All Chapters of PART OF YOUR WHOLE: Chapter 21 - Chapter 30
56 Chapters
Chapter 21 - Childhood Memories
"Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney.   "Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver.   "Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya.   "Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal.   "Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?"   "Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalit
Read more
Chapter 22 - Wrong Messages
Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito. Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian. Hindi  rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?" "Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian. Dahan-dahang tumingin
Read more
Chapter 23 - Solitude
Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga.    "Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone.   Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal.    Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gust
Read more
Chapter 24 - Reconciliation
Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne. Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep. "Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne. Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata. "Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Read more
Chapter 25 - Temptation
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya.   At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat.   Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag
Read more
Chapter 26 - Viral Video
 Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.  Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!" Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto... "Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana. Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?" "Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana. 
Read more
Chapter 27 - Giving Up
"Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?"    "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP."    "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends."    "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon."  "Ha? Sino?"  "Si Payne!"  "Si Payne?! 'Yung chess player?!"   Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep. Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan. Pasakay na sana si Ma
Read more
Chapter 28 - Pain
 Sa gulat ni Neal sa pinakita ni Payne ay napatigil siya ng ilang segundo. Lumaki angbilog ng kaniyang mga mata, napanganga at napahawak sa ulo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang sumagot ngunit naka-loudspeaker pala ito, "Hello. Hello!" Sumagot si Diana na may halong pang-aasar, "Nagustuhan mo ba ang sinend kong video? Neal... namimiss na kita... dito ka na ulit sa akin please...Hahahaha!" Mapang-akit na tawa ang binitiwan ni Diana habang nasa linya siya. Sa galit ni Neal ay agad niyang ini-off ang kaniyang cellphone. "Bakit hindi mo kinausap? Sana sumagot ka manlang." Kalmadong boses ni Payne habang nakaupo sa gutter ng daan sa  ilalim ng puno. "Eh bakit ko kakausapin, pina-prank lang ako niyang si Diana. Una, 'yung picture namin hindi totoo 'yun. Nagulat na nga lang ako at ganun angmga comments. Hindi ako nakatawa or masaya nung time na 'yun. Kung titingnang
Read more
Chapter 29 - Not Enough
 "TIGILAN NA NATIN 'TO." Sandali, tama ba ang narinig ni Neal? Pangalawang beses na yata ito na gusto nang bumitaw ni Payne. Sa maraming pagkakataon na hindi pinansin ni Neal ang bulung-bulongan at tawanan ng mga tao sa paligid nila kapag magkasama sila, ay parang mababalewala lang lahat. Parang kulang pa ang mga naipakita niyang pruweba kay Payne para patunayan niyang totoo siya kay Payne, para patunayan niyang mahalaga si Payne sa buhay niya. Pakiramdam ni Neal kahit ilang beses na niyang naipakitang malinis ang intensyon niya kay Payne, kapag nagkakaroon sila ng ganitong problema, bumabalik siya sa dati, sa step one, na ipapaliwanag nanaman niya ang lahat para makumbinsi si Payne na mahal niya nga ito. Ilan pa kayang pagpapatunay, ilang beses pa siyang magpapaliwanag ng totoong nararamdaman niya kay Payne? Trust? Paano ka na magtitiwala sa sarili mo kung ang taong mahal mo ayaw kang p
Read more
Chapter 30 - Escape
"Hindi ako mawawala sa'yo Payne, nandito lang ako maghihintay ako sa'yo kapag buo ka na, kapag kaya mo na ulit pumasok sa mundo natin." Nakatakip ang mga palad ni Payne sa kaniyang mukha at basang -basa na ito ng kaniyang luha, "Umalis ka na Neal, please." Lumipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan sa paligid. Dahil sa lagkit ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ni Payne ay napilitan siyang tanggalin ang nanginginig nyang mga palad sa pagal nyang mukha.             Pagmulat ni Payne ay wala na si Neal, "Andaya mo naman eh! Akala ko ba hindi ka mawawala! Iniwan mo na talaga ako!" Napatayo si Payne at  inihahanda na ang kaniyang mga paa sa paghakbang upang makauwi na sa kanilang bahay.  Sa bawat mabigat na paghakbang ni Payne pauwi ay makikitang nasa likod ng isang malaking puno si Neal na nababalot ng lungkot ang kaniyang mga mata at ang mga
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status