Share

Chapter 8

Nais mang mag-protesta ni Yumi ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Vincent. Kasama iyon sa kasunduan nila ng binata. "Puwede bang umatras?" hiyaw ng kanyang isipan. "Umatras sa pagpapakasal sa iyo." Pero hindi niya maiwasang manghinayang kung aatras siya. Marahil ay sa kapalit nang pagpapakasal niya sa binata. Aaminin niya, naakit siya sa sinabing ibibigay ng binata sa kanya 'pag pumayag siyang magpakasal dito. Sino ba naman ang tatanggi 'pag pera na ang pinag-uusapan? Isa pa, fake lang naman ang kasal na gaganapin. Natitiyak niyang mababayaran na niya ang tiyahing Lourdes at mababawi na rin ang bahay ng kanyang magulang. Subalit ngayo'y parang may pag-aalinlangan na sa isipan niya. Hindi niya kayang makisama sa mga taong high-class dahil hindi siya ganoong uri ng tao. Mas nanaisin pa niya ang magtinda sa palengke o kaya'y magtrabaho nang walang sahod. 

Namalayan na lamang niyang sakay na sila sa isang white van. Abot-abot ang kanyang hinin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status