LOGINNgayong gabi, nakasuot si Jessica ng itim na spaghetti-strap na damit. Ang satin na tela ay perpektong yumayakap sa kanyang marikit na hubog, binibigyang-diin ang natural na elegansya ng kanyang dalagang anyo. Ang kanyang mahabang buhok ay inayos sa malambot na kulot, na bahagyang bumabagsak sa kanyang balikat, habang ang kanyang maselang hugis-oval na mukha ay pinatingkad ng light makeup.Likas siyang maganda at maamo, ngunit ngayong gabi, may idinagdag na kakaibang alindog. Isang uri ng pambabaeng presensya na tahimik ngunit nakakabighani.Dahil sa bahagyang pagtulak ni Thalia, napa-atras nang kaunti si Jessica. Bahagya siyang namula sa hiya at agad na tumingin kay Craige.“Mr. Montero,” mahinang bati niya.Sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, tila huminto ang oras para kay Craige.Matagal siyang nakatitig kay Jessica. Hindi niya inaasahang makikita ito sa ganitong anyo at sa isang iglap, tuluyang nawala ang kanyang pag-iisip. Para bang may bagay sa kanyang dibdib na big
Hindi alam ni Jessica kung ano ang hitsura ng pag-ibig ng ibang tao, ngunit para sa kanya, ang pag-ibig na mayroon siya para kay Craige ay isang apoy na hindi kailanman humina, mainit, matindi, at paulit-ulit na bumabalik kahit ilang taon na ang lumipas.Tatlong taon na ang nakalipas hanggang sa kasalukuyan ay walang nagbago.Ngunit sa pagitan nila, may tatlong taong puwang na tila hindi madaling lampasan. Marami siyang tanong na matagal na niyang gustong itanong sa lalaki, pero sa tuwing naiisip niya ito, parang nawawala siya kung saan magsisimula.Tahimik siyang bumalik sa sala.“Dad, Mom,” sabi ni Jessica. “Sinabi ni Mr. Montero na may oras siya ngayong gabi.”Agad na sumilay ang tuwa sa mukha ni Damian nang marinig 'yon.“Napakagandang balita 'yan,” masiglang sagot nito. “Magpapa-reserve ako ng lugar sa secretary ko.”Hinila ni Thalia ang kamay ni Jessica, puno ng sigla ang mga mata niya.“Ate Jessica, tara na! Pumili tayo ng mga damit para ngayong gabi!”Ngumiti nang maga
Dahan-dahang hinawakan ni Ysabel ang kamay ni Jessica, tila pinapakalma siya sa kabila ng bigat ng mga pangyayari.“Jessica, kahit ano pa ang nangyari sa pagitan mo at ni Mr. Montero, palaging tatandaan ng pamilya Castro ang pabor na ibinigay niya sa atin sa pagkakataong ito. Ganito na lang. Tawagan mo si Mr. Montero at tingnan kung may oras siya. Gusto ng ama mo at ako na na rin na imbitahan siya sa dinner bilang pasasalamat.”Tumango naman si Damian, ang tinig ay mabigat ngunit puno ng sinseridad nang magsalita.“Tama 'yan, Jessica. Plano naming i-treat si Mr. Montero sa isang pagkain. Kung iisipin, ilang taon na rin mula noong huli ko siyang nakita.”Sa mga salitang iyon, sandaling bumalik ang alaala ng nakaraan.Si Raven, ang dating pangalan ni Craige ay minsang naging estudyante ni Damian. Mataas ang naging tingin niya rito noon, at hindi lamang bilang guro kung hindi bilang isang taong tunay na may kakayahan. Bukod pa roon, ilang beses na ring tinulungan ni Craige ang pamily
“Mr. Montero, salamat. Kung wala ka, hindi kailanman malulutas nang ganito kaayos ang problemang ito.”Taos-pusong nagpasalamat si Jessica sa lalaki.Tinitigan naman siya ni Craige nang malalim, tila binabasa ang bawat bahaging hindi niya sinasabi nang malakas.“Miss Pablo, gusto mo ba talagang magpasalamat sa akin?” tanong niya sa mababa at kontroladong boses.Tumango si Jessica at sinabi, “Oo, totoo ’yon.”Dahan-dahang lumapit si Craige hanggang sa halos magdikit na ang distansya nilang dalawa. Para bang sinadya niyang takasan ang anumang pwedeng pagtakbuhan nito.“Miss Pablo,” sabi niya. “Kung gano'n, hihintayin ko ang pasasalamat mo.”May laman ang kanyang mga salita, hindi lang simpleng pagtanggap ng pasasalamat, kung hindi isang bagay na mas malalim na tila nakatago sa pagitan nila.Agad na uminit ang pisngi ni Jessica, na parang kasing-liit lang ng palad ang kanyang mukha sa sobrang pagkapula.Hindi siya agad nakasagot.Tahimik lang si Craige, pagkatapos ay binuksan ni
Natigilan ang trabahador, at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.“A-Ang ibig mong sabihin ay si Adrian Carlos? Si Mr. Carlos?”“Tama. Ipinadala kami ni Mr. Carlos para kunin ang walang kwenta mong buhay. Hindi mo na aabutan pa ang liwanag bukas,” malamig na sagot ng isa sa mga bodyguard na nakaitim.Agad na nataranta ang lalaki sa kanyang narinig.“Nagkakamali kayo! Paano naman niya akoipapapatay? Tawagan niyo siya ulit at itanong! Hindi ako naniniwala na gusto niya akong patayin!”“Tumigil ka sa kalokohan mo!” singhal ng bodyguard.“Totoo ang sinasabi ko!” desperadong sigaw ng lalaki. “Tawagan niyo si Mr. Carlos! Hindi ba’t magkakampi kami? Nakalimutan na ba niya?”Ngumisi ang bodyguard nang malamig at mapanlait.“Walang nakalimutan si Mr. Carlos. Ang sabi niya, masyado ka nang maraming nalalaman. Ang patay lang ang kayang magtago ng sikreto.”Biglang nanlamig ang mukha ng trabahador sa kanyang narinig.“Dagdag pa niya...” malamig na pagpapatuloy ng bodyguard. “Ngayon, m
Gustong magsalita ni Jessica, ngunit biglang tinakpan ni Craige ang kanyang bibig gamit ang kamay nito.“Shh. Huwag muna nating gisingin ang kalaban,” mahina ngunit mariing bulong ni Craige.Agad na napatingin si Jessica sa kanya, bakas ang kaba sa mga mata. “Nahanap na natin siya. Kailangan na natin siyang ibalik ngayon!”Ngunit kalmado lamang si Craige nang sabihin, “Nabayaran na siya ni Adrian noon. Kung basta-basta natin siyang ibabalik, sino ang makakatiyak na hindi siya magbabago ng panig at sasaksak sa atin? Sa huli, baka siya pa ang magdulot nang matinding dagok sa Castro Corporation.”Doon lang natahimik si Jessica.Unti-unting gumana ang kanyang isip at para sa kanya, tama si Craige.Patuloy ang pagbagsak ng presyo ng stock ng Castro Corporation, at ang buong kumpanya ay tila nakasabit na lamang sa manipis na hibla. Isang maling hakbang pa, at maaaring tuluyan na itong bumagsak.Masyadong tuso ang trabahador, at hindi pa rin malinaw kung gaano kalalim ang pagkakasang
Bigla at walang pag-aalinlangan na binitiwan ni Raven ang pulso ni Jessica. Umurong siya ng dalawang hakbang na may tamang layo upang mawala ang init ng pagkakalapit nila, at tamang distansyang tila kailangan niya upang huminga muli.Napakurap si Jessica, at isang mainit na kirot ang dumampi sa kan
Nagsalita naman si Wilbert, halatang may panic sa boses, hinihimok si Amanda na mabilis na mag-isip ng solusyon. Halos maiyak na rin sina Gregorio at Katie, iginiit ang kanilang sarili na kinuha rin ang kanilang pera at pinaalalahanan ang lahat na sila rin ay lubos na nag-aalala, sapagkat lahat sila
Umalis na si Maxine. Pinanood naman ni Fernan ang payat niyang anyo na unti-unting naglaho sa dilim ng gabi. Nanlumo ang mukha niya, at sa isang iglap, para bang ang buong mundo niya ay nawalan ng kulay.Tuluyan na lumubog ang gabi. Walang malay si Jared sa tabi niya, ngunit hindi naglakas-loob si
Tiningnan ni Shawn si Jared, matalim ngunit may bahagyang pag-aalala ang mga mata niya.“Dapat muna kayong magpahinga nang maayos. Mag-uusap tayo bukas,” aniya, isang tinig na hindi tumatanggap ng pagtutol ngunit hindi rin kulang sa pag-aalala.Ngayong gabi, kapwa nanghihina sina Maxine at Jared,







