IKALAWANG gabi na ng Papang ni Gabriella. Dumagsa ang mga kamag anak ng Mamang niya galing pang Maynila upang makiramay. Dumating din Si Lora na kaibigan niya kasama si Karl at iba pang mga classmates niya. Ang mga dating ka-guro ng Mamang niya ay nakiramay din at hindi din naman nagtagal ay umalis na din.
Nasa isang mahabang lamesa nakapwesto ang mga kaklase niya at tinutulungan siya nina Lora at Karl na asikasuhin ang mga ito na mabigyan ng pagkain at inumin. Ang Mamang naman niya ay paminsan minsan niyang sinisilip na sa bawat may darating na makikiramay ay hindi mapigilang bumuhos ang mga luha. Sobrang bigat sa pakiramdam sa tuwing nakikita niya ang kanya ina na umiiyak. Kasalukuyan niyang ibinababa ang nilutong sopas ng asawa ni Mang Domeng sa mga kaklase niyang nang mapansin niyang may humintong sasakyan sa harapan ng gate nila. Napatigil siya at nabitin sa ere ang isang mangkok na sopas na dapat ay ilalapag niya sa lamesa. Pamilyar sa kanya ang sasakyang huminto sa harapan ng gate nila. Napansin ni Lora ang panginginig ng kamay niya kaya dali dali naman itong lumapit sa kanya at kinuha ang mangkok ng sopas na hawak. "Gabriella, ayos ka lang ba?" ito na ang nagbaba ng mainit na sopas sa lamesa sa takot na matapon ito. "Kainin nyo na habang mainit". sabay baling sa mga kaklase nila. Binalingan ni Lora si Gabriella at inalalayang maupo. Mabilis namang lumapit si Karl sa kanilang dalawa at nagtatakang sinundan ng tingin ang direksyon ng mga mata ni Gabriella. Ang mag amang Mortiz. Kasalukuyang inaalalayan ni Miguel ang amang makababa ng sasakyan. Nang itawag ni Mang Domeng sa kanila ang pagkamatay ni Gabriel ay ora-mismo ay gustong pumunta ni Moises upang makita at damayan ang naulilang mag iina ni Gabriel. Ngunit pinigilan ito ni Miguel dahil kagagaling lang din nito sa sakit. Nagtalo pa ang mag ama ngunit sa bandang huli ay mas nanaig ang pagpapasya ni Miguel dahil pinangakuan itong pupunta sila kinabukasan pero kailangan na munang ipahinga ni Moises ang katawan. Marahang isinara ni Miguel ang pinto ng sasakyan at maya maya lang ay pinaandar na ng kasama nilang driver ang sasakyan upang humanap ng paparadahan. Nakaalalay si Miguel sa ama sa mabilis pero marahang lakad nito. Nadaanan nila ang pwesto nila Gabriella at nagtama ang kanilang mga mata. Sari saring emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Malayo sa larawang nakita niya noong unang kita niya dito. Si Gabriella naman ay nanginginig sa galit nang makita ang mag amang Mortiz. Sila ang dahilan ng atake sa puso ng Papang niya. Gusto niya isigaw iyon. Hindi niya napigilan ang luhang kusang tumulo sa mga pisngi niya. Si Lora ay napatingin din sa direksyon ng mga mata ni Gabriella. Marahan niyang hinimas ang likod ng kaibigan upang payapain ito. Si Karl ay nakuhang hawakan ang mga kamay ni Gabriella at umupo sa harap nito. Marahang hinawakan ang mukha ni Gabriella at pilit hinarap sa kanya upang maalis ang tingin sa direksyon ng bagong dating. "Whatever it is, Gabriella, please calm down," bulong ni Karl sa kanya at pinisil pisil ang palad upang marelax si Gabriella. "Look at me," utos ni Karl sa kaibigan habang hawak hawak ang mukha nito. Si Lora ay naman ay hindi malamang ang gagawin dahil pakiramdam niya ay matinding tensyon ang meron ngayon sa paligid. Kahit si Karl ay naramdaman din iyon. Ang bulong ni Karl kay Gabriella para icomfort ito ay tila bomba sa pandinig ni Miguel. Lahat ng sinabi nito ay malinaw kay Miguel. Naputol ang koneksyon ng mga mata nila ni Gabriella nang hawakan ito ng lalakeng iyon. Ramdam niya ang matinding galit sa mga mata nito habang nakatingin sa mga mata niya. Ipinagtataka niya kung bakit ganoon na lang ang tingin sa kanila ni Gabriella. Wala siyang ideya kung bakit. Bago niya alisin ang tingin sa grupong iyon ay sinulyapan niya ng matalim ang mga kamay na humahaplos kay Gabriella. Nakaalalay pa rin si Miguel sa ama hanggang sa makarating sila sa loob ng bahay ng mga Joson. Nang makalapit si Moises sa kabaong ng kaibigan ay hindi nito napigilan ang pagtulo ng luha. Si Mariella ay malungkot na nakatingin lamang sa bagong dating at hinayaan magkaroon ng sandali ang magkaibigan. Si Miguel ay nanatiling nasa likod ng ama at nakasulyap sa kabaong. "Madaya ka Gabo. Umalis ka nang hindi sinasara ang deal naten. Iniwan mo ako nang hindi ko narinig ang pagpayag mo sa proposal ko," Umiiyak at natatawa si Moises. " Minsan pinuntahan ka namen dito ay hindi mo binigay ang sagot mo sa aken. Sabi mo sa susunod na punta namen saka ko malalaman ang sagot mo. Sadyang ayaw mo ata talaga dahil ang sagot mo ay binaon mo na sa kabilang buhay," pinahid ni Moises ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata. Lumapit si Miguel sa ama at inakbayan. "Dad, maupo ka muna." bulong ni Miguel. Tumango si Moises at nagpaalalay kay Miguel. Pagharap nila kay Mariella ay nakatayo na rin ito at malungkot ang mga matang nakatingin sa mag ama. "Nakikiramay po kame, Tita Mariella," puno ng simpatya ang boses ni Miguel at saglit na niyakap ang matandang babae. Umusal ng pasasalamat si Mariella. "Kinalulungkot ko Mariella ang nangyari kay Gabo. Hindi man lang namen napag usapan ang tungkol sa mga-." "Mabuti pang saka na lamang naten pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon," pinutol ni Mariella ang iba pang sasabihin ni Moises. Ang mga mata nito ay humihingi ng pang unawa kay Moises. Tahimik na tumango si Moises at tinapik ang balikat ni Mariella. Isinenyas ni Mariella ang bakanteng upuan sa tabi niya upang makaupo ang mag ama. Doon na nagsimulang mag usap ang tatlo tungkol sa nangyari kay Gabriel. At tulad ng mga naunang nakiramay ay hindi napigilan ni Mariella ang tumulo na naman ang luha. Pero sa pagkakataong iyon ay labis labis ang luhang inilabas ng mga mata niya. Maging si Moises ay hindi napigilan ang luha. Awa naman ang naramdaman ni Miguel para sa naulila ni Gabriel.NGAYON ay nauunawaan na niya kung bakit sinasabing strikto at masungit si Miguel. Ayaw nitong matulad sa Daddy niya na inaabuso. Sa murang edad ni Miguel ay natuto ito sa buhay dahil sa pagmamalupit ng sariling ina. Tinukod ni Gabriella ang siko niya sa unan habang ang palad niya ay nakasapo sa pisngi. Tinunghayan si Miguel na noon ay nakatingin lang sa kisame na parang malayo ang iniisip. "Ano ang balak mo?" tangkang tanong ni Gabriella. "Kakausapin ko si Daddy bukas." tumingin kay Gabriella. " Nagtataka lang ako na bakit sa chapel siya nakaburol, samantalang may bahay siya na binigay ni Daddy." nakakunot ang noo ng binata. "Sana'y hindi niya naisipan ibenta ang bahay ninyo." "Pero posible din na binenta nga niya ang bahay at ginamit sa bisyo," tiim ang bagang na sabii ni Miguel. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Muling nahiga si Gabriella. "Galit ka ba sa Mommy mo?" lakas loob na tanong niya kay Miguel. "Wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
NATIGILAN si Miguel sa ginagawa kay Gabriella at itinuwid ang katawan. Marahang binitawan ang dalaga na noon ay nataranta nang marinig ang boses ni Manang Betty. Sa kabila ng pagkagulat ni Gabriella ay maalab pa rin ang mga mata nito sa mainit na tagpo nila ni Miguel. "Kung hindi lang siya si Manang Betty, sisisantihin ko siya," mahinang bulong ni Miguel. Hindi malaman ni Gabriella kung nagbibiro o seryoso si Miguel sa sinabi nito. Napahinga ng malalim si Gabriella habang ang kamay ay nasa dibdib dahil sa kaba. Si Miguel ay mariing napapikit dahil nasa katawan pa rin ang init at pagnanasa kay Gabriella. "Pasok ka na sa loob. Isarado mo na ang pinto," paos ang boses nito at kita sa mukha ang pagkadismaya. Magsasalita sana si Gabriella ngunit marahan siyang piniga ni Miguel sa braso at sinenyasan siyang pumasok na. Walang nagawa si Gabriella kung hindi sumunod kay Miguel lalo na nang alalayan siya nitong pumasok sa silid niya. Bago kabigan ni Miguel ang pinto pasara ay nginiti
NAGING kainip inip kay Miguel ang bawat oras na nagdaan kasama ang mga japanese investors na sobrang hilig sa alak. Hindi niya magawang tumakas sa apat na investors dahil katatapos lang nilang pirmahan ang mga agreements kaninang hapon. At sa tuwing magpapaalam siya sa mga ito ay hinihiritan pa siya ng ilang minuto hanggang sa umabot na ng ilang oras. Mayroon pa sana siyang meeting ng bandang alas-singko pero kinansela niya iyon dahil hindi siya makatanggi sa mga hapon na icelebrate ang naging business deal nila. Hindi din niya akalain na sobrang hilig pala ng mga ito sa alak at mukhang hindi lulubay hanggat hindi nauubos ang alak sa inarkilang silid sa loob ng japanese restaurant. Pero wala siyang magawa kundi makisama sa mga ito dahil malaking halaga din ang ininvest ng mga ito sa kumpanya nila. Ilang beses na rin niyang sinisilip ang oras sa suot niyang relo. Maya't maya rin ay sumasagi sa isip niya si Gabriella. Tiyak na naghihintay ang dalaga sa kanya sa mga oras na iyon. Kanin
BANDANG alas-tres ng hapon ay dumating si Moises pero hindi kasama si Miguel. Sinalubong niya ang matandang Mortiz at inalalayan sa pagpasok sa loob. Hirap itong humakbang dahil nagkaroon pala ito ng fracture dalawang buwan na ang nakakalipas sa bandang sakong noong naglaro ito ng golf kasama ang mga panyero nito. "Baka gabihin si Miguel ng uwi, Gabriella." sabi nito sa kanya habang nakaalalay siya sa braso. "Si Betty nga pala?" tanong nito at nilinga ang bandang kusina. "Inaayos po ang silid ninyo, tito Moises," sagot niya at inalalayan itong maupo sa sofa. "Tatawagin ko po," sabi niya at akma sanang tatalikod na pero siya namang labas ni Manang Betty galing sa silid nito. May dala itong tsinelas. "Narinig kong hinahanap mo ako," sabi ni Manang Betty at nginitian si Gabriella. Sinundan na lang ng tingin ni Gabriella si Manang Betty habang nakatalungko at tinatanggalan ng sapatos si Moises. Hindi niya namalayan na napaupo siya sa sofa katapat ni Moises. "Bakit ngayon mo pa l
PINARAANAN muna ni Gabriella sa harap ng salamin ang sarili bago lumabas ng silid. Nakasuot siya ng maong skirt na ang haba ay below the knee. Tinernuhan niya ito ng plain black semi-crop top. Nagsuot din siya ng flat sandals na kulay brown. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay panglakad niya ang damit na ito pero wala na siyang ibang pagpipilian. Ang problema niya ngayon ay kung ano isusuot sa mga susunod na araw dahil ilang pirasong damit lang naman ang binaon niya. Akala niya ay makakauwi rin siya kinabukasan nung ayain siya ni Miguel. At hindi rin sigurado si Miguel kung hanggang kelan matatapos ang meeting nito bago siya ibalik sa probinsya nila. Naalala niyang dala nga pala niya ang kwintas na niregalo ni Miguel sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha niya sa bag ang kwintas at marahang inilabas mula sa parihabang kahon. First time niyang susuotin ang regalong iyon ni Miguel. Maingat niyang hinawi a
NAGISING si Gabriella sa mumunting halik na dumadampi sa kanyang leeg. Dumapa siya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hindi sapat ang tinulog niya. "Wake up, honey," bulong ni Miguel sa tainga niya at bahagyang kinagat ang dulo nito. Umungol siya nang marinig ang boses ni Miguel at dahan dahang tumihaya upang masilayan ang mukha ng binata. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. Hinawi nito ang ilang buhok na kumalat sa mukha niya. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Gabriella kay Miguel. Pupungas pungas ang mga matang pinagmasdan niya ang binata. Nakasuot ng pormal na business attire si Miguel. Ang long sleeves na kulay itim ay nakatucked-in sa pants nitong kulay grey, kulay brown ang gamit nitong sinturon. At ang coat nitong kakulay ng pants ay maayos na nakabalabal sa balikat ng binata. Malinis at maayos na nakasuklay ang buhok nito na sa tingin ni Gabriella ay nilagyan ni Miguel ng gel u