Mag-log inYurich pov
“Kuya Atlas?” “Bro! Please, sunduin mo mamayang labasan ng kambal may lakad kami ng Ate Andrea mo,” “Kuya, kagigising ko lang ngayon at mayroon ulit kami shooting mamayang alas-otso ng gabi. Kailangan kong magpahinga pa at inaantok pa ako,” reklamo ko sa kaniya. Hindi pa nga ako bumabangon nakahilata pa ako sa kama ko inuutusan niya na ako. Madalas silang ganito ng kapatid rin namin na si Alexaiver. Kapag may lakad silang mga mag-asawa ako ang kokontakin nila. May iba naman kaming mga pinsan pero ako talaga ang lagi nilang iniistorbo. “Sige na, ikaw naman ay single pa sa kapatid namin. Sunduin mo lang gising ka naman na labasan ni Layvee at Jeselle alas-dose ng tanghali baka makalimutan mo,” “Fvck! Kuya Atlas, I haven't agreed yet. H'wag mong sabihin na nag-day off na naman ang yaya ng mga anak mo. Magpalit ka na abusado na ang mga iyon!” Subalit hindi lang ako pinakinggan. Seven to twelve kasi ang pasok ng grade one kong mga pamangkin sa sikat at private school. “You love your two nieces, so I'm sure you'll agree. Bawasan mo rin ang pagsusungit mo kaya tuloy hindi ka nagugustuhan ng crush mo dahil palagi kang suplado. Ngumiti ka naman para bata ka tingnan—” “Sinabi ko na wala akong gusto roon.” “Tell that to the marine. We know you bro. Isa pa umaasa ka pa rin ba na makikita mo ang babaeng naka one night stand mo? Hindi mo nga ito nakilala kahit man lang namukahaan lang, wala. Kaya move on ka na bro. Para naman magkaroon ka na ng love life. Trenta ka na—” “Makikita ko siya kuya. Nararamdaman ko makikta ko siya,” mariin kong sabi. Naulinigan ko napa buntong-hininga si Kuya Atlas. Kahit ako hindi rin confident na mag-krus ulit ang landas namin ng babae. Hindi lang dahil na-guilty ako nakuha ko siya. Kundi niligtas n'ya rin ako sa kapahamakan. Kaya gusto ko s'yang makita para magpasalamat at panagutan din ang nangyari sa amin. Damn it, first time niya iyon nangyari sa amin. “Ikaw lang ang iniisip namin. Aba, baka ikaw lang ang nag-iisip na magkikita kayo ng babaeng naka one night stand mo. Pero iyong babae. Baka nakalimutan ka na, direk Yurich,” seryoso saad ng Kuya Atlas. Humugot ako ng hangin. May katotohanan din naman ang advice ng kapatid ko. Pero hindi ko alam kung bakit umaasa pa rin ako hanggang ngayon na magkikita ulit kami. Mariin akong napapikit. Almost four years na pero wala pang makuha na lead sa paghahanap ko. Sabi nga ng private investigator na kinuha ko. Baka naman daw naligaw lang sa Soltero bar. Tapos hindi naman daw pala rito nakatira sa Pinas. Okay sana at madali lang mahanap kung namukahaan ko man lang siya. Pero may naiwan siya paggising ko na wala na siya. Pendant yata initial at letter E. Sa daming may initial na ‘E’ ang hirap naman noon hanapin reklamo ng una kong na-hire na private investigator. Pinalitan ko masyadong reklamodor sayang ang binabayad ko, para lang reklamohan ako na initial lang iyon kaya mahirap pa sa butas ng karayom makita. Napakurap ako nang tumikhim sa kabilang linya si Kuya Atlas. Natahimik pala ako. “Malay mo may asawa na iyong babae. Kaya hanap ka na lang ng iba. Good catch na rin iyan si Ms. Jhen Paulin, kahit naman anong tanggi mo. Kilala ka namin kahit utot mo. May gusto ka roon kay Ms. Jhen, kaya nga selos na selos ka sa leading man dahil ikaw hindi pinapansin,” Tang ina. Naalala ko kanina madaling araw na. Nagkwentuhan pa ng ka-loveteam niya. Nagpa-pack up na nga ako, kahit na hindi natapos ang huli n'yang ginagawa na eksena kasi napansin ko nagluluha na sa hikab tapos makikita ko nag-uusap pa ng leading man niya kaya pinauwi ko na. “Hindi ako nawawalan ng pag-asa Kuya,” bulong ko. “Pero badtrip ka sa leading man ni Ms. Jhen dahil doon lang ngumingiti. Bawasan kasi pagka suplado. Parang takot ka naman magselos iyong babaeng naka one night stand mo takot madiikit sa mga babae,” pang-aasar pa rin ng kapatid ko. “Tapos ka na?” naka angil kong sabi. Malakas na humalakhak si Kuya Atlas sa kabilang linya. “Marami pa sana akong advice sa iyo pero sige na. Bumaba na ang maganda kong asawa aalis na kami. H’wag mong kalimutan ang mga pamangkin mo ha, direk Yurich. Alas-dose ng tanghali ang labasan nila baka makalimutan mo,” “Yeah, yeah, kung wala ka nang magandang sasabihin tantanan mo na ako,” saad ko pagkatapos pinatayan ko na siya ng tawag.Jhen Pagkalipas ng isang taon… "Nanay Cristy, nakita mo po mag-aama ko?" nakasalubong ko pagbaba ko sa hagdan dahil galing ako sa k'warto natagalan ako makababa nauna sila bumaba dahil timing na tumawag ang daddy kung kailan ako patapos na magbihis kaya roon ko na kinausap. "Anak, nasa hardin sila." "Sige po Nanay pupuntahan ko na lang po," tugon ko at itinuro ko lalabas na ako. Sa Baguio nakatira si Daddy, kasi ayaw naman dito sa bahay, kahit anong pilit ko. Iyong bahay kong naipundar na dating tirahan namin ng mga anak ko. Pinauupahan ko na lang dahil kahit doon ayaw rin n'ya. Gusto lang sa Baguio. Nanghinayang ako kung ipagbibili ko iyon dahil galing iyon sa kita ko sa pag-aartista. Isa sa naipundar ko kaya ayaw kong mapunta iyon sa iba. Si Ate Germaine dapat ang pinatitira ko kahit walang bayad ng upa. Ayaw naman kasi sa Laguna nakatira ang asawa ni Ate Germaine. Doon na siya lalo na dalawang buwan na iyon buntis ngayon. Happy na si Ate Germaine. Matagal din ito nakahan
JhenAlas-onse y medya ng gabi ako nakarating sa bahay. Nag-aantay na pala ang asawa ko sa malawak naming living room. Pagkakita niya sa akin ang lapad ng ngiti ng asawa ko at kaagad s'yang tumayo sa sofa para salubungin ako.“Tulog na ba ang tatlo?" mahina ko lang na tanong sa kaniya kasi tahimik na ang buong bahay.Tumango siya sabay pinasadahan n'ya ako nang tingin kaya hindi ko maiwasang hindi mamula ang mukha ko. Dahil magulo na ang buhok ko itong si Ate Germaine, kasi tinudo ang bridal shower niya. Aba'y hindi ako nakatakas sumayaw natapunan pa ng beer ang pants ko medyo tipsy na ng Ate Germaine. Kaya nagpaalm na agad akong uuwi na. Pero mga babae lang naman kaming lahat. Isa pa hindi naman ako uminom kasi nga ayaw ko maamoy ng mga bata nasa isip ko kasi baka mga gising pa inantay ako kasi wala naman pasok bukas.“Kumusta?”“Inaantok na ako,” sagot ko kasi totoo naman, talagang inaantok na ako. Nakangisi at nakataas ang kilay ni Yurich. Para bang ayaw n'yang maniwala. Mabilis pa
Yurich POV "Sure ka ba mister, makulit iyang bunso mo. Kaya mo ba talaga 'yang tatlo mong anak?" tanong ng maganda kong misis ng hapon na paalis siya. May pa-bridal shower si Germaine. Ikakasal na ito next week kaya aalis ngayon ang asawa ko mamaya uuwi rin daw siya ng alas-diyes ng gabi kahit hindi ko tinanong kung anong oras siya uuwi. Sabado naman ngayon wala akong trabaho kaya ako ang bantay sa tatlong bata. Si Nanay Cristy at isang maid dahil ang dalawa naming kasama sa bahay day-off ngayon. Isa pa gusto ko rin paminsan-minsan mag-enjoy naman ang asawa ko kasama mga kaibigan niya lalo na si Germaine na bestfriend na ni Jhen. Humakbang ako palapit sa kaniya at hinapit ko siya sa baywang n'ya. Hindi ito tumutol ng siilin ko siya ng halik sa labi. Kaya nagtagal ang halikan naming dalawa at kung hindi pa n'ya ako itunulak baka hanggang ngayon inaaangkin ko pa rin ang labi n'ya. Hindi ako magsasawa na paulit-ulit s'yang halikan kahit pa maya't maya ko pa iyon gawin hindi pa ri
Yurich POV Shit! Bakit kaya wala pa sina Jhen at Nanay Cristy? Nahalata yata ng daddy na balisa ako kaya tinapik ni Daddy ang balikat ko. “Anak ‘wag masyadong kabahan. Maya-maya lang darating na iyon si Jhen. Gano'n talaga kapag mga babae matagal sila mag-ayos,” saad ni daddy. Kung sana ganoon lang ang dahilan bakit hanggang ngayon wala pa sina Jhen at Nanay Cristy. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili nag-aalala ako ng sobra para kay Jhen. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nakita ko rin parang same kami ng nararamdaman ng daddy ni Jhen. Kasi panay tinging nito sa suot na relo at sa likuran sa entrance ng venue kung saan dapat ang pasok ng bride ko roon panay lingon ni Daddy Jojo, tila hinahanap niya si Jhen. Tumayo sina Queendra at Quentin. Naroon sila kasama ng mga pinsan behave ang dalawa kong anak, pero ngayon parang same sa akin balisa ang magkapatid panay nakatingin sa akin at sa likuran nila gaya sa Lolo Jojo nila. Kaya pala tumayo sina Queendra at Quenti
Jhen Napakurap ako nang umpisang bumukas ang malaking glass door ng garden venue. Uminit pa ang gilid ng aking mata dahil naalala ko muntik nang hindi matuloy ang kasal namin ni Yurich, dahil sa kagagawan ni Aiko at Emir. Humugot ako nang hangin para kumalma. Bawal na akong umiyak dahil kotang-kota na ako kanina pa. At medyo maga pa rin nga ang mata ko pero kere lang naman. Ang importante tuloy na tuloy itong kasal namin ni Yurich. Wala ng hadlang sa kasal namin. Humalo ang malamig na simoy ng hangin sa amoy ng fresh rose at puting peonies na nakapalibot sa buong hardin. Habang unti-unti akong naglalakad sa aisle na pinalamutian ng puting petals, naririnig ko ang mahinang tugtog ng violin na mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Lumingon ako sa Daddy ko. Kung kanina umiyak ito sila ng Nanay Cristy dahil sa nangyari. Ngayon nakangiti na sila pareho habang nakahawak ako sa braso nila ni Nanay Cristy. Sila dalawa ang maghahatid sa akin. Napunta naman ang mata ko sa mga a
Jhen"Emir, maraming salamat ulit," saad ko nang mag-umpisa nang tumatakbo ang sasakyan. Nagkibit balikat lang siya pero alam ko ngumiti ito ayaw lang nito lumingon sa akin.Ang saya lang dahil hindi tuluyang naging masama si, Emir. Nanaig pa rin talaga ang kabutihan n'ya gaya noong unang pagkakilala ko sa kaniya. Kaya nga kahit anong inis ni Yurich sa kaniya. Pinagtatanggol ko siya dahil iyon ang nararamdaman ko mabuti s'yang tao.Masyado niya lang talaga ako minahal at hindi agad matanggap na hindi ako ang babaeng nararapat sa kaniya. I'm sure soon makahahanap siya at kapag nangyari iyon. Doon n'ya lang mare-realize na hindi ako ang babaeng laan para sa kaniya.Medyo maayos na ang hitsura ko ngayon pero namamaga nga lang ang mata ko dahil sa matagal kong pag-iyak. Importante lang sa akin matuloy ang kasal namin ni Yurich at ilang minuto na lang makararating na ako roon.Hindi pa kami nakararating ni Emir, medyo malayo pa sa venue nang biglang dumating ang mga pulis at kilala ko ang
Jhen "Hello po Tita Lian?" "Jhen, alam ko kalabisan na dahil hiningi mo ang araw na iyon dahil birthday ng Nanay Cristy mo." Napairap ako kasi sa tuno ng salita ng manager ko mayroon sa akin hihilingin. Kung hindi lang talaga sa utang na loob. Tatanggi ako dahil mag-overnight kami sa Laguna b
Yurich pov “Hi, miss. Mukhang pauwi ka at mag-isa ka lang. Gusto mo bang ihatid kita? Ihatid sa langit,""Bastos! Bitiw!" nagkandabuhol ang boses na galit na sabi ng babae.Lasing? Halata naman dahil nag-eekis ang tayo nito.Natigilan ako kahit na hindi tuwid ang lakad ko nang mayroon akong makita
“Pa- try ako nga magmaneho ma'am,” wika ng ate Germaine nang malapit na kami sa school ng mga bata. “No way! Maliit pa ang mga anak ko ayaw ko pang matigok ng maaga," natatawa kong tugon sa kaniya. Humagikhik na lang ang Ate Germaine. Bumalik siguro sa alaala n'ya ang nangyari pag-aaral niya pa
Jhen Sobra-sobra ang pagod ko nang matapos ang huling eksena para sa bagong movie na ginagawa ko. Ala-una y medya na ng madaling araw pero ako at buong staff, gising pa kahit na antok na antok na ako pero hindi pu-puwedeng matulog. Habang inaayos ko ang personal kong gamit. Panay ang hikab ko.







