Share

MISTRESS

Naiwan si Vegee upang magbantay kay Anna sa funeral home. Habang siya'y abala sa pagkakape ay may lalaking pumasok at diretsa ang tingin nito sa kabaong ng kaibigan. Hinayaan lamang ito ni Vegee ngunit lumapit rin siya rito nang tumingin na talaga ito sa mukha ni Anna.

"Sino po sila?" magalang niyang tanong.

"I'm Eric, Anna's friend," sagot ng lalaki.

"Friend? Sa pagkakaalam ko ay walang friend si Anna na Eric ang pangalan," aniya. Hindi kasi nababanggit ng babae na may kaibigan itong Eric. Well, dumalaw lang naman malamang kaibigan talaga ito ng babae.

"Bago palang kami nagkakilala ni Anna Kaya siguro hindi niya sinabi ang tungkol sa akin," wika ng lalaki at lumapit ito sa kabaong. Tiningnan lang ni Vegee si Eric. Wala naman sigurong masama kung mayroong dadalaw kay Anna.

"Bakit siya nagpakamatay?" tanong nito.

"Umupo na muna tayo kung gusto mong malaman ang lahat," aniya sa lalaki. At iginiyang umupo. Sa tantya ni Vegee ay magkasing-edad lang sila ni Eric. Tisoy ang lalaki, matangkad, maskulado at hindi maikakailang gwapo ito.

Nang makaupo ay humugot na muna ng isang malalim na hininga si Vegee.

"Noong isang gabi, nalaman namin na buntis siya. Tumawag pa nga si Anna sa nakabuntis sa kanya ngunit bigo siya. May pamilya na ang lalaki at magkakaanak na ito. Hindi matanggap iyon ni Anna." Habang nagsasalita si Vegee ay napapansin niyang namumula bigla ang mga mata ni Eric. Hinayaan niya lang ito at nagpatuloy. "Ginala pa nga namin siya kahit saan upang makapag-isip ng maayos. Nang makauwi kami ay akala namin okay na siya. Ngunit kinaumagahan ay nakita na lang namin si Anna na nakabitay na. Galit na galit nga ako sa kanya, eh. Dinamay pa 'yong bata."

"Kasalanan ko pala ang nangyari."

"Ha?" medyo tumaas ang boses ni Vegee.

"Kasalanan ko kung bakit siya nagpakamatay at bakit nadamay ang anak namin," ani ni Eric at umiyak na ito. "Hindi ko alam na ganoon pala siya kung mag-isip. Kung alam ko lang ay sana pinanindigan ko nalang sila."

"Ha?" gulat na naman siya. "Teka, ikaw pala ang lalaking nakabuntis sa kanya?"

Tumango lang ang lalaki bilang tugon sa kanya.

Napabuntong hininga si Vegee, "huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan, well, mali ka sa part na nakipag-chuckchuckan ka kay Anna. Pero huwag mong sisisihin ang sarili mo, Eric."

"Iyon na sana ang hinagangad kong anak. Ang kaso ay nawala pa."

"Hindi ba't buntis ang asawa mo?" curious niyang tanong.

"Oo ngunit hindi ako ang ama. Kanina ko lang rin nalaman. Nahuli ko asawa ko na may kasamang iba sa mall."

"Paano mo nalaman na patay na si Anna?"

"Nang mahuli ko asawa ko. Kaagad akong pumunta sa tinitirhan ninyo. Alam ko 'yon dahil minsan ko nang inihatid pauwi si Anna. May isang babaeng nagsabi sa akin na patay na si Anna at nandito sa punerarya. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko matanggap. Akala ko nagsisinungaling lang 'yong babae ngunit totoo pala."

Sa puntong iyon ay humahagulhol na ng iyak si Eric. Kaagad na hinimas-himas ni Vegee ang likod nito upang bigyang alalay.

"Maging sa amin ay masakit din ang nangyari. Mukhang nahuli ka ng dating. Kung maaga mo lang sanang nalaman na may ibang kalagyuyo ang asawa mo ay malamang nasagip mo pa ang buhay ni Anna at ng anak ninyo."

"Mga walang-hiya kayo! Kahit sa punerarya ay naglalandian kayong dalawa!" May biglang sumugod sa kanilang babae at galit na galit ito. Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan ng bababe si Vegee. Galit na galit ito hanggang sinasampal na si Vegee.

"Hayop kang babae ka! Sinisira mo relasyon namin ni Eric!"

"Mirasol ano ba?" awat ni Eric ngunit sinabunutan na naman siya ng babae.

Nasasaktan na si Vegee. Ubod lakas niyang tinulak si Mirasol at sinugod ito.

"Walanghiya ka! Bago ka sumugod at manakit ng ibang tao ay matuto kang magtanong muna." Magkabilaang sampal ang ginawa ni Vegee. ayaw niya sanang pigilan ang babae kaso na-realize niyang buntis ito. "Bago ka gumawa ng eskandalo dito, you make sure na malinis kang pota ka!"

"Bakit ka nandito?" tanong ni Eric.

"Kung tinago lang sana ng maayo ang kotse mo sa kalsada, eh, hindi ko makikita. Ang tanga lang Eric. Matagal na akong naghinala sa'yo, eh."

"Really, Mirasol? Alam mo you better leave sa bahay ko. Dahil ngayon palang sasabihin ko na sayo na magpa-file ako ng annullment. Akala mo siguro ma hindi ko malalamang may iba kang lalaki? At to tell you straight, hindi ako ang ama niyan hindi ba? Almost 3 months na tayong walang sex. Tapos one month pregnant ka na?"

Napatigil ang babae at biglang nanlambog ang mukha nito.

"At para sabihin ko sa'yo, hindi siya ang kabit ko. Si Anna, si Anna na pinaglalamayan namin ngayon pati na sana ang anak namin. Alam mo kung bakit siya nagpakamatay? Dahil pinili kita!"

"Natural ako ang pipiliin mo hindi ang malamig na kabit na 'yan!" sigaw ni Mirasol at tinuro pa nito ang kabaong.

"Huwag na huwag mong gaganyanin ang labi ng kaibigan ko," galit na turan ni Vegee at muling sinampal ang babae. Gaganti sana ito ngunit mabilis na umuwat si Eric.

"Bitawan mo ako!" galit na utos ni Mirasol.

"Pasensya ka na, babalik nalang ako dito if may pagkakataon," wika ni Eric at hinila papalayo si Mirasol.

Nang makalabas ang mag-asawa ay biglang nag-on and off ang mga ilaw. Kaagad na nakaramdam ng takot si Vegee ngunit kalaunan ay napangiti siya.

"Ayos ba ang ginawa ko Anna?" tanong niya at umilaw na ang mga lights. "Hay naku, bakit ba kasi nagpakamatay ka pa. Naghintay ka nalang sana ng ilang araw. Hindi mo tuloy naabutan ang good news ni Eric. Girl, pananagutan na sana kayo no'ng lalaki," ani niya at ang mga kandila na naman ang nagpatay-sindi. "Tangna naman Anna, huwag mo naman akong takutin," aniya at huminto ito.

Ilang oras ding nagbantay si Vegee hanggang sa dumating sina Dhalia at George. Magkahawak kamay ang mga ito. Ang nobyo ni Anna ay hindi pa rin ito dumarating malamang nasaktan ito sa panloloko ni Anna at pagtapos ng buhay nito.

"Anong nangayri sa'yo?" tanong ni Dhalia.

"Sumugod dito ang asawa ni Eric."

"Sinong Eric?"

"Ang ama ng dinadala ni Anna, ayon nakita ng asawa ang sasakyan, sumugod dito. Pinagkamalan pa akong kabit kaya sinugod ako. Siyempre, binugbog ko rin."

"Diyos ko, gwapo ba?" hirit ni Dhalia.

"Hmmm," sabat ni George.

"Oo gwapo naman at mayaman, pero mas gwapo si George," aniya kasi pumangit bigla ang mukha ng lalaki.

"Libre kita ng milktea, Vegee," biro ng lalaki.

"Pera kailangan ko," aniya at tumawa. "Paano? Aalis na ako babalik nalang ako rito mamaya."

"Kami na muna rito at sina Gloria at Rosa naman mamayang gabi hanggang sa dumating na ang pamilya ni Anna. Ayusin mo sugat mo at maghanda ka para sa trabaho mo. Malapit na ang kasal," ani ni Dhalia.

"Okay, iyon din ang iniisip ko lately."

"Teka, yong cellphone mo, naiwan mo sa bahay at tumatawag ang kapatid mo kanina pa."

"Hala, oo nga pala, wala na akong balita sa papa ko."

Nagmamadali nang umuwi si Vegee. Nang makauwi ay naabutan niya si Rosa na naglilinis.

Kaagad siyang dumiritso sa kanyang kwarto at binuksan ang cellphone. Nakailang missed calls din siya. Bago siya tumawag ay binasa niya muna ang text ng kapatid. Nakauwi na ang mga ito. Pagkatapos ay kaagad nang tumawag si Vegee upang kumustahin ang pamilya. Masaya silang nag-usap at umabot iyon ng isang oras. Sinabi niya rin ang nangyari sa kaibigang si Anna.

Nang natapos ang kanilang pag-uusap at naligo na muna si Vegee saka naglagay ng alcohol sa kalmot ni Mirasol. Mabuti nalang at hindi iyon gaanong malaki.

"Vegee, may lakad ka ngayon?" tanong ni Rosa nang bigla itong pumasok sa kwarto niya.

"Hindi ko pa alam, eh. Dipende if bored ako dito, bakit?"

"Kami kasi magbabantay mamaya kay Anna, so wala akong oras na bumili sa mall," saad nito.

"Ng alin?"

"Panty, butas na kasi mga panty ko," ani nito. "If sakaling lalabas ka, ibili mo ako, ha? Babayaran nalang kita bukas pag-uwi namin ni Gloria."

"Sige but I can't promise," aniya.

"Okay lang," ani ng babae at lumabas na ito sa kwarto.

Napabuntong hininga si Vegee. Humiga na muna siya sa kanyang kama at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sobrang pagod.

Nang magising ay wala na si Rosa. Siya lang mag-isa sa bahay. Naisipan niyang magluto ang kaso tinatamad siya. Kaagad na naisip ni Vegee ang panty na ipapabili ni Rosa. Mas mabuting sa labas na siguro siya kakain.

Habang naglalakad si Vegee ay kaagad siyang napatingin sa fast-food chain. Kaagad niyang naalala ang lalaki at napangiti siya bigla.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at may bigla na lamang siyang nakabanggaan. Napaupo siya sa kalsada sa lakas niyon.

"Naku, okay ka lang ba Miss?" tanong ng lalaki at tinulungan siya nito.

"O-okay lang," tiningnan niya ang lalaki. Gwapo ito at mag-isa lang.

"Sorry, hindi kita napansin," ani nito.

"Ako din, eh."

Kaagad namang nagpaalam ang lalaki. Saka lang napansin ni Vegee mayroong kamukha ang lalaki ngunit hindi niya matandaan kung sino. Pumara na lamang siya ng taxi at nagtungo na ng mall. Baka kung maglalakad pa siya ay hindi na tao ang bubunggo sa kanya. Baka sa sasakyan na!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status