All Chapters of THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA: Chapter 11 - Chapter 20
67 Chapters
KABANATA 11
HAWAK ni Zachary ang tasa na may laman na mainit na kape habang nasa labas ng veranda ng okupadong kuwarto nila ni Claudel. Nakatayo lang siya roon habang nakatanaw sa nobya niyang si Claudel na masayang nakikipagtawanan sa kaibigan nito na si Bridgette Suller na malapit sa dagat. Punong-puno ng buhay ang ngiti nito na umabot sa mata. Bawat kilos at galaw nito ay kahali-halina na para bang lagi itong kinukuhanan ng larawan. Ang buhok nito na hanggang baywang noon ay sadyang pinaigsian na hanggang balikat na nagpalabas sa kaakit-akit nitong mukha. She has expressive eyes. Kaya makikita kaagad sa mga mata nito kung anong emosyon ang nakalakip doon. Kagabi matapos ang masaya at romantic na dinner nila ni Claudel ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa ama. Hindi niya gustong sagutin iyon pero nabasa niya ang text message na ipinadala ng Kuya Zeke niya. Kaya kahit ayaw niya ay gusto niya pa rin kumpirmahin kung totoo ang sinabi ng Kuya Zeke niya tungkol kay Samarra.Pagkapindot pa la
Read more
KABANATA 12
IMBES na magbihis ng damit na dala niya ay naisipan ni Zachary na maligong muli. Sa bathtub doon niya pinagsawa ang sarili. Gusto niya paglabas niya ng banyo ay walang Claudel na maaabutan sa loob ng kuwarto. Hindi niya pa kaya itong harapin matapos na tanggihan ang proposal niya kanina sa hindi niya malaman na dahilan. Masakit sa kaniya ang ginawa nitong pagtanggi at pagsasalita ng hindi maganda sa kaniya.Nandoon man sa isip niya ang kagustuhan na ikasal siya sa babaing mahal pero may bahagi sa puso niya na nakahinga nang maluwag matapos na tanggihan siya ng nobya. Kung para saan ang saya at kapayapaan na nararamdaman ng puso niya ay hindi niya alam. Ang alam niya bukas uuwi sila sa San Carlos para harapin ang babaing pinili ng magulang niya. Tinanggihan man siya ni Claudel sa proposal niya. Hindi niya pa rin gusto na maikasal siya sa babaing walang pag-ibig. Hindi niya gusto ang ideya ng magulang. Baka imbes na ikabuti niya ang desisyon ng magulang niya para sa kaniya ay baka matul
Read more
KABANATA 13
THIRTY MINUTES BEFORE NINE O’CLOCK in the morning ng dumating si Samarra sa Pilipinas. Napaaga iyon ng thirty minutes sa estimated time ng arrival niya. Paglabas pa lang niya sa eroplano ay isang maalinsangan na panahon ang sumalubong sa kaniya. Sobrang init at lagkit ang nararamdaman niya kahit pa sabihin na fully air-conditioner ang buong NAIA. Pakiramdam niya ay hindi iyon sapat para punuan at mapawi ang init na nararamdaman niya. Ang fur coat na suot niya pag-alis sa Paris ay kanina pa niya hinubad sa loob ng eroplano. Kaya tanging slim-fit long-sleeved na brown ang suot niya sa pang itaas at black pants na fitted naman ang sa pang ibaba niya. Nakasuot pa rin siya ng boots kaya mas lalong dumagdag iyon sa init. Pakiramdam niya nasa trial siya papuntang impiyerno dahil sa alinsangan at init. Halo-halo pa ang nararamdaman niya na hanggang sikmura niya hinahalukay sa kaba.Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago siya lumabas sa arrival waiting area. Naghanap muna siya ng r
Read more
KABANATA 14
ISANG MALUTONG na tawa ang pinakawalan ni Ezekiel ng sadya niyang ipabagsak na pasara ang pinto ng kotse. Umabot sa pandinig niya ang malakas na tawa nito na tila natutuwa pa sa ginawa niya. Nang hindi pa rin tumitigil si Ezekiel sa pagtawa, muli niyang binuksan ang pinto. Tiningnan niya ito nang matalim bago muli hinila pasara ang pinto ng kotse.Pinili niyang umupo sa passenger seat dahil ayaw niyang makatabi ang lalaki sa backseat dahil hindi rin siya nito titigilan na asarin. Ikinabit na niya ang seatbelt at pagod na ibinagsak ang likuran sa backrest ng upuan. Ang shades na dala niya ay isinuot niya sa mga mata niya at pumikit nang mariin.Matutulog na lang siya sa buong biyahe niya kaysa makipag-usap kay Ezekiel na wala naman ginawa kung hindi ang inisin lamang siya.Ilang bukas-sara pa ng pinto ang narinig niya mayamaya ay naramdaman na niya na may umupo na sa driver seat niya. Hindi na niya inabala na imulat ang mga mata kahit na parang pakiramdam niya na si Ezekiel ang nasa dr
Read more
KABANATA 15
"I love you, My Samarra."Natigilan si Samarra ng mga sandaling iyon. Hindi dahil sa narinig mula kay Ezekiel ang matagal na niyang inaasam na kataga. Kung hindi, ay parang nakaringgan niya ito na tila gumaralgal ang boses nito na para bang naiiyak. Kung bakit at sa anong dahilan nito ay hindi niya alam. Hindi niya rin alam kung ano ba ang isasagot sa binata dahil hindi niya ito inaasahan. Though, she knows Ezekiel feels for her. Pero ang inaasahan niya na saya matapos magtapat ito sa kaniya ay hindi niya makapa sa puso niya. Mas lamang ang takot at pagkalito ang nararamdaman niya ngayon!Takot dahil hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan na puwedeng mangyari ngayon na nagtapat ito. Pagkalito, dahil tumatak sa isip niya noon pa man, na hindi siya tatanggap ng ibang pag-ibig kung hindi iyon ang pinili ng magulang niya para sa kaniya! Hindi niya ibibigay ang matamis niyang, Oo! Kung hindi iyon ang mapapangasawa niya.Pero anong gagawin niya ngayon? Alam niya may nararamdaman siya
Read more
KABANATA 16
TULUYANG NAGISING ang diwa ni Samarra, pero sa halip na imulat ang mga mata para magising ng tuluyan, mas pinili pa niyang ipikit nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya sobrang antok na antok siya at pagod na pagod sa hindi malaman na dahilan. Ang gusto niya lang mahiga sa malambot na kama katulad ng hinihigaan niya ngayon.Kama?Nang maalala na nakatulog siya sa kotse ay ganoon na lang kabilis niyang iminulat ang mga mata. Napabalikwas pa siya ng bangon mula sa pagkakahiga. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Isang old Spanish type ang kuwarto na may pagka-modern and rustic ang pagkakadesenyo. Nakahawi ang malaki at makapal na kurtina sa may balkonahe kaya pumapasok ang liwanag sa kuwarto kahit na nakasarado ang pinto noon. Wala siyang ideya kung nasaan siya ngayon dahil bago lahat sa paningin niya ang nakikita niya. Umupo siya at isinandal ang likuran sa malabot na headboard.Nakasuot pa rin siya na white dress, ngunit wala na ang suot niyang flat sandals
Read more
KABANATA 17
NANG MATAPOS MAKAKAIN inaya pa siya ni Aunt Lorraine sa may gazebo para doon uminom ng tsaa. Habang sina Ezekiel at Uncle Calvin naman ay nagpaalam sa kanila para humayon sa studyroom. Alam niya na tungkol sa negosyo ang pag-uusapan ng dalawang lalaki dahil narinig niya na nanghihingi ng status si Uncle Calvin kay Ezekiel tungkol sa bagong hotel na ipapatayo sa Baguio.Habang umiinom sila ng tsaa ni Aunt Lorraine ay naisipan nitong makipag-video call sa SKYline sa Mommy Samantha niya. Doon sinabi ni Aunt Lorraine ang hiling niya na imbes sa Buenavista Mansion siya tumuloy ng isang buwan ay sa Buenavista Hotel niya pinili na bagay na ikinagulat ng mommy niya. Ayaw pa sana nito na payagan siya kung hindi niya lang sinabi ang totoong rason niya rito ng sandaling umalis si Aunt Lorraine.Doon ay para pa siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita ang ama niya na si Daddy Frost at sumang-ayon ito sa gusto niya. Katwiran nito sa mommy niya na hinayaan naman siya ng mga ito na pumunta sa P
Read more
KABANATA 18
HINDI MAN nahanap ni Samarra ang daan papunta sa Ms. Oh na pagmamay-ari niya. Si Ezekiel naman ang nakahanap sa kaniya ng sumuko na siya sa kakaikot sa loob ng Zafaria mall. Natagpuan siya ng binata na nakaupo sa isang mahabang couch na malapit sa isang bookstore. Pagod at inaantok na rin siya, kaya laki tuwa naman niya ng mahanap siya ng lalaki.Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kaniya at may inuusal ito na hindi niya maintindihan. Bukod sa mahina ang boses nito na tila hindi talaga nito gustong iparinig sa kaniya ay hindi niya rin masyado maintindihan. Nang pakawalan siya nito ay katakot-takot na sermon naman ang narinig niya.Gusto na nga niya itong patigilin at tanungin kung saan ito humuhugot ng energy. Dahil kung siya ang tatanungin gusto na niyang ihiga ang katawan sa malambot na kama. Naubos na rin ang energy niya sa lalaking naka-engkwentro niya kanina at sa ginawa niyang paghahanap sa shop niya. Hindi naman niya kasi aakalain na sobrang lawak ng Zafaria Mall at may
Read more
KABANATA 19
ZACH POVSa Isla kung saan niya natatanaw mula okupadong silid nila ni Claudel siya nagpunta. Sa paglalaro sa tubig gamit ang Jet Ski niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit niya sa nobya. Hindi rin alintana sa kaniya ang init ng sikat ng araw dahil mas masakit pa rin ang nararamdaman niya kaysa sa init ng araw.Hindi niya aakalain sa tinagal-tagal nilang magkarelasyon ni Claudel ay nagawa pa siyang lokohin ng ganoon-ganoon lang! Maliwanag pa sa sikat ng araw na matagal na siyang pinagtataksilan nito at ng manager nitong si Rance Punzalan. Hindi niya alam kung kailan pa ang nag-umpisa ang relasyon ng mga ito. Pero may hinala na siyang nabubuo na dati pa ang relasyon ng mga ito.Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya.Kaya pala!Kaya pala kung makangisi sa kaniya si Rance sa kaniya ay ganoon lang! Dahil simula’t sapul para siyang tanga na walang kaalam-alam na may namamagitan na pala sa dalawa. Kaya pala malakas ang loob ni Rance na hawak-hawakan ang nobya niya kahit nandoon siya ay dah
Read more
KABANATA 20
ZACH POVWALANG IMIK si Zachary sa loob ng kotse kasama si Claudel habang nasa biyahe. Papunta sila sa B-TOWER Condominium kung saan ang okupadong unit ng nobya na nasa unahan lang ng San Carlos. Hindi niya ito matingnan sa mata na may pagmamahal katulad ng dati dahil natatakpan na iyon ng galit sa dibdib niya.Ang buong akala niya ay umuwi na ito kasama ang mga kaibigan niya ng makabalik siya kaninang umaga sa Amanpulo. Natigilan pa siya ng makita ito kasama si Rance sa may lobby. Nakaupo ang mga ito na tila hinihintay siya. Hindi man magkatabi ang mga ito sa upuan pero hindi maalis-alis sa isip niya ang pagdududa.Anong bang malay niya noong wala pa siya?Sa isip niya gusto na niyang bugbugin si Rance pero hindi niya ginawa. Pinilit niyang maging kalmado sa lahat ng oras na kasama niya ang mga ito. Sabay-sabay pa silang umalis sa Amanpulo at bumalik sa San Carlos.“Babe, we’re here,” pag-aanunsiyo ni Claudel ng huminto na ang kotse sa tapat ng B-TOWER Condominium.Isang buntong-hini
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status