All Chapters of My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1): Chapter 11 - Chapter 20
51 Chapters
Chapter 11
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!”  Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
Read more
Chapter 12
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Read more
Chapter 13
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang! Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako  ng hiya. Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw
Read more
Chapter 14
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko. “Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha. "Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako. "N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mata Oh my gosh! Seriously? Kinu
Read more
Chapter 15
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang  ma inlove basta alam namin  ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko  naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
Read more
Chapter 16
‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’ Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile! Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon. Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan. Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.  Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at na
Read more
Chapter 17
"O ano sem break na, wag niyong sasabihin sa akin na uuwi na naman kayo?" Tanong ni Max sa amin ni Jen. Nandito kami ngayon sa apartment at katatapos ng finals.Taga Baguio lang kasi si Max kaya tuwing bakasyon ay bagot na bagot siya. Kanya-kanya kasi dito sa Baguio hindi tulad sa mga probinsya na kakilala mo ang mga kapitbahay mo."Ikaw Jaz, uuwi ka ba ng Manila? Graduating ka na next sem! Sulitin na natin. Di na din muna ako uuwi." Sabi ni Jen. Dahil 5 years ang engineering, mayroon pa siyang 1 year bago grumaduate."Pagkatapos naman ng graduation, magrereview pa ako dito at mag ti take pa ng board exam. Pero sige di muna ako uuwi." Sabi ko naman."Ayos! So, saan tayo? La Union o Sagada?" Tanong ni Max. Ayun naman pala at may plano na."Sagada na lang! Para romantic!" Sabi naman ni Jen na parang lumulutang pa sa alapaap kung magningning ang mga mata. Kilig na kilig ang bruha. Kaka one year din nila ng boyfriend niyang si Rustan last month. Four m
Read more
Chapter 18
Ala una ng madaling araw nang tinatawag ako ng kalikasan. Nasa labas kasi ang common rest room kaya kinailangan ko pang bumaba sa kubo. Bumungad sa akin ang napakalamig  na ihip ng mabining hangin pagkalabas ko. Mas maginaw pa dito kesa sa Baguio!Pabalik na sana ako ng kubo pagkatapos kong mag cr nang mapansin kong tumakbo galing sa kubo nila Niko si Gab at kung di ako nagkakamali ay umiiyak. Napakunot noo ako dahil anong ginagawa niya doon sa gantong oras? May problema ba siya? Baka naglabas na saloobin kay Niko at Von. Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na sa kubo  namin. Nang akma kong isasara na ang pintuan ay may nakita akong dalawang tao sa di kalayuan na nag-uusap. Inaninag kong mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang ma recognize ko sila kahit nakatalikod sila. Si Von at saka si Max! Sabi ko na nga ba at may something din sa dalawang yan eh. Pero teka, kung nandiyan si Von..ibig sabihin si Niko lang ang nasa loob ng kubo? Kung ganun, anong ginawa
Read more
Chapter 19
“Jazzy, samahan na kita." Si Jeff. Medyo may edad na lalaki kasi ang pasyente ko at parang di ko gusto kung makatingin tapos nasa private room pa ito.Bumalik na din ang dating Jeff. I mean kahit papaano at hindi tulad noon na para kaming hindi magkakilala. Though syempre may limit na din at meron na din naman akong boyfriend. Nagpupunta pa din siya sa amin pero hindi na madalas. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Niko kapag ganun kaya umiiwas na din minsan si Jeff. Napaka seloso kasi talaga ni Niko.Pero hindi ko rin siya masisi dahil nalaman na din niya before pa na si Jeff ang first love ko nang minsang maglaro kami ng truth or dare kasama ang mga kaibigan namin. Nang sa akin kasi tumapat ang bottle ay tinanong ako ni Erik kung sino ang first love ko at nang di ako sumagot ay si Jen ang sumagot.  At dahil lasing siya nung mga time na yun ay walang pakundangan niyan
Read more
Chapter 20
Warning: SPG *Bawal sa bata! Pwedeng lampasan. :)* Kinakabahan ako habang lulan ako ng taxi. Kinuha ko naman mula sa bag ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Von. Hindi pa din sumasagot hanggang ngayon si Niko. Alam ko naman  kung saan ang vacation house nila dito dahil hindi lang minsan niya akong dinala doon. Gusto ko lang makasiguro kung nandoon pa din ba sila.Buti na lang at sumagot naman agad si Von. "Von papunta ako diyan ha?" Nag-aalangan kong sabi sa kanya."Yeah buti pa nga Jaz. Aalis na din kasi sana kami nila Jeremy pero hindi namin maiwan to. Thanks Jazzy! Aalis na kami at may date pa tong mga to.” Tumatawa pa nitong sabi at tila nakahinga pa ng maluwag nang malaman niyang pupuntahan ko si Niko. Napailing na lang ako dahil mukhang mambababae na naman sila.“Ikaw na ang bahala sa kanya ha? Hindi ko na ilo-lock ang pintua
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status