Share

6

Author: Lyn21
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 11:41:59

9:00 AM. PE Room.

"Class!" sigaw ni Ma'am Santos. "Finals niyo sa PE ay group dance. 5 members per group. Kayo na pipili."

Nagbulungan lahat.

Lumingon ako. Hanapin ko si Mika at Trisha.

Pero bago pa ko makalapit...

"Ma'am," sabi ni *Alex*. Tumayo siya. "Pwede ba kami ni Leah sa isang group?"

Natigil lahat.

Tumingin sakin si Ma'am. Tumingin sakin si Alex.

Tumingin sakin buong klase.

Sa likod ni Alex, nagkatinginan si *Drake* at *Zian*. Mga tropa niya.

"Putcha," bulong ni Drake kay Zian. "Nag-volunteer si Alex?"

"First time," sabi ni Zian.

Si *Yuna* sa tabi ni Alex, nanigas.

Si *Vinz* sa tabi ko, nagulat.

"Hindi," sabi ko. Mabilis. Matigas.

Nagulat si Alex.

"Ha?" sabi ni Ma'am.

"A-ah," utal ko. "I mean... may group na ko Ma'am. Sina Mika, Trisha, Vinz, at Bea na kasama ko."

Tahimik.

Narinig ko si Drake: "Aray ko..."

Napailing si Zian.

Tumingin si Alex sakin. Nasaktan.

Pero hindi niya pinahalata.

"Ah... okay," sabi ni Alex. Umupo siya.

Pagkatapos ng 5 seconds...

Tumayo ulit si Alex.

"Ma'am," sabi niya. "Ayoko rin pala sa group ni Leah."

"Alex," bulong ni Drake. "Tol?"

"Shh," sabi ni Zian.

"Ano?" sabi ni Ma'am. Naguguluhan.

"Wala Ma'am," sabi ni Alex. Ngumiti. Pilit. "May group na rin ako. Sina Yuna, Drake, Zian, at Lance."

*Drake at Zian.* Tropa niya talaga.

Pero kanina lang... siya yung nag-volunteer para sakin.

Nagkatinginan lahat.

"Bakit?" tanong ni Lance. "Kanina gusto niyo magkagroup?"

"Oo nga," sabi ng isa. "Ano nangyari?"

"Personal," sabi ko. Mahina.

"Wala yun," sabi ni Alex. "Di kami close."

*Di kami close.*

7 years.

Pinky promise.

"First love kita."

*Di kami close.*

Sumikip dibdib ko.

Si Drake, napahawak sa noo. Si Zian, napabuntong hininga.

Alam nila.

"Okay," sabi ni Ma'am. "Kung yan gusto niyo. Pero dapat maganda output niyo ha."

Umupo kami sa magkabilang side ng room.

*Group namin:* Ako, Mika, Trisha, Vinz, Bea.

*Group nila:* Alex, Yuna, Drake, Zian, Lance.

"Lea," bulong ni Mika. "Ano yun kanina? Bakit mo tinanggihan?"

"Wala," sabi ko. "Mas komportable ako sa inyo."

Pagsisinungaling.

Sa kabila naman...

"Alex," sabi ni Yuna. "Bakit mo ko isinama sa group mo? Kanina kay Leah ka."

"Wala," sabi ni Alex. "Trip ko lang."

"Trip mo mukha mo," bulong ni Drake kay Zian.

"Gago," sabi ni Zian. "Pero tama ka."

Galit si Alex.

Galit siya sakin.

Galit siya sa sarili niya.

"Okay, start kayo mag-discuss ng concept," sabi ni Ma'am.

Magkatabi lang kami ng pwesto.

1 meter lang pagitan.

"Anong sayaw natin?" tanong ni Mika.

"Contemporary," sabi ko.

"Music?" tanong ni Trisha.

"'See You Again'," sabi ko.

Sa kabila...

"Love Story," sabi ni Yuna.

"Bahala ka," sabi ni Alex.

Nagsimula kaming mag-practice ng steps.

Sabay kami.

Pag tumataas kamay ko, tumataas din kamay niya.

Pag lumingon ako, nandun siya.

"Alex!" sigaw ni Yuna. "Focus!"

"Sorry," sabi ni Alex.

Pero hindi sakin yung sorry.

Si Drake, napapailing habang pinapanood sila.

Si Zian, kinakalabit si Alex: "Tol, tinititigan mo nanaman."

"Wala," sabi ni Alex. "Naiinis lang ako."

Habang nagpe-practice...

Lumapit si Ma'am sa gitna.

"Alex, Leah," sabi ni Ma'am. "Bakit ayaw niyo magkagroup? Magaling kayong dalawa magsayaw nung HS diba?"

Natigil lahat. Si Alex parang nagtataka Ang reaksyon niya.

Sabagay Wala siyang maalala

"Hindi po," sabi ko. Mabilis.

"Wala lang po Ma'am," sabi ni Alex.

Tumingin si Ma'am samin. Matagal.

"Okay," sabi ni Ma'am. "Basta galingan niyo."

Pag-alis ni Ma'am, kinurot ni Drake si Alex.

"Anong wala? Kanina ikaw nag-volunteer."

"Tumahimik ka," sabi ni Alex.

4:00 PM.

Magkakahiwalay kaming lumabas.

Ako, nauuna.

Siya, nasa likod ko. Kasama sina Drake at Zian.

"Lea," narinig kong tawag ni Alex.

Huminto ako. Pero hindi lumingon.

"Ano?" sabi ko.

"Wala," sabi niya. "Basta."

"Gago ka talaga," narinig kong sabi ni Drake kay Alex.

"Shut up," sabi ni Alex.

Umalis sila.

Naiwan ako.

Maya Maya lang habang naglalakad ako nakita ko si Yuna nakasunod Kay Alex, pero Hindi ko na pinansin.

Naglalakad ako.

Phone ko hawak. Walang message.

Dati si Alex yung unang magme-message.

`Uwi na? Sabay tayo`

Pagliko ko sa kanto...

Nakita ko sila.

Si *Alex*.

At si *Yuna*.

Nakaupo sila sa bench sa harap ng milk tea shop.

Magkadikit yung balikat.

Nagsh-share ng isang cup ng milk tea.

Dalawang straw. Isang inumin.

"Alex," sabi ni Yuna. "Ito oh, titikman mo."

Iniabot ni Yuna yung milk tea kay Alex.

Uminom si Alex. Tapos ngumiti.

Yung ngiti na dati para sakin lang.

"Ang sweet naman natin," sabi ni Yuna. Hinawakan pa braso ni Alex.

"Oo," sabi ni Alex. Tumawa.

Tumawa siya.

Para kay Yuna.

Natigil ako.

Sa kabilang side ng kalsada.

Hindi nila ko nakita.

`Pinky promise. Hindi tayo maghihiwalay.`

Pero ngayon?

Magkahawak sila ng milk tea.

Magkakatabi sila.

Sweet sila.

Para sakin yung sakit.

Biglang may humawak sa balikat ko.

"Lea?" si *Mika*. "Anong tinitingin mo?"

Lumingon ako. Mabilis. "W-wala."

"Tara na," sabi ni Mika. "Uwi na tayo."

Pero hindi ako makagalaw.

"Mahal," sabi ni Yuna kay Alex. "Hatid na kita?"

"Sige," sabi ni Alex. Tumayo siya.

Pero bago sila umalis...

Lumingon si Alex.

Diretso sakin.

Nagkatitigan kami. 3 segundo.

Walang ekspresyon mukha niya.

Walang galit. Walang lungkot.

Wala lang.

Tapos tumalikod siya.

Sumakay sila sa jeep. Magkatabi.

Sumakay din ako ng jeep. Mag-isa.

"Lea," sabi ni Mika. "Okay ka lang?"

"Oo," sabi ko.

Pero nanginginig kamay ko.

Binuksan ko phone ko.

Yung wallpaper namin.

Grade 8. Naka-pinky.

`Pinky promise`

"Lea," sabi ni Mika. "Umiiyak ka."

"Hindi," sabi ko. Pinunasan ko. "Alikabok lang."

"Leah Mauna na ako, nandito na Ang sundo ko, ingat ka pauwi umaambon pa Naman." paalam ni Mika.

Tumango lang ako at naghintay ng jeep, busy si kuya walang nagsundo Sakin.

Umuulan ng mahina.

Wala pa ring jeep.

Nakatayo ako sa may overhang. Basang-basa na yung palda ko sa gilid.

Pagod. Gutom. Masakit.

Kanina ko pa nakita yung post ni Yuna.

Pic nila ni Alex. Milk tea.

Caption: `with my mahal 💕`

"Lea!"

Lumingon ako.

Si *Vinz*. Naka-motor. Naka-black helmet.

Tumigil siya sa tapat ko.

Napatitig ako Kay vinz at nagtanong sa isipan ko. Wala ba itong jowa, Ang gwapo niya pero Hindi Naman sa crush ko sya gwapo Naman talaga Siya... pero bakit nandito sya.

"wahhh," sabi ng mga babaeng nasa likod. "Ang gwapo."

"Kanino kaya yun?" bulong ng isa.

Pero si Vinz, sakin lang nakatingin.

"Sumakay ka na," sabi ni Vinz. Inabot niya sakin yung extra helmet. "Basa ka na."

"Hindi na," sabi ko. "Mag-jeep na ko."

"Walang jeep," sabi ni Vinz. "1 hour na ko naghihintay sayo dito."

Nanlaki mata ko. "Bakit?"

"Basta," sabi niya. "Sumakay ka na."

Pag-angkas ko...

Rinig ko yung bulungan.

"Uy si Vinz yan diba? Yung varsity?"

"Sino yung babae? Bakit siya sinakay?"

"Sana all."

"Crush ko pa naman si Vinz."

"Gf ba niya Yan?"

"Hindi Naman kagandahan."

Pero si Vinz?

Wala lang.

Inayos niya yung upo ko.

"Hold on," sabi niya.

Hinawakan ko lang yung dulo ng jacket niya.

Umandar motor niya.

Tahimik lang kami habang nasa byahe..

"Lea," sabi ni Vinz. "Kumain ka na?"

"Hindi," sabi ko.

"Pagdating sa bahay niyo, kumain ka ha."

Tumango ako. Alam na ni vinz yong about samin ni Alex dahil nakwento ko na yon sa kanya.

"Kanina," sabi ni Vinz. "Nakita ko sila."

"Sino?" tanong ko. Pero alam ko.

"Si Alex at Yuna. Sa milk tea shop."

Tumahimik ako.

"Okay ka lang?" tanong ni Vinz.

"Oo," sabi ko. Pagsisinungaling.

Huminto kami sa stoplight.

Lumingon si Vinz sakin.

"Pag hindi ka okay," sabi niya. "Sabihin mo. Hindi kita iiwan dito sa ulan."

Habang dumadaan kami...

May mga babae sa kanto.

"Vinz!" sigaw ng isa. "Sakay naman!"

Tumawa yung mga kasama niya.

Pero si Vinz?

Hindi man lang lumingon.

Diretso lang.

Parang ako lang yung tao sa mundo niya.

"Maraming nagkakagusto sayo no?" bulong ko.

"Wala," sabi ni Vinz. "Ikaw lang hinihintay ko."

Kinabahan ako. Ano ba to, Kong crush ko lang sya siguro kanina pa ako nakasigaw sa kilig dahil sa kanya.

5:00 PM. Bahay na namin.

Huminto si Vinz.

"Baba ka na," sabi niya.

Binaba ko helmet. Basa buhok ko.

"Salamat," sabi ko.

"Walang anuman," sabi ni Vinz.

May tumigil na tricycle sa tapat.

May 3 babae. Nakatingin samin.

"Uy si Vinz," sabi nila. "Sino yan?"

Pero si Vinz, sakin lang nakatingin.

"Lea," sabi ni Vinz. "Text mo ko pag nasa loob ka na."

"Oo," sabi ko.

Umalis siya.

Pagkapasok ko sa kwarto.

`Vinz: Bahay ka na?`

`Me: Oo, syempre papasok lang Naman ako ng Bahay eh.

`Vinz: Okay. Magpatuyo ka. Baka magkasakit ka.`

`Vinz: Tsaka... wag mo pansinin yung mga chismosa kanina ha`

Napangiti ako.

Pilit.

Pero naalala ko ulit.

Si Alex.

Yung milk tea.

Yung "mahal".

Pilit Kong kinakalimutan sa isip ko Ang nangyare kanina.

11:00 PM.

Scroll ako sa F*.

May post si *Drake*. Tropa ni Alex.

Pic nila. Si Alex, Yuna, Drake, Zian.

Caption: `banding with the friends ❤️`

Naka-heart si Alex sa comment ni Yuna.

`Yuna: Mahal kita`

`Alex: ❤️`

Isang heart lang.

Pero sakin?

`Pinky promise`

Wala na.

`Vinz: Tulog ka na. Bukas practice ulit.`

`Vinz: Hatid ulit kita kung gusto mo.`

Hindi na ako nagreply at natulog nalang ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • when you forget me   15

    "Leah." tawag Sakin ni Zian at drake. Tumingin ako sa kanila. Nakangiti Silang pareho Sakin pero Sakin, at si Alex nakatitig Sakin Biglang uminit Ang Mukha ko, tapos iniwas ko Ang tingin sa kanya. Naalala kaya niya? Pero Wala akong choice kundi lumapit dahil yon Ang daanan papunta sa cr ng mga babae. Ngumiti Kay drake at zian, "Hi." nahihiyang bati ko sa dalawa. "About kagabi salamat." sabi ni drake. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Alex. "Anong kagabi?" Tanong niya mahinang Tono pero matigas. Bigla akong kinabahan. Sasagot na sana si drake pero sumagot agad si zian na Ngayon parang alam niyang kinakabahan ako. " Ah sa math nag message kami Kay Leah, nagpaturo kami." sabi ni zian. Nakahinga ako ng maluwag. Pero si drake kumunot Ang nuo at nagtatanong na 'ha?' Pero tumingin ako sa kanya yong tingin na 'oo nalang.' mabuti at Hindi naalala ni Alex dahil lasing talaga Siya kagabi. Umalis si Alex ng Makita niyang dumating si Yuna kami nalang na

  • when you forget me   14

    Nagising ako Bigla ng tumunog Ang alarm clock. 5 am na.. pero pakiramdam ko inaantok pa ako sobra. Hindi ko na inisip Kong ano yong nangyare kagabi dahil sa Ngayon iisipin ko nalang Kong paano ko iiwasan yong mga nangyare. Maalala niya kaya? Yong kiss? Bigla akong nag sign of Cruz.. Sana tulad ng nakaraan Hindi na Rin niya matandaan yong nangyare kagabi. Bigla akong tumayo at bumama sa kusina nong naamoy ko Ang longanesa. Pagbaba ko nagtimpla agad ako ng gatas. "Ma'am Leah, ako na po." sabi ni ate katulong namin. "Ako na ate.. tapusin mo na pagluluto mo mag almusal na ako." sabi ko. Tumango nalang Siya at bumalik sa kusina. Pagkatapos ko magtimpla ng gatas umupo na ako. Kinuha ko phone ko tapos nag message ako Kay kuya. "Good morning kuya." bati ko tapos may smiley pa nakalagay. " I miss you." sunod message ko. Sa totoo lang namiss ko agad Siya ilang araw palang na Wala Siya. "Good morning too baby. Okay lang si kuya mong pogi." reply nya Natawa ako sa

  • when you forget me   13

    Dilim. Sobrang dilim ng kwarto ko. Nakahiga ako. Kakapikit ko lang. sa iyak kanina dahil kay Alex. Tapos biglang... `VRRR VRRR VRRR` Messenger. Maliwanag yung screen sa dilim. Nasasaktan mata ko. `Drake calling...` 10:02 PM. `Bakit siya tatawag ng ganitong oras?` Kabado agad dibdib ko. Sinagot ko. Boses barado pa talaga "Hello?" "Leah! Leah gising ka?!" Boses ni Drake. Hinihingal. Parang tumatakbo. "Oo... bakit?" tanong ko. Umupo ako sa kama. Nanginginig na kamay ko. Bakit tumawag ito? "Kasama mo ba si Alex?!" Sigaw niya. Yong sigaw na nag aalala. `Nanlamig ako.` "Ha? Hindi. Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko rito tapos Bigla akong napatayo. "Lasing na lasing siya" sabi ni Drake. Boses nanginginig din. "Kanina pa kami nag-iinuman sa bahay ni Zian. Tapos bigla siyang tumayo. Sabi niya 'uuwi na ko'. Tapos 2 oras na, hindi pa umuuwi. Hindi namin matawagan. Naka-off phone niya." `2 oras.` `Lasing.` tapos Gabi pa "San kayo nag-inum

  • when you forget me   12

    "Group 4!" sigaw ni Ma'am Santos. "Kayo na sunod! 2 minutes!" Tumayo kaming lahat. Lumapit si Alex sakin. Mabilis. "Bilis," bulong niya. Tumingin ako. "Leah," sabi niya. "Hindi tayo close. Pero team tayo ngayon. Kaya natin to." Tumango ako. "Wala naman," sabi ko. "Next up, Group 4! With their presentation: 'LEVITATING'!" `Palakpak.` `Sigawan.` Naglakad kami. 8 kami. Line. Ako sa gitna. Alex sa kanan ko. Vinz sa kaliwa ko. Yuna sa tabi ni Alex. Mika, Drake, Zian at Michelle sa likod. Ilaw. Mainit. Pero kita ko lahat ng mukha. Tumugtog "Levitating". Dark muna. Spotlight sakin. Kamay ko sa dibdib. Tapos dahan-dahang itinaas. Parang hinihila pataas. Ulo ko nakayuko. Pag angat ng beat... Sumabog ilaw. Lumitaw sila. Vinz at Drake sa harap. Naka-arms cross. Mika, Zian, Yuna sa likod. Alex sa tabi ko. *BULUNGAN SA AUDIENCE:* "Uy si Leah yan!" "Ang ganda ng pasok!" "Kumalat!" bulong ko. Vinz at Drake

  • when you forget me   11

    Pag pasok namin sa school ilang minuto lang sumunod na Rin Sina Alex pumasok.Maya Maya lang ay pumasok na si ma'am."Class!" sigaw ni Ma'am Santos. Lahat napatingin. "May changes tayo sa groupings para sa Foundation Day," sabi ni Ma'am. "Para mas balanced." `Kinabahan ako.` bakit Naman papalitan eh okay na yon eh."New Group 4:" "Leah - Leader" "Alex" "Vinz" "Yuna" "Mika" "Drake" "Zian" "Michelle "Tumahimik Ang buong klase, Napatingin ako kay Alex. Walang reaction blangko Ang Mukha nito habang nakatingin sa black board.Napatingin rin ako kay Vinz. Napakunot noo. Napatingin ako kay Yuna. Mas masama Ang Mukha nito."Practice kayo bukas Sabado 4pm," sabi ni Ma'am. "Monday na presentation. Last chance to. Walang aabsent. Gets?" "Yes ma'am," sabay kaming 8. Pagkatapos lumabas agad si ma'am."Anong nangyari?" bulong ni Mika sakin. "Bakit binago?" "Hindi ko alam," sabi ko. Sa totoo lang ayaw ko talaga makasa si Alex Lalo na sa practice.Gusto ko na umiwas tapos ga

  • when you forget me   10

    Tanghali. Mainit sa labas. Pero malamig sa loob ng library. Pagod ako. Pagod sa quiz kanina. Pagod kay Yuna na panay tingin sakin kanina at pang aasar... Pagod sa bahay. Sa away nina Mama at Papa. Sa kompanya. Kaya dito ako. Library. Tahimik. Walang tao. Walang drama. Umupo ako sa pinakadulo. Yung mesa na malapit sa bintana. Kumuha ako ng libro. "Business Management for Beginners". Gusto ko matuto. Para pag graduate ko, matutulungan ko si Kuya. Para hindi na kami malugi. Kapag naisip ko Ang kompanya mas Lalo akong na stress.May isa pa akong kailangan. "Financial Recovery for SMEs" Nasa pinakataas na shelf. Tumayo ako. Inunat kamay ko. Kulang. Isang dangkal. "Ang taas naman," bulong ko. Talon ako. Wala pa rin. Ulit. Wala pa rin. Napabuntong hininga ako. Kukunin ko na sana yong upuan para patungan koBiglang may kamay. Mas mahaba. Mas maputi. Kinuha yung libro. Tapos iniabot sakin. "ito." Pamilyar na boses. Malamig. Pero hindi masungit. *Alex.* N

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status