Mag-log inILANG araw makalipas mula nang bumisita ang kaibigan ng kanyang magulang, nalaman din niya ang pakay ng mga ito sa kanyang mga magulang.
Alas diyes nang gabi noon at naalimpungatan si Gabriella nang maramdaman niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Naisipan niya bumangon at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Madilim ang sala pero sa kusina ay nakabukas pa ang ilaw. Bahagya din nakaawang ang pinto ng kwarto ng kanyang mga magulang kaya naisip niyang baka sa kubo natulog ang dalawa. Habang papalapit siya sa kusina ay nauulinigan na niya ang dalawang boses na nag uusap. Ang Mamang at Papang niya. Hindi pa pala natutulog ang mga ito. Napahinto siya ng hakbang papasok nang marinig niya ang Papang niya na nagsalita. "Masakit lang sa kalooban ko na sa loob ng mahigit benteng taong pagsasaka ko ay mawawala na ito sa susunod na taon. Ang pagsasaka na rin ang naging libangan at pangkabuhayan naten." malungkot na saad ni Gabriel habang humihigop ng mainit na tsaa. Bahagya pa niyang nasilip ang kanyang mga magulang na magkaharap sa lamesa at nag tsa-tsaa. Ramdam ni Gabriella ang sakit sa bawat salita ng Papang niya. Parang tumutusok iyon sa puso. Sumandal siya sa dingding upang magkubli para pakinggan ang usapan ng mga magulang. Gusto niyang malaman mabuti kung bakit nasabi ng Papang niya iyon. Mahabang katahimikan ang namagitan sa mag asawa. "Baka may ibang paraan pa para kahit isang pitak ay may matira sa aten, nang sa ganoon ay mayroon kang masaka," tila sa salita ni Mariella ay may pag asa pa itong nakikita. Marahang umiling si Gabriel. At naglabas ng buntong hininga. " Sana nga ay kahit isang pitak ay mapakiusapan ko ang anak ni Moises. Pero sa nakikita ko mukhang malayo ang ugali nito sa ama. Nahihiya na ako kay Moises, 'Mang. Buhat nang mamatay ang Amang ay hindi naman niya tinatanggap ang porsyento niya sa pag aani ko. Lalo na nang mabalitaan niyang mababa ang bentahan ng palay. Kung kay Moises lang, tiyak na papayag iyon. Sa haba ng pag uusap naten nung dumating sila ay puro ang anak niya ang nagsasalita. Si Moises ay tahimik lang at nakikinig. Ang paghaharap nateng iyon ay kontrolado ng anak niya." mahabang litanya ni Gabriel. Sumandal ito sa upuan at tumingin sa kisame na parang doon naghahanap ng solusyon. "Wag mo munang isipin iyon, 'Pang. Matagal pa naman iyon. Hanggat hindi pa nangyayari iyon ay samantalahin naten ang pagkakataon." Pagbibigay pag asa ni Mariella. Tumayo ito upang lapitan ang asawa at niyakap si Gabriel mula sa likod at hinihimas himas ang dibdib na sa paraang iyon ay maibsan ang bigat ng nararamdaman. Parang nagsisikip ang lalamunan ni Gabriella sa mga narinig. Naaawa siya sa kanyang Papang at nasasaktan siya para dito. Gusto niyang lapitan ang mga magulang upang damayan ang mga ito pero alam niyang sa umpisa pa lang ay ayaw na sa kanyang ipaalam ng mga ito ang tungkol doon. Ayaw din ng mga magulang niya na sa murang edad niya ay iisipin ang problemang pang sa kanila lamang. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. At bago pa siya makita ng kanyang mga magulang ay mabilis siyang lumakad pabalik sa kwarto. Ang uhaw niya ay hindi na naramdaman. Nakaramdam siya ng inis at galit sa anak ni Moises. Wala itong awa sa katulad ng Papang niyang magsasaka. Walang puso at walang kunsensya. Napatigil siya saglit. Naisip ni Gabriella na kung balak nitong kuhanin sa Papang niya ang malawak na lupaing sinasaka ng Papang niya, posibleng pati ang tinitrhan nila ay kuhanin din sa kanila. Saan sila titira? Ang Mamang niya ay nasa malayong probinsya ang mga kamag anakan. At ayon din sa Mamang niya ay nasakop na ng ibang kamag anakan nila ang parte ng angkan ng Mamang niya. Hindi sila mayaman at hindi rin naman mahirap. Ang kita ng Papang niya sa pagsasaka at kinikita ng Mamang niya sa pagluluto ng kakanin ay sapat sapat sa kanila at nagpaparaos sa kanila. Naibibigay sa kanya ng mga magulang ang karapatan niya bilang anak ng mga ito. Pero ang isiping paaalisin sila sa nakalakihan niyang lugar ay isang mabigat na suliranin para sa kanila. Ang inis at galit na naramdaman niya sa binatang anak noong Moises ay tila nadagdagan ng pagkasuklam. Sana man lang naisip nito kung saan sila pupulitin kung sakaling kuhanin nila lahat ng pagmamay ari nila. Sa narinig niyang sinabi ng Papang niya na hindi na tumanggap ng porysento ang kaibigan nito buhat ng mamatay ang Lolo niya, ay baka lalong kahiyaan ng Papang niya na makiusap na kahit ang bahay na iyon ay ipaubaya na lang sa kanila. Kilala niya ang kanyang Papang, hindi ito abusadong tao. At tiyak na magsasawalang kibo lamang ito lalo na kung marami ding naitulong ang Moises na iyon sa Papang niya. Lalo lamang malulungkot ang Papang niya kung sakaling maisipan ng anak ni Moises na pati ang bakurang inaward sa Papang niya bilang tenant ay magawan ng paraan ng binata na mabawi sa Papang niya. Walang imposible sa mga mapeperang tao. Kaya nilang bayaran lahat ng ahensya para lamang masabing sa legal na proseso dumaan ang pagsasaayos lahat ng papeles. Sa edad niyang disi sais anyos ngayon lamang siya nagkaroon ng suliranin at ngayon lang din niya naranasan ang mag isip at mabahala sa mga susunod na araw na mangyayari. Sa mga panahong siya ay lumalaki hindi pinaramdam ng kanyang mga magulang ang problema. Hindi niya naririnig na nagtatalo ang kanyang mga magulang. Nung una ay inakala niyang ang malawak na lupaing iyon ay pag aari nila, pero habang lumalaki at nagkakaisip siya ay binubuksan ng kanyang mga magulang ang kaisipan niyang ang nakalakihan niyang tirahan ay hindi totally sa kanila. At habang tumatagal ay nagiging suliranin din niya ito gaya ng pagiintindi ng magulang niya. Sa bawat araw na lilipas ay iniisip at nangangamba siyang isang araw mula ng malaman niya ang tungkol sa sakahin ng kanyang Papang ay hindi niya maiwasang hindi mag alala at mangamba para sa nararamdaman ng Papang at Mamang niya.After five years in Japan, Miguel and Gabriella returned to the Philippines with their twins. Yes, Gabriella gave birth to twins! The couple have fraternal twins - a boy and a girl. Mas higit ang kasiyahan ni Moises at Mariella nang malaman mula sa ultrasound na kambal ang dinadala ni Gabriella. Sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Gabriella ay lumipad ang magbalae sa Japan upang salubungin ang panganganak ng buntis. Hindi mapagkakamalang kambal ang dinadala ni Gabriella dahil maliit lamang ang tiyan at hindi man lang nagbago ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis. Hindi naging madali kay Gabriella ang panganganak niya sa kambal dahil halos sampung oras itong naglalabor. "Oh God, honey! It really hurts," daing ni Gabriella sa asawa nang gumuhit ang matinding hilab sa tiyan papuntang puson. Kasalukuyang nakahiga si Gabriella sa birthing bed dahil ayun sa doctor ay fully dilated na ang cervix ni Gabriella at handa nang lumabas ang bata. Awang-awa si Migu
BEFORE the abduction... "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong kidnap-in natin ang asawa mo. At talagang isinama mo pa kame ni Mark," galit na galit ang tono ni Dave kay Miguel. "At talagang may dala ka pang pampatulog. Talaga bang pinagplanuhan mo ang asawa mo?" hindi maawat na sabi nito. Sinulyapan nito si Gabriella na walang malay habang nakahiga sa backseat at ang ulo ay nakaunan sa hita ni Miguel. Habang si Mark naman ang nagdadrive at napapailing na tumingin kay Miguel. "Pwede akong madisbarred sa ginagawa mo, Miguel," tinanggal nito ang nakatakip sa mukha pati na rin ang shades na pilit pinasuot sa kanya ni Miguel kanina saka hinagis sa kaibigan. Mabilis na nasalo ni Miguel ang hinagis ni Dave upang huwag tumama sa mukha ni Gabriella. "Wala nang kasunod ito. Una't huli na nating gagawin ito," pigil ang tawang sabi ni Miguel at tiningnan si Mark. "Sa Antipolo tayo," sabi niya. "Bakit doon mo dadalhin ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang iuwi sa mansyon?" takang tano
SA BIGLANG pagdilat ng mga mata ni Gabriella ay wala siyang makita. Gumapang ang takot at pag-aalala sa isip niya dahil kahit saan niya ilinga ang ulo niya ay puro kadiliman ang nakikita niya. Idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Pakiramdam niya ay para siyang kakapusan ng hininga. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya maigalaw dahil nakatali ang mga iyon sa likod niya. Nakapiring ba ang mga mata niya kaya wala siyang maaninag at makita? Bigla ay naalala niya ang mga huling sandali bago siya panawan ng malay. Ang itim na kotse na pabalik-balik. Ang panyong itinakip sa ilong niya. At ang lalaking nakabalot ang mukha. Iyon ang mga naaalala niya. Kinidnap ba siya ng sakay ng itim na kotse na iyon? Gumapang ang kilabot sa katawan ni Gabriella. Noon niya nahiling na sana sa mga oras na iyon ay nasa Japan siya at kasama si Miguel. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan sa takot na baka may ginawa sa kanya ang mga lalaking iyon. Gusto na niyang magbreakdown at umiyak.
"I'M REALLY sorry, tito Moises," halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Halos lumuhod ito sa harap ni Moises para magmakaawa. "The damage has been done, Samantha. Sana naisip mo muna ang mga naitulong ko sa ama mo bago mo kame siraan mag-ama ng ganoon kay Gabriella. Ni hindi ka nangimi na gumawa ng ganoong iskandalo dito mismo sa kompanya ko at sa mismong manugang ko pa!" hindi napigilan ni Moises ang tinitimping galit at naihampas ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Samantha sa paghampas na iyon ni Moises. Hindi makatingin ng deretso si Samantha dahil sa nakikitang sobrang galit na nakalarawan sa mukha ni Moises sa kanya. Ngayon lamang niya nakitang magalit si Moises. Mabagsik ang mukha nito at malayong malayo sa nakilala niyang Moises. Hindi niya akalain na ang laging nakangiti ay may tinatago palang bagsik pag nagalit. Si Dave ay tahimik lamang na nakatunghay sa pag-uusap ng dalawa at hindi humahalo sa usapan ng dalawa. Ang kaninang mataray at mapagmalaking babae ay
"PRIDE ang umiiral sa iyo, kaya ka ganyan. Nagpadala ka sa mga sinasabi ng Samanthang iyon. Oo, totoo lahat ng mga nakita mo sa dokumentong iyon, pero hindi mo ba naisip na ginawa namin iyon ng Papang mo para sa ikakabuti mo? At sa part naman ni Miguel, ikaw mismo, Gabriella ang magpapatunay kung ano talaga ang hangarin niya sa iyo. Na talaga bang ginamit ka lang niya para masecure ang mana niya?" mahabang pahayag ni Mariella at tiningnan mabuti ang anak. Dalawang araw nang nakauwi ang anak niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ni Mariella ang anak. Umuwi ito na mugto ang mga mata at nagkulong sa kwarto. Hindi siya pinapansin ng anak at ramdam niya na may problema ito. Kung hindi pa tumawag si Moises ay hindi niya malalaman ang dahilan ng pag-uwi nito. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero sana kinausap mo ang asawa mo at hiningan mo siya ng paliwanag, hindi iyong naniwala ka kaagad sa sinasabi ni Samantha. Siguradong may dahilan si Miguel at si Moises kung ba
BAGO umuwi ng Bulacan si Gabriella ay sumaglit muna siya kay Anna na noong araw ding iyon ay nabalitaan niyang nanganak na at sa bahay lamang inabutan ng pangaganak. Masaya at maaliwalas ang mukha ni Anna nang makita siya, at taliwas naman sa tinatago niyang lungkot. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na. Binitbit lamang niya ang mga gamit niya at iniwan ang mga bagay na binigay ni Miguel sa kanya. Tanging ang wedding ring at ang engagement ring na suot ang hindi niya kayang iwan. Hindi naman ganoon kadali na sa isang iglap lamang ay mawawala ang pagmamahal niya kay Miguel. Pero ang sakit na dulot nito ay iniinda rin naman niya. At bago siya umalis ay kinausap ulit siya ni Moises. "Hindi pa alam ni Miguel ang plano mo. Hindi ko sinabi dahil baka sakaling magbago ang isip mo." huminga ito ng malalim. "Sa mga oras na ito, siguradong nagsisimula nang maubos ang pasensya ng anak ko dahil lahat ng tawag niya ay hindi ko sinasagot." Napalunok si Gabriella at nakaramdam ng







