Share

5

Author: Lyn21
last update publish date: 2026-08-05 22:08:14

Lunes ulit.

Pagpasok ko, iba yung hangin.

Buong weekend tahimik si Alex.

Hindi nag-chat. Hindi nag-message kay Kuya.

Pag-upo ko, umupo si *Yuna* sa tabi niya.

Hinawakan niya kamay ni Alex.

Si *Vinz* naman, nasa harap ko. Lumingon sakin. Ngumiti.

Ngumiti rin ako. Konti.

Pero si Alex...

Wala. Walang tingin. Walang kibo.

"Lea," bulong ni Mika. "Okay ka lang?"

Tumango ako. "Oo."

Pero hindi.

Groupings sa Science.

"Group 1: Leah, Vinz, Mika, Alex, Yuna, drake at zian "

Habang gumagawa kami, lumapit si Vinz sakin.

"Lea, paano to?" Inabot niya sakin yung papel. Dikit balikat namin.

Tawa kami ng konti.

Tapos biglang...

BAGSAK.

Upuan.

Lumingon kaming lahat.

Si *Alex*. Tinayo niya yung upuan niya.

Galit.

"Teacher," sabi niya. Boses niya malamig. "Pwede ba lumipat ng group? Ayoko sa group na 'to."

Napatingin si teacher. "Bakit Alex?"

"Tingnan niyo po," turo niya sakin at kay Vinz. "Nagchichismisan lang sila. Hindi nagtatrabaho."

Hindi totoo.

Nagtatrabaho kami.

Pero tumayo si teacher. "Sige. Lipat ka sa kabilang group."

Pagdaan ni Alex sa harap ko...

Hindi siya tumingin.

Parang estranghero.

Parang yung Alex 3 years ago na sinabi Sakin Na 'sino ka?'

Uwian.

Hinarangan ko siya sa hallway.

"Alex," sabi ko.

Tumingin siya sakin. Walang emosyon.

"Anong kailangan mo?"

Yung boses niya.

Yung tono niya.

Bumalik.

"Nagalit ka?" tanong ko. "Dahil noong Sabado?"

"Anong Sabado?" sabi niya. Kunot noo. "Wala akong alam."

"Pumunta tayo sa mall," sabi ko. "Ikaw at si Yuna. Nakita mo ko kasama si Vinz."

"Ah," sabi niya. "Yun ba. Oo nakita ko."

"Tapos nag-chat ka pa kay Kuya Warren," sabi ko. "Sabi mo sumasakit dibdib mo."

Tumawa siya. Isang beses lang. Walang saya.

"Leah," sabi niya. "Hindi kita maalala. Hindi kita kilala.

Yung chat na yun? Siguro lasing lang ako. O nagbibiro lang."

Parang sinaksak ako.

"Ano?" bulong ko.

"Hindi kita kilala," ulit niya. Malakas. "Tigilan mo na ko. Nakakasawa ka na."

Tinalikuran niya ako. Ako pa yong nakakasawa? "Hindi Naman kita ginugulo ah." sabi ko pero hindi na Siya lumingon Sakin.

Si Yuna, dumaan. Ngumiti sakin.

`Sabi ko na sayo eh` yung tingin niya may pang aasar, Minsan napatanong ako, ano niya ba si yuna?

Pag-uwi ko, umiyak ako.

"Kuya," sabi ko. "Bumalik na naman siya."

"Sino?" tanong ni Kuya Warren.

"Si Alex," sabi ko. "Yung hindi ako kilala."

Niyakap ako ni Kuya. "Lea... matatag ka. Kaya mo yan."

Pero hindi ko kaya.

Kinagabihan.

Nag-message si Vinz.

Vinz: `Lea. Nakita ko nangyari kanina.`

Vinz: `Okay ka lang ba?`

Vinz: `Andito lang ako ha. Kahit kaibigan lang.`

Hindi ako nag-reply.

Nag-message si Alex.

Alex: `Wag mo na ko kausapin.`

Alex: `Wag mo na ko guluhin.`

Alex: `May girlfriend ako.`

Block.

Ibig Sabihin gf na niya si yuna, parang may karayum na tumusok sa dibdib ko. Ito na ba yon? Yong talagang kakalimutan na kita?

Kinabukasan.

Pumasok ako.

Nakaupo si Alex. Kasama si Yuna.

Tumatawa sila. Masaya Sila oo, pero ayaw Kong Makita.

Umupo ako. Mag-isa.

Lumapit si Vinz. "Lea..."

"Vinz," putol ko. "Pwede ba... maging kaibigan lang talaga tayo?"

Ngumiti siya. "Oo. Kaibigan lang."

Tumingin ako kay Alex.

Wala.

Kaya siguro...

Dapat na ko tumigil.

Dapat na ko mag-move on.

Kahit masakit.

Kahit 10 years ko siyang minahal. Tulad ng sinabi niyang ako yong first love niya at best friend forever kami.. Hanggang doon nalang siguro sa nakaraan.

*ALEX pov*

4:00 AM.

Gising na ko.

Panaginip nanaman.

Isang babae. Nakaupo sa bench. Umiiyak.

Hindi ko makita mukha niya. Pero pamilyar.

"Alex..." bulong niya.

Tapos nagising ako.

Pawis.

Dibdib ko masakit.

Bakit?

Tumingin ako sa phone. 3 missed calls kay *Yuna*.

1 message.

Yuna: `Good morning mahal. Kita tayo mamaya?`

Hindi ko siya girlfriend

Pero bakit niya ko tinatawag na mahal?

Hinayaan ko na.

Pagpasok ko, nandun na siya.

*Leah*.

Nakaupo sa tabi ng bintana. Tahimik. Nagbabasa.

Parang... sanay na ko makita siya dun.

Parang dati na.

Tapos dumating si *Vinz*.

"Lea," sabi niya. Ngumiti. "Good morning."

Ngumiti rin si Leah.

Doon na nagsimula.

Yung kirot sa dibdib ko.

Yung init sa ulo ko.

Bakit?

Hindi ko siya kilala.

3 years ago, hindi ko siya nakita.

3 years na simula nong naaksidente ako at alam Kong nakaalala ako dahil naalala ko Naman Sina mama.

Pero bawat araw na lumilipas parang mabigat, may kulang.

Pero bakit pag nakikita ko silang magkasama...

Gusto kong sumigaw.

"Dude," sabi ni *Drake*. "Okay ka lang? Kanina ka pa nakatingin dun."

"Wala," sabi ko. "Naiinis lang ako. Maingay."

Pagsisinungaling.

Recess.

"Alex, kain tayo," sabi ni Yuna. Hinawakan niya braso ko.

"Sige," sabi ko.

Umupo kami.

"Alam mo," sabi ni Yuna. "Ang pangit ng ugali ni Leah no? Ang landi. Kay Vinz tapos sayo dati."

"Anong dati?" tanong ko.

"Wala," sabi niya. "Chismis lang."

Tumawa siya. Sumandal sa balikat ko.

Dapat masaya ako.

Maganda si Yuna. Sikat. Lahat ng lalaki gusto siya.

At ako yung pinipili niya.

Pero bakit...

Wala akong maramdaman?

Paglingon ko, nasa labas si Leah.

Mag-isa. Kumakain ng tinapay.

Si Vinz, umupo sa tabi niya. May dalang tubig.

Sumikip dibdib ko.

"Uwi na tayo," sabi ko bigla kay Yuna.

"Ha? Kakababa lang natin," sabi ni Yuna.

"Uwi na," sabi ko. Tumayo na ko.

Galit siya sakin buong araw.

Kinagabihan.

Hindi ko alam bakit.

Pero nagchat ako kay Kuya Warren. Kuya ni Leah.

Ako: `Kuya, pasensya na.`

Ako: `Hindi ko alam bakit ako ganito.`

Ako: `Pero pag nakikita ko si Leah na masaya sa iba... hindi ko kaya.`

Ako: `Hindi ko siya maalala. Pero bakit ganito sakit?`

Seen.

Kinabahan ako.

Kinancel ko. Pero late na.

Nag-reply si Kuya: `Alex. Mag-usap tayo bukas.`

Hindi ako nakatulog.

Lunes.

Groupings.

Nakita ko sila ni Vinz. Magkatabi. Nagtatawanan.

Hindi ko kaya.

Tinayo ko upuan ko.

"Teacher," sigaw ko. "Lipat ako ng group!"

"Bakit?"

"Kasi nagchichismisan sila!" sigaw ko.

Pagsisinungaling ulit.

Paglabas, hinarangan ako ni Leah.

"Alex," sabi niya. Umiiyak. "Bakit?"

Tumingin ako sa mata niya.

Pamilyar.

Sobrang pamilyar.

Pero... wala.

Wala akong maalala.

"Nakakasawa ka na," sabi ko. Matigas. "Hindi kita kilala. Tigilan mo na ko."

Umiyak siya.

At umalis ako.

Pagtalikod ko...

Parang may bumagsak sa loob ko.

10:00 PM.

Nasa kwarto ako. Dilim.

Nag-iisip ako.

Bakit ako naiinis kay Leah?

Bakit ako sumasakit pag kasama niya si Vinz?

Bakit pag umiiyak siya... gusto kong yakapin siya?

Hindi ko siya kilala.

Sabi ko hindi ko siya kilala.

Pero bakit yung panaginip ko...

Babae sa bench. Umiiyak.

"Alex..."

Boses ni Leah yun.

Binuksan ko yung lumang album ko.

Grade 10.

Wala. Walang picture ni Leah.

Wala kaming picture.

Pero bakit...

Bakit may parte sakin na sumisigaw na `Kilala mo siya. Mahal mo siya.`

Hinampas ko yung pader.

"Wala!" sigaw ko. "Wala akong maalala!"

Kumatok si Mama. "Anak okay ka lang?"

"Oo," sabi ko. "Matutulog na ko."

Pero hindi ako natulog.

Buong gabi, iniisip ko siya.

*Leah*.

Pangalan na hindi ko maalala.

Pero pangalan na hindi ko makalimutan.

Bigla akong lumabas at tamang Tama nandon pa si mama sa kusina

"Ma." tawag ko, lumingon Siya at tumingin.

" Wala na ba akong ibang album simula nong elementary pa ako?" Tanong ko sa kanya

"Wala na." iwas tingin na sagot Sakin nito. Pero parang may tinatago Sakin si mama, kapag tinatanong ko Siya about Kay Leah palagi siyang umiiwas.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at inisa isa ko Ang bawat album na naroon pero palaging may kulang Ang nandon parang yong ibang mga larawan ay kinuha.

Kinuha ko Ang phone ko, pumunta ako sa gallery ko, may Isang album akong nakita My best friend' Ang nakalagay pero Hindi ko mabuksan may password?

Hinagis ko Ang phone ko sa sobrang inis ko.

SINO KABA TALAGA LEAH SA BUHAY KO?

*Leah's pov*

5:30 AM.

Gising ako.

Pero ayaw kong bumangon.

Nakahawak pa rin ako sa phone ko.

Yung wallpaper namin ni Alex.

Grade 8 kami dun. Nakangiti kaming dalawa. Naka-pinky pa.

`Pinky promise. Hindi tayo maghihiwalay.`

Sinungaling.

Kumatok si Kuya Warren.

"Lea. Gising na. Almusal."

"Hindi ako kakain," sabi ko. Mahina.

"Ano? Bakit?"

"Sa school na ko kakain," sabi ko. "Pwede?"

Tahimik si Kuya.

"Sige," sabi niya. "Pero magbaon ka kahit tinapay."

Tumango ako. Pero hindi ko ginawa.

7:00 AM.

Pagdating ko sa gate, wala siya.

Wala si Alex.

Dati nandun na siya. Naghihintay.

`Good morning, Leah` yung unang sasabihin niya.

Tapos aagawin niya baon ko. Ganon ginagawa niya 10 years ago.

Ngayon wala.

Nasa tabi niya si *Yuna*. Tumatawa.

Nakita nila ko.

Hindi man lang tumingin si Alex.

Sumikip dibdib ko.

Umupo ako.

Wala akong gana. Pero kailangan kumain.

"Lea!" si *Mika*. Umupo sa harap ko. "Bakit ang aga mo? At bakit wala kang dalang baon?"

Umupo rin si *Trisha*.

"Wala," sabi ko. "Hindi ako nag-almusal sa bahay."

"Bakit?" tanong ni Trisha. "Nag-aaway kayo ni Kuya Warren?"

Umiling ako. "Hindi."

Binilhan ako ni Mika ng pandesal at kape.

"Kain ka," sabi niya. "Kahit konti."

Kinagat ko. Mapakla.

"Lea," sabi ni Trisha. "Okay ka lang ba talaga? Kanina pa kasi..."

"Okay lang ako," putol ko. Ngumiti ako. Pilit.

Pero nanginginig kamay ko habang hawak yung kape.

"Alam mo," sabi ni Mika. "Nakita ko si Alex kanina. Kasama si Yuna. Parang wala lang."

Tumulo luha ko. Isa.

Mabilis kong pinunasan.

"Ay," sabi ni Trisha. "Sorry Lea."

"Wala yun," sabi ko. "Sanay na ko."

Pero hindi.

Hindi ako sanay.

7 years.

7 years na siya yung kasama ko tuwing almusal.

Ngayon mag-isa ako.

Habang kumakain kami, biglang pumasok sa isip ko.

Grade 6 kami.

Canteen din to.

Naubusan ako ng pera.

Biglang may umabot sakin ng tinapay at juice.

Si Alex.

"Share tayo," sabi niya. "Para dalawa tayo."

"Kawawa ka naman sakin," biro niya. "Best friend ka kasi ng gutom."

Tumawa ako nun.

Ngayon...

Siya yung kumakain kasama si Yuna sa kabilang table.

Hindi man lang lumingon.

"Lea?" tawag ni Mika.

"Ha?"

"Tulala ka," sabi ni Trisha. "Iniisip mo siya no?"

Tumango ako.

Hindi ko na kaya magsinungaling.

Pagkatapos kumain.

"Lea," seryosong sabi ni Mika. "Totoo ba yung chismis?"

"Anong chismis?"

"Yung kayo daw ni Alex dati," sabi ni Trisha. "Bestfriend tapos... may nangyari?"

Napayuko ako.

"Oo," bulong ko. "Bestfriends kami. 7 years, tapos umalis sya ng 3 years."

"Tapos?" tanong ni Mika.

"Nadisgrasya siya," sabi ko. "Para sakin. Tapos nung nagising siya... nakalimutan na niya ko."

Tahimik silang dalawa.

"Putcha," sabi ni Mika. "Ang sakit nun."

"Kaya pala," sabi ni Trisha. "Kaya pala lagi kang mag-isa."

Umiling ako. "Ayoko na pag-usapan."

Pero gusto ko.

Kasi pag sinabi ko... gumagaan.

8:00 AM. First subject.

Umupo ako sa dati naming pwesto.

Sa tabi ng bintana.

Dati dito rin si Alex. Sa tabi ko.

Nangungopya sakin.

Nagnanakaw ng ballpen ko.

Ngayon, si Yuna yung katabi niya.

Dalawang upuan lang ang pagitan namin.

Pero parang isang mundo.

Nagsimula ang klase.

Hindi ako nakinig.

Tinititigan ko lang yung batok ni Alex.

Yung buhok niya.

Yung dating hinahawakan ko.

`Pinky promise`

Bakit mo nakalimutan?

---

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bryan
next please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • when you forget me   16

    Lumingon ako dahil nasa likuran ko lang pala Siya Tatlong hakbang lang Ang layo namin sa isat isa. "Anong problema?" sabi ko pero mahina Tama lang na marinig niya. Tumingin Siya Sakin, Bigla akong nanlamig, mata niya walang Buhay walang bakas na kahit emosyon. "Ayoko." madiin niyang sabi Sakin. "Ano?" Tanong ko ulit na para bang Hindi ko narinig Ang sinabi niya. "Ayaw Kong maging ka partner mo." Ngayon, mas malinaw, mas matigas na pagkasabi niya. Tumagos sa dibdib ko. Pilit Kong kinalma Ang sarili ko dahil pakiramdam anytime pwede na akong sumabog. "Sa tingin mo ba gusto ko?" madiin ko ring sabi sa kanya. Nakatingin lang kami sa isat isa.. "Hindi ko nga Binoto Ang sarili ko." dagdag ko pa dahil yon Naman Ang totoo Sila ni Yuna Ang Binoto ko. "Sabihin mo Kay ma'am ipalit mo si Yuna." malamig parin na wika nito Sakin. "Dahil ayaw Kong makasama ka." dagdag pa niya. "Bakit ako?" turo ko sa sarili ko. " bakit Hindi Ikaw, eh diba ayaw mo Rin Sakin na maging par

  • when you forget me   15

    "Leah." tawag Sakin ni Zian at drake. Tumingin ako sa kanila. Nakangiti Silang pareho Sakin pero Sakin, at si Alex nakatitig Sakin Biglang uminit Ang Mukha ko, tapos iniwas ko Ang tingin sa kanya. Naalala kaya niya? Pero Wala akong choice kundi lumapit dahil yon Ang daanan papunta sa cr ng mga babae. Ngumiti Kay drake at zian, "Hi." nahihiyang bati ko sa dalawa. "About kagabi salamat." sabi ni drake. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Alex. "Anong kagabi?" Tanong niya mahinang Tono pero matigas. Bigla akong kinabahan. Sasagot na sana si drake pero sumagot agad si zian na Ngayon parang alam niyang kinakabahan ako. " Ah sa math nag message kami Kay Leah, nagpaturo kami." sabi ni zian. Nakahinga ako ng maluwag. Pero si drake kumunot Ang nuo at nagtatanong na 'ha?' Pero tumingin ako sa kanya yong tingin na 'oo nalang.' mabuti at Hindi naalala ni Alex dahil lasing talaga Siya kagabi. Umalis si Alex ng Makita niyang dumating si Yuna kami nalang na

  • when you forget me   14

    Nagising ako Bigla ng tumunog Ang alarm clock. 5 am na.. pero pakiramdam ko inaantok pa ako sobra. Hindi ko na inisip Kong ano yong nangyare kagabi dahil sa Ngayon iisipin ko nalang Kong paano ko iiwasan yong mga nangyare. Maalala niya kaya? Yong kiss? Bigla akong nag sign of Cruz.. Sana tulad ng nakaraan Hindi na Rin niya matandaan yong nangyare kagabi. Bigla akong tumayo at bumama sa kusina nong naamoy ko Ang longanesa. Pagbaba ko nagtimpla agad ako ng gatas. "Ma'am Leah, ako na po." sabi ni ate katulong namin. "Ako na ate.. tapusin mo na pagluluto mo mag almusal na ako." sabi ko. Tumango nalang Siya at bumalik sa kusina. Pagkatapos ko magtimpla ng gatas umupo na ako. Kinuha ko phone ko tapos nag message ako Kay kuya. "Good morning kuya." bati ko tapos may smiley pa nakalagay. " I miss you." sunod message ko. Sa totoo lang namiss ko agad Siya ilang araw palang na Wala Siya. "Good morning too baby. Okay lang si kuya mong pogi." reply nya Natawa ako sa

  • when you forget me   13

    Dilim. Sobrang dilim ng kwarto ko. Nakahiga ako. Kakapikit ko lang. sa iyak kanina dahil kay Alex. Tapos biglang... `VRRR VRRR VRRR` Messenger. Maliwanag yung screen sa dilim. Nasasaktan mata ko. `Drake calling...` 10:02 PM. `Bakit siya tatawag ng ganitong oras?` Kabado agad dibdib ko. Sinagot ko. Boses barado pa talaga "Hello?" "Leah! Leah gising ka?!" Boses ni Drake. Hinihingal. Parang tumatakbo. "Oo... bakit?" tanong ko. Umupo ako sa kama. Nanginginig na kamay ko. Bakit tumawag ito? "Kasama mo ba si Alex?!" Sigaw niya. Yong sigaw na nag aalala. `Nanlamig ako.` "Ha? Hindi. Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko rito tapos Bigla akong napatayo. "Lasing na lasing siya" sabi ni Drake. Boses nanginginig din. "Kanina pa kami nag-iinuman sa bahay ni Zian. Tapos bigla siyang tumayo. Sabi niya 'uuwi na ko'. Tapos 2 oras na, hindi pa umuuwi. Hindi namin matawagan. Naka-off phone niya." `2 oras.` `Lasing.` tapos Gabi pa "San kayo nag-inum

  • when you forget me   12

    "Group 4!" sigaw ni Ma'am Santos. "Kayo na sunod! 2 minutes!" Tumayo kaming lahat. Lumapit si Alex sakin. Mabilis. "Bilis," bulong niya. Tumingin ako. "Leah," sabi niya. "Hindi tayo close. Pero team tayo ngayon. Kaya natin to." Tumango ako. "Wala naman," sabi ko. "Next up, Group 4! With their presentation: 'LEVITATING'!" `Palakpak.` `Sigawan.` Naglakad kami. 8 kami. Line. Ako sa gitna. Alex sa kanan ko. Vinz sa kaliwa ko. Yuna sa tabi ni Alex. Mika, Drake, Zian at Michelle sa likod. Ilaw. Mainit. Pero kita ko lahat ng mukha. Tumugtog "Levitating". Dark muna. Spotlight sakin. Kamay ko sa dibdib. Tapos dahan-dahang itinaas. Parang hinihila pataas. Ulo ko nakayuko. Pag angat ng beat... Sumabog ilaw. Lumitaw sila. Vinz at Drake sa harap. Naka-arms cross. Mika, Zian, Yuna sa likod. Alex sa tabi ko. *BULUNGAN SA AUDIENCE:* "Uy si Leah yan!" "Ang ganda ng pasok!" "Kumalat!" bulong ko. Vinz at Drake

  • when you forget me   11

    Pag pasok namin sa school ilang minuto lang sumunod na Rin Sina Alex pumasok.Maya Maya lang ay pumasok na si ma'am."Class!" sigaw ni Ma'am Santos. Lahat napatingin. "May changes tayo sa groupings para sa Foundation Day," sabi ni Ma'am. "Para mas balanced." `Kinabahan ako.` bakit Naman papalitan eh okay na yon eh."New Group 4:" "Leah - Leader" "Alex" "Vinz" "Yuna" "Mika" "Drake" "Zian" "Michelle "Tumahimik Ang buong klase, Napatingin ako kay Alex. Walang reaction blangko Ang Mukha nito habang nakatingin sa black board.Napatingin rin ako kay Vinz. Napakunot noo. Napatingin ako kay Yuna. Mas masama Ang Mukha nito."Practice kayo bukas Sabado 4pm," sabi ni Ma'am. "Monday na presentation. Last chance to. Walang aabsent. Gets?" "Yes ma'am," sabay kaming 8. Pagkatapos lumabas agad si ma'am."Anong nangyari?" bulong ni Mika sakin. "Bakit binago?" "Hindi ko alam," sabi ko. Sa totoo lang ayaw ko talaga makasa si Alex Lalo na sa practice.Gusto ko na umiwas tapos ga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status