Share

Kabanata 3

Penulis: Quen_Vhea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 16:33:29

Daphne's POV

Kinabukasan, maaga akong nagbihis ng simpleng white blouse at black slacks. Maingat kong sinuklay ang buhok ko at sinuot ang pinakapresentableng flat shoes ko.

Pagdating ko sa Bryd Mall, halos hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil sobrang laki ng lugar at puro sosyal ang nakikita kong tao. Nang tanungin ko ang receptionist, tinuro niya ang elevator papunta sa top floor-ang Executive Office.

Pagpasok ko, bumungad ang isang modern at eleganteng lobby. "Hi, I'm here for an interview, Daphne Dior po," sabi ko sa HR receptionist.

"Yes, Ms. Dior. Please wait at the lounge. The hiring manager will call you shortly."

Habang nakaupo ako, narinig ko ang tunog ng elevator. Paglingon ko, bumukas ang pinto, at mula roon... bumaba si Wilbert Keith Bryd. Naka-black suit siya, seryoso ang mukha, at hawak ang phone na para bang may kausap na importante.

Nanlaki ang mata ko. Siya...

Parang nagtagpo ang tingin namin, at sandaling tumigil siya, para bang naalala niya ako.

Nagtagpo ang tingin namin ni Wilbert, at para bang isang iglap, bumalik sa akin ang lahat ng sinabi niya kagabi-ang lamig ng boses niya, at ang mga salitang "You can't even take care of yourself."

Nakasuot siya ng mamahaling black suit, nakapulido ang buhok, at halatang galing siya sa isang importanteng meeting. Nang mapansin niya ako, huminto siya saglit sa harap ng lounge.

"You again?" malamig niyang tanong, bahagyang nakataas ang kilay.

Napakagat ako ng labi, hindi alam kung sasagutin ba siya o lalayo na lang. "I... I'm here for a job interview," sagot ko, pilit na magaan ang tono.

Natawa siya, hindi yung masaya, kundi yung mapanlait na tawa na parang nagtataka kung anong ginagawa ko doon. "Job interview? Here? Sa Bryd Mall?"

"Yes," maikli kong sagot, pilit na pinapakita na hindi ako magpapatalo.

Nag-cross ng braso si Wilbert at tinitigan ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung may karapatan ba akong nandiyan. "You don't even look like you belong in an executive office. Do you have any idea how competitive this place is?"

Natigilan ako. Masakit ang sinabi niya, pero huminga ako ng malalim. "I need this job, Mr. Bryd. At least I'm trying."

Nanahimik siya sandali, parang may gustong sabihin pero pinili niyang umiwas. "Hmph. Let's see if you'll survive the interview." Sabay talikod niya at naglakad papunta sa opisina niya, iniwan akong nakaupo roon na parang gusto ko na lang lumubog sa hiya.

"Ms. Dior, the hiring manager is ready for you," tawag ng receptionist.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Kaya ko 'to. I won't let him scare me.

Huminga ako nang malalim habang sumunod sa HR staff papunta sa isang malaking conference room. Pagpasok ko, napansin ko ang maaliwalas na paligid-glass walls, modernong mesa, at ilang executives na nakaupo na parang board panel.

"Good afternoon, Ms. Dior. Please have a seat," sabi ng isang babaeng HR manager na may suot na sleek na blazer.

"Good afternoon po," sagot ko, pinipigilan ang kaba ko habang umupo.

Nagsimula na ang interview. Mga typical na tanong: "Tell me about yourself," "What are your strengths and weaknesses," at kung paano ko ma-handle ang pressure. Pilit kong sinasagot lahat ng tanong nang maayos kahit ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko.

"Okay, Ms. Dior," sabi ng HR manager matapos ang ilang minuto. "We will proceed to the final part of your interview. Our executive head wants to personally assess the final candidates. Please wait for him."

Executive head?

Bago pa ako makapagtanong, bumukas ang pinto. At doon ko nakita si Wilbert, nakasuot pa rin ng itim na suit, seryosong naglalakad papunta sa mesa.

Nanlaki ang mata ko. No way... siya ang final interviewer?!

"Good afternoon," malamig na bati niya, halatang hindi man lang nagulat na ako ang nasa harap niya. Umupo siya sa gitna, katapat ko. "Ms. Daphne Dior, right?"

"O-opo," halos pabulong kong sagot.

"Interesting," sabi niya habang binubuklat ang resume ko. "So... you're applying for a personal assistant position?"

"Yes," sagot ko, sinusubukan kong maging kalmado kahit ramdam kong para akong nauupo sa harap ng leon.

Nakataas ang isang kilay niya habang binabasa ang resume ko. "You don't have much corporate experience. Why should I hire someone like you?"

Natigilan ako, pero hindi ako nagpakita ng takot. "Because I'm hardworking, and I'm willing to learn fast. Hindi ako madaling sumuko kahit mahirap ang trabaho."

"Really?" May mapanuksong tono ang boses niya. "You fainted in the middle of the street, remember? That doesn't sound like someone who can handle pressure."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Halos gusto kong tumayo at umalis, pero pinilit kong ngumiti. "Yes, I fainted. But that doesn't mean I'm weak. It just means I need to push myself harder."

Nagtagal ang katahimikan. Nakatingin lang siya sa akin, para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

"Hmm," sabi niya sa huli. "We'll see about that."

Nagtagal ang katahimikan sa conference room. Nakatingin pa rin si Wilbert sa akin, parang sinusuri niya kung sulit ba ang oras niya.

"Thank you, Ms. Dior," malamig niyang sabi habang isinasara ang folder ng resume ko. "We'll contact you if we decide you're fit for the position."

Napasinghap ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. So that's it?

Tumayo na ako, pilit na nagpipigil ng emosyon. "Thank you for your time," sabi ko, sabay bahagyang yuko bago lumabas ng conference room.

Pagkatapos ng interview sa Bryd Mall, hindi ko na masyadong inasahan ang tawag mula sa kanila. Masakit man, pero alam kong mahirap makakuha ng trabaho sa ganung klase ng kumpanya. Kaya sinubukan ko na lang mag-apply sa malapit na coffee shop bilang barista. Kahit maliit ang sweldo, at least may kikitain ako.

"Are you sure kaya mo ang trabaho, Miss Dior?" tanong ng manager habang sinusuri ang application form ko.

"Yes po, kaya ko," sagot ko agad. Kahit hindi ko alam kung kaya ba talaga ng katawan ko. Pero kailangan ko ng trabaho.

"Good. Report for training tomorrow," sagot niya, sabay abot ng simpleng apron.

Habang naglilinis ako ng mesa bilang trial, biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. May pumasok na tatlong lalaki na mukhang bodyguards, at sa gitna nila ay ang pamilyar na presensya—si Wilbert Keith Bryd.

Nanlaki ang mata ko. Siya na naman?!

Nakatayo siya nang matangkad, nakasuot ng dark blue suit, at diretsong tumingin sa akin. Halatang nagulat din siya nang makita ako.

"You?" malamig niyang sabi, halos nakakunot ang noo. "Are you working here?"

"Wala kang problema doon, di ba?" sagot ko, halatang naiinis na sa tuwing makikita ko siya, parang lagi niyang kinukwestyon ang kakayahan ko.

Tumikhim ang manager, agad na lumapit kay Wilbert. "Good afternoon, Mr. Bryd! Your usual order, sir?"

"Make it two caramel lattes," sagot niya, pero hindi inalis ang tingin sa akin. "And... let her prepare it."

"What?!" halos napatili ako. Bakit ako pa?!

"Problem?" tanong niya, nakataas ang isang kilay na parang pinapalabas ang inis ko.

Napakagat ako ng labi at nagdesisyon na lang gawin ang order. Habang naghahanda ako ng kape, ramdam ko ang titig niya mula sa lamesa.

Pagbalik ko, inilapag ko ang mga kape sa harap niya nang walang tingin. "Here's your order."

Kinuha niya ang kape at uminom ng isang higop. "Not bad," sabi niya na parang hindi ko alam kung compliment ba iyon o insulto. "Looks like you're better at this than applying for corporate jobs."

Napatingin ako sa kanya, iritado. "At least I'm working. Hindi lahat ng tao mayaman at may mall na pag-aari."

Natawa siya nang mahina, pero may halong pagkagulat sa sagot ko. "You're brave. I'll give you that."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 4

    Daphne’s POVKinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung talaga bang nakatulog ako o basta na lang akong nakapikit buong gabi. Parang sunod-sunod lang ang mga nangyayari. Parang gising ako sa bangungot.Pero kahit gusto ko na lang umiyak buong araw, hindi puwede.Hindi puwedeng malaman ng mga anak ko.Pagbaba ko, nadatnan ko si Sam na nagsusuklay ng buhok sa dining area habang si Alby naman ay nanonood ng cartoons. Pareho silang nakangiti. Walang kaalam-alam. At ayoko pa silang bigyan ng dahilan para matakot.“Good morning, Mommy!” bati ni Sam habang nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ko.“Morning, anak,” pilit kong ngiti. “Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pancake o

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 3

    Daphne’s POVAraw ng alis ni Wilbert papuntang Palawan. Maaga siyang nagising, naligo, at tahimik na nag-empake ng last-minute essentials habang ako’y nakaupo lang sa kama, hawak ang mug ng mainit na tsaa. Tahimik lang ang buong kwarto, parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid.“Hon, gising ka na pala,” sabi niya habang sinusuksok ang laptop sa travel bag.“Hindi naman ako halos nakatulog,” sagot ko, sabay higop sa tsaa.Lumapit siya sa akin, hinaplos ang buhok ko at ngumiti. “I’ll be back agad. Just three or four days.”“Hmm. Be careful,” maikli kong sagot. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, pero may bumabara sa dibdib ko. Parang

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 2

    Daphne's POVIsang linggo na lang at aalis si Wilbert papuntang Palawan para sa business meeting niya. Gusto ko man maging excited sa family trip na susunod pagkatapos nun, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba — parang may kutob akong hindi ko maipaliwanag.Pagkatapos naming ihatid si Samantha sa school, dumiretso na ako sa Dior Fashion House. May meeting kasi ako with our creative directors para sa upcoming fashion show sa Hong Kong.Pagdating ko sa opisina, sinalubong agad ako ng assistant kong si Marie. “Ma’am, here’s your coffee and itinerary for today. Also, may investor po na gustong makipag-meeting in person. Big client from Singapore.”“Thanks, Marie. Can you schedule the meeting sa Friday?” sagot ko habang binu

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2 Kabanata 1

    Daphne's POV It’s been 10 years. Malaki ang nagbago sa buhay ko simula noong makilala ko si Wilbert. Even my fortune changed, ipinasa na sa akin ni Lolo ang company niya. I am now the owner of the Dior Fashion House. Well, what can I say? Parang almost lahat na ata nasa akin na ,from my husband to my precious daughter, Samantha Miracle Dior Bryd, who’s already 12 years old. I also gave birth to my youngest son, Alby Kieth Dior Bryd, who’s already 6 years old. He’s a lot like his dad sometimes masungit pero sweet. Wala na akong hihilingin pang iba kung hindi ang makita na masaya ang pamilya ko. “Hon, oo nga pala, I’m going to have a business meeting next week sa Palawan,” sabi sa akin ni Wilbert habang nakahiga na kami sa kama. Napatingin ako sa kanya, medyo napakunot ang noo ko. “Gaano katagal?” tanong ko habang inaayos ang kumot sa pagitan naming dalawa.

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2

    Hello everyone! Book 2 will be posted soon so stay tune po.

  • You are my Sunshine   End of Book 1

    Daphne's POV Two Years Later The morning sun streamed into our home, and I woke up to the sound of little footsteps. Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Samantha, dalawang taong gulang na ngayon, nakangiti habang hawak-hawak ang paborito niyang stuffed toy. "Mommy, wake up!" masaya niyang sabi. Napangiti ako at kinuha siya para yakapin. "Good morning, my little miracle." Sa kusina, naroon si Wilbert, naghahanda ng almusal habang kumakanta ng mahina. Nilingon niya kami, ngumiti, at lumapit para halikan ang pisngi ko. "Good morning, Mrs. Bryd. How are my girls today?" "Perfect," sagot ko, tinitingnan ang lalaking dati ay hindi ko akalaing magiging mundo ko. Minsan naiisip ko, what if I gave up? What if I never fought through my sickness or never let Wilbert into my life? Hindi ko mar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status