Share

CHAPTER TWO

CARA POV

7am pa lamang ng umaga ay ginising na ako ni Johanna may tawag daw sa Hospital kung saan nakaadmit si Zhairro na nagpapadischarge na ito kaya heto ako ngayon sa loob ng St. Lauren Hospital nag hihintay sa upuan si Johanna na ang pinag asikaso ko need lang nila ng pirma ko kaya ako sumama.

Nakatingin lang ako sa pintuan ng kwarto ni Zhairro kung saan siya nakaadmit. Bumukas ang pintuan at lumabas ang isang Doctor doon, umayos ako ng upo dahil sa gawi ko siya papunta.

Huminto sa harap ko yung Dr. kaya tumayo ako .

"Ako si Dr. Paolo Samson Doctor po ng pasyente sa Room 305." sabay abot nang kamay niya.

Inabot ko iyon saka nakipag kamay.

"Cara Reid po Doc. uhh kamusta na po yung pasyente?" alanganin kong tanong.

Namulsa siya saka bumuntong hininga, ngumiti siya sa'kin.

"He's fine wala namang internal bleeding na nangyari, gasgas lang aside from that wala na, actually gusto na niyang umuwi kaya pinatawag kita agad." saad niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Uhmm m-may pumunta na po ba dito na pamilya niya?" tanong ko na ikinakunot nang noo niya.

"Akala ko kakilala mo siya.." agad akong umiling.

"No Doc. He's uh he's no one actually tinulungan lang namin siya, kawawa naman kung pabayaan lang namin sa daan na puno ng galos ang katawan diba?" pagsisinungaling ko.

He chuckled. Ang sexy ngumiti lumitaw pa ang malalim niyang dimple. putok na putok ang muscle sa Doctor's coat niya.

"Done checking me out Ms. Reid?" napakagat labi ako sabay iwas ng tingin.

"U-uhh h-hindi ah... " gusto ko nang lumubog sa kahihiyan paniguradong kasimpula na ng kamatis ang mukha ko.

"You're blushing.. so cute." He chuckled amusingly.

Kung hindi lang 'to Doctor binatukan ko na kanina pa. grr!

"Is it okay if I ask you out for a lunch?" Doon ako napatingin sa kaniya. Napakamot pa sa batok at nahihiyang nag iwas ng tingin.

Kung kanina ako yung iwas ng iwas ng tingin ngayon naman ay siya.

Ngumiti ako I nodded.

"Sure--"

"Cara, okay na yung bill pwede na tayong---" naputol ang sasabihin ni Johanna at napunta ang tingin sa Doctor na kaharap ko saka niya ito pinasadahan ng tingin ang Makisig na Doctor saka ako siniko. "--Magdate." pagtatapos niya sabay kagat labing kumindat sa lalaking nasa harapan namin.

Hinubad ni Johanna ang Denim Jacket niya at walang pasabing hinagis sa mukha ko iyon, palanding lumapit siya kay Doc. Samson saka inabot ang kamay.

"Hey Dr. Shemshen My name ish Johenne of your dreams." pabebeng pagpapakilala niya saka lumambitin sa matikas na braso ng lalaking nilalandi niya.

Mabilis pa sa isang segundo kong hinila sa tenga si Johanna pabalik sa tabi ko. Itong malanding bakla na 'to kahit kailan talaga!

"A-aray! Ma'am naman ea! inubusan mo na ako nang Fafa ha." Reklamo niya habang hinihimas ang tenga niyang napingot ko.

I scoffed.

"No you're so makapal ha!" I rolled my eyes.

Binalik ko ang atensyon kay Doc. na aliw na aliw sa amin.

"Pasensya kana po sa kasama ko Doc. He forgot to inom his gamot earlier."

Johanna groaned beside me.

"I am she not he, geez christ etong conyo na 'to hmp!" maarteng angil niya saka nagflip ng imaginary hair niya.

Natatawang sumilip si doc sa wrist watch niya.

"Let's go I still have 30 minutes break." aniya.

Sumang ayon na ako wala pa din akong kain mula kanina. Lumambitin ulit si Johanna kay Paolo, Umirap at bumelat pa sakin ang gaga he even swayed his hips nagmukha tuloy si Jollibee.

"WHO the fuck brought me here?! You're not even telling me her name ganiyan ba kamisteryosa ang taong iyon?!" Nasa entrance pa lang kami nang hospital ay rinig na rinig na namin ang sigaw ng pamilyar na boses, it's him yelling and shouting at the nurse station.

Ang ibang nurse ay pilit siyang pinapakalma ngunit hindi siya nakikinig at patuloy pa din sa pagsigaw. Takot na bumaling sa gawi namin ang nurse na babae kaya tumalikod ako agad.

Humakbang ako palabas ng entrance lakad patakbo ang ginawa ko h'wag lang niya ako makita pero mali ako. Dahil pagkarating ko ng Parking lot ay may humablot na sa braso ko at isinandal ako sa kotse ko.

Pinilit kong kumawala sa kaniya pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay bumabalik nanaman sa akin ang lahat.

"D-don't touch me.... go away!" sigaw ko mas lalo niya akong idiniin sa kotse.

Napapikit ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"So it's you!" sabi niya sa malamig na boses.

I mustered the rest of my strength to get out of his grip, I breathed a sigh of relief as I moved away from him.

Nilabanan ko ang masamang titig niya.

"Yes, it's me Mr. Blackwell, I was the only one who took you to the hospital yesterday because of your stupidity. Any problem with that?" I asked blankly.

A mixture of emotions passed through his eyes, sadness, pain and sorrow. pero agad din iyon nawala. nagtiim bagang siya.

"You've changed." He shook his head in disbelief.

I smirked "what do you think of me? get drunk just because of you? chase you like a dog? After what you all did to me you think nothing will change? hah! Y'all pulled me down, all of you abandoned me like a broken thing that can no longer be used. You think I can't lose you? look at me, look at what I am now the girl you left for your best friend at ang babaeng pinalayas nang sariling magulang dahil sa kalandian niya. H-heto na ako ngayon buo na ulit.." I gasp. I won't let him see my tears again no way.

His face softened because of what I said. No I will not let him enter my life again. Hindi na ako papayag na masaktan niya ulit ako.

"Sorry..." Gusto kong matawa dahil iyon lang ang tangin lumabas sa bibig niya.. Sorry? what for? dahil ba balak na naman niya akong wasakin ulit? ha! over my dead body!

"No it's okay, really... actually sayo na yang sorry mo.. I don't need it, ang gusto ko lang layuan mo na ako at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin." lumapit na ako sa kotse ko. "And By the way sa susunod huwag ka nang tatanga-tanga hindi bagay sayo." ngisi ko saka pumasok sa kotse at pinaandar na ang makita saka ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status