All Chapters of The Billionaire's Twin Babies : Chapter 71 - Chapter 80
83 Chapters
Kabanata 35.1
“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni mommy ng makapasok siya. Tanging iling na lang ang sinagot ko sa kaniya. Pinupunasan ko ang katawan niya ng basang towel. Nailipat naman na rin siya sa isang private room “Magpahinga ka na muna anak, tingnan mo nga iyang mga mata mo lubog ba lubog na at pulang pula na rin para ka ng nag-aadik niyan eh.” “Mom, paano ako makakapagpahinga ng maayos kung yung asawa ko hanggang ngayon ay nandito pa rin?” “Hindi mo naman kasalanan, walang may gusto na mangyari ito. Kung nakikita ka lang ng asawa mo ngayon? malamang nagagalit na rin yun sayo dahil pinapabayaan mo ang sarili mo. Ano na lang iisipin niya kapag nagising siya? na siya ang naging dahilan kung bakit ka naging ganiyan? Anak magiging okay si Tiffany kaya huwag kang masyadong mag-alala. Kumain ka na muna ron at ako na diyan, matulog ka rin kahit kaunti lang. Sige na.” “Tapusin ko lang siyang linisin mom, yung mga bata pala kamusta?” “Ayun kahit
Read more
Kabanata 35.2
“Hello Daddy!” masigla nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila at hindi ipinakita kung ano talagang tunay kong nararamdaman. “Hello babies, kamusta naman kayo diyan? Kumakain ba kayo ng marami? Maaga ba kayong natutulog? Kamusta ang pasok sa school?” masigla kong tanong, ayaw kong maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. “Okay lang naman po kami Daddy, bakit hindi na po kayo nauwi ni Mommy? Ayaw niyo na po ba sa amin? Kung masyado po kaming makulit magbabago na po kami ni Kuya, umuwi lang po kayo.” Malungkot niya ng saad. “Baby, sino ba nagsabi sayong ayaw namin sa inyo at susuntukin ko, masyado lang kaming busy ni Mommy diba alam niyo namang nasa business trip kami? hayaan niyo kapag natapos kami rito ay uuwi kami kaagad. Anong gusto niyong pasalubong?” tanong ko, napaisip naman silang dalawa. “Ikaw Daniel, gusto mo bang ibilhan kita ng lahat ng books ng Harry Potter?” sumilay naman sa kaniya ang isang malaking ngiti.  &n
Read more
Kabanata 36.1
TIFFANY POV Muli kong pinalis ang mga naglandas na luha sa aking pisngi. Hindi ito ang gusto kong mangyari, sila pa rin naman yung kinilala kong mga magulang. Gusto ko lang naman na sumuko sila ng kusa at kung inisip ko mang patayin sila kung paano nila pinatay ang mga magulang ko ay binawi ko yun. Kahit na anong galit ko hindi ko pa rin naman kayang pumatay o magpapatay ng tao. “Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo ginawa.” Pagpapalakas loob sa akin ni Samuel, simula ng magising ako ay siya lang ang nandito. Nalaman ko ring nasa isang private room ako dahil baka bigla akong pasukin ni Ava. Hindi ko siya masisisi kung punong puno ng galit ang puso niya ngayon ng dahil sa akin at kung mapatay man niya ako dala na lang ng galit niya. “May balita na ba kayo kay Ava? Kamusta ang pagpapalibing niya?” “Tatlong araw lang niya pinaburol ang mga magulang niya, wala pa kaming masyadong b
Read more
Kabanata 36.2
“Please don’t think too much, makakasama lang sayo yan. Alam ko namang sinisisi mo ang sarili mo dahil sa nangyari pero huwag mong gawin yun dahil kung hindi ka sana sinundan ng mga mag-asawang Santos at habulin saka banggain ang sasakyan mo ay hindi mangyayari yun sa kanila.” “Iyun ba talaga ang dapat kong isipin? Hindi ba kung hindi sana ako nagpunta sa opisina nila at sabihin ang nalalaman ko ay hindi yun mangyayari? Kung ipinaubaya ko na sana sa mga pulis ang kaso hindi yun mangyayari.” “Noong umalis ka, saan mo balak pumunta?” napatitig naman ako sa mga mata niya dahil sa tanong niya. “Saan ka pupunta matapos mong pumunta sa mga Santos?”   “Sa mga pulis.” Mahina kong saad sa kaniya. “Kaya wala kang kasalanan, gusto mo ng ipaubaya sa kanila pero hinabol ka ng mag-asawa. Stop blaming yourself Tiffany.” Napabuntong hininga na lamang ako, kahit na anong sabihin nila sa akin na hindi ko kasalanan feeling ko pa rin kasi kasalan
Read more
Kabanata 37.1
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan
Read more
Kabanata 37.2
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Read more
Kabanata 38.1
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
Read more
Kabanata 38.2
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito. “Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
Read more
Kabanata 39.1
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Read more
Kabanata 39.2
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status