Share

Kabanata 4

Penulis: Quen_Vhea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 16:35:37

Daphne's POV

Habang nililinis ko ang counter, biglang pumasok ang isang lalaking halatang iritado. Malakas ang boses niya habang nagsisigaw sa cashier.

"Bakit ang tagal ng order ko?! Ten minutes na akong naghihintay dito!" sigaw niya habang pinupukpok ang mesa.

"Sir, pasensya na po, marami lang pong customers-" paliwanag ng cashier, pero hindi nakinig ang lalaki.

"Hindi 'yan excuse! Ano ba 'tong klase ng serbisyo ninyo?!" Itinulak pa niya ang tray sa counter.

Ramdam ko ang kaba ng mga staff, kaya mabilis akong lumapit. "Sir, pasensya na po, ako na ang aayos ng order niyo. Ano pong gusto niyo? Libre na po ang kape niyo bilang pasensya namin."

Pero hindi siya tumigil. "Hindi ko kailangan ng libre! Kailangan ko ng disente at maayos na service! Mga inutil-"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Sir, I understand you're upset, but please, huwag niyo naman pong murahin ang mga tao dito. Tao rin po kami na pagod at nagta-trabaho nang maayos."

Biglang natahimik ang lalaki, parang hindi sanay na may kumokontra sa kanya. "Ano?! Sinasagot mo ako?"

"Hindi po," sagot ko, matatag ang boses ko. "I'm just asking for a little respect. Hindi po makakaayos ng order niyo kung sisigaw kayo sa amin."

Pagkatapos ng gulo sa coffee shop, nagbayad na si Wilbert at papalabas na, pero huminto siya saglit sa harap ko.

"You," malamig niyang sabi. "What's your name again?"

"Daphne," sagot ko, diretso ang tingin sa kanya. "Daphne Dior."

"Daphne Dior," ulit niya na parang tinitimbang ang pangalan ko. "Do you always talk back to angry customers like that?"

Napakunot ako ng noo. "Only when they're being rude. May limit din kasi ang pasensya ng tao."

Natawa siya nang mahina, pero mabilis ding bumalik ang seryoso niyang mukha. "Come to Bryd Mall Café tomorrow. Tell them I sent you. You'll work there starting tomorrow-temporary staff, consider it a test run."

Nanlaki ang mata ko. "Ano? Wait, what? Are you even allowed to just... hire people like that?"

He smirked, halatang naaaliw sa tanong ko. "I own the place. I can hire whoever I want."

"Pero..." hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. "Why me?"

"Because you're not afraid to stand up for yourself," sagot niya, diretso at walang pag-aalinlangan. "Let's see if you can handle the real pressure of working under me."

"Because you're not afraid to stand up for yourself," malamig na sabi ni Wilbert, diretso ang tingin sa akin. "And I need someone like that."

Napakunot ang noo ko. "Need? Anong ibig mong sabihin?"

"Be my assistant," sagot niya nang walang pag-aalinlangan. "Starting tomorrow. 9 AM sharp. Bryd Mall Executive Office."

Nanlaki ang mata ko. "A-assistant? As in... personal assistant mo?"

"Yes. Or do you want to stay here forever, cleaning tables and dealing with rude customers?"

Napatigil ako. Totoo naman ang sinasabi niya-kailangan ko ng mas stable na trabaho, lalo na't may sakit ako at kailangan ng panggastos sa treatment. Pero si Wilbert... hindi siya madaling kasama.

"Bakit ako?" hindi ko pa rin maiwasang tanungin.

Nag-angat siya ng kilay at bahagyang ngumiti, pero malamig pa rin. "Because you don't back down, even when you should. I like that in an assistant."

Natigilan ako, hindi alam kung insulto ba 'yon o papuri.

"So, what's your answer, Ms. Dior?" tanong niya, nakatingin sa akin na parang hindi tatanggap ng no bilang sagot.

Huminga ako nang malalim. "Fine. I'll take it."

"Good," sabi niya, sabay abot ng business card. "Be there tomorrow. And don't be late. I hate late people."

Maaga akong nagising, mas maaga pa kaysa sa alarm clock ko. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip kagabi—assistant ni Wilbert Keith Bryd. Ni hindi ko alam kung kaya ko ang trabahong iyon. Pero wala akong choice. Kailangan ko ng trabaho, at ito ang pinakamagandang oportunidad na dumating sa akin.

Pagdating ko sa Bryd Mall Executive Office, parang nakapasok ako sa ibang mundo. Ang lobby ay puno ng marble tiles, glass walls, at mga taong naka-business suit na parang galing sa fashion magazine. Naka-blouse lang ako at black slacks, pero pakiramdam ko parang naiiba pa rin ako.

"Ms. Daphne Dior?" tawag ng receptionist. "Please proceed to the 21st floor. Mr. Bryd is waiting for you."

Pagbukas ng pinto, bumungad ang malaking opisina-modern, may floor-to-ceiling glass windows na tanaw ang buong lungsod. At doon siya, nakaupo sa executive desk, hawak ang tablet at mukhang busy.

"You're on time," malamig na sabi niya, hindi man lang tumingin agad. "Good. That's the bare minimum."

"Good morning, Mr. Bryd," bati ko, pilit na kalmado ang boses.

"Sit," utos niya habang may tinitype sa tablet. Pag-upo ko, bigla siyang tumingin diretso sa akin. "Rule number one: I don't like excuses. Rule number two: always anticipate what I need before I ask. Rule number three..." tumigil siya saglit at ngumiti nang mapanukso, "...don't faint on me."

Namilog ang mata ko. "Seriously?"

"Dead serious," sagot niya. Tumayo siya, inabot ang isang stack ng folders. "Organize these reports. Make me a schedule for the next week, confirm all my meetings, and arrange a dinner with Mr. Alvarado tonight at 8 PM. Can you do that?"

"W-wait... dinner? Meetings? Saan ko hahanapin 'tong si Mr. Alvarado?" tanong ko.

"That's your job to figure out," malamig na sagot niya. "If you can't handle something as simple as that, then you're wasting my time."

Napatigil ako, pero tumayo rin ako at kinuha ang folders. "Fine. Kaya ko 'to."

"Good," sabi niya, sabay tumingin sa relo. "You have five hours. Don't disappoint me, Ms. Dior."

Nakatambak sa desk ko ang sangkatutak na folders, at parang nahihilo na ako sa dami ng tawag na kailangan kong sagutin. Kanina pa ako pabalik-balik sa phone, confirming meetings, sending emails, at nagta-try alamin kung sino ba itong si Mr. Alvarado na dinner companion ni Wilbert.

"Ms. Dior, where's the file for the Bryd–Foster partnership?" tanong ni Wilbert habang papasok sa office.

"Uhm... second folder on the left," sagot ko agad kahit kinakabahan, at sakto naman na nakuha niya iyon. Whew, at least tama ako.

Pero biglang tumunog ang phone ko-isang tawag mula sa PR manager ng Bryd Mall.

"Ms. Dior! We have a problem. The 3 PM meeting with the investors is moved to 1 PM, but Mr. Bryd's 1 PM is already booked with the logistics team!"

Napatigil ako. Patay. Overlap ng schedule!

Tumayo ako at nagmadaling pumunta kay Wilbert na abala pa rin sa desk niya. "Mr. Bryd, we have a conflict-"

"Fix it," malamig niyang sagot, hindi man lang tumingin sa akin.

"Pero, sir, parehong importanteng meeting-"

"Then figure out which one is more important. That's your job, isn't it?"

Napalunok ako. Grabe siya! Pero fine.

Naghanap ako ng paraan. Tinawagan ko ang logistics team at sinabi kong lilipat ang meeting nila ng 11:30 AM, habang ang investors meeting ay ililipat ng 1 PM. Sabay nagpadala ako ng email na may updated schedule, at nag-set ng reminder sa phone ni Wilbert.

Pagbalik ko sa office niya, inabot ko ang updated schedule. "Done. Logistics team at 11:30, investors at 1 PM. Both meetings confirmed."

Tumingin siya sa akin, parang nagulat na hindi ko siya binigyan ng excuse. "Not bad," sabi niya, halos may bahid ng pagkamangha. "I expected you to mess it up."

"Thanks for the confidence," sarkastiko kong sagot, sabay balik sa desk ko.

Pagkatapos ng mahabang araw, halos sumabog ang utak ko sa pagod. Pero bago ako umalis, tinawag niya ako.

"Daphne," tawag niya, malamig pero may kakaibang tono. "You survived Day 1. That's better than most applicants I've had."

Natahimik ako, hindi alam kung compliment ba iyon o hindi. "Thanks, I guess?"

Ngumisi siya nang kaunti, tapos bumalik sa ginagawa niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 4

    Daphne’s POVKinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung talaga bang nakatulog ako o basta na lang akong nakapikit buong gabi. Parang sunod-sunod lang ang mga nangyayari. Parang gising ako sa bangungot.Pero kahit gusto ko na lang umiyak buong araw, hindi puwede.Hindi puwedeng malaman ng mga anak ko.Pagbaba ko, nadatnan ko si Sam na nagsusuklay ng buhok sa dining area habang si Alby naman ay nanonood ng cartoons. Pareho silang nakangiti. Walang kaalam-alam. At ayoko pa silang bigyan ng dahilan para matakot.“Good morning, Mommy!” bati ni Sam habang nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ko.“Morning, anak,” pilit kong ngiti. “Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pancake o

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 3

    Daphne’s POVAraw ng alis ni Wilbert papuntang Palawan. Maaga siyang nagising, naligo, at tahimik na nag-empake ng last-minute essentials habang ako’y nakaupo lang sa kama, hawak ang mug ng mainit na tsaa. Tahimik lang ang buong kwarto, parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid.“Hon, gising ka na pala,” sabi niya habang sinusuksok ang laptop sa travel bag.“Hindi naman ako halos nakatulog,” sagot ko, sabay higop sa tsaa.Lumapit siya sa akin, hinaplos ang buhok ko at ngumiti. “I’ll be back agad. Just three or four days.”“Hmm. Be careful,” maikli kong sagot. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, pero may bumabara sa dibdib ko. Parang

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 2

    Daphne's POVIsang linggo na lang at aalis si Wilbert papuntang Palawan para sa business meeting niya. Gusto ko man maging excited sa family trip na susunod pagkatapos nun, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba — parang may kutob akong hindi ko maipaliwanag.Pagkatapos naming ihatid si Samantha sa school, dumiretso na ako sa Dior Fashion House. May meeting kasi ako with our creative directors para sa upcoming fashion show sa Hong Kong.Pagdating ko sa opisina, sinalubong agad ako ng assistant kong si Marie. “Ma’am, here’s your coffee and itinerary for today. Also, may investor po na gustong makipag-meeting in person. Big client from Singapore.”“Thanks, Marie. Can you schedule the meeting sa Friday?” sagot ko habang binu

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2 Kabanata 1

    Daphne's POV It’s been 10 years. Malaki ang nagbago sa buhay ko simula noong makilala ko si Wilbert. Even my fortune changed, ipinasa na sa akin ni Lolo ang company niya. I am now the owner of the Dior Fashion House. Well, what can I say? Parang almost lahat na ata nasa akin na ,from my husband to my precious daughter, Samantha Miracle Dior Bryd, who’s already 12 years old. I also gave birth to my youngest son, Alby Kieth Dior Bryd, who’s already 6 years old. He’s a lot like his dad sometimes masungit pero sweet. Wala na akong hihilingin pang iba kung hindi ang makita na masaya ang pamilya ko. “Hon, oo nga pala, I’m going to have a business meeting next week sa Palawan,” sabi sa akin ni Wilbert habang nakahiga na kami sa kama. Napatingin ako sa kanya, medyo napakunot ang noo ko. “Gaano katagal?” tanong ko habang inaayos ang kumot sa pagitan naming dalawa.

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2

    Hello everyone! Book 2 will be posted soon so stay tune po.

  • You are my Sunshine   End of Book 1

    Daphne's POV Two Years Later The morning sun streamed into our home, and I woke up to the sound of little footsteps. Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Samantha, dalawang taong gulang na ngayon, nakangiti habang hawak-hawak ang paborito niyang stuffed toy. "Mommy, wake up!" masaya niyang sabi. Napangiti ako at kinuha siya para yakapin. "Good morning, my little miracle." Sa kusina, naroon si Wilbert, naghahanda ng almusal habang kumakanta ng mahina. Nilingon niya kami, ngumiti, at lumapit para halikan ang pisngi ko. "Good morning, Mrs. Bryd. How are my girls today?" "Perfect," sagot ko, tinitingnan ang lalaking dati ay hindi ko akalaing magiging mundo ko. Minsan naiisip ko, what if I gave up? What if I never fought through my sickness or never let Wilbert into my life? Hindi ko mar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status