Lahat ng Kabanata ng Helena's Possessive Boss: Kabanata 21 - Kabanata 30
60 Kabanata
Chapter 21
CHAPTER 21Helena Kelandra's POVPasado alas singko a kinse na nang marating namin ang lugar kung saan gaganapin ang pageant ng Ms. BukangLiwayway contest ng mga ka-federasyon ni Yuki. Marami ang nakaabang at aligaga sa pagpapaganda ng kani-kanilang kandidata. Bumaba kami sa pedicab ni Ronnie. Nakitulong ito na ibaba ang mga dala naming gamit na isinilid namin sa malaking bayong."Oh, s'ya. Aalis na ako, Kelly, Michael, ah," paalam ni Ronnie sa amin. Ngumiti ako at tinapik ito."Maraming salamat, Ron, ha. Kung hindi ka dumating, baka late na kami nakapunta rito," saad ko. Sila Yuki at Hanna ay aligaga sa paghanap ng pwesto kung saan pwedeng malatag ang mga gamit namin at mag-umpisang magpaganda.Nagsitilian ang mga kaibigan ni Yuki nang magkita-kita ang mga ito. Tanaw ko ang kanilang beso-beso na tila praktisadong para lang sa kanilang grupo. Papalapit kami ni Michael sa gawi nila nang biglang nagsitinginan ito sa
Magbasa pa
Chapter 22
CHAPTER 22 Helena Kelandra's POV "Teka lang, Michael! Ginawa mo? Ipinasok mo?" Nag-ayos kami at tinatahak ang daan papunta sa gymnasium. Ngiting aso lang ang ipinukol niya sa akin, habang ako'y hindi maintindihan ang sarili. Fertile pa naman ako ngayon. Paano kaya kapag— "Don't worry, ano mang mangyari, pananagutan ko 'yan," saad nito sa akin habang nakahawak sa kamay ko. Tama ba ang naririnig ko? Pananagutan? Bakit, kami na ba officially? Para namang ewan 'to si Michael, eh. Ang labo. I thought we gonna have just sex, alam kong alam nito ang ibig naming mangyari. He will leave me soon. Hindi magiging kami. Babalik siya sa Amerika, habang maiiwan ako rito sa Pinas. No commitment at all. Narating na namin ang program hall. Napakaraming tao. Nakahanda na lahat at tyempong nag-i-intro na ang emcee sa harap. Natanaw namin si Yuki na ready na sa pagrampa. Candidate no. 8 ito, ang huling kalahok. Dinig namin ang tilian at pagche-cheer ng bulwagan sa kani-kanilang mga manok. Nakatayo
Magbasa pa
Chapter 23
CHAPTER 23 Aling Lourdes' POVTanaw ko ang aking pamangking si Kelly na nakikipaghalikan kay Michael. Hindi ko maintindihan dahil parang may bangungot sa aking nakaraan ang tila bumabalik.Ang pag-iibigan ni Delfino at ni Vera, ang aking kapatid. Si Delfino ang masugid na manliligaw noon ni Vera, taliwas sa kaalaman ni Vera ay may lihim din akong pagtingin para sa binata. Dalawang taon lang ang agwat namin ni Vera pero dahil sa mas matingkad at mayumi nitong personalidad kaysa sa akin ay mas marami ang nanliligaw dito.Dese otso ako noon habang si Vera naman ay desesais. Mahirap lang kaming mag-anak na nagmula sa probinsya ng Bohol. Lumuwas kami sa kamaynilaan sa kadahilanang nakapagtrabaho si itay sa pamilyang Bienvenido. Hanggang napadpad kami sa Pampanga na orihinal na lugar ng aming ina. Pumanaw ang aming itay sa sakit dahil sa pagsubsob sa trabaho.Naiwan kami ni Vera at a
Magbasa pa
Chapter 24
CHAPTER 24 Helena Kelandra's POV"Tigil!" sigaw ng isang pamilyar na mukha sa aming harapan. Si tyang Lourdes. Napahinto ang aming sinasakyan, halos lumuwa sa nerbyos si Hanna na napayakap kay Eshaan. Alam na alam nila kapag nagagalit ang ina nila."Saan kayo pupunta? Akala n'yo hindi ko alam?" magkasunod na tanong ni tyang Lourdes sa amin. Tanaw namin ang nanlilisik na mga mata nito. Hinarap siya ni Michael. Dahan dahang tinungo ni Michael ang gawi niya."Huminahon ho kayo, uuwi na ho sana kami—" hindi na naituloy ni Michael ang pagsasalita dahil isang malakas na sampal ang binitawan ni tyang Lourdes dito."Tyang!" Napalundag ako sa gawi nila at inawat si tyang Lourdes. Maging si Eshaan at Hanna ay pumagitna."Ma, tama na, ho!" awat ni Eshaan dito."Dagdag pa kayo, ha!" sambit ni tyang Lourdes habang sinasabunutan at ipinag-uuntog ang mga ulo nina Hanna at
Magbasa pa
Chapter 25
CHAPTER 25 Michael's POV"Kung masaya ka sa kaniya, piliin mo siya. Bakit ka pa mamimili kung alam mo naman ang sagot, h'wag mong lituhin ang sarili mo, Michael!"  I'm having these echoes inside my head again. Nagri-ring back lahat ang sinabi ni mama. Kanina pa ako umiinom sa malaki ngunit malungkot na kwarto ko. Pilit kong kinakalimutan ang mukha ni Helena. I admit, marami akong ginawa para kalimutan siya, pero ang hirap. Tanaw ko ang mga pina-develop na larawan niya na ngayo'y nakasabit sa akin
Magbasa pa
Chapter 26
CHAPTER 26 Helena Kelandra's POV "Michael!" naibulalas ko sa nakita. Napalundag ako sa gawi niya at niyakap siya nang napakahigpit. Animo'y sabik na sabik ako sa kaniyang pagbabalik. I can't imagine na ganoon ko pala siya ka-miss. He hugged me so tight. Amoy na amoy ko ang kaniyang pamilyar na bango. Nanumbalik lahat ang aming alaala sa Palawan, ang Michael na nakasama ko, ang lihim na pinagpapantasyahan ko, ang lihim na minahal ko. "My precious Helena." Dinig kong sambit nito sa aking tainga. Naka-hang ako sa kaniyang batok, ninanamnam ko ang oras. Napaiyak ako sa kaligayahan, animo'y isang bata na binalikan ng kalaro. Hinagilap ko ang kaniyang mukha. Ang dimples na nagpapabihag sa bawat babae, mga matang nangungusap, at ang labing napakasarap halikan. Ganoon pa rin ito, napakagwapo. Hinalikan niya ako nang napakabanayad at senswal. 'Yong halik na bumubuhay sa aking pagkababae. Nararamdaman ko nanaman ang kakaibang kiliti mula sa aking puso, ang pamilyar na agos ng pagmamahal.
Magbasa pa
Chapter 27
CHAPTER 27 Helena Kelandra's POVIsang buwan nang nandito sa amin si Michael. Nang malaman ito nila Eshaan at Yuki ay doon na halos umuuwi at nag-bonding ang mga pinsan ko kasama ito.Napakasaya ng bawat lakad namin, nalibot namin ang iba't ibang pasyalan sa kamaynilaan. Nandoon si Michael nang magtapos si Hanna sa kolehiyo. Tumayo itong parent at kaming dalawa mismo ang nagsabit ng mga medalya at award na natanggap ni Hanna.Nandoon din sina Sir Nathan, Sheena, at ibang kaibigan nina Hanna at Yuki. Kumain kami sa isang kilalang seafood restaurant. Napakasaya ni Hanna, lalo na nang magsibigayan ng mga regalo ang mga kaibigan niya, pati na rin si Michael at ako. Nakatanggap siya ng mamahaling bag, laptop, at ang pinakahihintay niyang trip kasama ang mga kapatid sa Korea. Iyon ang regalo ni Yuki sa kaniya.Habang ako naman ay niregaluhan ko siya ng kaniyang paboritong libangan. Isang drumset. Mahilig itong tumugtog, simula pa nang bata ito ay nakahiligan nitong magpukpok ng de latang
Magbasa pa
Chapter 28
CHAPTER 28 Helena Kelandra's POVHinihingal ako sa pagtakbo. Malayo na ako sa kanila, malayo sa nakita kong hindi ko inaasahan.Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't para siyang linta kung makayakap kay Michael? Magdidilim na.Wala akong maaninag na tao o kabahayan sa aking paligid. Nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko alam saan ako galing, tanging naaalala ko lang ay ang mga nagkalat na sanga sa daan.Gumapang ang takot sa aking katawan, lalo pa't ang tanging suot ko lang ngayon ay two-piece. The hell, Helena! Ano bang naisip mo at tumakbo ka sa liblib na dako ng kagubatan ngayon pa't gumagabi na. Humilata ako sa isang puno, nilinga ko ang paningin.Tanaw ko ang mayayabong na puno habang naririnig ang mga huni ng kulisap at iba't ibang ingay ng insekto. Yakap yakap ko ang aking tuhod. Paano na 'to, baka kung magpatuloy pa ako sa paglalakad ay mas mahirapan akong makabalik. Giniginaw na ako.Tanging iniisip ko ngayon ay ang inis sa aking sarili, hindi ko pinakinggan si Michael. Napaiyak ako s
Magbasa pa
Chapter 29
CHAPTER 29  Simon Alcantara's POV Nakahiga ako sa aking kama at naghihintay na lamang ng aking oras. Alam kong malapit na, malapit na akong mamahinga, malapit na akong mamayapa dito sa mundong ibabaw. Natutop ko ang sariling noo, at mariing pumikit. Nagbalik ang diwa ko sa nakaraan, kung saan nagsimula ang iringan ng grupong matagal ko nang pinakaiingatan. ***Flashback 
Magbasa pa
Chapter 30
CHAPTER 30 Michael's POVKinapa ko ang aking telepono na nasa tabi ng aking higaan. Nakita ko ang tumatawag, si Dorotina. Napabalikwas ako at dali dali ko itong sinagot."Hello, Dorotina," bungad ko."Mike! He's getting worse," saad nito sa akin. Mangiyak-ngiyak ang boses nito. Nalaman ko ang punto ng pagtawag niya sa akin. Patungkol kay Sir Simon, lumulubha na ang kalagayan nito. Nakausap ko si Dorotina na kararating lang sa Pilipinas para sa isang meeting ng legalities sa isang branch ng LCDDR Inc. na nasa Palawan.Gusto nitong makipagkita at personal na makausap si Helena. Gustong ipapirma ni Dorotina ang isang papeles na naglalaman ng mga ari-arian ni Sir Simon, isa itong transfer of casualties ng ilang negosyo ni Sir Simon sa Espanya. Sakto namang susurpresahin ko si Helena sa darating na makalawa.Gusto kong pumunta kami sa Palawan dahil naiayos na ang renovation ng isang investment
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status