"SCHOOL Year Batch 2012-2013 of Saint Martin Academy agree to have the one week reunion this coming May 03, 2020, 08:00 am. The reunion itinerary of the week will be discussed at the opening ceremony. Be there and you will be surprised! Pass this to the rest of the batch. - Teresa M, event organizer."Tumaas ang isang kilay ni Allison pagkatapos mabasa ang bagong post na galing sa classmate nila na si Teresa, ang class president ng room nila noon sa high school, sa app na Facebook. Sabay silang nagkatinginan ng mga kaibigan."Oh, mems. Reunion daw, sa lunes na." maarteng abiso ni Juanico sabay patingin sa cellphone nitong Iphone X.Tumingin siya sa kalendaryo ng laptop at nakitang ados na ng mayo. Dahil sa pagkaabala sa pagawa ng book cover ng IPC ay hindi niya na namalayang ang panibagong buwan na ang dumating. Idagdag pang sa departamento siya ng Erotica na patok sa mga mambabasa ay mas marami siyang gawain kaysa sa mga kaibigan."Ay mems, hindi ako talaga puwede diyan," malumanay n
Magbasa pa