Share

Chapter 9: Drunken Ruth

TIKOM ANG BIBIG at nagtatagis ang bagang na sinundan ng tanaw ni Jasson si Samara. Batid niyang nagtatampo ang dalagita. Gusto niya itong suyuin at bumawi rito, ngunit oras na ginawa niya iyon… mawawala ang pader na binuo niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, naikuyom ang mga kamay at marahas siyang napabuga ng hangin bago tumalikod at tinungo ang mansion.

Muling tinungo ni Jasson ang mini bar ng ama at kumuha sa koleksiyon ng alak na naroon atsaka iyon dinala sa silid na kaniyang tutulugan.

"KUMUSTA?" bati ng kaklase ni Samara na si Cristine matapos nitong umupo sa upuan sa likuran niya atsaka ito pumangalumbaba sa armdesk.

"Ayos lang."

"Hmm, hindi ka na ba kinukulit nila Kurt?"

Umiling siya.

"Mabuti naman at nakuha sila sa usapan ni Jayson. At mabuti na lang din na hindi ka talaga pumayag. You didn't know what they can do to you."

"Salamat." Magaang sa loob na nginitian niya ito. Nakatutuwang isipin na tuluyan na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author Ms Iza SA update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status