Lahat ng Kabanata ng Lahid: Kabanata 71 - Kabanata 80
310 Kabanata
Angil (3)
Nakatoon lamang ang aking pansin sa kaharap kong malaking lobo. Tila ba hindi ito katulad ng iba na ang tanging pinupunterya lamang ay ang mga bampira. Naaamoy ko ang panganib sa aking sarili sa lobong ito. Hindi ko alam kung bakit pero para bang malaki ang poot nito sa akin. At sa pagkakataong ito, nakasalalay na lamang sa hawak kong baril ang aking katagalan ng buhay ko.Humakbang muli palapit ang lobo sa akin. Humakbang naman ako ng paatras palayo sa paghakbang nito habang tinututukan ko pa rin ito ng aking baril. Humakbang ito muli na ngayon ay may dalawang hakbang na ng mga paa, at sa paghakbang ko paatras naman palayo ay biglang nawalan ako ng tindig at balanse na siyang ikinadapa ko sa lupa.Dali dali ko namang ibinalik sa pagkakatutok ang aking baril na nabitawan ko ng bumagsak. Dahil sa pagmamadali ay nangangatog ko pa itong itinutok sa halimaw. Ngayon , ako ay nakaupo sa lupa dahil nadala ng bigat ng aking katawan at alam kong sa pagkakataong ito, hindi na ak
Magbasa pa
Ang Hari (1)
"Carmela," ang pangalang aking naisampit ng magising ako bigla na nakahiga pa ang katawan sa lupa. Naramdaman ko ang sakit ng aking kalamnan sa bahaging malapit sa aking batok na para bang pinalo ito ng isang matigas na bagay. Ininda ko na lamang ang sakit na nararamdaman upang maibalik muli ang sarili mula sa kawalan na nangyari sa aking malay.Nang sandaling ako ay nagising, hindi ko alam kung ilang oras na ang nagdaan at ilang oras na ako nawalan ng gising."Carmela, Carmela!," ang paulit ulit kong anya sa pangalan ng aking irog, tumayo na ako mula sa lupang aking binagsakan ngunit walang pagtugon mula sa kanya ang aking narinig.Umusbong pa rin ang pangamba sa damdamin ko.Naalala ko ang dalawang nakapulang tao na tumambang sa aming dalawa ni Carmela.  Naalala ko ang dalawang nakamaskara na ang isa sa mga ito ay siyang pumalo ng anong matigas na bagay sa aking batok, dahilan upang ako ay mawalan ng malay at marahil ang dalawang nakamaskarang ding
Magbasa pa
Ang Hari (2)
Huli na ang lahat para kay Padre Paterno.Sinubukan siyang iligtas ng ilang mga kasamahan mula sa halimaw ngunit hindi na nila ito nagawa pa. Tuluyan na siyang nilapa ng isang halimaw na halos madurog at mahati na ang kanyang katawan mula sa matalim na mga ngipin nito at may paalog alog pa itong ningangatngat na tila isang mabangis na leon na nilalapa ang isang walang buhay na maliit na usa.Hindi  bampira ang pumatay sa kanya. Lalong hindi lamang ito ang mga halimaw ang nagpakita sa digmaan ito. Ganun na lamang ang aking pagkagulat dahil hindi ko inaasahang sasali sa digmaang ito ang mga isinumpang lahi sa buwan.Ang mga taong lobo.Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong ang mga malalaki at mababangis na mga lobong tumambad bigla sa labanan ay walang iba kundi mga taong lobo. Dumagdag pa ang pagbatid na sa gabing iyon ay bilog ang buwan, sapagkat sa harap ng buwan nagpapalit ng anyo ang mga halimaw na tinawag na mga taong lobo.Hindi ito ang
Magbasa pa
Ang Hari (3)
Gustuhin ko mang sumagot sa kanya ngunit hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Masyadong nadala ako sa hindi inakala ngunit inaasahang kaganapang iyon.Naririnig ko pa rin ang mga angil ng mga taong lobong na tila galit na galit na tumingin at humarap na handang lumusob sa kanya anumang oras.Patuloy pa rin sa pagsasalita ang hari ng mga bampira na tila hindi natatakot na mag-isang humarap sa aming lahat sa mga sandaling iyon."Hindi ba kayo nasisiyahan sa tanawing ito?" ang kanyang pagbaluktot at nagagalak na sabi sa amin. "Ito ang pinakamagandang tanawin sa lahat. Ito ang tunay na kahulugan ng buhay! Ito ang pampamulat sa atin sa katotohanang si Kamatayan ang siyang tunay na hari sa lahat. At ito, ang digmaang ito ang kanyang napakamagandang likha,"dagdag pa niya sa amin. Sa unang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya. "Baliw at halimaw lamang ang nakakapag isip ng ganoong bagay. Ngunit hindi kita maaaring masisi at husgahan sapagkat ikaw ay walang pinagka
Magbasa pa
Huling Hukbo (1)
Malala ang naging kaganapan sa gitnang bayan.Tinupok ng mga malalakas na apoy ang mga gusali at bahay na siyang nagdulaot ng amoy usok sa ihip ng hanging sumisimoy sa gabing iyon. Nagkalat ang mga bangkay sa lupa na pawang ang lahat ay nasawi sa karahasang ito. Nagkahalo ang dugo at lupa. Walang makikitang iba kundi ang nakakasukang kamatayan.Tila humupa na ang digmaan nang makaraang narating ko na ang gitnang bayan sapagkat nakikita kong parang kumunti na ang mga nagbakbakang magkaaway. Tila patapos na ang lahat dahil sa mabilang na lamang ang mga bampirang alagad ng aking ama na naroon at nakikipaglaban.Nagtagumpay ba ang Sinag Araw? Tapos na ba ang digmaan? mga katanungan ko sa aking sarili.  Sa mga katanungang iyon, inalala ko si Carmela. Naalala ko ang ritwal na aking nala
Magbasa pa
Huling Hukbo (2)
Narinig ko ang mga kalas at malalakas na angil mula sa hukbo ni Viktor.  Katulad ko, matapos marinig ang salitang iyon sa hari ng mga bampira ay naghanda rin silang lahat sa anumang paparating. May ilang sandali ring tumahimik ang buong paligid. Lahat ng mga naroon ay nagmatyag at nakinig sa maaaring paglusob na magaganap muli sa lugar na iyon. Lahat inaabangan ang panganib na paparating. Lahat ay walang takot na naghanda upang harapin anumang halimaw ang tinawag ng punong dilim. Naging tiyempo ko ito upang salakayin ang aking ama. Kailangan kong itapat sa kanyang katawan ang batong Fuego at sabihin ang mga salitang mangkukulam na itinuro sa akin noon ng aking kaibigang mangkukulam. Ang mangkukulam ding iyon ang nagbigay sa akin ng mahalagang impormasyon tungkol sa batong Fuego na nalaman kong siyang tanging makakapatay sa aking
Magbasa pa
Felina(1)
Italya, Taong 1881Ang Casa Piccio ay isa sa mga tanyag na bahay aliwan sa buong Roma. Gabi-gabi ay kasiyahan at inuman ang masasaksihan sa lugar na ito. Tugtugan, sayawan at aliw , lahat ay naririto sa casa na ito. Dahil malapit lamang ang Casa Piccio sa kanyang tinutuluyan, o mula sa pinagtataguan, dito muna naisip maglibang si Natalia.Bumungad sa kanyang pagpasok ang pinaghalong usok ng mga hinithitang mga tabako. Bumungad din sa kanya ang mga babaeng bayaran na abala sa pang-aaliw ng mga lalaking magiging kanilang tagatangkilik. Sa gabing iyon, malamig ang simoy sa Roma kaya naisipang pumunta roon si Natalia upang uminom ng alak para mainitan ang nanglalamig na katawan.Pag-upo niya sa may isang bakanteng mesa, kumuha siya agad ng serbesa at nang maibigay na ng tagasundol ang kany
Magbasa pa
Felina (2)
Tila nakalimutan na ni Natalia ang mga panahong mag isa siya. Lahat ng kanyang mga naalala noon ay para bang naglaho ng makasama si Felina na pawang may mga masasayang alaala.Sa mga panahong iyon ay nakakita siya ng isang tapat na kaibigan.
Magbasa pa
Felina (3)
Italya, Taong 1882.Lumalim pa lalo ang pagkakaibigan nina Felina at Natalia. Nagkakilala sila ng husto at para bang naging magkapatid na ang turingan nila sa isat isa. Ginugol nila ang buong isang taon sa paglalakap ng mga mahalagang impormasyon ukol sa batong Fuego. Nagtulungan silang dalawa sa isat isa sa paghahanap sa nata
Magbasa pa
Felina (4)
Galing sa loob ng kanyang minasdang bahay kanina ang naaamoy na dugo. Wari niya tuloy na may nangyayaring karahasan sa loob nito. Kahit alam niya, minabuti pa rin ni Natalia ang hindi makialam kahit naglalaway sa dugong pumapariwa sa kanyang ilong, at baka madamay pa siya sa gulong nagaganap roon. Naisip rin niya na baka paparating na si Felina kaya hindi niya maiwan ang pinagsilungan.
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
31
DMCA.com Protection Status