February’s POV Saka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya. Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas. “Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin. “Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito. “Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya. “It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo. “Tiyansing ka lang
Read more