Home / Romance / You Are Only Mine(TAGALOG) / 6 Pagdadalamhati...

Share

6 Pagdadalamhati...

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-07-19 21:12:12

MABILIS lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon na tila normal na pamumuhay para sa mga magulang niya. Habang siya ay paminsan minsan na sumasagi na baka ano mang oras ay kausapin siya ng mga magulang niya at sabihing lilisanin na nila ang lugar na kinalakihan niya. Sa tuwing pagmamasdan niya ang kanyang mga magulang ay tila hindi iniintindi ang suliraning iyon. O baka naman tanggap na ng mga ito ang desisyon ng binatang anak nung Moises. Sa puntong iyon ay mas lalo naman dapat nang tanggapin ni Gabriella ang ganung pagpapasya. Kailangan na din niyang tanggapin sa sarili iyon.

Hapon noon, at medyo makulimlim ang panahon na may kasamang malakas na hangin. Gumagawa ng report project si Gabriella sa kwarto niya nang marinig niya na may tumatawag sa harapan nila. Alam niyang andun ang Mamang niya sa harap at inaayos ang mga pananim nitong halaman kaya hindi na siya tumayo para silipin kung sino ang tumatawag. Ang Papang naman niya ay umalis at pumunta ng kabayan para bumili ng pataba sa palay, ganun din ng patuka para sa nga alaga nitong bibe at manok.

Itinuloy na niya ang paggawa ng report at ipapasa na niya iyon sa susunod na araw. Ilang buwan na lamang ay gagraduate na siya ng Senior Highschool kaya naman ayaw niyang magkaroon ng problema sa kanyang grades.

Ngunit napatigil siya sa ginagawa nang marinig niya ang kanyang Mamang na umiiyak at nagsasalita nang, "Hindi! Masigla pa sya ng umalis dito kanina!" Nang marinig ni Gabriella iyon at biglang may kumabog sa dibdib niya.

Dali dali siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Huminto siya sa pinto nang makita ang Mamang niya na nakasalampak sa lupa at tutop ng dalawang kamay ang mukha at yumuyugyog ang balikat sa pag iyak.

Si Mang Domeng na tauhan ng kanyang Papang sa pagbubukid ang andun at hinihimas ang likod ng kanyang Mamang at sinasabihan na magpakatatag ito.

Unti unti ang pagbilis ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya ay nasa tabi ng tenga niya ang puso niyang malakas ang pagkabog. Halos wala na siyang maunawaan at marinig sa sinasabi ni Mang Domeng.

Dahan dahang lumapit si Gabriella sa Mamang niya na parang wala sa sarili. Hindi na niya kailangan magtanong. Alam niyang ang Papang ang dahilan bakit umiiyak ang Mamang niya. Wala na ang kanyang Papang. Iniwan na sila.

Naramdaman niyang hinawakan siya sa braso ng kanyang Mamang upang abutin at yakapin. Ramdam niyang sobrang higpit ng yakap ng kanyang Mamang na para bang sa kanya kumukuha ng lakas. Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol sa sobrang sakit. Parang sasabog ang dibdib niya. Paano na sila ng kanyang Mamang ngayon wala na ang kanyang Papang?

Sobrang bilis ng pangyayari. Alas diyes na ng gabi ng maibaba ng serbisyo ang labi ng kanyang Papang. Ang kapatid na babae ng Papang niya na taga kabilang baryo ay kaagad na pumunta sa kanila nang mabalitaan ang tungkol sa Papang niya. Nakatulong din nila ang mga pamilya ng mga tauhan ng Papang niya sa pagaayos ng bahay nila para sa pagbuburulan ng Papang niya.

Ayon kay Mang Domeng, dinaanan daw siya ni Gabriel sa bahay at nagpadrive sa kanya gamit ang owner jeep nila. Nakabili pa sila ng pataba at patuka sa kabayanan. Habang binabagtas daw nila ang daan pauwi ay dumaing na daw si Gabriel kay Mang Domeng ng paninikip ng dibdib. Kaya naman daw ipinaling kagad ni Mang Domeng ang sasakyan pabalik sa kabayanan kung saan may malapit na hospital. Dahil napansin din daw ni Mang Domeng na namumutla na si Gabriel. Pagdating sa ER ay nasuri pa daw ng doctor at nurse si Gabriel at binigyan ng first aid pero sadyang mahina na ang pulsong namomonitor sa kanya. Biglaang atake sa puso yun ang sabi ng doctor. Naikuwento din ni Mang Domeng na dumadaing sa kanilang mga tauhan si Gabriel na baka anumang oras ay kuhanin na ng may ari ang lupaing sinasaka nila. Sa palagay ni Mang Domeng ay masyadong dinamdam ni Gabriel iyon at inaalala ang mga tauhan niyang mawawalan ng trabaho sa pagsasaka.

Habang kinukwento ni Mang Domeng ang mga pangyayari ay hindi niya mapigilang bumangon ang galit sa binatang anak ni Moises. Dinamdam at inintindi ng Papang niya ang paguusap nilang iyon ng binata. Ang Mamang niya ay tahimik na umiiyak sa harap ng kabaong ng kanyang Papang. Hindi sila makapaniwala na sa isang iglap lang ay nawala sa kanila ang Papang nila.

Nilapitan niya ang kanyang ina at niyakap.

"'Mang, kaya naten 'to, di ba?" halos mabasag ang boses niyang bulong sa ina. Ayaw niyang umiyak at magpakita ng kahinaan sa Mamang niya. "Alam kong hindi kagustuhan ni Papang na iwanan tayo sa ganitong sitwasyon, pero may tiwala siya sa aten, na kakayanin naten ito." Kahit sya gusto niyang maniwala na ganoon nga. Gusto niyang palakasin ang loob niya.

Bahagyang yumugyog ang mga balikat ng kanyang Mamang habang hinahaplos haplos ang salamin ng kabaong ng asawa.

"Siguro nga ay may dahilan ang lahat ng nangyayaring ito. Pero alam kong kahit wala na ang Papang mo ay hindi nya pa rin tayo pababayaan." mahinahon ang salita ni Mariella at bahagyang pinahid ang luhang hindi mapatid patid sa pagtulo.

Marahang humarap si Mariella sa anak at hinawakan ang mga kamay nito saka tumingin sa asawang payapang nakahimlay sa kabaong.

"Kakayanin ko, anak. Nangako ako sa Papang mo na magpapakatatag ako. At ipangako mo sa akin na magtatapos ka ng pag aaral mo, Gabriella. Kahit wala na ang Papang mo, ako ang magtataguyod sa iyo. Kaya naten ito, anak." pilit nitong pinipigil ang hikbing gustong kumawala sa bibig.

Payakap na sumubsob sa balikat si Gabriella sa kanyang ina at pinakawalan ang pinipigil na iyak kanina pa. Awang awa siya sa kanyang Mamang na pinipilit maging matapang kahit alam niyang hinang hina na ito. Strikta sa kanya ang Mamang niya pero pagdating sa Papang niya ay nakikita niyang tila ito batang musmos pagnaglalambing. Masyado itong nakasandal sa Papang niya. Bawat salita ng Papang niya ay pinahahalagahan nito at sinusunod. Kaya alam ni Gabriella ba pinipilit lamang nitong maging matatag at malakas para sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   SPECIAL CHAPTER: THE BIG DAY

    After five years in Japan, Miguel and Gabriella returned to the Philippines with their twins. Yes, Gabriella gave birth to twins! The couple have fraternal twins - a boy and a girl. Mas higit ang kasiyahan ni Moises at Mariella nang malaman mula sa ultrasound na kambal ang dinadala ni Gabriella. Sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Gabriella ay lumipad ang magbalae sa Japan upang salubungin ang panganganak ng buntis. Hindi mapagkakamalang kambal ang dinadala ni Gabriella dahil maliit lamang ang tiyan at hindi man lang nagbago ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis. Hindi naging madali kay Gabriella ang panganganak niya sa kambal dahil halos sampung oras itong naglalabor. "Oh God, honey! It really hurts," daing ni Gabriella sa asawa nang gumuhit ang matinding hilab sa tiyan papuntang puson. Kasalukuyang nakahiga si Gabriella sa birthing bed dahil ayun sa doctor ay fully dilated na ang cervix ni Gabriella at handa nang lumabas ang bata. Awang-awa si Migu

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   101 Ever After

    BEFORE the abduction... "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong kidnap-in natin ang asawa mo. At talagang isinama mo pa kame ni Mark," galit na galit ang tono ni Dave kay Miguel. "At talagang may dala ka pang pampatulog. Talaga bang pinagplanuhan mo ang asawa mo?" hindi maawat na sabi nito. Sinulyapan nito si Gabriella na walang malay habang nakahiga sa backseat at ang ulo ay nakaunan sa hita ni Miguel. Habang si Mark naman ang nagdadrive at napapailing na tumingin kay Miguel. "Pwede akong madisbarred sa ginagawa mo, Miguel," tinanggal nito ang nakatakip sa mukha pati na rin ang shades na pilit pinasuot sa kanya ni Miguel kanina saka hinagis sa kaibigan. Mabilis na nasalo ni Miguel ang hinagis ni Dave upang huwag tumama sa mukha ni Gabriella. "Wala nang kasunod ito. Una't huli na nating gagawin ito," pigil ang tawang sabi ni Miguel at tiningnan si Mark. "Sa Antipolo tayo," sabi niya. "Bakit doon mo dadalhin ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang iuwi sa mansyon?" takang tano

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   100 Abduction

    SA BIGLANG pagdilat ng mga mata ni Gabriella ay wala siyang makita. Gumapang ang takot at pag-aalala sa isip niya dahil kahit saan niya ilinga ang ulo niya ay puro kadiliman ang nakikita niya. Idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Pakiramdam niya ay para siyang kakapusan ng hininga. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya maigalaw dahil nakatali ang mga iyon sa likod niya. Nakapiring ba ang mga mata niya kaya wala siyang maaninag at makita? Bigla ay naalala niya ang mga huling sandali bago siya panawan ng malay. Ang itim na kotse na pabalik-balik. Ang panyong itinakip sa ilong niya. At ang lalaking nakabalot ang mukha. Iyon ang mga naaalala niya. Kinidnap ba siya ng sakay ng itim na kotse na iyon? Gumapang ang kilabot sa katawan ni Gabriella. Noon niya nahiling na sana sa mga oras na iyon ay nasa Japan siya at kasama si Miguel. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan sa takot na baka may ginawa sa kanya ang mga lalaking iyon. Gusto na niyang magbreakdown at umiyak.

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   99 Cry Out Loud

    "I'M REALLY sorry, tito Moises," halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Halos lumuhod ito sa harap ni Moises para magmakaawa. "The damage has been done, Samantha. Sana naisip mo muna ang mga naitulong ko sa ama mo bago mo kame siraan mag-ama ng ganoon kay Gabriella. Ni hindi ka nangimi na gumawa ng ganoong iskandalo dito mismo sa kompanya ko at sa mismong manugang ko pa!" hindi napigilan ni Moises ang tinitimping galit at naihampas ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Samantha sa paghampas na iyon ni Moises. Hindi makatingin ng deretso si Samantha dahil sa nakikitang sobrang galit na nakalarawan sa mukha ni Moises sa kanya. Ngayon lamang niya nakitang magalit si Moises. Mabagsik ang mukha nito at malayong malayo sa nakilala niyang Moises. Hindi niya akalain na ang laging nakangiti ay may tinatago palang bagsik pag nagalit. Si Dave ay tahimik lamang na nakatunghay sa pag-uusap ng dalawa at hindi humahalo sa usapan ng dalawa. Ang kaninang mataray at mapagmalaking babae ay

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   98 Confirmed

    "PRIDE ang umiiral sa iyo, kaya ka ganyan. Nagpadala ka sa mga sinasabi ng Samanthang iyon. Oo, totoo lahat ng mga nakita mo sa dokumentong iyon, pero hindi mo ba naisip na ginawa namin iyon ng Papang mo para sa ikakabuti mo? At sa part naman ni Miguel, ikaw mismo, Gabriella ang magpapatunay kung ano talaga ang hangarin niya sa iyo. Na talaga bang ginamit ka lang niya para masecure ang mana niya?" mahabang pahayag ni Mariella at tiningnan mabuti ang anak. Dalawang araw nang nakauwi ang anak niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ni Mariella ang anak. Umuwi ito na mugto ang mga mata at nagkulong sa kwarto. Hindi siya pinapansin ng anak at ramdam niya na may problema ito. Kung hindi pa tumawag si Moises ay hindi niya malalaman ang dahilan ng pag-uwi nito. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero sana kinausap mo ang asawa mo at hiningan mo siya ng paliwanag, hindi iyong naniwala ka kaagad sa sinasabi ni Samantha. Siguradong may dahilan si Miguel at si Moises kung ba

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   97 Unstoppable

    BAGO umuwi ng Bulacan si Gabriella ay sumaglit muna siya kay Anna na noong araw ding iyon ay nabalitaan niyang nanganak na at sa bahay lamang inabutan ng pangaganak. Masaya at maaliwalas ang mukha ni Anna nang makita siya, at taliwas naman sa tinatago niyang lungkot. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na. Binitbit lamang niya ang mga gamit niya at iniwan ang mga bagay na binigay ni Miguel sa kanya. Tanging ang wedding ring at ang engagement ring na suot ang hindi niya kayang iwan. Hindi naman ganoon kadali na sa isang iglap lamang ay mawawala ang pagmamahal niya kay Miguel. Pero ang sakit na dulot nito ay iniinda rin naman niya. At bago siya umalis ay kinausap ulit siya ni Moises. "Hindi pa alam ni Miguel ang plano mo. Hindi ko sinabi dahil baka sakaling magbago ang isip mo." huminga ito ng malalim. "Sa mga oras na ito, siguradong nagsisimula nang maubos ang pasensya ng anak ko dahil lahat ng tawag niya ay hindi ko sinasagot." Napalunok si Gabriella at nakaramdam ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status