All Chapters of The Scale of Life and Death (Profession Series #2): Chapter 61 - Chapter 70
101 Chapters
Chapter 35.1
      "Kuya Nezoi!" sigaw ng kambal at agad naman silang lumapit kay Nezoi na ikinalaki ng mga mata ko, at talagang sa kanya pa unang lumapit kaysa sa akin?! Niyakap pa nila si Nezoi at napahalukipkip lang ako sa kinakatayuan ko. Hinihintay ko silang matapos bago ako mag-react sa ginawa nilang 'yon. Nakakatampo ah!     "Oh?! Bakit kay Kuya Nezoi kayo unang lumapit? Na dapat sa akin? Kayong mga bata talaga, oo!" sermon ko at narinig ko naman agad ang hagikgik ng kambal at lumapit na rin sila sa akin at saka ako niyakap, niyakap ko rin sila nang mahigpit at na-miss ko rin talaga sila. Kahit ang kukulit nila minsan at sakit sa ulo, pero miss na miss ko sila ngayon.     Hinigpitan ko ang yakap ko pa sa kanila pero ang baho ng amoy nila kaya pinutol ko agad ang yakap na 'yon.     "Ang babaho niyo! Saan kayo nanggaling ba?! At ganyan ang amoy niyo't
Read more
Chapter 35.2
   Lumipas ang araw at naging mabilis ito para sa akin. Parang kahapon lang ako nag-take ng PHILSAT ko at ito na ngayon, lalabas na ang result at titignan ko na kung nakapasa ba ako at kung puwede ba akong mag-proceed sa law school. Mayroon na akong balak kung hindi 'man ako sakaling makapasa rito.  Nasa isip ko na magma-Masteral na lang ako, at maging isang ganap na Psychologist na lang kung hindi 'man ako palarin. Pero backup ko lang naman 'yon at gusto ko pa rin namang mag-proceed sa law school. Maya-maya na sasabihin ang results kung sino ang mga nakapasa at ito ako ngayon, hindi mapakali.  Narito kami ngayon ni Nezoi sa isang coffee shop at ang kambal naman ay ngayon pa mismo ang first day of school nila. Sana ay maayos sila sa mga oras na ito. Nasa tabi ko lang din si Nezoi at hawak-hawak niya rin ang telepono niya, hinihintay namin pareho ang results at ang sabi na ganit
Read more
Chapter 36
   "Oh my gosh! Baby, look!" masayang sigaw ko kay Nezoi at pinakita ko sa kanya ang telepono ko na kitang-kita roon na nakapasa ako sa school na napili kong pagpapasukan ko ng law school.  "Wow! I'm so proud of my Baby! UP College of Law! You deserved it at alam ko na rin naman na sa simula pa lang na riyan ka makakapag-aral!"   "Gusto ko rin naman na maging iskolar ng bayan pero PUP kasi ang sabi ko, sabay sumubok lang naman ako rito at ang saya lang at sa UP pa! Iyong pressure naramdaman ko agad!" Nagsisisigaw pa ako dahil sa tuwa, at nag-try rin naman ako sa PUP pero nauna ang UP na nag-send sa akin ng Email na nakapasa ako. Hindi ko talaga maiwasan na matuwa nang sobra-sobra ngayon.  He kissed my forehead and looked at me genuinely and smiled sweetly. "Don't pressure yourself, okay? Go at your own pace, don't rush things to the point
Read more
Chapter 37.1
      "Thank you! Dito na lang ako, ingat ka!" sinubukan kong sabihin 'yon sa masayang boses. Dumaan agad sa mata ni Nezoi na nakuha niya agad na kung bakit ganoon ang akto ko. Iniwas ko naman ang mukha ko dahil ayaw ko namang pag-usapan pa.     "Hey, Baby..." mahinang tawag niya sa akin, nanlalambing. Bumuntonghininga naman ako dahil narito na kami sa UP at ngayon pa talaga siya ganyan. Kumalabog naman nang malakas ang puso ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Hindi ako makahinga sa sitwasyon ko ngayon. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil ramdam ko ang pamumula ko.     Hinarap niya ang mukha ko papunta sa kanya gamit ang kanyang kamay nang dahan-dahan at ngumiti naman ito nang matamis. "Don't be down, okay? Puwede pa namang bumawi. Palaging may next time, palagi mong isipin 'yon..." mahinahon niyang sabi at ngumuso pa ako dahil naiiyak na naman ako.   
Read more
Chapter 37.2
      Isang taon na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang law school at paano ko ito naitawid. Basta ang alam ko patuloy lang akong lumalaban dito. Patuloy lang ako sa pag-abot ng pangarap ko. Pero sa loob ng isang taon, sa puro lang ako laban nang laban, nakalimutan ko ang sarili ko.      Nakalimutan kong isipin ang mga bagay o mga nasa taong nakapaligid sa akin. My mental health suffered, I am an advocate to it but I forgot to do things that could help me to survive, such as reaching out. I failed some of my subjects, I don't know to whom to hold, because I don't want anybody to get worried about me and be a burden to them. Because they knew I won't give up that easily, I will fight to the end.     But now? I couldn't handle it anymore. Nilagok ko 'yong alak na hawak-hawak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. I failed. Sa dalawang salita
Read more
Chapter 38.1
      Nagising na ako at kumapa-kapa muna ako sa paligid ko bago ko imulat ang mga mata ko. Dahan-dahan kong minulat ang ito at nakita na namang muli ang pamilyar na ilaw na tumatama sa mukha ko. Tumingin pa muna ako sa paligid ko at tama nga ako, nasa hospital ako. Tumingin pa ako kung saan-saan at wala akong kasama ngayon.     Tinignan ko ang gilid ko kung mayroon akong dextrose at nang makitang wala naman ay nakahinga ako nang maluwag dahil ayaw ko talaga no'n, ayaw kong ini-inject ako ng kung ano. Tumingin ako sa kabilang banda at nakita ko naroon ang telepono ko. Balak kong kuhanin 'yon pero bumalik ako sa puwesto ko't nagtulug-tulugan ako dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwartong ito.     "Don't worry, Nezoi... she'll be alright at maya-maya rin ay magigising na rin siya," sabi no'ng kausap niya. Minulat ko nang kaunti ang mata ko para makita kung sino ang kausap
Read more
Chapter 38.2
   "Ano pong nangyari? Tita, ano po ang nangyari sa kanila? Bakit po?" tuluy-tuloy kong tanong dahil ang tagal niyang sumagot at hindi niya pa masabi-sabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ako mapakali at no'ng narinig ko na lang ang mahina niyang hikbi at hindi ko na ring napansin na tuluy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko.   "Tita, p-pasagot naman po, oh. Ano p-pong n-nangyari sa kanila? Nasaan po s-sila ngayon? Nariyan pa po ba kayo? Hello po?" Narinig ko na lumakas na ang iyak ni Tita at doon pa lang ay alam ko na agad at nag-sink in na sa akin kung ano ba ang sinabi niya kanina. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil hindi na ako makahinga nang maayos.  "Ang s-sabi raw ay m-mayroong pumasok sa bahay nila at p-pinagsasaksak daw sila. Mayroon ding sinabi 'yong kapitbahay nila na wala naman daw ingay na nangyari ng gabi at walang narinig na ingay o na kah
Read more
Chapter 39.1
   Ginawa at binigay ko ang lahat ng makakaya ko para lang may maganda silang burol. Wala na akong paki sa pera ko ngayon, basta ang gusto ko ay mapayapa silang maiilibing at maibibigay ang hustisya sa kanila. Patuloy ang imbestigasyon sa nangyari sa kanila at naging malinis talaga ang nangyaring krimen at walang bahid na nag-iiwan ng marka kung sino ang salarin.  Pero hindi ko ito pinatigil at sinabi kong walang perpektong krimen kahit na planadung-planado pa ito. Mayroon at mayroong patunay riyan na makakapagturo kung sino ang gumawa no'n. Hindi ko pina-cremate ang magulang ko at marami rin akong pinaggawa katulad ng pagrosaryo sa kanila, at marami pang iba.  Hindi naging madali sa amin ng kambal itong pinagdadaanan namin na ito. Hindi ko sila makausap nang maayos, hindi rin sila pumasok at sinabi ko naman 'yon at nakausap ko ang Teacher nila kung ano ang nangyayari sa amin n
Read more
Chapter 39.2
      Lumipas ang araw at ngayon na ang burol ng magulang namin. Ang bilis ng mga pangyayari at ngayong araw na talagang tuluyang mamamaalam sa magulang namin. Itong araw na ito ang pinakamahirap at mabigat sa aming magkakapatid. Ito ang araw na lubos na pagdadalamhati namin.      Hindi ko alam kung paano namin nakayanan ang pang-araw-araw sa pagpapatuloy sa buhay namin. Hindi ko pa rin sila makausap nang maayos at kahit ilang beses kong subukan ay talagang dumidistansya na muna sila. Naiintindihan ko, valid naman ang nararamdaman nila pero umaabot na rin sa puntong sobra-sobra na. Kaya kailangan ko na rin silang pagsabihan, pero no'ng pinagsabihan ko ay umiyak sila nang umiyak sa akin.     Doon kami nag-iyakan at sobrang sakit para sa amin ito. No'ng araw na rin no'n ay saka ko naman na nakausap nang maayos ang kambal pero mararamdaman mo pa rin naman na parang wala sila
Read more
Chapter 40.1
      "Pinatawag ko po kayo dahil sa nangyayari sa kambal ngayon, kay Vici at Veni... iyong performances po nila ngayon ay malayung-malayo na po sa dating pinapakita nila noon. Si Vici mula sa pinaka-active na student ay simula no'ng pumasok ay hindi makausap, kapag tatawagin siya tuwing recitation ay hindi makaimik at 'pag pinagsasabihan ito ng mga Teachers ay parang hangin lang sa kanya.     "Pasok sa tainga, labas naman sa kabila. Mayroon din 'yong sa quizes niya rito na perfect ang mga ito pero ngayon ay pasang-awa at iba naman ay bagsak na talaga. Si Veni, one of our most competitive student when in terms of extracurriculars, sali nang sali pero ngayon na sumasali nga siya pero hindi namin maramdaman ang best performance niya." Tumango ako nang dahan-dahan habang pinapahiwatig sa akin ng adviser ng kambal sa akin kung ano na ang nangyayari sa kanla.     Dalawang linggo pa
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status