LOGINSa totoo lang, nagsimula na akong maniwala sa mga happily ever after. Masaya na ako sa aking trabaho sa cafe, ma-ooperahan na si Lola at gabi-gabi akong umuuwi sa isang marangyang penthouse kung saan naghihintay ang isang lalaking minamahal ko nang buong-puso. Ang mga araw ay naging madali, payapa, at puno ng pag-asa. Kahit pa nammroblema pa rin sa pera, panatag ako dahil naging sobrang ganda ng takbo ng mga pangyayari kaya sa kaibuturan ng aking isipan, naisip ko na baka ganito na lang ito palagi, na ang mundong ito na pinagsasaluhan namin ay mananatiling ligtas mula sa anumang bagyo. Akala ko okay na, basta magkasama kami ni Lucas. Akala ko kaya na naming malampasan ang lahat.Nasa gitna ako ng pagpupunas ng mga mesa malapit sa glass counter nang biglang bumukas ang awtomatikong pintuan ng cafe. Hindi na ako lumingon para batiin ang bagong dating dahil abala ako sa pag-aayos ng mga baso, ngunit napatigil ako nang maramdaman ang biglang pagbigat ng atmospera sa paligid. May mga yaba
Isang linggo na ang lumipas simula nang opisyal akong magsimula sa aking trabaho sa cafe, at sa maikling panahong iyon, masasabi ko nang unti-unti na akong nakaka-adapt sa mabilis at masiglang sistema roon. Noong mga unang araw ko, grabe ang kaba sa aking dibdib. Natatakot akong magkamali sa paggamit ng mga mamahaling kagamitan, malito sa mga pangalan ng mga customer, o kaya ay matapon ang mainit na kape. Ngunit dahil sa matiyagang paggabay ni Marcus at sa mainit na pagtanggap ng aking mga kasama sa trabaho, ang mga pangamba kong iyon ay unti-unting napalitan ng tiwala sa sarili.Ngayon, kabisado ko na ang bawat sulok ng cafe. Alam ko na kung paano patakbuhin ang espresso machine nang may kasanayan, kilala ko na ang tamang timpla ng mga paboritong inumin ng aming mga regular na customer, at mas mabilis na ang aking mga kilos pagdating sa pagliligpit at pag-aayos ng mga mesa. Masayang-masaya ako dahil bukod sa kumikita na ako ng sarili kong pera para pandagdag sa mga gastusin at pagpap
"That's the spirit, Anya," nakangiting sabi ni Marcus habang iniaabot ang kaniyang kamay para makipag-kamay sa akin. "You can officially start tomorrow morning for your first shift. Just make sure to arrive fifteen minutes early so we can brief you on the opening procedures." Nakahinga ako nang malalim sa labis na tuwa at agad na tinanggap ang kaniyang kamay. "Opo, Sir Marcus. Asahan niyo pong darating ako nang maaga. Maraming-maraming salamat po talaga!" Pagkatapos naming mag-usap at tapusin ang ilang maliit na detalye tungkol sa schedule at uniporme, nagpasya na akong magpaalam. "Aalis na po ako, Sir Marcus. Maraming salamat po ulit, at magkita po tayo bukas." "Sige, Anya. Ingat sa pag-uwi at magpahinga ka na rin para handa ka bukas," tugon niya habang masayang kumakaway. Lumabas ako ng cafe na may dalang kakaibang gaan sa aking dibdib. Sa wakas, pagkatapos ng sunod-sunod na matitinding pagsubok ngayong linggo, may maganda ring balita na dumating. Nabigyan ako ng pagkakataon na
Napatigil si Lucas sa kaniyang paglakad. Kumunot ang kaniyang noo, tila hindi nagustuhan ang narinig. "What? Anya, no. You don't need to do that." "Kailangan, Lucas," mabilis kong sagot habang itinataas ang aking baba. "Pumayag ka na sa installment plan. Nagkasundo tayo na tutulong ako sa pagbabayad ng operasyon ni Lola buwan-buwan sa loob ng anim na buwan. Hindi ako pwedeng umasa lang sa 'yo habang nakaupo at naghihintay dito. Kailangan kong magtrabaho para may maipang-ambag ako sa ibabayad natin sa ospital." "Anya, I told you I can cover the entire installment by myself," giit ni Lucas, bahagyang kumakapal ang tono ng kaniyang boses sa pag-aalala. "Besides, you’re already working for me. You don't have to burden yourself with finding another job right now. I will just less the surgery cost with your salary then we’ll be both fine." "Kahit pa, Lucas! Ito ang paraan ko para magkaroon ng pakinabang sa sarili kong pamilya! Oo, nagtatrabaho ako sa'yo, pero pakiramdam ko ay parang wal
Sumandal si Lucas sa aking tabi, ang kaniyang hawak sa aking kamay ay tila nagbigay ng kaunting init sa malamig at nakakatakot na silid na iyon. Tumuwid ang kaniyang tindig at humarap sa doktor nang walang bakas ng alinlangan sa kaniyang mukha. "Doctor, do not worry about the finances," mabilis at pormal na pahayag ni Lucas. "I will pay the full amount immediately. Just prepare everything needed for the surgery. Also, if finding a heart valve donor or a full heart transplant is the issue, I can handle that too. I will find a donor myself as soon as possible and cover all the necessary costs." Napatigil ako sa pag-iyak. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig habang nakatitig sa matatag na itsura ng mukha ni Lucas. Dalawang milyon... at ang maghanap ng donor sa sarili niyang paraan? Napasulyap ako kay Nanay na nagulat din at napahawak sa kaniyang dibdib, hindi makapaniwala sa naririnig mula sa lalaking kasama ko. Agad kong hinala nang bahagya ang kamay ni Lucas at mabilis na umiling sa k
Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan sa may tapat ng emergency entrance ng ospital, hindi ko na hinintay na maipark nang maayos ni Lucas ang kotse. Mabilis kong binuksan ang pinto at patakbong pumasok sa loob. Amoy ng gamot, malalamig na ilaw, at ang nakakatarantang tunog ng mga monitor ang agad na sumalubong sa akin. Ang dibdib ko ay parang sasabog sa sobrang kaba.Inilibot ko ang paningin ko sa maingay at abalang lobby. Sa isang sulok, nakita ko si Nanay, nakaupo sa isang plastik na upuan, nakatungo, at nanginginig ang mga balikat habang nakahawak sa kaniyang mukha."Nay!" sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kaniya.Napaangat ang ulo ni Nanay. Sa sandaling makita niya ako, mas lalong bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata at mabilis siyang tumayo para yakapin ako nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan."Anya... anak..." humahagulgol niyang sabi habang nakasubsob sa balikat ko."Nay, kumusta si Lola? Gising na ba siya? Anong sabi ng mga doktor?" sunod-su
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ika
“Anya, aalis ka na ba?”Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa







