Share

PREGNANCY

Kahit saan nalang sila dinala ni George. Siyempre dahil matipid silang babae. Si George ang nanlilibre sa kanila. Okay naman iyon sa lalaki kahit pa’y sinasaway na ito ni Dalia. Iba talaga kapag nagpapasikat ang lalaki sa babae, binibigay nito lahat. Kung kay Vegee lang, wala din naman siyang kalakihang pera kaya okay na ‘yong may nanlilibre sa kanila minsan.

Speaking of libre, bigla niyang naalala ang lalaking nanlibre sa kanya ng burger. Ang bait at sobrang gwapo pa nito. Sana’y magkrus ulit ang kanilang landas dawala at matanong na ni Vegee ang pangalan nito.

“Ano Anna? Okay ka na ba? Huwag mong sabihing hindi ka pa, okay diyan?” tanong ni Rosa nang makabalik na sila sa sasakyan. Katatapos lang nilang kumain at uminom saglit ng bar.

“Ano bang akala ninyo sa nararamdaman ko? Hindi ito pwede i-magic, kailangan pa nito ng ilang araw para matanggap ko talaga na lalaking walang ama ang anak ko,” sagot naman ng babae.

“Eh, kung gusto mo ipalaglag mo nalang ‘yan, bukas na bukas din,” suhestisyon naman ni Gloria.

“Kayong dalawa talaga ay halos wala kayong matinong advise. Hayaan na muna natin siya kung ano ang magiging desisyon niya sa kanyang sarili at sa bata. Ang mahala ay nandiyan tayo para sa kanya,” wika niya sa dalawa at tumahimik naman ang mga ito.

“Kung hindi ka pa okay, Anna. Kami din hindi okay, inaantok na ako,” wika naman ni Dalia.

“Umuwi na tayo, kailangan ko ring magpahinga, sabi sa internet masamang mapagod ang buntis,” wika ng babae.

“Sigurado kayo?” tanong naman ni George.

“Umuwi na tayo,” ani ni Dalia at tumango ang lalaki.

Tahimik silang lahat habang nasa biyahe pauwi. Nang makarating ay nagulat silang lahat dahil nasa labas ng pinto ng bahay ang nobyo ni Dalia na bungi! Biglang nagpanic ang babae kaya hindi sila makalabas sa sasakyan.

“Diyos ko, ano ang gagawin natin?” tanong bigla ng babae.

“Nanghihinayang ka na baka malaman ni Roberto na may kabit ka?” tanong ni Gloria.

“Hiwalayan mo na kasi si Roberto, Dalia, wala naman kasing naambag ‘yan sa buhay mo. Masyadong pabigat,” wika naman ni Rosa.

Kahit kailan talaga ay hindi mapigilan ang bibig ng dalawang kasamahan. Imbes na tumulong, nanlait pa. Well, nanlait din naman si Vegee ngunit sa isip niya lang ‘yon.

“Sabihin mo nalang na boyfriend ko si George,” biglang wika ni Anna at napatingin silang lahat sa babae.

“Ang landi mo girl,” wika ni Gloria. “Boyfriend ka nalang, may nobyo ka, hindi ‘yan maniniwala,” dagdag na wika ng babae.

“Bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyong istorya basta huwag lang malaman ni Roberto na lalaki ko si George.

Isa-isa silang bumaba. Biglang lumapit sa kanila si Roberto at masama nitong tiningnan si George.

“Sino ka pare? Bakit mo sila kasama?” malamig na tanong ni Roberto. “Hindi mo ba alam na bawal silang lumabas kapag gabi?”

“Hoy, hoy, sino bang may sabi sa’yo na bawal kaming gumala sa gabi? At saka, ayusin mo ‘yang pagtatanong mo Roberto, ha? Hindi ka kagwapuhan para umakto ng ganyan,” wika ni Gloria.

“Eh, sino ba kasi to?”

Nakinig lang si Vegee. Medyo natatawa siya sa reaksyon ng mukha ni Roberto. Patawarin siya ng diyos ngunit hindi talaga gwapo ang lalaki. Hindi nila alam kung bakit nahuhumaling si Dalia rito.

“Boyfriend ni Dalia,” sagot ni Rosa at napatingin silang lahat sa babae.

“Tangna!” galit na turan ng lalaki.

“Alam mo Roberto, huwag kang umarte diyan na kasing gwapo mo si Alden Richards. Ang akala mo siguro ay hindi ko malalaman na mayroon kang dinalang babae sa bahay ninyo? Huwag kang magsisinungaling, doon dumaan ang taxi na sinakyan ko noong isang araw.”

“Ahh, nauna ka na pala,” wika ni Dalia at sabay sampal sa lalaki.

“Babe, hindi totoo ang sinasabi ni Rosa. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng mahal ko.”

“Ahh, so marami kaming babae ngunit hindi mo lang mahal?” muling sinampal ni Dalia ang nobyo, “’yan ang bagay sa’yo tipaklong ka! Umalis ka na nga rito at huwag kang magpapakita sa akin kailanman,” galit na wika ng babae.

Walang nagawa si tipaklong, esti, Roberto. Nagmamadali itong umalis at naiwan silang nagtitinginan. Hanggang sa sabay-sabay na silang tumawa ng malakas.

“Ikaw ha, bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na nambabae pala si Roberto?” tanong ni Dalia kay Rosa.

“Nakalimutan ko lang,” sagot ng babae.

Pumasok na silang lahat sa bahay. Inalalayan ni Vegee si Anna papasok sa kanilang kwarto. Medyo tahimik ito ngayon at tila may malalim na iniisip.

“Kung sasabihin ko kaya sa asawa niya na buntis ako? Maghihiwalay kaya sila?” biglang tanong ng babae.

“Ann, huwag namang ganyan. Magkakaanak na sila at legal pa sila.”

“Magkakaanak din naman kami, ha?”

“Oo nga pero iba ang sitwasyon ninyong dalawa. Walang problema if single ‘yong lalaki ang kaso, kasal na ‘yon. Paano kung ipapakulong kayong dalawa?”

“Edi mabuti, magkakasama kami sa kulungan.”

“Tangna naman to,” biglang napamura si Vegee. “Ano bang pinagsasabi mong magkasama sa kulungan? Hiwalay ang kulungan ng babae sa lalaki. Wala din mangyayari kung makukulong ka.”

“Sabagay, hay, ang hirap naman nito, Vegee. Parang gusto ko nalang mawala bigla sa mundo.”

“Hoy, gaga ka... isipin mo may bata kang dala sa sinapupunan mo. Nasasabi mo lang ‘yan kasi mahal mo ‘yong nakabuntis sa’yo. Pero pwede mo namang palakihin ang bata kahit walang ama. Marami tayo dito, tutulungan ka naming sa pag-aalaga diyan,” aniya sa babae.

“Salamat, Vegee, ha? Alam mo ikaw lang talaga ang may matinong advise para sa akin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa totoo lang.”

“Nandito lang ako, ipangako mo sa akin na hindi ka gagawa ng ikapapahamak mo,” seryosong wika niya sa babae at ngumiti lang ito bilang tugon. “Magpahinga ka na,” aniya at iniwan niya ang babae dahil naghugas lang muna siya paa at nagsipilyo.

Nang matapos siya at kaagad na din siyang lumabas. Tulog na si Anna, mukhang pagod na pagod ang babae. Sobrang naaawa siya sa kaibigan sana lang ay magiging okay ito kinaumagahan.

Lumabas saglit si Vegee sa kwarto nila at nabungaran niya si Rosa at Gloria na nakasampa ang tenga sa bubong ng kwarto ni Dalia. Kumunot ang kanyang noo at kaagad namang nag-sign si Rosa na huwag maingay. Alam niya ang ginagawa ng mga ito.

Hindi na siya lumapit sa dalawa bagkus ay tiningnan niya lang ang pinto kung lock na ito. Bumalik na rin siya kaagad sa kwarto at natulog dahil napagod siya sa kanilang gala.

“Ahhhh!”

Naalimpungatan ng gising si Vegee nang marinig ang malakas na sigaw ni Dalia!

“Tulong!” sigaw ulit ng babae.

Bumangon na si Vegee. Tiningnan niya ang kama ni Anna, wala ang babae. Mabilis siyang lumabas at nanlaki ang kanyang dalawang mata ng makita ang malamig na katawan ni Anna na nakabitay. Putlang-putla ito at dumanak ang dugo mula sa leeg hanggang sa damit ng babae.

“Diyos ko,” wika ni Vegee at nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha. “Bakit naman, Anna?”

ATHAPOS

Hey Love, huwag magbasa habang nakahiga. Masama 'yan sa puso, esti, sa mata!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status