Share

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER
Author: ATHAPOS

HEARTBREAKER

Abalang-abala si Vegee sa paglilinis ng kanyang mga kuko nang biglang lumapit sa kanya si Dalia. May  dala itong ng maliit na papel na mayroong nakasulat.

“Ayan, bago mong kliyente,” wika ng babae kay Vegee. Huminto na muna siya sa kanyang ginagawa para basahin ang papel. Kinuha niya ito rito.

“Gabriel Quiros,” basa niya sa papel. “Sigurado ka bang pwede na akong bumalik sa trabaho? Masiyado pa akong mainit sa mata ng ibang tao,” wika niya sa babae. Nagtatrabaho si Vegee sa isang grupo na kung saan nagpapabayad sila sa kanilang mga kliyente upang landiin ang mga lalaki na may-jowa upang maghihiwalay ang mga ito. Iyon lang ang tanging gagawin nila at si Dalia, ito ang kanilang leader.

“Ayaw tumanggap ng iba, eh. Masyido raw sila pangit upang maging rason ng hiwalayan. Huwag kang mag-aalala, malaki ang offer saiyo. Jackpot ka kapag naghiwalay sila at hindi matuloy ang kasal,” ani ni Dalia na lumalawak ang mata dahil sa iniisip nitong pera. Dahil si Dalia ang kanilang leader at tagakuha ng kanilang costumer, binibigyan nila ito kalahati ng kanilang kita.

“Parati nalang kasal, mabuti nalang sampal lang ang inabot ko sa bride last week,” aniya. Paano ba nama’y sumagod siya sa mismong kasal. Of course hindi natuloy ang kasal dahil sa kanya ngunit puno naman siya ng mga pasa dahil sa sampal at suntok ng mga tao roon, marami pa sa kanila ay matatanda. At ang groom na nagbayad sa kanya, iniwan lang siya sa loob ng simbahan!

“Eh, sa ito na ang trabaho natin? Dito ka kumikita ng malaki, ano? Gagawin mo ba o ako nalang ang gagawa?”

“Kaya mo?” tanong niya sa babae at napaisip ito bigla.

“Hindi pa naka-pasta ang mga ngipin ko, kaya ikaw nalang,” ani nito. “Basta, wala kang choice, gawin mo ‘yan para kumita tayo ng one-hundred thousand,” ani Dalia. Iniwan nito ang papel sa mesa at tumalikod ang babae sa kanya.

Napabuntong hininga si Vegee. Ito lang talaga ang trabahong nagpapabuhay sa kanyang naiwang pamilya sa probinsya ng Bohol. Naging saleslady na siya, naging kahira, at naging waitress ngunit lahat ng iyon ay may maliit na sweldo. Siya pa ang bumibili ng gamot ng kanyang mga magulang at nagpapaaral sa kanyang kapatid kaya kailangan niyang kumayod. Sinubukan niya na ring maghanap ng afam online. Imbes na pera makukuha niya, siya pa hinihingan ng pera ng mga ito. Patunay lang na hindi lang pala mga pinoy ang naghihirap sa social media!

Tinapos na muna ni Vegee ang kanyang paglilinis. Kaya nang matapos siya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang social media upang tingnan kung sino ba si Gabriel Quiros. Pangalan palang nito ay tunog gwapo na! Ngunit nakailang search na siya at scroll ay wala siyang makitang larawan ng lalaki. “Ang misteryoso naman,”.

Tumayo si Vegee at pinuntahan si Dalia sa kwarto nito. Kumatok na muna siya saka pumasok. May ka-video call ang babae. Kausap na naman nito ang jowang walang ngipin sa ibaba.

“Unahin niyo na siguro ang pustiso na bilhin saka na ang pasta,” aniya at narinig iyon ng jowa ni Dalia.

“Grabe naman to si Vegee,” ani ng lalaki at tumawa lang siiya.

“Akin na ang details nito at ako na ang gagawa,” aniya sa babae. Malaki na rin ang two-hundred thousand. Kahit one-hundred thousand lamang ang kanyang makukuha do’n.

Kumuha ng papel at ballpen si Dalia at sinulat nito ang contact number ng kanilang bagong kliyente. “Ito, dalian mo at atat ang babaeng ‘yon,” sabi ng babae at kinuha ni Vegee ang papel.

Lumabas siya sa kwarto ng babae at kaagad niyang tinawagan ang numerong binigay sa kanyang ni Dalia. Nakailang ring na muna siya bago sumagot ang nasa kabilang linya.

“Hello?” wika ng nasa kabilang linya. “Ito na ba ang Break Your Legs?” tanong ng babae at talagang sinabi pa nito ang badoy na pangalan ng kanilang grupo.

“Ito nga, ako po ang gagawa ng inyong gusto,” aniya.

“Ayy! Perfect! Magkita tayo mamayang gabi. Text ko nalang ang location, okay?” maarting wika ng babae.

“Okay,” tanging wika niya at pinatay na ang tawag.

Pumunta siya sa kanyang kwarto upang humiga na muna bilang pampalipas oras. Tulog pa rin ang roommate niyang si Anna na magdamag na hindi umuwi dahil kasama ang jowa. Kasamahan niya rin ang babae sa kanilag trabaho. Lima silang lahat kasama na si Dalia. Mas minabuti ni Dalia na gawing kaunti nalang ang miyembro upang hindi sila madaling mabisto. Nanatiling lihim ang kanilang mga trabaho. Kapag nagkataon na may nakakilala sa kanila, paniguradong walang maniniwala sa kanilang trabaho at hindi na ito magiging epektibo!

Buong maghapong naghintay si Vegee sa text ng kanilang kliyente. At sa wakas nang mag-update ito ay kaagad na niyang hinanda ang kanyang sarili. Mabuti na lamang at tinuruan sila ni Dalia na mag-ayos ng sarili mula make-up haggang pananamit. Kailangan ‘yon para kapani-paniwala. Hindi pwedeng heartbreaker sila tapos pangit ang kanilang mukha!

“Bago na naman?” tanong ni Anna. Gising na ito kanina pa ngunit hindi bumangon sa kabilang kama. Baga pagod pa ang babae.

“Kailangang kumayod para may pera,” aniya sa babae. Katatapos lang din ng babae sa kliyente nito at binigyan ito ni Dalia ng isang linggong pahinga. At applicable lahat iyon sa kanila.

“Siguraduhin mo lang na hindi ka mabubugbog, wala tayong life insurance kapag natuluyan ka,” pabirong wika ni Anna at nagtawanan silang dalawa. Ang iba pa nilang kasamahan ay mayroong room din ang mga ito at sila ni Anna ang magkasama.

“Sa dami ko ng away na pinagdaanan dahil sa trabahong ito ay medyo kumapal na ang mukha ko sa sampal ng mga babae,” aniya.

“Kahit na ingat ka pa rin, Vee,” paalala ng babae.

“Thank you,” aniya.

Nagmadali nang nag-ayos si Vegee. Nakatitig siya sa malaki nilang salamin nang mapagtanto niyang maganda na siyang tingnan. Ang mahaba niyang pili-mata ay kanya na itong nalagyan ng mascarra at ang kanyang lips na halos kulay pink na ang kulay ay nalagyan na rin niya ng pulang lipstick. Sobrang bumagay sa kanyang mukha ang light make-up na nilagay niya sa kanyang mukha. Dagdagan pa ng kanyang wavy nabuhok at matangos na ilong. Kaya siya palagi ang may maraming costumer dahil convincing ang kanyang mukha at talagang pagseselosan dahil sa ganda niya.

“Baka matunaw ‘yang salamin, ha,” ani ni Anna at ngumiti ito.

“Ang ganda ko talaga,” ani niya sabay kindat sa salamin.

“Alis na at baka gabihin ka pa.”

“May ipapabili ka?” tanong niya sa babae.

“Hmm, pwede ba mangga at maraming sili, ‘yong maanghang.”

“’Yon lang?”

Tumango ang babae, “’yon lang ang gusto kong kainin,” ani nito.

“Okay.”

Nagpaalam na muna si Vegee kay Dalia bago umalis. Nag-text na rin siya sa kanilang kliyente upang sabihan ito na papunta na siya sa kanilang meeting place. Kaagad naman itong nagreply. Pagkapasok niya raw sa restaurant ay sabihin na lamang ang kanyang pangalan at ang waiter na ang magdadala sa kanya sa kanilang table. Of course hindi na niya kailangan magtanong kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan dahil si Dalia na ang nagbigay ng buo niyang impormasyon.

Kagaya ng kanilang pinag-usapan kanina. May waiter na pumasok at nagtanong kung may reservation ba ito. Sinabi niyang mayroon at kaagad na niyang binanggit ang kanyang pangalan. Ngumiti naman ang waiter.

“Sumunod po kayo sa akin, Ma’am,” ani nito at nauna nang naglakad.

Medyo kinakabahan si Vegee. Kahit matagal na siya sa ganitong trabaho ay hindi pa rin mawala sa kanyang sarili ang kabahan. Kapag may bago siyang kliyente ay pakiramdam niya bago siya sa ganitong trabago.

Binuksan ng waiter ang isang pinto. “Pumasok po kayo, Ma’am,” ani nito.

Tumango lang si Vegee. Pagkapasok niya ay kaagad niyang nakita ang isang babae. Maganda, maputi at sobrang yaman nitong tingnan. Mas lalong kinabahan si Vegee. Sa ayos ng postura nito ay pakiramdam niya’y mahirap ang ipapagawa nitong trabaho.

“You must be Vegee?” magiliw nitong tanong. Tumayo ito at nakipagbeso.

“Ako nga,” tipid niyang sagot. Mas lalo siyang kinabahan nang maamoy niya ang mamahalin nitong pabango.

“Umupo ka muna while waiting sa food. Hindi nga ako nagkamaling magpili siya. Ang ibang photo na sinend sa akin ni Dalia ay mukhang mga tipaklong ang mukha. You’re the only one na mukhang butterfly,” mahabang wika ng babae. “By the way, I’m Steffi Marasigan.”

“I’m Vegee Mariano, nice meeting you.”

“You look nervous,” ani nito at ngumiti.

“Ganito talaga ako kapag may bagong kliyente pero masasanay din naman ako Steffi lalo na kapag maganda yong bayad,” aniya.

“Oh, hindi ka lang pala maganda, sigurista ka din pala. I like the attitude. Kung magagawa mo ng maayos at successful ang trabaho mo ay bibigyan kita ng five hundred thousand,” ani ni Steffi.

“Bakit naman hindi, sa gandang kong to wala pa akong pumalya na trabaho. So ano ang gagawin ko,” aniya. Medyo nawala na rin ang kaba ni Vegee. Nagiging mukhang pera na siya.

“Since, ayaw mo namang hintayin na muna ang ating pagkain, well, sasabihin ko na sayo ang gagawin mo,” ani ng babae at may kinuha itong makapal na papel at may kulay ito. “Here, wedding invitation. Hindi ka makakapasok kung wala ka niyan kaya dalhin mo ‘yan during the wedding. Ayaw kong mapakasal sa groom ko. Nasasakal ako sa pagiging good boy niya at ayaw ko nang ganoon. Gusto ko iyong bad boy type na husband. So ito ang gagawin mo sa araw na ‘yan. Papasok ka, at pigilan mo ang kasal namin. Ipapalabas mo na mayroon kayong relasyon ni Gabriel, mag-acting ka at gumawa ka ng eksena. At doon ko na siya sasampalin at maghihiwalay na kami.”

“Iyon lang?” tanong niya. Madali lang para sa kanya ‘yon.

“Of course ‘yon lang kaya ayusin mo,” ani ng babae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status