Share

KABANATA 12

IMBES na magbihis ng damit na dala niya ay naisipan ni Zachary na maligong muli. Sa bathtub doon niya pinagsawa ang sarili. Gusto niya paglabas niya ng banyo ay walang Claudel na maaabutan sa loob ng kuwarto. Hindi niya pa kaya itong harapin matapos na tanggihan ang proposal niya kanina sa hindi niya malaman na dahilan. Masakit sa kaniya ang ginawa nitong pagtanggi at pagsasalita ng hindi maganda sa kaniya.

Nandoon man sa isip niya ang kagustuhan na ikasal siya sa babaing mahal pero may bahagi sa puso niya na nakahinga nang maluwag matapos na tanggihan siya ng nobya. Kung para saan ang saya at kapayapaan na nararamdaman ng puso niya ay hindi niya alam. Ang alam niya bukas uuwi sila sa San Carlos para harapin ang babaing pinili ng magulang niya. Tinanggihan man siya ni Claudel sa proposal niya. Hindi niya pa rin gusto na maikasal siya sa babaing walang pag-ibig. Hindi niya gusto ang ideya ng magulang. Baka imbes na ikabuti niya ang desisyon ng magulang niya para sa kaniya ay baka matul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status