Share

Kabanata 43

HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad.

Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama.

Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo.

Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya.

“Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon.

“Mag-usap muna tayo.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status