Share

Kabanata 16.1

Blangko lang akong nakatingin kay Blaze na pinipigilan ang galit niya. Nakasandal lang ako sa upuan ko habang bahagya kong pinapaikot ang swivel chair ko. Kanina pa kami rito sa conference room at pare-pareho kaming tahimik ngayon dahil nakatalikod samin si Blaze habang kinakalma niya ang sarili niya.

Bawal siyang mastress ng mastress pero hindi niya mapigilan lalo na ang sumigaw at magalit. Napapangisi na lang ako dito sa gilid habang siya problemadong problemado. Namnamin mo ang hirap ng buhay Blaze, nagiging madali sayo lahat kasi may nakaalalay lang sa likod mo. Ngayong maging ang Chairman ay nawawalan na ng tiwala sayo mahihirapan ka na dahil hindi lang kompanya mo ang dapat mong isipin kundi pati ang kung paano mo maibabalik ang buong tiwala sayo ng Lolo mo.

Nilalaro ko lang sa daliri ko ang hawak hawak kong ball pen habang tahimik pa rin si Blaze at palihim na humuhugot ng malalim na buntong hininga. Itinatago niya ang panic disorder niya, I don’t know if Camilla knows this.

Ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status