Share

Zhairro Cly Possession
Zhairro Cly Possession
Author: Eroticredroom

PROLOGUE

CARA POV.

Ilang beses na ba akong nagpakatanga? Ilang beses pa ba akong magpapaka-tanga sa taong paulit-ulit akong niloloko? This is not the life that I want... I...hindi ko ito pinangarap pero bakit? Ano ba ang ginawa ko sa nakaraang buhay ko at kailangan ko itong maranasan?

Watching Zhairro kissing his bestfriend made my heart shattered into pieces. I covered my mouth to stop myself from making a sound. ang sakit, eto ba? eto ba ang sinasabi niyang busy siya at walang oras para maka-attend sa Dinner date namin? 

Ako yung girlfriend pero bakit parang ako pa yung nakikihati? oo nga at kababata niya iyong bestfriend niya pero kasi ako ang niligawan, ako ang minahal... P-pero bakit?.. bakit k-kung m-makipag halikan siya sa ibang babae parang walang kami?...

my whole body weakened, I was leaning on the backrest of the car while still watching them kissing as if they were eager for each other.

Kahit nanginginig ang tuhod ko ay nagawa ko pa din lumabas ng kotse at deretsong naglakad sa kanila. 

Mukhang nagulat si Zhairro sa biglaang paglitaw ko sa harap nila. Tinulak niya si Nicole saka humarap sa akin.

He tried to open his mouth to say something but he can't utter a word. I smile painfully. humarap ako kay Nicole na may mapang asar na ngisi sa labi.

"A-are you happy? m-masaya kaba kasi nakasama mo siya habang ako naghihintay sa Condo dahil sa pag-aakalang busy siya sa negosyo?"  tumingala ako para pigilan ang aking luha sa pagtulo. but my tears are betraying me.

My gaze went to Zhairro hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko lamang lahat ng panloloko niya sa akin.

Tumawa ako ng mapait.

"First, second hanggang 6th anniversary natin wala ka, tuwing gusto kitang makasama ang dami mong dahilan.. H-hindi ka nauubusan ng dahilan kapag ako ang nagrequest sa'yo ng oras mo.. Sa anim na taon nating magkasintahan wala kang narinig sa akin! kahit alam ko nang may mali sayo, kahit alam ko ng niloloko mo ako wala....w-wala kang narinig sa akin.. kahit...kahit kaunting oras mo lang hinihingi ko puro ka ganito ganiyan.. Emergency dito emergency kineme doon! putang ina akala mo ba manhid ako? lagi kitang sinusundan pero lahat ng emergency na iyon ay etong babae mo lang pala!" sinubukan niyang lumapit pero pinigilan ko siya. parang pinipiga ang puso ko sa sakit. ngayon lang ako maglalabas ng sama ng loob kahit ngayon lang pagkatapos neto wala na.

"Akala mo hindi ko malalaman na may nangyayari sa inyo?! At sa mismong hotel ko pa! kung hindi pa sinabi sa akin nong empleyado ko sa'kin na may ka-holding hands kang babae habang papasok ng Elevator malamang tanga pa rin ako! s-siguro sa sobrang pagka-sabik niyo h-hindi niyo na namalayan na sa Hotel ko na kayo dumiretso!" I clutched my chest naninikip ang dibdib ko hindi ko na kaya. ang sakit sakit na. 

Zhairro once again tried to touch me but I pushed him away. May dumaan na sakit sa kaniyang mata. No bakit siya pa itong parang nasaktan? gayong siya naman itong nagloko sa aming dalawa?

"L-let me explain, baby.. p-please?" He pleaded.

a lone tear fell from his eyes.

I laughed bitterly.."Explain? Hah! e-explain what? I-ipapaliwanag mo kung paano kayo naghalikan? how you two kissed and end up in my hotel bed both naked? H-how your both body touched? Kung paano niyo ginawa lahat ng posisyon?! iyon ba?! iyon ba ang dapat na ipaliwanag mo? save that damn explanation, Zhairro, save it."  tango tango ko, hinawi ko ang buhok na humarang sa mukha ko.

Bumaling ako kay Nicole na nanonood lang sa gilid, blangko akong tumingin sa kaniya.

"Are you happy now? sinira mo na kami, masaya ka na? you finally destroy our relationship.. sinira mo na ang relasyon na matagal kong iniingatan, nakuha mo na ang lalaking mahal ko...--"

"Cara what the hell are you talking about? She's just my bestfriend--"

"And fuck buddy too yeah... say whatever the fuck you want to say! But you can't change the fact that you cheated on me!" Pagputol ko sa sasabihin niya.. Bestfriend my ass! Walang magbestfriend na naghahalikan!

"You don't understand anything, Cara naguguluhan ka lang." Iling niya sinusubukan pa rin lumapit sa akin.

I scoffed.

"What about me? You don't understand me either.. nagtanong kaba kung okay lang ako, kung masaya pa ba ako sa relasyon nating ako na lang ang lumalaban? No you did not! May pakialam kaba sa nararamdaman ko? wala!  You don't understand anything my ass! hindi mo pinanindigan ang pagiging boyfriend mo sa akin niligawan mo lang ako pagkatapos kitang sagutin pinabayaan mo na ako!" Galit kong sigaw. 

Hinawi ko lahat ng mga nakapatong na pagkain at wine sa mesa, the food and broken glass scattered everywhere. I don't care if I was making a scene right now. I am hurt, I am in pain, I am empty and broken.

Padarag akong hinila ni Zhairro palabas ng Restaurant. Agad kong binawi ang kamay ko na hawak hawak niya dahilan para humarap siya sa akin. Binigyan ko siya ng mag asawang sampal.

"Don't fucking touch me with your filthy hands, Zhairro, don't!" I gritted my teeth as I glared at him.

His jaw clenched. namumula ang magkabilang pisngi niya sa lakas ng pagkakasampal ko. atleast kahit sa ganitong paraan mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ko alam na makasarili ka pala." He chuckled darkly.

Ako? Makasarili, paanong ako? Since when did I became selfish when All I did was to love him and understand him kahit ikawasak ko pa?

"Pardon?" 

His face became serious tinaliman niya ako ng tingin. 

"You're so selfish... I didn't know that I just dated a girl with a selfish attitude. You only care about your feelings nakakasawa na." 

I felt like my heart was stabbed with thousands of knives. Bakit parang kasalanan ko pa? 

Ako naman ang tumawa ng walang buhay. Lumunok muna ako ng paulit ulit saka huminga ng malalim... I just want to know kung minahal ba niya ako.

"Mahal mo ba ako, Minahal mo ba ako?" Please say no.. I want know the truth gusto kong malaman na hindi mo ako minahal kase mas matatanggap ko pa.. 

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"I... did and I love you.. but Nicole needs me... She's... Pregnant." Natulos ako sa kinatatayuan ko.. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas dahil sa rebelasyon na hindi ko napaghandaan akala ko masakit na yung nakita ko kanina pero may mas isasakit pa pala. 

Muntik na akong mawalan ng balanse kaya mabilis akong inalalayan ni Zhairro. Pero tinulak ko siya. He's having a baby with his long time bestfriend Nicole.. 

Nanghihina akong tumingin kaniya. Puno ng sakit, pagkamuhi at pagkadisgusto ang aking naramdaman.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan! this.. this is the last time na makikita mo akong luhaan..." I paused I can do it right? mapapalaya ko na siya.. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa.

"Dahil sa oras na ito ipapaubaya na kita sa kaniya, under the bright moon light, tonight I'll let the stars and the moon witness as I finally let you walk away from me. tumalikod ka at maglakad ka palayo mula sa akin huwag na huwag kang lilingon at kapag lumingon ka ay aasa lang ako muli... kaya gusto ko maglakad ka ng hindi humihinto." Ngumiti ako ng pilit habang tinatanaw ang papalayo niyang bulto. I simply held my tiny baby bump. Kakayanin natin ito baby kahit wala ang Daddy mo.. Much better this way kaysa habang buhay na magpakatanga si mommy.. I love you baby..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status