MasukSamantala, masamang tiningnan ni Jessica si Adrian. Sa isip niya, talagang hindi na ito makapaghintay na mapaalis siya rito.Mabilis niyang hinawakan ang manggas ni Craige at pabulong na nagmakaawa sa lalaki.“Mr. Montero, protektahan mo ako.”Ibinaba naman ni Craige ang tingin at tumuon sa maliit nitong kamay. Ang mapuputi at maninipis na daliri ni Jessica ay mahigpit na nakakapit sa mamahaling itim niyang suit. Kapansin-pansin ang matinding contrast ng puti at itim, tila nakakaakit at imposibleng hindi mapansin.Tumingin naman si Mr. Santos kay Craige saka nagtanong.“Craige, sino siya?”Dahil nakatayo si Jessica sa likuran ni Craige, natural na sa kanya napunta ang tanong.Doon lang napansin ni Adrian na magkasama pala ang dalawa.“Mr. Montero, kilala mo si Jessica?” tanong niya habang bahagyang kumukunot ang noo. “Ano ang relasyon ninyo?”Malamig na tumingin si Craige kay Adrian.“Mr. Carlos, bakit parang masyado kang emosyonal kapag nakikita mo si Jessica?”Bahagyang tu
Umaasa si Jessica na hindi pa siya nakakalimutan ni Craige.Malamig ngunit kalmadong tumingin sa kanya si Craige bago ito marahang nagsalita.“Naalala kita.”Agad na nakahinga nang maluwag si Jessica. Kahit papaano, hindi siya nito itinuring na estranghero.“Mr. Montero, hello,” magalang niyang sabi. “Hayaan niyo po akong magpakilala nang maayos. Ako si Jessica Pablo.”“Miss Pablo, hello.”Mababa, malamig, at halos walang emosyon ang boses ni Craige nang sabihin 'yon.Hindi mabasa ni Jessica ang iniisip nito. Hindi rin niya mahulaan kung papayag ba itong tulungan siya kapag humingi siya ng pabor.Napakahiwaga ng lalaking ito para sa kanya. Isa itong kilalang business elite, ngunit bakit noon ay nagmamaneho ito ng taxi?Pero sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang panahon para isipin pa iyon. Kailangan niyang kumapit sa kahit katiting na pag-asa.Hindi niya kayang panoorin na tuluyang wasakin ni Adrian ang pamilya Castro.Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.“Mr.
“Paparating si Craige Montero?”Bahagyang tumaas ang kilay ni Adrian. Interesado siyang makita kung sino ba talaga ang lalaking ito na tinatawag nilang Craige Montero.Samantala, nasa lobby pa rin ng pribadong clubhouse si Jessica habang kausap si Secretary Julia sa telepono.“Miss,” nag-aalalang sambit ni Secretary Julia sa kanyang pangalan. “Napapalibutan ngayon ng negatibong balita ang Castro Corporation. Tumanggi si Mr. Santos na makipagkita sa atin. Narito siya ngayon sa private clubhouse para magpahinga, kaya mas lalong mahirap siyang lapitan.”Napakagat na lamang sa labi si Jessica. Hindi na niya alam ano ang gagawin sa mga oras na ito. “Secretary Julia, wala na ba talaga tayong paraan para makausap si Mr. Santos?”Sandaling natahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita si Secretary Julia.“Miss, wala na akong maisip na paraan.”Dahan-dahang pumikit si Jessica habang humihinga nang malalim.“Sige, Secretary Julia. Mag-iisip ako ng ibang paraan.”Pagkababa niya ng
Ngumiti nang may halong paghingi ng paumanhin ang receptionist bago ito magsalita.“Pasensya na po talaga, ma'am, pero mahigpit po ang patakaran ng aming private club. Sinusunod lamang po namin ang regulasyon, kaya sana ay huwag ninyo kaming pahirapan.”Kumunot ang noo ni Jessica.Alam niyang hindi rin naman kasalanan ng receptionist. Trabaho lamang nito ang sundin ang mga utos ng management. Ngunit habang tumatagal, lalo siyang kinakabahan.Kapag naunahan siya ni Adrian na kausapin si Mr. Santos tungkol sa Castro Corporation, maaaring tuluyan nang mawala ang pagkakataon niyang maisalba ang kumpanya.Habang nag-iisip siya ng ibang paraan, isang pamilyar na boses ang biglang sumingit mula sa likuran niya.“Jessica.”Nanigas nang bahagya ang kanyang katawan. Paglingon niya, nakita niya si Adrian.Nakasuot ito ng casual na polo shirt na pang-golf at kabababa lamang mula sa pulang Ferrari sports car nito. Mula ulo hanggang paa ay bakas ang kayabangan at kumpiyansa sa sarili.Mabag
Walang lalaking kayang magtimpi sa ganoong klaseng pang-uudyok, lalo na si Adrian na matagal nang naiirita sa presensya ni Raven.Sobrang dilim ng mukha niya habang unti-unting ngumisi.“Jessica, pagbabayarin kita ngayong gabi.”Mabilis niyang sinunggaban ang kwelyo ng dalaga at marahas na hinila iyon, tila balak punitin ang suot nito.Ngunit sa mismong sandaling iyon, biglang kumilos si Jessica.Mula sa kanyang baywang, mabilis niyang inilabas ang pepper spray na matagal na niyang inihanda at walang pag-aatubiling itinapat iyon sa mukha ni Adrian.Direktang tumama ang nakasusunog na spray sa mga mata ng lalaki.“Ahhh!”Napahiyaw si Adrian habang napaatras at napapikit sa matinding hapdi. Hindi niya inaasahan na naghanda si Jessica laban sa kanya.Agad namang sinamantala ni Jessica ang pagkakataon at malakas siyang itinulak palayo.“Adrian, akala mo ba pupunta ako rito nang walang paghahanda?” malamig niyang sabi habang mariing nakatingin dito. “Binili ko talaga ang pepper sp
Napalingon sa gilid ang gwapong mukha ni Adrian dahil sa sampal. Ang tunog nito ay umalingawngaw sa tahimik na silid, tila mas mabigat kaysa sa inaasahan.Halos manigas si Jessica sa galit. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao habang pinipigil ang nanginginig na emosyon sa dibdib niya.“Adrian,” mariin niyang sambit sa pangala nito, bago magpatuloy. “Dati, ang tingin ko lang sa ’yo ay babaero, mababaw at nakakadiri. Pero ngayon, malinaw na ang totoo mong pagkatao. Hindi ka talaga titigil basta makuha mo lang ang gusto mo. Nakakasuklam ka. Wala kang hiya, at wala kang prinsipyo. Sa tingin mo ba, papakasalan kita? Sa isang taong katulad mo?”Dahan-dahang ibinalik ni Adrian ang mukha niya sa maayos na posisyon. Kahit nasampal, hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Sa halip, may bahagyang ngiti pa sa kanyang labi.“Jessica, kung ikakasal ka man sa akin o hindi ay hindi na ikaw ang magdedesisyon. Ako na ang may hawak ng kapangyarihan ngayon.”Napatigil si Jessica sa kan
Tinawag ng lalaki ang pangalan niya. At sa sandaling iyon, marahas na hinila ni Maxine ang isang hibla ng sarili niyang buhok at sa wakas ay nakawala na siya.Umupo siya nang maayos saka nagtanong, “Ano'ng nangyari?”“Sinadya mo bang gawin ‘yon?” tanong ni Shawn habang nakatitig sa kanya nang matama
Agad na tumalikod si Elias para umalis na sa lugar na 'yon. Ngunit, may biglang pumigil sa kanya.“Teka lang!” sigaw ni Jared, pinipigilan siyang umalis.Napatigil naman si Elias sa kanyang paghakbang.Samantala, tiningnan naman ni Jared si Maxine at galit itong sinermunan.“Maxine, tao ka pa ba? Si
Nanlaki ang mga mata ni Elias dahil sa kanyang narinig, at mgayon niya lang tuluyang naintindihan. Simula pa nang makalabas siya ng kulungan, si Maxine ang unang nakaalam, at matagal na pala siyang hinihintay nito.Pinaniwalaan ng lahat na hinding-hindi na niya babanggitin ang madilim na nakaraan n
Nang bigla niyang masambit ang salitang mommy, labis ang pasasalamat ni Shawn na siya lang ang nakarinig nito. Sa isip niya, wala ba siyang pakialam sa dignidad niya?Kailanman sa buong buhay niya, hindi pa siya gumawa nang ganoon. Mabuti na lang at kumalma si Maxine sa mga salitang ‘narito lang si







