Share

MYSTERIOUS GUY

Isinara ni Vegee ang pinto at bumalik siya sa pagkakahiga. Hinintay niyang magising ang mga ito bago paman siya lalabas. Nakaramdam siya ng gutom at gusto niya munang lumanghap ng sariwang hangin.

“Bumangon ka riyan at baka dumating na ang mga kasama namin dito,” wika ni Dalia. “Akin na ang bayad mo.”

“Baka pwedeng dito muna ako mag-stay kahit isang gabi. Gawin kong ten thousand,” wika ng lalaki.

“Tangna, wasak na wasak na ang kiffy ko sayo tapos gusto mo pang umisa mamayang gabi? Baka magtaka ang nobyo ko dahil maluwang na ito,” madaldal na wika ni Dalia. “Gawin mong fifteen thousand.”

“Grabe naman, sige basta buong gabi kitang aangkinin,” ani ng lalaki. “Saan ang kwarto mo at magpapahinga na muna ako,” tanong ng lalaki.

“Don, bilisan muna. Huwag kang lalabas, ha. Ako na ang magdadala ng pagkain saiyo mamaya at huwag kang magpapakita.”

“Oo na.”

Kaagad na nagbihis si Vegee nang pumasok na sa kwarto ang lalaki. Naka-jogging pants lang siya at t-shirt. Paglabas niya sa kanilang kwarto ay naabutan niya si Dalia na nagpupunas nang sahig.

“May lakad ka?” tanong ng babae sa kanya.

“Oo pero babalik din naman ako kaagad. Huwag niyo nalang ako hintayin sa hapunan.”

“Sige, baka kailangan mo munang aliwin ang sarili mo at baka ma-depress ka kakaisip sa pamilya mo, Vegee.”

“Kaya ko to,” aniya.

“Vegee, iyong mga narinig mo kanina, oo, alam kong nagising ka talaga, atin lang ‘yon ha. Huwag mo sanang sabihin kahit kanino,” ani ng babae.

“Makakaasa ka, Dalia. Sige na at baka gusto pang umisa no’n,” aniya sa babae.

“Naman! Masarap, eh,” pilyang wika ng babae.

Habang naglalakad si Vegee sa daan ay bigla siyang nakaramdam ng gutom. Kaagad siyang humanap ng pwedeng makainan ngunit fast food chain lang ang malapit sa kanya. Hindi naman siguro siya mapapamahal if isang pagkain at drinks lang ang kanyang bibilhin. Hindi na rin nagamit ang kanyang sariling pera dahil pinautang siya ni Dalia.

Kaagad siyang pumasok at nag-order siya ng cheese burger at isang softdrinks. Nang makuha na niya ang order ay naghanap siya ng table ngunit puno. Mabuti na lamang at may natapos na kumain kaya kaagad na siyang pumalit kahit pa’y nililinisan pa iyon ng crew.

Sinunggaban na niya ang burger. Papikit-pikit pa siya habang ninanamnam ang sarap ng burger.

“If you don’t mind, can I share the table with you?”

Naimulat ni Vegee ang kanyang mga mata nang biglang magsalita ang isang lalaki. Napatitig siya rito. Napaawang ang kanyang bibig na may pagkain pa. Ang gwapo ng lalaki. Makapal ang kilay, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, kulay pink ang labi at ang kinis ng mukha nito. Hubog na hubog din ang panga ng lalaki.

“Si-sige ako lang naman mag-isa,” nautal niyang wika.

“Great,” ani nito at umupo sa kanyang harap. “Pareho pala tayo ng order, burger din favorite mo?” tanong ng lalaki.

“Hindi naman... ito lang ang afford ko at nagugutom rin ako,” wika niya at tipid na ngumiti ang lalaki dahilan upang lumabas ang dimples nito.

“Akala ko ‘yan ang favorite mo,” ani nito.

“Ikaw, bakit ‘yan ang order mo?” tanong niya.

“Maniniwala ka ba if ito lang din ang afford ko?”

Napailing si Vegee, “bawal gumaya.” At saka mayaman itong tingnan lalo na sa mga suot ning branded na damit.

“Ito lang ang comfort food ko. Every time I am sad, burger lang ang katapat,” ani nito.

“Oh, sorry, mas malalim pa pala ang dahilan mo,” aniya.

“No, its okay.”

“Alam mo sabi nila masarap magkwento sa strangers, kasi alam mong hindi nito ipagkakalat ang problema dahil hindi ninyo kilala ang isa’t-isa,” ani niya.

“Chismosa ka pala,” natatawang wika ng lalaki at natawa na rin si Vegee.

“Sa bagay, nagkataon ring may problema ako ngayon at itong burger ang binili ko.”

“So ano ang naramdaman mo ngayon?” tanong ng lalaki sa kanya.

“Medyo gumaan,” ngumiti siya.

“See, burger lang katapat ng problema natin, dahil diyan libre kita ng isa pa.” Kaagad na tumayo ang lalaki at nag-order ito. Hindi naman nakaimik si Vegee dahil mabilis itong nakapunta ng counter. Hindi naman siguro masamang makipagkwentuhan sa taong hindi mo kilala. At mukhang masarap naman ang lalaki, esti! Mabait!

Kahit naging mabilis lang pag-uusap nina Vegee at nong lalaki ay kaagad na niya itong nakagaanan ng loob. Habang naguusap silang dalawa ay bigla na lamang may tumawag sa lalaki at kaagad itong nagpaalam. Pagkatapos kumain ni Vegee ay kaagad na rin siyang lumabas sa fast food chain. Ayaw pa niyang umuwi kasi gusto pa niyang gumala ngayong gabi. Pumara siya ng taxi at nagtungo sa pinakamalapit na mall. Doon ay namili siya ng mga bagong damit at ang kanyang susuotin sa araw ng kasal. Paniguradong maraming tao at mayayaman doon kung kaya’t kailangan niyang magbihis at ayos mayaman.

Halos dawalang oras din siya sa mall at malapit na itong magsara. Pumara na naman siya ng taxi at umuwi na. Pagdating niya sa bahay ay tahimik sa loob ngunit alam niyang dumating na ang kanyang mga kasamahan. Pumasok siya sa kanilang kwarto at naabutan niya si Anna na namamaga ang mga mata nito.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong niya sa babae at nilapitan ito.

“Buntis ako, Vegee.” Mabilis na wika ni Anna at hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa.

“Sigurado ka ba? So tama ang hinala ni Dalia?”

Tumango ang babae. “Ngunit ang sabi naman ni Dalia mas maganda raw pagbuntis mas lalong convincing. Ayaw ko naman gamitin ang anak ko sa ganitong trabaho, baka mapahamak pa kami pareho,” nag-aalalang wika ng babae.

“Teka, yong nobyo mo ba ang ama?” diretsa niyang tanong.

“Siyempre, hindi.”

Napabuntong hininga si Vegee. May pagkamalandi din itong si Anna. “Sino ang ama niyan? Alam na ba ng jowa mo ang pagbubuntis mo?”

“Iyon nga ang problema ko. Hindi pa niya alam. Paniguradong makikipaghiwalay ‘yon sa akin kapag nalaman niyang buntis ako. Wala pang nangyari sa amin kasi. Tumatanggi ako dahil kapag nalaman niyang hindi na pala ako birhen, eh, magagalit ‘yon.”

“Choosy din pala jowa mong tipaklong ano? Pero ito seryoso, alam mo ba kung sino ang ama niyan?”

“Oo naman, hindi pa naman ako pukpok para hindi malaman kung sino ang ama ng dinadala ko,” ani nito.

“So ipaalam mo muna sa lalaking ‘yon at siguraduhing papanagutan ka niya,” aniya kay Anna.

“Hindi pwede, may pamilya na ‘yon.”

Napabuntong hininga si Vegee, “ano ba naman itong pinasukan mo. Ang trabaho natin magpapanggap lang. Heart breaker, hindi na natin trabaho ang magpakant*t sa ibang lalaki,” turan niya sa babae.

“Nahulog kasi ang loob ko sa kanya. May nangyari na sa amin nang malaman kong may pamilya na siya. Kaya hindi na ako nagparamdam sa kanya.”

“Rumarason ka pa talaga, ha. Hay naku, ano ba ang sabi ni Dalia?”

“Siyempre blessing raw ang bata, at gagamitin namin ito para makakuha pa ng maraming kliyente.”

“Hay naku. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin o ia-advice saiyo, Anna. Kung kaya kang panagutan ng nobyo mo ngayon at aakuin ang bata kahit hindi sa kanya ay swerte ka. Pero if nakipaghiwalay siya, edi, tanggapin mo nalang at focus ka nalang sa bata. Saka mo na isipin ang ama ng dinadala mo. May tamang panahon para diyan,” mahabang wika niya sa babae.

“Iyon din ang nasa isip ko pero alam mo, miss ko na rin ang ama ng batang to. Mayaman din ‘yon, eh. May business, kasal nga lang.”

“Huwag mo nang guluhin ang pamilya ng lalaki mo Anna, huwag ka nang sumira ng pamilya.”

“Gaga, trabaho natin ‘yon, right?”

“Oo nga pero hayaan mo na ‘yon,” aniya sa babae.

Hindi kumibo ang babae. Alam ni Vegee na may binabalak ang babae at wala na siyang magagawa rito. Kinuha niya ang kanyang tuwalya at pumasok sa banyo upang maligo. Maalikabok sa labas kung kaya’t kailangan niyang maglinis talaga. Mahalagang may skin care siya, puhunan ni Vegee ang kanyang ganda at kalinisan sa katawan.

Nang matapos ay lumabas na siya kaagad sa banyo at may kausap na si Anna. Noong una ay hindi niya nalang pinansin ang babae. Hindi naman niya naririnig ang boses na kausap nito sa cellphone dahil naka-earphone ito.

“Hindi pwedeng hindi mo pananagutan itong bata. Ginawa natin to sarap na sarap tayong dalawa kaya panagutan mo ito. Hiwalayan mo ang misis mo at magsama tayong dalawa!”

Nanlaki ang mga ni Vegee dahil sa pasigaw at galit na wika na iyon ni Anna. Tinapon nalang nito bigla ang cellphone at humagulhol ito ng iyak. Kahit na nakatapis pa siya ng tuwalya ay kaagad niyang nilapitan ang babae at yumakap rito.

“Tahan na, gaga ka, sinabi ko namang ipaalam mo sa tamang panahon. Hindi ito ang tamang panahon,” aniya sa babae.

“Magkakaanak na rin daw sila ng asawa niya at hindi niya kayang panagutan ang anak ko, Vegee. Hindi niya rin raw ako mahal. Talagang tinikman niya lang ako at gusto niya lang makuha ang virginity ko,” umiiyak na wika ni Anna.

“Anong nangyari?” biglang wika ni Dalia nang pumasok ito bigla sa kwarto nila. Malamang narinig ng babae ang malakas na boses ni Anna at pagtapon ng cellphone nito.

“Dal,” wika ni Vegee at tinuro ang buhok nitong may puting likido. Kaagad namang hinawak ng babae ang buhok nito at tinanggal ang puting likido at tinikman ito ng babae. “Nakakadiri ka,” aniya at iniwan si Anna. “Kayo na muna mag-usap dalawa at magbibihis ako.” Kinuha ni Vegee ang kanyang pantulog at bumalik sa banyo. Pumasok na rin kasi si Rosa at Gloria. Dali-dali lang siyang nagbihis at lumabas din kaagad. Hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak si Anna at nag-isip na sila kung ano ang gagawin sa babae upang tumigil na ito.

“Maglasing kaya tayo?” suhetisyon ni Gloria.

“Gaga, bawal sa bata,” wika ni Dalia.

“Tubig lang sa kanya,” sagot naman ni Rosa.

“Teka,” ani ni Dalia at lumabas ito sa kwarto. Kumatok ito sa kwarto nito at tinawag ang pangalang “George! Labas ka riyan, baka pwede nating gamitin ang sasakyan mo. Joyride tayong lahat para naman hindi ma-stress itong si Anna.” Rinig na rinig nila ang boses ni Dalia kahit na sa sala na ito.

“Okay lang ba na makita nila ako?” tanong ng lalaki.

“Oo, alam naman nila marami akong lalaki,” wika naman ni Dalia.

Bumalik si Dalia sa kwarto at sinabihang maghanda at magbihis. Kukunin lang daw ni George ang kotse nito na nasa kabilang kanto nilagay.

“Bago mong kabit ‘yon?” tanong ni Gloria. “Infairness, maskulado at mukhang masarap,” ani ng babae.

“Tumigil ka, Gloria. Pagnatikman na ng isa sa atin dito ay bawal nang ahasin,” ani ni Dalia.

“Ang landi mo girl, buti hindi ikaw ang nabuntis,” wika naman ni Rosa.

“Malandi ako pero umiinom ako ng pills, noh. Iwan ko ba itong si Anna, bakit ba kasi hindi kayo gumamit ng proteksyon laban sa tam*d?”

“Napasarap lang,” sagot naman ng babae!

Hindi na pinansin ni Vegee ang mga kasama at nagpalit siya ng damit dahil aalis sila. Gusto sana niyang magpahinga ngunit gusto niya rin ang ideyang joyride. Para din maibsan ang lungkot niya dahil sa nangyari sa kanyang ama. Hanggang ngayon ay wala pang update ang kanyang kapatid. Ngunit sana lang ay maayos na ang kondisyon ng kanyang ama.

Dumating si George dala ang sasakyan nitong montero sports. Pinakilala ito ni Dalia sa kanila ng pormal at mukhang mabait naman ang lalaki at nakikita ni Vegee na may gusto ito kay Dalia.

“Ano ang trabaho mo, George?” tanong ni Rosa nang makasakay na sila.

“Seaman ako, kakababa ko lang last week at two months lang vacation ko,” sagot naman ng lalaki. “Baka isipin ninyo may asawa ako, single ako. Itong si Dalia lang naman ang gustong itago namin kasi may nobyo siya,” wika ng lalaki.

“Okay lang ‘yon, sa’yo?” tanong naman ni Gloria.

“Wala namang problema sa akin ‘yon sanay na ako sa ganoon. May mga umaakyat ngang babae sa barko namin sa ibang bansa. May asawa na ang iba.”

“Oh, babaero ka rin pala,” wika ni Dalia.

“Hindi naman, curious lang ako kung ano ang lasa ng putahe ng mga puti.”

“So ano ang lasa?” tanong ni Gloria.

“Matabang at maluwag,” sagot ng lalaki.

“Tumigil nga kayo, focus ka sa pag-drive mo. Huwag mo nang sagutin si Gloria, nilalandi ka lang niyan,” wika ni Dalia at iyon nga ang ginawa ng lalaki. Tumihimik na rin si Rosa at Gloria.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status