Daphne's POV
"Now," sabi ni Wilbert, nakapamewang habang nakatingin sa akin, "are you going to tell me what's wrong, or do I have to force you to eat first before ka pa ulit himatayin dito sa condo ko?"
Napayuko ako at umiling. "No need... I'll just go. Salamat na lang ulit." Tumayo ako, pero bigla niya akong tinapunan ng matalim na tingin.
"Sit down," malamig niyang utos.
Natigilan ako, napa-upo ulit sa sofa. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko—siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa presensya niya na parang hindi sanay na may umaayaw sa mga sinasabi niya.
"Do you even have money to get home?" tanong niya nang diretsahan, parang wala siyang pakialam kung masasaktan ako.
Napakagat ako ng labi. Bakit ba ang prangka niya?
"Hindi mo na kailangan alamin 'yon," sagot ko, pilit na matatag ang boses ko.Nagtaas siya ng kilay, parang naiinis. "You're stubborn. Fine, wait here." Tumayo siya at nagtungo sa kitchen, at hindi nagtagal, bumalik siya na may dalang plato na may sandwich at isang baso ng juice.
"Inumin mo 'to at kainin mo 'to. Hindi kita palalabasin dito nang gutom," utos niya na parang boss, sabay lapag ng plato sa center table.
Nagulat ako. "Wala ka bang ibang bisita? Ayos lang ba talaga 'to?"
"I live alone," sagot niya agad. "Now eat. I don't like wasting time on people who can't even take care of themselves."
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya, pero wala akong nagawa kundi sumunod. Tahimik akong kumain habang siya ay nakaupo sa kabilang sofa, hawak ang phone niya, parang hindi ako pinapansin.
Habang kumakain ako, nararamdaman kong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa biglaang presensya niya o dahil gusto ko na lang lumayo sa kahit sinong tao.
Tahimik pa rin si Wilbert habang hawak ang phone niya. Akala ko nagte-text lang siya, pero bigla itong nag-ring. Napansin ko kung paano biglang nag-iba ang aura niya-mula sa malamig na lalaki na nakatingin sa akin kanina, ngayon ay parang isang commanding CEO na.
"Yes?" malamig pero ma-authority ang boses niya. "What do you mean the shipment is delayed? I told you I don't tolerate incompetence."
Napatingin ako sa kanya, natigilan ako habang kumakain. Parang nag-iba ang boses niya, mas lalong tumalim, parang sanay siyang masunod.
"I don't care about excuses. Fix it. Now. Or you're out of Bryd Mall's logistics."
Pagkasabi niya noon, binaba niya agad ang tawag, walang kahit anong pag-aalinlangan.Napalunok ako. So this is Wilbert Keith Bryd... The heir of Bryd Wealth. Kita sa kanya ang natural na power—hindi siya nagsasalita ng malakas, pero bawat salita niya parang may bigat na hindi mo puwedeng suwayin.
Napansin niyang nakatingin ako. "What?" malamig niyang tanong.
"W-wala," mabilis kong sagot, at agad akong yumuko. "Just... you sounded scary."
Napakunot ang noo niya. "That's business. People who don't know what they're doing have no place in Bryd Mall. Kaya kung hindi ka sigurado sa mga hakbang mo, you'll be eaten alive."
Tumahimik ako. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang huling linya niya o pangaral lang iyon.
Tumayo siya bigla at kinuha ang blazer na nakasabit sa gilid ng sofa. "I have a meeting in an hour. You'll stay here until you're fine. Ayokong himatayin ka ulit sa labas at mapagkamalan akong masama."
"Ano?!" gulat kong sagot. "No need! I can go home-"
"Do you even have a place to go?" putol niya, tinitigan niya ako na parang alam niyang wala akong masasabi.
Napahinto ako sandali, pero tumayo rin ako. "Meron. At kahit wala, I can handle myself."
Tumawa siya, mahina pero parang mapanuksong tawa. "Handle yourself? You fainted in the middle of the street, Daphne."
"I... I'll be fine," matigas kong sagot, pilit na matatag kahit nanginginig ang kamay ko. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumapit sa pinto.
"Suit yourself," malamig na sabi ni Wilbert habang inaayos ang blazer niya. "Pero huwag kang sisihin kung ulit ka na namang himatayin sa labas."
Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang bag ko at huminga nang malalim. "Salamat na lang sa tulong mo kanina, Mr. Bryd."
Napatingin siya sa akin saglit, para bang gusto pa niyang may sabihin pero pinili niyang manahimik. Tumalikod na ako at lumabas ng condo.
Pagdating ko sa apartment ko, halos mahulog ang katawan ko sa kama. Maliit lang ang apartment, isang kwarto at maliit na sala, pero ito ang kaisa-isang lugar na alam kong akin. At least dito, walang makakakita ng kahinaan ko.
Humiga ako at napatingin sa kisame. Hindi ko mapigilang isipin ang mukha ni Wilbert—yung malamig na titig niya na parang alam niyang may tinatago ako.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumawag ang hospital. "Ms. Daphne Dior," sabi ng boses ng nurse, "pa-confirm po sana ng schedule niyo for MRI. Next week na po 'yon."
Natahimik ako. "Yes... I'll be there," sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog. Kailangan ko nang ayusin ang buhay ko—hindi puwedeng puro pag-iwas na lang. Kahit may sakit ako, kailangan ko pa rin mabuhay.
Pagkatapos kong kumain ng konting tinapay, umupo ako sa maliit kong mesa at binuksan ang laptop ko. Naghanap ako ng job postings online, kahit anong trabaho na tatanggapin ang katulad ko.
"Receptionist... cashier... sales clerk..." bulong ko habang nag-scroll. Pero halos lahat ng posting ay "must be healthy" o "must be physically fit." Napahinto ako at napabuntong-hininga. Kung malalaman nila ang kondisyon ko, baka hindi nila ako tanggapin.
Hindi ko namalayan, lumabas sa feed ko ang isang job posting:
"Bryd Mall – Hiring Personal Assistant for Executive Office."Napanganga ako. Bryd Mall? As in... kay Wilbert Keith Bryd?
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko siyang makita ulit dahil parang nakikita niya ang mga kahinaan ko, pero kailangan ko ng trabaho. Kaya ko ba 'to?
Hinila ko ang sarili ko. "You need this, Daphne. You need to survive."
Nag-click ako ng apply, nilagay ang resume ko at pinagdasal na sana, kahit isang interview man lang, makuha ko.
Pagkatapos kong mag-apply, halos wala akong ginawa buong araw kundi hintayin ang email o tawag mula sa kahit sinong recruiter. Wala pa ring balita. Gabi na nang halos sumuko na ako at isinara ang laptop.
Pero kinabukasan, bandang alas-diyes ng umaga, tumunog ang cellphone ko.
"Hello, good morning. This is Ms. Claire from Bryd Mall's HR department. Am I speaking with Ms. Daphne Dior?"
Parang napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "Y-yes, ma'am. Ako po ito."
"We've reviewed your application and we would like to invite you for an initial interview tomorrow, 2 PM, at Bryd Mall Executive Office. Will you be available?"
Parang huminto ang mundo ko. Bryd Mall. Executive Office. Meaning... baka nandoon si Wilbert Keith Bryd!
"Yes, ma'am. Available po ako," sagot ko kahit kinakabahan ako.
"Great! Just bring a valid ID and your updated resume. See you tomorrow, Ms. Dior."
Pagkababa ko ng tawag, napahiga ako sa kama. What are the odds? Kahit anong iwas ko, parang tinutulak ako ng tadhana papunta sa taong 'yon.
Daphne's POVHabang kumakain ako, hindi ko maiwasang mapansin ang mga mata niya na palihim na nakatingin sa akin. Parang gusto niyang siguraduhin na ubusin ko ang pagkain ko."So... about last night," sabi ko nang may halong kaba."What about last night?" kunot-noo niyang sagot."You, acting like a jealous... boss," sabi ko, tumatawa ng mahina.Biglang uminom siya ng kape, parang nagpipigil. "I wasn't jealous. I just don't trust that Adrian guy.""Sure," sagot ko, sabay turo sa kanya. "Pero yung mukha mo kagabi parang ready ka nang patalsikin siya sa bintana."Bahagya siyang ngumiti. "Maybe I was."Pagkatapos naming kumain, habang palabas na kami ng restaurant, bigla niyang sinabi:"Daphne.""Ano?""Stay close to me today. No more coffee with random guys."Napataas ang kilay ko. "Random guy? Adrian is an investor.""Still," malamig niyang sagot, pero kita ang bahagyang pag
Daphne's POV"Daphne," tawag niya habang nakaupo sa swivel chair, hawak ang itinerary na mukhang importante. "You're coming with me on a business trip to Tagaytay this weekend."Napataas ang kilay ko. "Ha? Bakit ako? Hindi ba puwedeng ibang staff na lang?""No. I need my assistant there. You'll handle all the paperwork and schedules," malamig niyang sabi. Pero alam ko, parang may ibang dahilan."Pero weekend po 'yon. Wala bang overtime pay?" biro ko, pero biglang tumingin siya nang diretso, parang nagbabantang ngumiti."Do you want me to double your pay for this week?"Napakunot ang noo ko. "H-hindi naman sa ganon... pero—""Then it's settled," putol niya, sabay tumayo at inabot sa akin ang folder ng details. "Pack your things. We're leaving Friday morning."Friday...Sa kotse, habang nagdadrive si Wilber
Daphne's POVPagdating ko sa apartment, hindi ko maiwasang mapangiti. Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit parang biglang hindi na siya mukhang asar-talo boss?Pero sabay ngiti ko, sumakit ang ulo ko—paalala na kahit ano pang spark na nararamdaman ko, may dala akong bigat na baka hindi niya maintindihan. Natulog na ako habang may lungkot sa iniisip ko.Pagpasok ko sa opisina, una kong napansin na wala pang 9 AM pero naroon na si Wilbert. Usually, siya ang laging huling dumadating. Pero ngayon, nakaupo siya sa mesa niya at may isang paper bag na nasa ibabaw ng desk ko."Good morning, Mr. Bryd," bati ko, habang nagtataka sa paper bag. "Uh... para saan 'to?""Open it," malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin, parang normal lang sa kanya.Pagbukas ko, nagulat ako. May neatly packed lunch box, isang maliit na bote ng vitamins, at isang thermal m
Daphen's POVPagpasok ko sa opisina, iba ang tingin ni Wilbert sa akin. Hindi na siya yung tipikal na malamig at walang pake. Parang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko."Sit," sabi niya habang nakaupo sa swivel chair niya. "We need to talk."Napalunok ako. Naku, baka tanggalin na niya ako dahil nalaman niyang may sakit ako."You have a brain tumor," diretsong sabi niya. "And you're still working like nothing's wrong. Are you insane?""Mr. Bryd, I already told you, kaya ko pa naman. Kailangan ko ang trabahong 'to," sagot ko, pilit na matatag ang boses kahit kinakabahan ako.Napakunot ang noo niya. "Money? Is that what this is about? Kung pera ang problema—""Don't," putol ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ng awa. Ayokong isipin mo na nakikipagtrabaho ako dahil sa habag mo."Tinitigan niya ako nang matagal, halatang naiinis at naguguluhan sa ugali ko. "You're stubborn. But... fine. If you're staying here, then you'll follow my rules."Wilbert's POVHindi ko alam kung bakit biglang nai
Daphne's POVPagkalabas ko ng Bryd Mall, halos manghina na ako sa pagod. Grabe, para akong nagmartsa sa giyera buong araw. Pag-upo ko sa bus, saka ko lang naalala na hindi pa ako kumakain ng maayos simula kanina.Habang naglalakad ako papunta sa apartment ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang pangalan ng ospital-Dr. Javier."Hello, Doc?" sagot ko, medyo hinihingal pa."Daphne," mahinahong boses ng doktor, pero ramdam ko ang bigat ng sasabihin niya. "I got the results of your last scan. The tumor is growing faster than expected. We need to start treatment immediately."Parang huminto ang mundo ko. "H-how fast?" bulong ko, halos hindi na lumalabas ang boses ko."Stage 2 pa rin, pero may signs na maaari itong umabot ng stage 3 kung hindi natin agad gagawan ng paraan. I recommend starting chemotherapy or surgery options as soon as possible. Kailangan mo rin ng mas maraming rest."Napakagat ako ng labi, halos tumulo ang luha ko. Paano ko magagawa 'yon
Daphne's POVHabang nililinis ko ang counter, biglang pumasok ang isang lalaking halatang iritado. Malakas ang boses niya habang nagsisigaw sa cashier."Bakit ang tagal ng order ko?! Ten minutes na akong naghihintay dito!" sigaw niya habang pinupukpok ang mesa."Sir, pasensya na po, marami lang pong customers-" paliwanag ng cashier, pero hindi nakinig ang lalaki."Hindi 'yan excuse! Ano ba 'tong klase ng serbisyo ninyo?!" Itinulak pa niya ang tray sa counter.Ramdam ko ang kaba ng mga staff, kaya mabilis akong lumapit. "Sir, pasensya na po, ako na ang aayos ng order niyo. Ano pong gusto niyo? Libre na po ang kape niyo bilang pasensya namin."Pero hindi siya tumigil. "Hindi ko kailangan ng libre! Kailangan ko ng disente at maayos na service! Mga inutil-"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Sir, I understand you're upset, but please, huwag niyo naman pong murahin ang mga tao dito. Tao rin po kami na pagod at nagta-trabaho nan