로그인Ang kuryenteng hatid ng kaniyang daliri ay unti-unti nang nagpapasabog sa natitira kong katinuan. Nararamdaman ko na ang panginginig ng aking mga hita. Ang sarap, nakakabaliw. Ang matagal na panahong pagwawalang-bahala namin sa isa’t isa ay tila ba nag-ipon ng naglalagablab na enerhiya sa katawan ko, at ngayon, handang-handa na itong sumabog na parang Bulkang Mayon. Hindi na ako nakatiis. "Lucas... please. Huwag mo na akong pahirapan. Ipasok mo na 'yung dragon mo, parang awa mo na. Utang na loob, baka maiyak ako rito sa bitin!" pagmamakaawa ko, wala nang paki sa pride. Ano ba naman ang pride kumpara sa kaligayahan ng aking bulaklak, 'di ba? Sinalubong ng kaniyang mapanuring mga mata ang sa akin. May mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi, pero ang kaniyang paghinga ay kasing-gulo na rin ng sa akin. Marahan niyang hinugot ang kaniyang mga daliri, na nagpasinghap sa akin dahil sa biglang kawalan. Pero bago pa ako makapagreklamo na parang batang inagawan ng kendi, naramdaman ko na ang
"Oo kaya," sagot ko na medyo paos na rin ang boses. Kung alam ko lang na ganito pala ka-effective ang instant kissing therapy para magbago ang mood ng isang Lucas, edi sana inilapat ko na sa kaniya ang labi ko simula pa kanina. "Kaya huwag ka nang magselos kay Nathan. Ikaw lang naman ang panalo rito." Turo ko sa puso ko.Imbes na sumagot, isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Yung klase ng ngiti na nagsasabing, ‘You walked right into my trap, Anya.’ At bago pa man mag-process sa utak ko ang susunod na mangyayari, naramdaman ko na lang ang biglang pag-angat ng aking katawan."Lucas!" napasigaw ako nang bahagya nang buhatin niya ako na parang bagong kasal mula sa sofa. Automatic na pumulupot ang mga kamay ko sa malapad niyang balikat."You started this, Anya," bulong niya, ang boses niya ay gumapang ng deretso sa kaibuturan ng pagkatao ko. Ang mga mata niya ay wala nang bakas ng pag-aalinlangan. Puro na lang gutom, nag-aalab na pagnanasa, at determinasyon na angkinin a
Matagal bago tuluyang humiwalay ang mga bisig ni Lucas sa aking baywang. Kung ako lang ang tatanungin, handa naman akong manatiling nakadikit sa dibdib niya hanggang sa matapos ang taong ito. Ang bango-bango niya pa rin kahit galing siya sa matinding stress ng pagtakas sa sarili niyang kasal. Amoy mamahaling pabango na may kaunting pahiwatig ng 'sayo lang ako'. Isang kombinasyon na siguradong pamatay para sa isang marupok na tulad ko. Nang sa wakas ay lumuwag ang kaniyang yakap, hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at tinitigan ako nang may malambot na ngiti. Ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng bigat ay mukhang gumaan na ngayon, salamat sa sagot kong nagpatahimik sa lahat ng kaniyang pag-aalinlangan. "Are you hungry? O gusto mo munang magpahinga?" tanong niya, habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Ang kaniyang malambing na boses ay may dalang kakaibang kuryente na dumaan diretso sa aking atay. Gusto kitang kainin! Bastos na sagot ng u
Napakurap-kurap ako, tila hindi agad rumeshistro sa utak ko ang mga huling salitang binitawan niya. Ang galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib ko ay biglang napalitan ng matinding kalituhan. Pakiramdam ko ay nawalan ng hangin ang buong silid habang nakatitig ako sa seryosong mukha ni Lucas. "A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong, unt-unting ibinababa ang aking mga kamay na kanina lang ay nakahanda nang itulak siya palayo. "Paanong may ibang pakakasalan si Yanna? Lucas, huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Kasal ninyong dalawa ang nakaplano ngayong araw. Paanong magkakaroon ng ibang lalaki?" Bumitaw si Lucas sa aking balikat ngunit nanatili siyang nakatayo nang malapit sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay walang bakas ng pagbibiro. Seryoso siya. Masyadong seryoso para sa isang bagay na tunog imposible. "Yanna will marry Theodore," panimula niya, ang kaniyang boses ay patag ngunit may bigat ang bawat pangalan na kaniyang binabanggit. "He is a man of high status. He want
Kinabukasan, nagising ako sa unti-unting pagsilip ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga makakapal na kurtina ng hotel room. Ngunit bago ko pa man tuluyang maidilat ang aking mga mata, isang pamilyar at banayad na pakiramdam ang pumukaw sa aking ulirat. May kung anong mainit na humahaplos sa aking mukha. Isang dahan-dahang pagpapadaloy ng mga daliri mula sa aking noo, pababa sa aking pisngi, bago marahang huminto sa may gilid ng aking panga. Ang haplos na iyon ay may dalang pambihirang ingat, tila ba natatakot na sa isang maling galaw ay bigla akong maglaho na parang bula. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, ang sumalubong sa akin ay ang mga matang kay tagal kong kinasabikan na makita. Si Lucas. Nakahilig siya sa gilid ng kama, nakaupo sa sahig kung saan niya inilatag ang kaniyang higaan kagabi. Ang kaniyang buhok ay bahagyang gulo-gulo, at may kaunting itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na nagpapahiwatig na hindi rin siya lubos na nakatulog. Sa kabila niyon, ang paraa
"Titingnan ko kung ano ang mangyayari bukas, Lucas," mababa at seryosong saad ko, pilit na pinatatatag ang boses na kanina lang ay basag na basag. "Papanoorin kita. Ngunit huwag mong isipin na dahil pumayag ako ay ibig sabihin noon ay pinagkakatiwalaan na kita nang buo." Sa kabila ng aking malamig na pahayag, nakita ko kung paano biglang nagbago ang anyo ni Lucas. Ang kaniyang mga mata na kanina lang ay puno ng takot at pakiusap ay biglang sumigla. Ang kaniyang mga labi ay dahan-dahang umarko sa isang maliit, ngunit totoong ngiti. Hindi siya nagreklamo na kulang ang ibinigay kong tiwala, sa halip, tila ba sapat na ang munting pagkakataong iyon para bigyan siya ng pag-asa. "Thank you for giving me a chance," bulong niya, ang kaniyang boses ay punong-puno ng labis na pasasalamat. Bakas sa kaniyang mukha na ang malamig kong pagpayag ay sapat na para sa kaniya sa ngayon. "Just watch me tomorrow. I will prove everything to you." Hindi na ako sumagot at ibinalik ko na lang ang aking ting
Tinitigan ko si Lucas. Ang kaniyang mga mata ay tila nag-aapoy na may kasamang malalim na sugat, isang pamilyar na mukha na biglang naging estranghero dahil sa tindi ng galit at paninibughong nakaguhit doon. Ang kaniyang dibdib ay mabilis na naghahanap ng hangin, parang naghahanap ng sagot na magpa
Pagkaalis ng sasakyan ni Nathan, ang tahimik at madilim na gabi ng aming barangay ang sumalubong sa akin. Bitbit ang aking backpack na tila may bigat ng isang daang sako ng semento dahil sa mga emosyong nakasara sa loob nito, dahan-dahan kong nilakad ang pamilyar na eskinita patungo sa aming bahay.
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ika
“Anya, aalis ka na ba?”Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa







