Pansamantalang iniwan niya ang paglilinis upang magluto naman at dahil naubusan na sila ng gulay, kinailangan niyang magtungo sa palengke. Malapit lang sa tirahan nila ang palengke kaya't nilalakad na lamang niya iyon. May pasipol-sipol pa siya habang patungo roon nang walang anu-ano'y biglang bumulaga sa harapan niya ang isang lalaking tila pinison ang buhok. Tuwid na tuwid kasi ang buhok niyon at nasa pinaka-gitna pa ang pinakang hati.
"Magandang hapon, aking mahal." Bati nito na ang kamay ay ikinukumpas pa.
"Tsk, mukhang hindi maganda ang hapon ko ngayon."
"Ha? Bakit naman?"
"May isa kasing GGSS na naman akong nakita."
"Anong ggss?" tanong nitong nakakunot ang kilay na dinaig pa ang pinalantsa.
"Ay! Hindi mo alam? GGSS, ibig sabihin ay 'yong mga taong GUWAPONG-GUWAPO SA SARILI." Hininaan pa niya ang pagkakabanggit sa huling salita, sapagkat nakita niya ang ina ng kaharap na paparating. Tiyak na kukulitin na naman siya nito.
"Sino ang tinutukoy mo? Ako ba?"
"Ay hindi! Iyong manok ng kapitbahay namin. Sige, aalis na ako. Bye!" kumaway pa siya bago binilisan ang paghakbang subalit nakasunod pala ang bulgar niyang taga-hanga. Oo. Bulgar, kasi nama'y kahit katanghalian ay nanliligaw ito sa kanya.
"Sandali lang naman, aking mahal. Kailan mo ba ibibigay sa akin ang matamis mong oo?"
Napamulagat si Yumi sa lantarang pagkakatanong na iyon, lalo na't marami ang taong nakarinig dito. Bigla tuloy uminit ang kili-kili niya sa sobrang inis. Mabilis na lamang niyang hinarap muli si Tikboy.
"Alam mo, guwapo ka sana!" Sinipat niya ang kabuoan ng lalaking kaharap.
Napangiti naman ang kanyang pinuri. Kinurap-kurap pa nito ang mga mata na animo'y nagpapa-cute nang husto.
"Pero--"
"Pero ano?"
"Guwapo ka, pero hindi kita type eh! At 'yong nararamdaman mo sa akin..." Sandali niyang pinutol ang sasabihin, lumapit siya at idinikit ang bibig sa tainga nito, "LIBOG lang 'yan." Tinapik-tapik pa niya ang balikat nito, "Maligo ka lang at siguradong tanggal ang anumang nararamdaman mo sa akin." Kinindatan muna niya ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
MATAPOS magluto ay muling binalikan ni Yumi ang paglilinis. Nasa silid siya ng kanyang pinsan.
"Araw-araw kong nililinisan ang silid na ito, araw-araw din na sobra ang kalat dito," naiiling na hayag niya habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang mga nagkalat na gamit.
Inumpisahan na niya ang pagpulot. Magmula sa damit, towel, bra't panty. Sunod-sunod na napailing si Yumi.
"Kung siguro'y naiiwan lang 'yong kanya, marahil isa rin sa mga kalat dito iyon." Napa-iling pa siya.
Pawisan si Yumi nang matapos na malinisan ang buong silid. Malaki-laki rin iyon kumpara sa silid ng tiyahin niya. Pinunasan niya pawis na tumulo sa noo nang mapatingin sa katapat na salamin. Sinayod niya roon ang kanyang sarili. Mula ulo hanggang paa.
"Kailan ba ako huling tumingin sa salamin?" Hindi niya namalayan ang unti-unting paglapit sa malaking salamin. "Ganito na pala ang hitsura ko?"
Hinaplos niya ang magkabilang pisngi kasunod ang pagtanggal ng tali sa buhok. Dinampot niya ang suklay at malumanay na hinagod iyon sa hanggang baywang na buhok. Hindi niya maintindihan kung bakit niya nagawang pakialaman ang gamit ng pinsan. Kabilin-bilinan pa naman nito sa kanya na huwag mangingialam ng kahit anong gamit sa silid nito. Hindi lang sa pagsuklay nagtapos ang pagharap niya sa salamin. Kinuha rin niya ang red lipstick at ipinahid iyon sa mamula-mula niyang labi. Sumilay sa labi niya ang pinong ngiti.
"Maganda rin pala ak--"
"Anong ginagawa mo?"
Nanlaki ang mata ni Yumi. Naging tuod din ang katawan niya habang nakatunghay sa salamin.
"Pinakialaman mo ang gamit ko!"
Mabilis na lumapit si Althea sa kinaroroonan niya. Inagaw nito ang hawak na lipstick at halos maiyak na tinitigan iyon.
"Hindi mo ba alam kung magkano halaga ng lipstick na ito?" Ipinagduldolan na nito ang hawak sa mukha ni Yumi. "Kulang pa ang magiging sahod mo kung papasok kang katulong." sigaw pa nito.
"Sorry Althea, h-hiniram ko lang nama--ahh!" Mabilis niyang nasapo ang pisngi nang dumapo roon ang palad ni Althea.
"Hiniram? Eh, kung pahiramin kaya kita ng mukha sa aso. B'wisit ka!" Hiniklas nito buhok ni Yumi.
"Aray, Althea! Nasasaktan ako!"
"Talagang masasaktan ka sa akin. Siguro'y matagal mo nang ginagawa 'yan, 'no?" Hindi ito tumigil ng pagsabunot sa dalaga.
Hindi na rin naman nakatiis si Yumi. Kahit halos mabali na ang leeg at mapuknat ang kanyang anit, nagawa pa rin niyang itulak ng malakas si Althea. Sumadsad ito sa semento. At ang tagpong iyon ang naabutan ni Lourdes.
"Mayumi!"
Muling nanlaki ang mata ni Yumi nang makitang nakatayo na sa bukana ang tiyahin. Nagbabaga ang mata nito sa galit na lalong nagpasindak sa dalaga. Nakadama tuloy ng takot si Yumi at hindi malaman kung ano ang gagawin.
NAKATIKIM ng sermon, mura at may kasama pang sampal si Yumi mula sa tiyahin dahil sa nagawa niya. Hindi naman siya makapagdahilan dito dahil tiyak niyang siya pa rin ang talo. Pikit-mata na lamang niyang tinanggap lahat ng masasakit na sinabi nito.
"Ganiyan pa ba ang igaganti mo sa amin, lalo na sa anak ko! Pinatira ka na nga namin dito ng libre. Dapat pala'y pinalayas na kita noon pa dito sa pamamahay ko!" malakas na bulyaw ni Lourdes.
Ang huling salitang iyon ang hindi na niya napalampas pa. Hindi na niya napigil ang sarili, "Pamamahay? Pamamahay n'yo po ba ito? At libre n'yo ba akong pinatira sa pamamahay ko? Hindi, 'di ba? Mahigit sampung taon niyo na akong ina-alila sa pamamahay ng namayapa kong magulang, Tiyang Lourdes. Hindi nga man lamang akong makabili kahit isang bagong panty, puro pinaglumaan na lamang ni Althea ang mga gamit ko. Tapos ngayo'y sinasabi n'yo na libre ang pagpapatira ninyo sa bahay ng magulang ko."
"Aba! Lumalaban ka na talaga ah!" Humakbang palapit si Althea sa kanya at saka'y tinuktukan siya nito. "Kulang pa nga iyon kung tutuosin eh! Sa dami ng utang ng ama mo sa ami'y kulang pang ipambayad itong bahay ninyo."
"Talaga? Kaya ba parang hindi kami nakakabayad sa inyo? Magkano ba ang inutang ni Papa sa inyo? Sampung milyon ba?"
Malakas na sampal ang itinugon ni Lourdes sa dalaga, "Hindi ka man lang marunong magpasalamat dahil pinatira ka pa namin dito. Kung umaangal ka na sa trabaho mo'y makakaalis ka na ngayon din!" malakas nitong utos.
Bahagyang natigilan si Yumi sa narinig. Nais sana niyang magmakaawa sa tiyahin dahil wala siyang ibang mapupuntahan. Wala siyang ibang kamag-anak pero mas nanaig sa kanya ang pride. Marahil ay iyon na rin ang tamang panahon upang iwan niya ang kinalakihang tahanan. Walang imik na tinungo niya ang itaas upang ibalot ang mga gamit. At habang inaayos niya ang mga gamit ay nag-uusap naman ang mag-ina sa ibaba.
"Ma, seryoso ka ba? Papaalisin mo si Yumi?"
"Wala akong ibang choice, anak. Hindi ko rin naman gusto ang sinabi ko dahil wala nang gagawa ng mabibigat na gawain dito, pero nasabi ko na iyon. Akala ko nga'y magmamakaawa siya pero mali pala ako."
Nagmartsa si Althea na para bang bata, "Ma naman, wala nang maglalaba at mamalantsa ng damit ko. Kung sana'y pinahirapan mo na lamang siya."
"Hintayin na lang natin ang pagbaba niya, baka'y magbago pa ang isip at magmakaawa sa atin."
Tumahimik ang dalawa nang maramdaman ang mga yabag ni Yumi. Bitbit ng dalaga ang may kalakihang supot at isang sirang bag. Hindi na siya nagsalita pa, dumiretso siya sa unang palapag ng bahay. Papalabas na sana siya ng pinto nang sumigaw si Althea.
"Wait..." kasunod ang yabag nito pababa ng hagdan. Babawiin sana nito ang ginawang pagpapalayas ng ina subalit iba ang lumabas sa bibig nito. "Patingin nga ng bag mo, baka'y may mga gamit ako riyan."
Matalim ang mata habang ibinababa ni Yumi ang mga gamit. At nang walang makita si Althea ay muli niyang binuhat iyon.
"Masaya ka na?"
Walang tugon si Althea. Muling tumalikod si Yumi. Kasabay ng paghakbang niya sa paa'y unti-unting pumatak ang luha sa mata niya. Nagsisimula na ring dumilim at nagbadya ang ulan, subalit hindi niya iyon pansin. Hindi rin niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nagtatanong sa nangyari. Hindi na rin niya napansin ang ina ni Tikboy na balak sana siyang kausapin hinggil sa pagkakabasted sa anak nito. Dire-diretso ang kanyang lakad hanggang sa hindi na niya namalayan na malayo na ang nararating ng kanyang mga paa.
Nasa sampung oras na yata siyang naglalakad, maya-maya pa ay napahinto bigla siya nang mapagtantong hindi siya pamilyar sa tinatahak na daan. May matataas na puno at mga talahib na rin sa gilid ng kalsada. Hanggang palengke lamang ang nararating niya at kahit nang maliit pa siya'y hindi sila dumaraan sa gawing iyon. "Saan ako pupunta?" Gamit ang kanang palad ay pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi niya.
Mabagal niyang tinahak ang malaking puno sa gilid ng kalsada. Itinabi niya ang supot at kinalong naman ang bag sa pag-upo. "Galit po ba kayo sa akin, Lord? Bakit labis Ninyo akong pinaparusahan? Una, kinuha Niyo sa akin ang magulang ko, ikalawa'y pinahirapan ako ni Tiyang Lourdes. Mahigit sampung taon akong inalila. Trinato na daig pa ang isang alila at ngayo'y pinalayas dahil lang sa paggamit ko ng lipstick. Bakit ko ba kasi iyon ginawa? At bakit kasi napakalupit nila sa akin? Gaano ba kalaki ang inutang ni Papa para palayasin nila ako sa pamamahay ko? Samantalang nagpapakapagod na ako para lang mabayaran ang sinasabi nilang utang. Hindi pa ba iyon sapat?" Luhaan pa rin siya matapos mailabas ang mga hinanakit na iyon.
Naghintay si Yumi roon sa paghinto ng ulan hanggang sa mapagpasiyahan niyang mamasukan kay Aling Nena--ang isa sa binibilihan niya ng mga gulay sa palengke. Matagal na siyang kinukuha nito subalit palagi rin niyang tinatanggihan ang alok ng ginang. Maya-maya pa ay bigla siyang napahawak sa tapat ng tiyan nang kumalam iyon. "Manahimik ka muna tiyan ko, hintayin muna nating tumila ang ulan." Sa halip na manahimik ay sunod-sunod pang umingay ang kanyang sikmura na lalong nagpaluha sa kanya, lalo tuloy siyang nahabag sa sarili.
"Kapag yumaman ako, bibilihin ko lahat ng gusto kong kainin. Bibilihin ko lahat ng gusto kong damit at mga gamit sa katawan. Titiyakin kong luluwa ang mata ni Tiya Lourdes at Althea sa akin." Matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyo'y pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi. Daig pa ang isang batang musmos habang nangangarap. Hanggang sa makatulog siya yakap ang dalawang tuhod.
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.