Share

Kasinungalingan

Natigilan si Leonardo sa tanong ko. Na para bang hindi niya inaasahan ang itatanong ko sa kaniya. Marahan siyang napabuntong-hininga.

"Paano kung sabihin ko na oo? Lalayuan mo na ba ako? Rhianna, alam ko na wala kang nararamdaman para sakin kaya tinago ko ito sayo dahil ayaw kong masaktan. Gusto kita Rhianna, simula nang makita kita. Hindi ka na nawala sa isip ko. Ako naman ngayon ang magtatanong. Gusto mo ba ako?" wika niya.

Nakita ko mga mata niya ang sinseridad sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinabi niya sakin. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga nalaman ko. Hindi kayang iabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Sabagay gusto lang naman niya. Hindi niya ako mahal. Magkaiba yun.

"Rhianna. Tinatanong kita. Gusto mo ba ako o hindi?" tanong niyang muli sakin. Sabagay naging tapat naman siya sakin kaya walang dahilan para magsinungaling ako sa kaniya.

"Oo Leo, gusto kita. Basta bigla ko nalang naramdaman na masaya ak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status