All Chapters of The Omega's Destiny (English): Chapter 41 - Chapter 50
65 Chapters
Chapter 41
Zeph PovHindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang habang sakay kami ng kabayo. Nasa unahan niya ako at nakapaloob ako sa kanyang dalawang braso. Hindi maiwasan na mapasandig ako sa kanyang dibdib habang tumatakbo ang kabayo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip dahil tahimik lamang siya at tila wala siyang balak na makipag-usap sa akin. Naisip ko kung hindi ba siya nakaramdam ng selos kanina? Si Ruyi kasi ang kasama ni Ashley sa kabayo at hindi siya. O baka naman nagselos siya ngunit hindi lamang niya ipinahalata dahil kaibigan niya si Ruyi. At ang pagiging tahimik niya ngayon ang pruweba na nagselos siya kanina. Kaya wala siya sa mood na makipag-usap sa akin ngayon dahil sa nangyari kanina.Hanggang sa nakarating kami sa loob ng gubat ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Kaya naman ako na ang hindi nakatiis at inunahan ko na siyang kausapin."Kung gusto mo ay hanapin na muna natin si Ruyi para magpalit kayo ng mga sakay ninyo," kausap ko sa kanya. Ako na ang kusang nag-sugg
Read more
Chapter 42
Hunter's PovNilapitan ko ang rabbit na tinamaan ng aking sibat kanina. Napangiti ako nang makita kong malusog ang rabbit na aking nahuli. Nilingon ko si Zeph para tawagin siya at ipagmalaki sa kanya itong nahuli kong rabbit ngunit hindi ko siya matanaw sa bahagi ng gubat na pinuntahan kanina. Sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang lalayo at huwag din siyang magtatagal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala nang hindi ko siya makita sa aking paligid. Naghintay muna ako ng mga ilang minuto pa dahil baka may pinuntahan siyang iba ngunit nang hindi pa rin siya nagpakita pagkatapos ng paghihintay ko sa kanya ay doon na talaga ako kinabahan. Maraming scenario ang biglang nabuo sa aking isipan. Paano kung bigla na lamang umalis si Zeph nang hindi nagpapaalam sa akin? Paano kung hindi sinasadyang napalayo siya at naligaw pagkatapos ay may nakasalubong siyang masasamang taong-lobo? Paano kung pinatay siya at itinapon na lamang ang bangkay
Read more
Chapter 43
Zeph PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng aking silid sa bahay ni Alpha Hunter at mag-isa lamang. Agad kong naramdaman ang pananakit ng aking buong katawan at nang suriin ko ang aking katawan ay natuklasan kong marami akong gasgas sa aking balat at higit sa lahat ay may sugat ako sa gilid ng aking dibdib. Ito ang pinakamasakit sa aking sugat. Nagtaka ako kung bakit matindi ang nararamdaman kong sakit ngayon. Hindi ba't may kakayahan akong pagalingin ang aking sarili? Bakit ngayon ay tila bumalik ako sa pagiging ordinaryo? Dahan-dahan akong bumangon at naupo na lamang sa ibabaw ng kama. Sinubukan ko kung hindi ba nawala ang aking kapangyarihan. Pinalutang ko ang flower vase na nasa ibabaw ng maliit na mesa. Natuwa naman ako nang lumutang iyon. Ibig sabihin ay may kapangyarihan pa ako. Kung bakit hindi kusang gumaling o nabawasan man lang ang aking mga sugat ay hindi ko pa alam. Ngunit naniniwala akong matutuklasan ko din iyon balang araw.Dahil mahina pa ang a
Read more
Chapter 44
Duffy PovPagkabalik ko sa bahay namin ay agad akong niyakap ng mahigpit ng aking ama. Alalang-alala siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapaluha sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na mag-aalala siya sa akin kapag nawala ako ng matagal. Palagi kasi siyang galit sa akin at kapag nag-aaway kami ng aking stepmother ay ito palagi ang kinakampihan niya. Kaya naman sobrang saya ang pakiramdam ko nang yakapin niya ako ng mahigpit pagpasok ko sa bahay namin. Ang stepmother ko naman ay nagkunwari na nag-aalala rin siya sa akin ngunit binigyan ko siya ng malakas na sampal nang akmang yayakapin niya ako. Nagulat ang aking ama sa ginawa ko kaya nagtanong siya kung bakit ko iyon ginawa? Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Na inutusan ng aking stepmother ang aliping si Hernan na pagsamantalahan ako. Mariing pinabulaanan ng aking stepmother ang sinabi ko. Nagsisinungaling daw ako dahil ang totoo ay may relasyon daw kami ni Hernan. At inutusan ko raw si Hernan na kitlin ang kanyang buhay nang ma
Read more
Chapter 45
Zeph PovHindi ko maiwasan ang matawa sa nakita kong reaksiyon nina Duffy at Asher. Si Asher ay palaging mahinahon kung magsalita ngunit ngayong si Duffy ang kausap niya ay tila naubusan ito ng pasensiya. Samantalang si Duffy ay ganoon na talaga magsalita dahil nga madalas ay binu-bully niya ako noong magkaklase pa kami. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila dahil nagtatalo na sila nang maabutan ko."Excuse me, Zeph. Puwede bang huwag mong sabihin iyan at baka magkatotoo? Tatalon ako sa malalim na butas na kinahulugan mo kapag magkakatotoo iyang sinabi mo," exaggerated na react ni Duffy pagkatapos ay inirapan si Asher na lalo namang napasimangot. Kaya lalo ko tuloy sila gustong asarin."Alam niyo ba ang kasabihang "the more you hate the more you love?" nakangising tanong ko sa kanila. Agad namang na-gets ng dalawa ang ibig kong sabihin kaya lalong tumalim ang tingin nila sa isa't isa. Lalo naman akong natawa sa kanilang reaction. Ang cute nilang tingnan. Sa tingin ko ay may
Read more
Chapter 46
Zeph PovNapakunot ang aking noo habang pinapanuod sina Ashley at Ruyi na masayang nag-uusap. Para bang wala silang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ilang araw ko nang napapansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. At sa katunayan nga ay mas malapit na si Ashley kaysa kay Alpha Hunter. Sobrang close ang dalawa at kahit nasa harapan sila ni Alpha Hunter ay hindi pa rin mapagkit ang malagkit nilang tinginan sa isa't isa. Nag-aalala ako na baka maging sanhi ito para mag-away sina Alpha Hunter at Ruyi. Malapit pa naman ang kaarawan ni Alpha Hunter at sa araw na iyon niya ibabalita sa lahat kung sino ang kanyang magiging Luna. At ini-expect ng lahat na si Ashley nga ang magiging Luna niya ngunit paano mangyayari iyon kung ganitong tila nagkakamabutihan na sila ni Ruyi? Tila may special something sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o pati ang mga kaibigan ni Alpha Hunter ay napapansin din ang kakaibang kilos ng dalawa ngunit hindi lamang nila
Read more
Chapter 47
Zeph PovNagpadesisyunan kong sundin ang payo sa akin ni Ashley. Tatapangan ko ang aking loob at tatanungin ko ng deretso si Alpha Hunter kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Kapag sinabi niya na wala siyang pagtingin sa akin ay aalis na ako sa bahay niya at hindi na ako magpapakita pang muli sa kanya. Mas mabuting ngayon pa lang ay malaman ko na ang kasagutan para naman makapag-move on na ako ng tuluyan sa kanya.Hinanap ko sa buong kabahayan si Alpha Hunter ngunit hindi ko siya makita kaya lumabas ako ng bahay. Nakita ko siya sa labas ng bahay niya at kausap si Hillary. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit tila ba seryoso ang topic nila kung ang pagbabasehan ko ay ang ekspresyon ng kanilang mukha. Nakita kong tinanguan ni Alpha Hunter si Hillary pagkatapos ay bigla siyang niyakap ng babae. Nakaramdam ako ng paninibugho sa aking nakita. Pagkatapos ay iniwan na niya si Hillary. Agad naman akong nakita ng babae pagkaalis ni Alpha Hunter. May kakaibang
Read more
Chapter 48
Hillary PovPagdating ko sa bahay ay agad kong hinanap ang aking ama. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung may kinalaman ba ang aking ama sa paglabas ng moon tattoo sa aking noo. Gusto kong malaman kung ako ba talaga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil baka umaasa lamang ako sa wala. Mahal ko Alpha Hunter at wala akong ibang ninanais kundi ang maging asawa niya. At kapag naging asawa ko na siya at gustong agawin ng aking ama ang pagiging alpha niya ay tutulungan ko siyang labanan ang ama ko. Dahil hindi ko hahayaan na mayroon mananakit sa kanya. Ngunit paano kung hindi naman pala ako ang babaeng tinutukoy ng propesiya? Hindi ko matatanggap sakaling ibabang babae ang nakatadhana na maging luna niya.Sa nalalapit na kaarawan ni Alpha Hunter ay ibabalita na niya sa lahat kung sino ang kanyang magiging luna. Inaasahan ng lahat na si Ashley ang mapipili niya para maging luna dahil bukod-tanging siya lamang ang pinagtuunan niya ng pansin sa lahat ng mga babaeng
Read more
Chapter 49
Zeph PovNakarating sa akin ang balita na ikinulong daw ni Beta Keiver sa kanyang silid si Hillary matapos magkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Hindi alam ng karamihan kung bakit sila nagtalo kaya naisip nilang may nagawa sigurong pagkakamali si Hillary na hindi nagustuhan ng kanyang ama kaya siya ikinulong sa kanyang silid bilang parusa. Ngunit sa tingin ko ang dahilan ng pagtatalo nila ay dahil kinompronta ni Hillary ang kanyang ama tungkol sa sinabi ko sa kanya. Siguro ay inamin ni Beta Keiver na may kinalaman ito kung bakit napunta kay Hillary ang moon tattoo na dapat ay nasa akin. Kailangan kong makausap si Hillary para malaman ko kung anong paraan ang ginamit ng kanyang ama at nagawang mailipat nito ang aking moon tattoo papunta sa kanyang katawan?Tatlong araw ang lumipas matapos kong mabalitaan ang nangyari kay Hillary ay hindi sinasadyang nagkita kami sa daan habang naglalakad kami ni Duffy pabalik sa bahay ni Alpha Hunter. Namitas kasi kami ng mga bulaklak para maging dekorasy
Read more
Chapter 50
Zeph PovHabang hinihintay ko na magpaliwanag sa akin ang matandang babae na tinulungan ko ngayon ay halos hindi na ako makahinga sobrang tindi ng antisipasyong nararamdaman ko. Sa wakas ay may taong nakakakilala sa akin ng tunay at makakasagot sa lahat ng aking mgs katanungan."Dahil tinulungan mo ako ay sasabihin ko sa'yo ang lahat, Zeph. Sasagutin ko ang iyong mga katanungan," sabi sa akin ng matanda."Kung ganoon ay umpisahan mo nang sagutin ang aking mga katanungan," hindi makapahintay na sagot ko sa kanya.Huminga muna ng malalim ang matanda bago muling magsalita. "Una sa lahat ay gusto kong ipakilala sa'yo ang aking sarili, Zeph. Ako si Urusula, ang natitirang lahi ng mga mangkukulam sa mundo. Nag-iisa na lamang ako dahil nilipol na ng mga naunang alpha ang aking angkan. At kaya mo ako nakitang sugatan at nanghihina ay dahil pinagbabato ako ng taong-bayan nang lumabas ako sa gubat na pinagtaguan ko ng napakaraming mga taon," pagpapakilala niya sa akin ng kanyang sarili. "Anyway
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status