siyang perpektong kapareha ni Shawn Velasco.

Sa mundo nila, hindi sapat ang ganda lang. Ang tunay na lakas ay kumbinasyon ng pinagsamang talino at ganda. Habang umaakyat ang antas ng lipunan, lalong pinapahalagahan ang edukasyon ng isang babae.

Ang pagkagiliw ni Jared kay Maxine kanina ay agad na naglaho. Napalitan ito ng pangungutya. “Maxine, totoo bang tumigil ka sa pag-aaral noong sixteen years old ka pa lang?”

Tumingin si Maxine kay Monica na punong-puno ng yabang at saka ngumiti nang walang pakialam. “Oo, totoo ‘yan.”

Umirap si Jared. “Si Shawn ay tumigil rin sa pag-aaral noong sixteen rin siya. Pero genius ang kaibigan ko—may dalawang master’s degree siya mula Harvard na nakuha niya noong sixteen siya. Samantalang ikaw, baka hindi mo pa yata tapos ang high school.”

Tumawa pa ito nang malakas at mapanuya.

Si Monica naman ay nakatayo sa itaas habang tinitingnan si Maxine na para lang itong isang butil ng alikabok.

Si Shawn naman na matangkad at matikas ay nanatiling tahimik. Tumatama sa kanyang malamig at gwapong mukha ang ilaw mula sa hallway habang hindi inaalis ang tingin kay Maxine.

Tatlong taong ginampanan ni Maxine ang pagiging isang masunuring maybahay ni Shawn. Tatlong taon rin na umikot ang buhay nito sa kanya kaya hindi na niya ikinagulat ang kakulangan nito sa edukasyon.

Pero sa kabila ng panlalait, hindi nakitaan si Maxine ng hiya o takot. Kahit na katakot-takot na paninira ang inabot niya, napanatili niya ang diretsong tingin kay Shawn.

Ngumiti pa nga si Maxine nang mahinahon at muling nagsalita, “Oo nga, ang galing ng pagkakataon, ano?”

“Ang galing nga,” irap ni Jared.

Sa hindi malamang dahilan, may kumislot sa dibdib ni Shawn.

Ngayon lang niya napansin kung gaano kaganda ang mga mata ni Maxine—buhay na buhay at kumikislap.

“Max!” sigaw ni Althea habang tumatakbong papalapit. Galit ito habang nakatingin kay Monica. “Hoy, ano? Inaapi mo na naman si Maxine? Wala na talaga kayong magawang matino?”

Tila proud na proud pa si Monica, itinaas pa nito ang baba. “Excuse me? Hindi namin siya inaapi. Kabaligtaran nga dahil ang totoo, tinutulungan pa namin siyang maghanap ng trabaho.”

Huminto si Althea. “Ano raw?”

Nagpatuloy si Monica, kunwari ay mabait pero halatang nangmamaliit ng kapwa. “Oo. Kahit wala siyang diploma o pormal na edukasyon, susubukan pa rin namin na hanapan siya ng disenteng trabaho.”

Hindi kaagad nakasagot si Althea. Saglit niyang inunawa ang mga sinabi nito sa kanya.

Pagkatapos ay bigla itong tumawa, matalim ang tono. “Alam niyo ba kung sino si Maxine? Si Maxine lang naman ang—”

Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis siyang hinila ni Maxine. “Althea, tara na. Umalis na lang tayo.”

Nagpigili si Althea. Hindi na talaga niya tinuloy ang sasabihin pa pero nanatiling matalim pa rin ang tingin kay Monica. “Darating din ang araw na ikaw naman ang mapapahiya.”

“Althea, halika na…” Hinila ulit ni Maxine ang kaibigan.

Sabay na umalis sina Althea at Maxine.

Napailing na lang si Jared nang tuluyang makaalis ang dalawa. “Ano bang iniisip ng Maxine na ‘yan? Tumigil siya sa pag-aaral at the age of sixteen pero akala mo kung sino. Kung ako ‘yan, hindi na ako lalabas ng bahay sa kahihiyan.”

Kalmado lang si Monica. Hindi niya kailanman tinuring na banta si Maxine. Para sa kanya, hindi naman kasi ito karapat-dapat na maging karibal niya. Kapag nagalit siya sa katulad ni Maxine—sa tingin niya ay para na rin niyang ibinaba ang sarili niyang antas.

Ngumiti lang si Monica nang bahagya. “Hayaan mo na, Jared. Ang mga mangmang ay ganoon naman talaga. Sila pa ang matapang.”

Bumaling si Jared kay Shawn. “Kung ako sa ‘yo, aasikasuhin ko na ang pagdi-divorce ninyo ni Maxine. Hindi siya karapat-dapat para sa ‘yo.”

Walang pagbabago sa ekspresyon ni Shawn. Sa halip, tumingin siya kay Monica at malamig na nagsalita, “Tara na.”

Tumango si Monica bilang tugon. “Sige.”

Sabay-sabay na silang lumabas sa gusaling iyon kasama si Jared.

Paglabas nila ng bar, may biglang tumawag. “Mr. Velasco?!”

Hinanap ni Shawn ang may-ari ng boses at nang mahanap niya, lalo siyang nagulat dahil sa pamilyar na mukhang ‘yon. Ang tumawag sa kanya ay walang iba kung hindi ang Dean ng Harvard University, si Mr. Arnold Contis. Isa rin itong Pilipino na namamayagpag sa ibang bansa.

Agad na lumapit si Shawn. “Dean, anong ginagawa niyo rito?”

Tumindig nang matuwid si Monica pagkarinig sa pangalang iyon. Kahit na isa siyang mahusay na mag-aaral, hindi niya naabot ang Harvard—ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo.

Ngumiti nang magiliw si Dean Contis. “Mr. Velasco, nice to see you again. Narito ako para sa isang seminar. Sakto naman naritor rin ang junior mo.”

Tumaas ang kilay ni Shawn. “Junior?”

Magiliw na tumango si Dean Contis. “Oo. Sa Harvard, dalawa lang ang kinikilalang alamat. At nakakatuwa dahil pareho kayong Pinoy. Ikaw at ang junior mo. Pareho kayong nakakuha ng double degree sa edad na labing-anim. Isang tunay na henyo na may pambihirang IQ. Sayang lang at hindi kayo nag-abot sa campus dahil sa agwat ng edad ninyo.”

Natuwa si Jared at hindi na napigilang sumali sa usapan. “Totoo?! Isa pang henyo? At kasing-galing ni Shawn? Sinong mas magaling? Si Shawn, o ‘yong isa?”

Ngumiti si Dean Contis at tsaka tumingin kay Shawn. “Pantay lang sila. ‘Yan ang totoo.”

Medyo nagulat si Shawn sa narinig. Wala pa siyang nakilalang pwedeng tumapat sa talino at galing niya, kahit minsan.

Maging si Monica ay nagulat. Gaya ni Shawn, wala pa siyang nababalitaan na junior na kasing-galing ng lalaki. Kahit wala pang ibinigay na pangalan at kahit na hindi niya tinuring na banta si Maxine, nang marinig niya ang henyong junior, biglang nakaramdam nang hindi maipaliwanag na kaba si Monica.

‘Sino naman kaya ang junior na ‘yon?’ may selos at kaba na gumapang sa puso niya.

Kinuha ni Dean Contis ang cellphone mula sa bulsa.

“Mr. Velasco, ipinadala ko na sa messenger mo ang contact details niya. I-add mo na lang siya kapag may oras ka. Dahil narito rin siya sa Manila, nararapat lang na asikasuhin mo siya bilang senior niya.”

Tumango si Shawn. “Wala pong problema, Dean.”

Pagkaalis nito, muli na namang sumingit si Jared. “Shawn, i-add mo na! Gusto ko na siyang makita!”

Dinukot ni Shawn ang cellphone niya mula sa bulsa at naroon nga ang pinadalang contact details. Ang pangalang nakalagay doon ay iisang letra lang—letrang ‘M’.

Puti ang background.

Naguluhan si Jared. “Isang letra lang? Bitin naman. Anong ibig sabihin ng ‘M’?”

Hindi rin alam ni Shawn. Pinindot lang niya ang details na pinasa sa kanya at nag-add friend. Nilagay din niya ang pangalan niya bilang mensahe.

Pending pa rin iyon.

Sabik na sabik si Jared. “Kapag inaccept niya, ipakilala mo agad sa akin. Hindi ba, babae daw ‘yan? Idol ko na siya agad!”

Napansin ni Monica kung gaano sila kaabala para sa misteryosang junior at napangiwi. Saktong dumating ang isang magarang sasakyan, isang itim na Porche 11. Nasa manibela si Mike, ang personal secretary at driver ni Shawn.

Kinuha ni Monica ang pagkakataong iyon para ibahin ang usapan nila. “Shawn, nariyan na ang kotse. Tara na.”

Kumaway si Jared sa kanila at nagpaalam. “Bye.”

Tahimik na umusad ang kotse sa kalsada. Sa loob ng eleganteng kotse, magalang na nagtanong si Mike mula sa unahan.

“Sir, saan po tayo?”

“Sa simbahan—este, sa kumpanya,” sagot ni Shawn.

Tumingin si Monica sa lalaki, malambing ang mga mata. Pumasok ang liwanag ng mga ilaw galing sa labas na nagpatingkad sa pino at gwapong mukha ni Shawn—para itong isang artista sa isang classic movie.

Malamyos ang boses ni Monica nang magsalita.

“Shawn… ano ba ang meron sa inyo ni Maxine? Bigla ka bang nagkaroon ng interes sa kanya dahil gumanda na siya ngayon?”

Sinalubong ni Shawn ang tingin ni Monica. Walang gana ang boses nang magsalita, “Asawa ko siya. Ano man ang mangyari sa amin, normal lang ‘yon. Hindi ba ikaw rin naman ang dahilan kung bakit kami naging mag-asawa? Ikaw ang nagbigay sa kanya sa akin.”

Napapitlag si Monica. Siya pa rin ang sinisisi nito.

Sinisisi siya ni Shawn dahil sa pag-iwan niya rito ng tatlong taon nang ma-comatose ito. Siya rin ang sinisisi nito dahil umalis siya sa bansa at pumayag na si Maxine ang pumalit sa pwesto niya sa buhay ni Shawn.

Nagpaliwanag si Monica. “Shawn naman, babalik na naman ba tayo, riyan? Si Maxine ang nagpumilit na pakasalan ka that time. Wala akong magawa…”

Pinutol ni Shawn ang sasabihin pa sana niya. “Talaga bang naniniwala ka sa sinasabi mo?”

Tumahimik si Monica.

Kinagat ang labi at sumimangot. “Fine. Inabandona kita ng tatlong taon. Kung may galit ka pa rin sa akin, makipaghiwalay ka na lang. Mabilis naman akong kausap. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo lang. Mike, ihinto mo ang kotse!”

Handa na si Monica na bumaba pero bago pa siya makagalaw, mabilis na nahawakan ni Shawn ang pulso ng babae at hinila ito palapit sa dibdib niya.

Mababa at mapanuksong boses ang narinig ng babae.

“Sus, nagtatampo na naman.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 100

    “H-Hindi!” agad na tanggi ni Maxine sa lalaki. “Hindi ako kasama ni Mr. Velasco kagabi!”Narinig ni Shawn ang kanyang pagtanggi at palihim na ngumisi.‘Talaga namang takot na takot si Maxine na malaman ni Lucas na magkasama kami kagabi? Marunong talaga siyang magsinungaling sa mga lalaki,’ ani Shawn sa sarili. ‘What a pretty liar.’Lumapit si Lucas kay Shawn, at seryoso itong tiningnan.“Shawn, bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya sa lalaki.Ang maringal at guwapong mukha ni Shawn ay nanatiling walang emosyon habang nakatitig kay Lucas.“Hindi ba sinabi na niya ang lahat?”Sa isip ni Shawn, hayaan na lang kung ano man ang sinabi ni Maxine.Nakaramdam naman ng kaunting pagkailang si Maxine, at sinabi, “Shawn, Lucas, mag-usap na lang kayo. Lalabas muna ako.”Pagkasabi nito ay agad na siyang tumalikod at lumabas ng silid. Lumapit naman si Lucas kay Shawn at pabulong na nagreklamo rito.“Shawn, sa susunod dapat marunong ka nang dumiskarte,” saad ni Lucas sa kanya.Tinaas naman ni Shawn

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 99

    Napakunot ang noo ni Shawn habang iniaangat ang tingin mula sa dokumento papunta kay Mike.“Saan siya nagpunta?” seryosong tanong ni Shawn sa kanya.“Pumunta si Elias sa bahay ng pamilya Garcia, at inimbitahan na ni Mr. Jared Montelban ang mahigit sampung mga media outlets mula sa buong Luzon upang magsagawa ng isang press conference. Sa nasabing conference, balak nilang akusahan si madam Maxine ng pang-aabuso at pag-abandona sa kanyang adoptive father,” paliwanag ni Mike kay Shawn.Nang dahil diyan, pinagdikit ni Shawn ang kanyang maninipis na labi sa narinig.‘Ano na namang binabalak ni Jared?’ inis niyang tanong sa sarili.“Paano ba ninyo hinahawakan ang mga bagay-bagay? Lampa na si Elias, pero nakatakas pa rin siya?” tanong ni Shawn sa assistant niya.Namuo ang malamig na pawis sa noo ni Mike nang makita ang pag-init ng ulo ng kanyang boss.“S-Sir, ito po ay—”Hindi natapos ni Mike ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Maxine.“Ako ang nag-utos kay Mike,” biglang tumambad

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 98

    “Madam Nora, kailangan niyo akong iligtas! Ikinulong ako ni Mr. Velasco at nakalabas lang ako nang palihim. Kapag nahuli niya ako at dinala pabalik, tapos na ako!”Nagmamakaawa si Elias kay Nora habang nanginginig pa rin sa takot dahil kay Shawn.Siyempre, kailangang protektahan ni Nora si Elias. Siya ang alas niya at hinding-hindi niya hahayaang maging inutil ito.“Mom, ano na ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Monica nang may kaba sa kanyang boses.Hindi naman natuwa si Wilbert sa mga nangyayari. Sa wakas ay may ginawang tama si Nora para matuwa siya, tapos ngayon may bago na namang gulo.“Ano sa palagay mo ang dapat gawin, Nora?” tanong ni Wlibert sa kanya.Agad naman na humarap si Nora sa kanya at kalmadong sumagot, “Mahal, huwag ka munang magalit. Hindi pa tapos ito.”Nagliwanag ang mga mata ni Monica, at sinabi, “Mom, may plano ka ba?”“Monica, tawagan mo na si Jared Montelban. Hindi ba ikaw ang pinakagusto niya? Hindi ba’t palagi siyang nakikinig sa 'yo? Ngayon ang tamang oras

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 97

    Tila kumikinang ang mga mata ni Maxine sa ilalim ng kumot habang nakatingin kay Shawn, saka biglang napatawa.“Bakit ka tumatawa?” tanong ni Shawn sa paos niyang boses.Tiningnan siya ni Maxine at sinagot, “Dapat ko bang sabihing pagod ako o hindi?”Tamang-tama lang ang kanyang biro. Malabo ngunit nakakakilig.Napatawa na rin si Shawn at muling hinalikan ang kanyang mapupulang labi.****Kinabukasan, sa mansyon ng mga Garcia...Sa kwarto, nakasandal si Nora sa dibdib ni Wilbert na may ngiting kuntento sa kanyang mga labi. Niyakap niya ito sa leeg at nagkunwaring nagtatampo.“Masyado kang marahas kanina. Medyo masakit.”Pilyong ngumiti si Wilbert at kinurot ang kanyang baba.“Pero busog na busog ka naman ngayon, hindi ba?” sambit niya kay Nora.“Nakakainis ka talaga.”Matapos makatanggap ng tawag mula kay Monica, agad na umuwi si Wilbert para aliwin si Nora na matagal nang nakakaramdam ng lungkot at pangungulila sa kanya.Habang yakap-yakap niya ito, nagtanong si Wilbert. “Talaga bang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 96

    Hinalikan ni Maxine si Shawn. Namumula na nang husto ang mga mata ni Shawn sa sobrang tensyon, at agad niyang itinulak si Maxine palayo.“Maxine!”Tumingala si Maxine sa kanya, ang maliit niyang mukha na kasing laki ng palad, at ang dati ay inosente niyang mga mata, ngayon may halong kahiya-hiyang alindog.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag ni Monica?” tanong ni Maxine sa kanya.Yumuko si Shawn at mariing sinelyuhan ang mapupulang labi ni Maxine.Patuloy pa rin sa pag-vibrate ang telepono, at tuloy pa rin ang tawag ni Monica kay Shawn. Muling naramdaman ni Maxine ang kilig na hindi niya kayang pigilan. Legal na silang mag-asawa ni Shawn, ngunit pakiramdam niya’y para silang may itinatagong lihim mula kay Monica.Mapusok siyang hinahalikan ni Shawn ngayon, tila ba pinaparusahan siya nito. Kinagat nito ang malambot niyang labi, tapos ay sinalakay siya na parang isang mananakop, at tila inaataki ang kanyang hininga na parang buhawi.Ang babaeng ito ay talagang mahilig mang-akit para kay Sha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 95

    Paulit-ulit na tinatawag ni Maxine si Shawn. Ang kaaya-aya niyang tinig ay muling nagpalingon sa binatang nasa tabi ni Shawn. Isa itong klase ng boses na likas na pumupukaw ng pansin, na para bang gusto mo siyang tingnan muli at muli pa.Walang nagawa si Shawn kung hindi tingnan siya, at ang mukha niya ay madilim na pero sadyang kaakit-akit pa rin.Nasa kama na si Maxine nang lumapit siya. Tiningnan niya ito nang may inis.“Ano bang sinisigaw mo? Tumatawag ka ba ng multo?” tanong ni Shawn sa kanya.Kumurap lang si Maxine nang tahimik. Mabuti lang naman ang kanyang intensyon.“Maliligo lang ako sa malamig na shower,” bulong ni Shawn, habang patungong banyo upang palamigin ang sarili.Ilang minuto pa, bumalik na siya at iniangat ang kumot upang mahiga ulit sa kama.Magkatabi na silang dalawa ngayon ngunit tahimik lamang. Gayunman, nagpapatuloy ang mga ingay mula sa kabilang kwarto, ang nakakalokong halakhakan ng isang lalaki at babae. Kahit may humaharang na pader, malinaw pa rin itong n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status