Kahit saan nalang sila dinala ni George. Siyempre dahil matipid silang babae. Si George ang nanlilibre sa kanila. Okay naman iyon sa lalaki kahit pa’y sinasaway na ito ni Dalia. Iba talaga kapag nagpapasikat ang lalaki sa babae, binibigay nito lahat. Kung kay Vegee lang, wala din naman siyang kalakihang pera kaya okay na ‘yong may nanlilibre sa kanila minsan. Speaking of libre, bigla niyang naalala ang lalaking nanlibre sa kanya ng burger. Ang bait at sobrang gwapo pa nito. Sana’y magkrus ulit ang kanilang landas dawala at matanong na ni Vegee ang pangalan nito. “Ano Anna? Okay ka na ba? Huwag mong sabihing hindi ka pa, okay diyan?” tanong ni Rosa nang makabalik na sila sa sasakyan. Katatapos lang nilang kumain at uminom saglit ng bar. “Ano bang akala ninyo sa nararamdaman ko? Hindi ito pwede i-magic, kailangan pa nito ng ilang araw para matanggap ko talaga na lalaking walang ama ang anak ko,” sagot naman ng babae. “Eh, kung gusto mo ipalaglag mo nalang ‘yan, bukas na bukas din,” s
Read more