Mag-log inTAHIMIK na sinundan na lamang ng tingin ni Miguel ang papalayong dalaga na gustuhin man niyang makilala ng personal ay isinantabi na lang muna niya. Nakita niya ang takot at pagkapahiya sa mukha nito. She's more beautiful in person. Her innocent eyes can be decieving. Kung sa larawan ay tila siya nahipnotismo, sa personal ay tila ang dalaga ang nahipnotismo niya. And they can't deny the attraction between them. Na para bang pareho silang nakuryente sa mga tinginan nila.
Napabuntong hininga siya sa isiping matatapos ang gabing iyon na hindi nakadaupang palad ang dalaga. At hindi rin siya makapaniwala na ganun na lamang ang epekto nito sa pagkalalake niya. Tumuloy siya sa sala at binalikan ang larawang nakasabit. Inilabas niya ang kanyang cellphone at sa mabilisang kilos ay kinuhanan niya ang larawang iyon. Itinaas niya ang kamay upang abutin ang larawan at marahang hinaplos ang mga labi nito. Iyon ang gusto niyang gawin kanina nang makita ang dalaga sa personal, ang damhin ang mapang akit nitong labi. Ngumiti si Miguel at bumulong ng paalam sa larawan ng dalaga. Nakakasiguro siyang matatagalan bago ulit siya makabalik sa lugar na ito. At kahit siya ay hindi sigurado kung kelan niya ulit makikita ang dalaga. Sa isang banda ay mas mainam na rin na hanggang sa tinginan lamang ang namagitan sa kanila at hindi na lumawig pa. Marahan siyang lumakad patungo sa pinto ng sala at lumabas na ng bahay. Sa labasan ay nakatayo na ang ama at si Samantha sa tabi ng sasakyan at nagpapaalam na sa mag asawang Joson. "Mag iingat kayo, Moises. At salamat sa pagdalaw nyo. Sana makabalik ulit kayo," sabi ni Gabriel na malungkot na nagpapaalam sa kababata. "Hayaan mo at babalik ako kasama si Miguel." nakangiting turan nito. "Mariella, ingatan mo itpng kaibigan ko. Hindi ko man lang nakita ng personal ang unica hija nyo," baling naman nito sa babaeng Joson. "Sayang nga eh, malamang andun pa iyon sa mga kaibigan niya. Hindi bale may susunod pa naman," may panghihinayang na sabi nito. Gustong sabihin ni Miguel sa babaeng Joson na nakauwi na ang anak nila pero mas pinili na lamang niyang huwag magsalita. Mabuti na lang at sa loob siya nagdaan at nagdahilan sa mga ito na gagamit muna ng CR bago umuwi. "Let's go. Baka matrapik tayo sa daan," aya ni Miguel at binukasan na ang pinto ng sasakyan. "Salamat po tita, tito." Naglahad si Miguel ng kamay para magpaalam na. Inabot naman ng mag asawa iyon at bumulong din ng pasasalamat. Sumakay na rin si Samantha sa back seat at nagpaalam sa mag asawa. Si Moises ay niyakap muli ang kaibigan at pagkatapos ay nagpaalam na rin sa mag asawa. Bago sumakay sa passenger seat ay kumaway pa muli ito. Marahang pinaandar na ni Miguel ang sasakyan papalabas ng bakuran. Bago tuluyang makaliko ay bumusina muna ito ng dalawang beses. Sinundan ng kaway ng mag asawa ang papalayong sasakyan hanggang sa hindi na nila matanaw ang mga ito. Maya maya lamang ay sabay nang pumasok ang mag asawa nang maisara na ni Gabriel ang malaking gate. Nagulat pa ang mag asawa nang makitang nakatayo sa pinto ang anak nila at tila hinihintay sila. "Kanina ka pa ba nakauwi?" tanong Gabriel sa anak sa nagtatakang tono. "Hindi ka man lang nakita at nakilala ng kaibigan ng Papang mo. Kaaalis lang nila kasama ang anak at girlfriend nito," sabi ni Mariella at inabot ang kamay ng anak para magmano. Ah, mag ama pala yung dalawang lalake at tama ang hinala niyang magkarelasyon ang lalakeng nakita niya sa kusina at yung babaeng nakapalupot sa braso nito sa kubo. "Kadarating ko lang po, Mamang dumeretso ako sa kwarto para makapagpalit," sagot niya at kinuha ang kamay ni Gabriel para magmano din. Nagbigay siya ng daan para makapasok ang mga magulang sa loob. Ang Papang niya at nahahapong umupo sa mahabang sofa at iniunat ang mga paa. Habang ang kanyang ina ay dumeretso sa kusina. "Kumain ka na, Gabriella at nagluto ang Mamang mo ng kalderetang bibe." sabi ng Papang niya at binuksan ang tv para manood. Tumalima naman siya at dumeretso sa kusina. Andun ang Mamang niya at hinuhugasan ang mga ginamit ng bisita. "Kakain ka na ba?" Hininto ni Mariella ang ginagawa at akmang ipaghahain siya. "Ako na po, 'Mang." Awat ni Gabriella sa ina at pinagsandok na ang sarili. Tahimik na kumain si Gabriella at hinihintay na magkwento ang ina tungkol sa mga bisita. Ngunit natapos itong maghugas ng mga pinggan ay wala itong sinabi. Sabagay sanay na siya sa Mamang niya, kung hindi mo tanungin ay hindi din magkukwento. Tipikal na guro, may pagkaistrikta. "Pagkatapos mong kumain, Gabriella, ikaw na magsara ng pinto at i-off mo ang mga ilaw," utos nito sa kanya. Tumango lamang siya at sinundan ng tingin ang ina na papasok sa sala. Mukhang wala talagang balak ang Mamng niya magkwento, nahihiya din naman siyang magtanong. Naisip niya na baka nadaan lang ang mga bisita nila dito ng hindi inaasahan. Pero sinu nga ba ang mga bisita ng kanyang Papang, hindi kaya ito iyong tinutukoy ng Mamang niya na may ari ng lupaing tinitiran nila at ng sinasaka ng kanyang Papang? Pero ang pagkakaalam niya ay matagal na din ang huling punta ng mga ito sa kanila. Nakakatiyak siyang may sadya ang mga ito sa kanila na importante dahil nakakapagtaka naman na bigla na lamang ito sumulpot ngayon. Sumagi sa isip niya ang binatang nakita niya sa kusina. Medyo nakakatakot din ang mga tinging ibinigay nito sa kanya. At nakakaintimidate itong tumingin. Marahil ay malaki ang agwat ng taon nito sa kanya pero kahit sinu naman teenager na kagaya niya ay imposibleng hindi humabga sa gwapong bisita. Ngayon siya nakaramdam ng panghihinayang na hindi man lang siya lumabas at nagpakita. Baka sakaling naipakilala sa kanya ng pormal ang binata. Pero may girlfriend ito. Bigla ay naisip niyang posibleng malapit na rin ito ikasal. Nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang sa isiping iyon. Tiyak na matatagalan na din ang pagbisitang muli ng mga kaibigan ng Papang niyaAfter five years in Japan, Miguel and Gabriella returned to the Philippines with their twins. Yes, Gabriella gave birth to twins! The couple have fraternal twins - a boy and a girl. Mas higit ang kasiyahan ni Moises at Mariella nang malaman mula sa ultrasound na kambal ang dinadala ni Gabriella. Sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Gabriella ay lumipad ang magbalae sa Japan upang salubungin ang panganganak ng buntis. Hindi mapagkakamalang kambal ang dinadala ni Gabriella dahil maliit lamang ang tiyan at hindi man lang nagbago ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis. Hindi naging madali kay Gabriella ang panganganak niya sa kambal dahil halos sampung oras itong naglalabor. "Oh God, honey! It really hurts," daing ni Gabriella sa asawa nang gumuhit ang matinding hilab sa tiyan papuntang puson. Kasalukuyang nakahiga si Gabriella sa birthing bed dahil ayun sa doctor ay fully dilated na ang cervix ni Gabriella at handa nang lumabas ang bata. Awang-awa si Migu
BEFORE the abduction... "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong kidnap-in natin ang asawa mo. At talagang isinama mo pa kame ni Mark," galit na galit ang tono ni Dave kay Miguel. "At talagang may dala ka pang pampatulog. Talaga bang pinagplanuhan mo ang asawa mo?" hindi maawat na sabi nito. Sinulyapan nito si Gabriella na walang malay habang nakahiga sa backseat at ang ulo ay nakaunan sa hita ni Miguel. Habang si Mark naman ang nagdadrive at napapailing na tumingin kay Miguel. "Pwede akong madisbarred sa ginagawa mo, Miguel," tinanggal nito ang nakatakip sa mukha pati na rin ang shades na pilit pinasuot sa kanya ni Miguel kanina saka hinagis sa kaibigan. Mabilis na nasalo ni Miguel ang hinagis ni Dave upang huwag tumama sa mukha ni Gabriella. "Wala nang kasunod ito. Una't huli na nating gagawin ito," pigil ang tawang sabi ni Miguel at tiningnan si Mark. "Sa Antipolo tayo," sabi niya. "Bakit doon mo dadalhin ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang iuwi sa mansyon?" takang tano
SA BIGLANG pagdilat ng mga mata ni Gabriella ay wala siyang makita. Gumapang ang takot at pag-aalala sa isip niya dahil kahit saan niya ilinga ang ulo niya ay puro kadiliman ang nakikita niya. Idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Pakiramdam niya ay para siyang kakapusan ng hininga. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya maigalaw dahil nakatali ang mga iyon sa likod niya. Nakapiring ba ang mga mata niya kaya wala siyang maaninag at makita? Bigla ay naalala niya ang mga huling sandali bago siya panawan ng malay. Ang itim na kotse na pabalik-balik. Ang panyong itinakip sa ilong niya. At ang lalaking nakabalot ang mukha. Iyon ang mga naaalala niya. Kinidnap ba siya ng sakay ng itim na kotse na iyon? Gumapang ang kilabot sa katawan ni Gabriella. Noon niya nahiling na sana sa mga oras na iyon ay nasa Japan siya at kasama si Miguel. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan sa takot na baka may ginawa sa kanya ang mga lalaking iyon. Gusto na niyang magbreakdown at umiyak.
"I'M REALLY sorry, tito Moises," halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Halos lumuhod ito sa harap ni Moises para magmakaawa. "The damage has been done, Samantha. Sana naisip mo muna ang mga naitulong ko sa ama mo bago mo kame siraan mag-ama ng ganoon kay Gabriella. Ni hindi ka nangimi na gumawa ng ganoong iskandalo dito mismo sa kompanya ko at sa mismong manugang ko pa!" hindi napigilan ni Moises ang tinitimping galit at naihampas ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Samantha sa paghampas na iyon ni Moises. Hindi makatingin ng deretso si Samantha dahil sa nakikitang sobrang galit na nakalarawan sa mukha ni Moises sa kanya. Ngayon lamang niya nakitang magalit si Moises. Mabagsik ang mukha nito at malayong malayo sa nakilala niyang Moises. Hindi niya akalain na ang laging nakangiti ay may tinatago palang bagsik pag nagalit. Si Dave ay tahimik lamang na nakatunghay sa pag-uusap ng dalawa at hindi humahalo sa usapan ng dalawa. Ang kaninang mataray at mapagmalaking babae ay
"PRIDE ang umiiral sa iyo, kaya ka ganyan. Nagpadala ka sa mga sinasabi ng Samanthang iyon. Oo, totoo lahat ng mga nakita mo sa dokumentong iyon, pero hindi mo ba naisip na ginawa namin iyon ng Papang mo para sa ikakabuti mo? At sa part naman ni Miguel, ikaw mismo, Gabriella ang magpapatunay kung ano talaga ang hangarin niya sa iyo. Na talaga bang ginamit ka lang niya para masecure ang mana niya?" mahabang pahayag ni Mariella at tiningnan mabuti ang anak. Dalawang araw nang nakauwi ang anak niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ni Mariella ang anak. Umuwi ito na mugto ang mga mata at nagkulong sa kwarto. Hindi siya pinapansin ng anak at ramdam niya na may problema ito. Kung hindi pa tumawag si Moises ay hindi niya malalaman ang dahilan ng pag-uwi nito. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero sana kinausap mo ang asawa mo at hiningan mo siya ng paliwanag, hindi iyong naniwala ka kaagad sa sinasabi ni Samantha. Siguradong may dahilan si Miguel at si Moises kung ba
BAGO umuwi ng Bulacan si Gabriella ay sumaglit muna siya kay Anna na noong araw ding iyon ay nabalitaan niyang nanganak na at sa bahay lamang inabutan ng pangaganak. Masaya at maaliwalas ang mukha ni Anna nang makita siya, at taliwas naman sa tinatago niyang lungkot. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na. Binitbit lamang niya ang mga gamit niya at iniwan ang mga bagay na binigay ni Miguel sa kanya. Tanging ang wedding ring at ang engagement ring na suot ang hindi niya kayang iwan. Hindi naman ganoon kadali na sa isang iglap lamang ay mawawala ang pagmamahal niya kay Miguel. Pero ang sakit na dulot nito ay iniinda rin naman niya. At bago siya umalis ay kinausap ulit siya ni Moises. "Hindi pa alam ni Miguel ang plano mo. Hindi ko sinabi dahil baka sakaling magbago ang isip mo." huminga ito ng malalim. "Sa mga oras na ito, siguradong nagsisimula nang maubos ang pasensya ng anak ko dahil lahat ng tawag niya ay hindi ko sinasagot." Napalunok si Gabriella at nakaramdam ng







