Share

You are my Sunshine
You are my Sunshine
Penulis: Quen_Vhea

Kabanata 1

Penulis: Quen_Vhea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 16:29:24

Daphen's POV

"Iha, I'm sorry, but you have a stage 2 brain tumor," sabi ng doctor sa akin. I froze upon hearing it. Kaya pala palagi na lang sumasakit ang ulo ko-it's because of the tumor na lumalaki sa ulo ko.

"Iha, are you still there?" pagtawag sa akin ni Doc. Kaya napabalik ako sa ulirat at ngumiti na lang kasi alam ko sa sarili ko na natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin-kung mabubuhay ba ako nang matagal o hindi.

"Doc, can we do something about that po ba?" tanong ko sa kanya.

Tumingin sa akin si Doc, halatang mabigat ang sasabihin niya. "Iha, may mga paraan pa naman tayo. We can try surgery, radiation, or chemotherapy. Pero kailangan natin magmadali bago pa ito lumala."

Parang humigpit ang dibdib ko sa narinig. Surgery? Radiation? Hindi ko alam kung kaya ba ng katawan ko 'yon, o kung kaya ba ng puso ko ang lahat ng mangyayari.

"Doc... if ever po ba na hindi ako magpa-opera, ano ang mangyayari?" tanong ko, mahina ang boses na parang bata.

Umiling siya at saglit na tumingin sa mga papel sa kamay niya. "Iha, ayoko kang takutin, pero the tumor will keep growing. Pwede nitong maapektuhan ang pag-iisip mo, ang paningin, at pwede rin itong magdulot ng coma."

Napalunok ako at napatingin sa sahig. Paano kung wala na akong panahon? Paano kung lahat ng pangarap ko, hanggang pangarap na lang?

"Doc... give me time po, ha? I need to think about it." Pinilit kong ngumiti kahit ramdam kong nangingilid ang luha ko.

Tumango si Doc. "Iha, you're strong. But remember, the sooner we act, mas may chance tayo na malagpasan mo 'to."

I bid my farewell as I walk out of Doc's office, para akong lutang na kayang anurin ng hangin kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagpalakad-lakad pagkatapos kong lumabas sa hospital.

Hindi ko na nga namamalayan na may nabangga na pala akong tao.

"Watch where you're going, miss!" malamig na sabi sa akin ng lalaking nabangga ko.

Hindi ko natignan ang mukha niya at yumuko na lang ako.

"S-sorry po," nanghihina kong sabi sa kanya. Matapos kong sabihin iyon, I fainted in front of him. The last thing I saw was his blurry face, at hindi ko na rin naramdaman na nahulog ako.

Pagmulat ng mga mata ko, amoy na amoy ko ang malinis at malamig na hangin na galing sa aircon. Pagtingin ko sa paligid, hindi ito hospital... pero parang condo unit na mamahalin. Saan ako?

Napalingon ako sa gilid at napatayo agad nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa, nakatukod ang siko sa tuhod habang nakatitig sa akin.

"Finally, gising ka na," malamig niyang sabi, habang nakataas ang isang kilay.

"Uh... sino ka?" mahina kong tanong, hawak-hawak ang ulo kong tila mabigat pa rin.

Ikaw pa lang ang babae na nawalan ng malay sa harap ko," sabay tayo niya, diretsong lumapit sa akin. "I brought you here, sa condo ko, kasi nag-collapse ka sa gitna ng daan."

Napalunok ako. Condo niya? Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magpapasalamat. "S-sorry po, and thank you... I'll just go na lang," sabay pilit akong tumayo.

Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko, hindi naman madiin pero sapat para mapatigil ako.

"Hoy, are you even okay? You look pale. May sakit ka ba?" tanong niya, this time may bahid na ng pag-aalala ang boses niya.

Napayuko ako. Sakit? Oo, meron. Pero paano ko sasabihin sa isang estranghero na may brain tumor ako?

"H-ha? Wala, pagod lang ako," I lied sabay pilit na ngumiti.

Pero hindi siya kumbinsido. "You don't look fine. Wala ka bang pamilya? Boyfriend? Kahit sino man lang na tatawagan?"

Parang tinusok ang puso ko sa tanong na iyon. Wala. Wala akong kasama sa buhay ko.

"None," maikli kong sagot.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"I'm Daphne Dior, just call me Daphne na lang. How about you, what's your name?" tanong ko rin sa kanya, kahit nahihiya ako.

"Wilbert Keith Bryd," sagot niya, sabay kindat ng kaunti na para bang sinasabi niyang hindi ko makakalimutan ang pangalan niya.

Wilbert Keith Bryd... Napalunok ako, parang bigla akong nahiya. Ang sosyal naman ng pangalan niya.

"Wilbert... thank you ulit sa pagdala sa akin dito. Kung hindi dahil sa'yo, baka nakahandusay pa rin ako sa kalsada."

"Yeah, you're welcome," sagot niya habang tumayo at naglakad papunta sa kitchen counter. "But seriously, are you okay? Fainting like that, it's not normal. You look pale."

"Pagod lang ako," sagot ko, pilit na ngumiti. Pero halatang hindi siya naniniwala.

"You don't look fine, Daphne. Wala ka bang dapat tawagan? Pamilya? Boyfriend?"

Natigilan ako at napa-yuko. "W-wala."

Kumunot ang noo niya, halatang nagtataka. "Then what were you even doing out there? Parang wala kang pupuntahan."

Napahawak ako sa sentido ko, hindi alam kung sasabihin ko ba ang totoo. Should I tell him? Should I tell this stranger that I have stage 2 brain tumor?

"Then what were you even doing out there? Parang wala kang pupuntahan," tanong ni Wilbert habang nakapamewang, tinititigan ako na para bang binabasa ang kaluluwa ko.

Hindi ako agad nakasagot. Paano ko ba sasabihin na wala talaga akong direksyon? Na nalilito ako sa buhay ko?

"I... I just needed some air," sagot ko na lang, pilit na ngumingiti.

Napailing siya. "You almost passed out in the middle of the street dahil lang 'sa air'?" Napataas ang kilay niya, halatang hindi kumbinsido.

Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Bigla siyang nagbuntong-hininga at umupo sa gilid ng coffee table. "You know, most girls would kill just to faint in front of me, pero ikaw parang wala ka lang."

Napaangat ako ng tingin. "Ha? Bakit naman?"

"Don't tell me you don't know me," sagot niya na parang nagtataka.

Umiling ako. "Should I?"

Nakataas ang kilay niya, sabay ngumisi. "Wilbert Keith Bryd. Heir of Bryd Wealth. I own Bryd Mall."

Nanlaki ang mata ko. Bryd Mall?! As in yung mall na palaging laman ng social media dahil sa mga luxury brands?

"B-billionaire ka?!" halos hindi ko maisatinig ang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya, parang wala lang. "More like trillionaire-to-be, but yeah, something like that."

Natahimik ako, hindi makapaniwala. "Sanaol sayo pre," Hindi halata sa kanya, kasi kahit simple lang ang suot niya, ang presensya niya palang ay malakas na.

"Now," sabi niya, nakatitig sa akin, "are you going to tell me what's wrong, or do I have to force you to eat first before ka pa ulit himatayin dito sa condo ko?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 4

    Daphne’s POVKinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung talaga bang nakatulog ako o basta na lang akong nakapikit buong gabi. Parang sunod-sunod lang ang mga nangyayari. Parang gising ako sa bangungot.Pero kahit gusto ko na lang umiyak buong araw, hindi puwede.Hindi puwedeng malaman ng mga anak ko.Pagbaba ko, nadatnan ko si Sam na nagsusuklay ng buhok sa dining area habang si Alby naman ay nanonood ng cartoons. Pareho silang nakangiti. Walang kaalam-alam. At ayoko pa silang bigyan ng dahilan para matakot.“Good morning, Mommy!” bati ni Sam habang nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ko.“Morning, anak,” pilit kong ngiti. “Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pancake o

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 3

    Daphne’s POVAraw ng alis ni Wilbert papuntang Palawan. Maaga siyang nagising, naligo, at tahimik na nag-empake ng last-minute essentials habang ako’y nakaupo lang sa kama, hawak ang mug ng mainit na tsaa. Tahimik lang ang buong kwarto, parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid.“Hon, gising ka na pala,” sabi niya habang sinusuksok ang laptop sa travel bag.“Hindi naman ako halos nakatulog,” sagot ko, sabay higop sa tsaa.Lumapit siya sa akin, hinaplos ang buhok ko at ngumiti. “I’ll be back agad. Just three or four days.”“Hmm. Be careful,” maikli kong sagot. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, pero may bumabara sa dibdib ko. Parang

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 2

    Daphne's POVIsang linggo na lang at aalis si Wilbert papuntang Palawan para sa business meeting niya. Gusto ko man maging excited sa family trip na susunod pagkatapos nun, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba — parang may kutob akong hindi ko maipaliwanag.Pagkatapos naming ihatid si Samantha sa school, dumiretso na ako sa Dior Fashion House. May meeting kasi ako with our creative directors para sa upcoming fashion show sa Hong Kong.Pagdating ko sa opisina, sinalubong agad ako ng assistant kong si Marie. “Ma’am, here’s your coffee and itinerary for today. Also, may investor po na gustong makipag-meeting in person. Big client from Singapore.”“Thanks, Marie. Can you schedule the meeting sa Friday?” sagot ko habang binu

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2 Kabanata 1

    Daphne's POV It’s been 10 years. Malaki ang nagbago sa buhay ko simula noong makilala ko si Wilbert. Even my fortune changed, ipinasa na sa akin ni Lolo ang company niya. I am now the owner of the Dior Fashion House. Well, what can I say? Parang almost lahat na ata nasa akin na ,from my husband to my precious daughter, Samantha Miracle Dior Bryd, who’s already 12 years old. I also gave birth to my youngest son, Alby Kieth Dior Bryd, who’s already 6 years old. He’s a lot like his dad sometimes masungit pero sweet. Wala na akong hihilingin pang iba kung hindi ang makita na masaya ang pamilya ko. “Hon, oo nga pala, I’m going to have a business meeting next week sa Palawan,” sabi sa akin ni Wilbert habang nakahiga na kami sa kama. Napatingin ako sa kanya, medyo napakunot ang noo ko. “Gaano katagal?” tanong ko habang inaayos ang kumot sa pagitan naming dalawa.

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2

    Hello everyone! Book 2 will be posted soon so stay tune po.

  • You are my Sunshine   End of Book 1

    Daphne's POV Two Years Later The morning sun streamed into our home, and I woke up to the sound of little footsteps. Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Samantha, dalawang taong gulang na ngayon, nakangiti habang hawak-hawak ang paborito niyang stuffed toy. "Mommy, wake up!" masaya niyang sabi. Napangiti ako at kinuha siya para yakapin. "Good morning, my little miracle." Sa kusina, naroon si Wilbert, naghahanda ng almusal habang kumakanta ng mahina. Nilingon niya kami, ngumiti, at lumapit para halikan ang pisngi ko. "Good morning, Mrs. Bryd. How are my girls today?" "Perfect," sagot ko, tinitingnan ang lalaking dati ay hindi ko akalaing magiging mundo ko. Minsan naiisip ko, what if I gave up? What if I never fought through my sickness or never let Wilbert into my life? Hindi ko mar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status