Share

Chapter 26

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko pina-prank ako ng mundo sa pagkakataong ito. May parte rin sa isipan ko na gustong matawa. Ayon kasi sa paniniwala, ang babaeng makakasalo ng bouquet at ang lalaking makakasalo ng garter ang susunod na ikakasal.

“Louise, are you okay?” tanong ni Eunice sa tabi ko.

Napalunok muna ako bago tumango. Alanganing ngumiti sa akin si Sir Troy at itinaas pa ang hawak na garter. Si Leon naman ay nagpalipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa.

“Hindi ba passable itong ganito, Richard?” tanong ni Sir Troy.

Tumawa si Richard at umiling.

“Huwag ka ngang kill joy. Kung sino ang nakasalo, sila ang secondary partners namin for tonight. At isa pa, hindi puwedeng ibigay sa ibang participant ‘yan. Masisira ang tradisyon ng kasal.”

Ngumuso ako sa sinabi ni Richard.

“Ibig sabihin, ilalagay ko ang garter sa hita ni Richelle?”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status