MARCO POV Papunta kami nina Dos at Jack sa open field para dalhan ng pagkain si Ara nang nadatnan namin si Jill na kasama si Lolly. Nagkukwentuhan silang dalawa. “Lolly, miss mo ba si Mama?” tanong ni Jill sa bata. Napakunot ang noo ko. “Opo, bakit po pala kayo umalis?” nalulungkot na tugon ni Lolly. “May ibang babae kasi ang Dada mo—” “Jill,” pagputol ko sa sinasabi niya. Seryoso ‘yon at may halong pagbabanta. Ngumiti siya na tila nagtitimpi. “Usap muna kami ng Dada mo, Lolly,” paalam niya sa pamangkin ko na agad na inalok nina Dos at Jack para mawala ang atensyon niya sa amin. Hinila ko si Jill sa madilim na hallway para mag-usap kami nang masinsinan. Sa inis ko ay ‘di ko na namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kanya. “Marius, ano ba?! ‘Wag mo sabihing sasaktan mo na rin ako physically para sa babaeng ‘yan?” pagpupumiglas niya sa akin. Binitiwan ko siya at bumaling sa kanya. “Ano ba kasing ginagawa mo?” mariing tanong ko. Nagpanggap siya na walang i
Terakhir Diperbarui : 2025-05-16 Baca selengkapnya