Share

ON MISSION

Walang gaanong ginawa sina Vegee sa Baguio bukod sa paghaharutan ng kanyang mga kasamahan. Napunta kina Gloria at Rosa ang dalawang kaibigan ni George. At apat na room pa ang kinuha ng mga ito. Dahil siya lang ang walang partner, siya lang mag-isa sa isang room. Hindi na naman bago sa kanya ang mga ganoon, siyempre, naglalandi ang mga kasamahan niya. Ayaw naman niyang makisali dahil mabait siyang babae, chos!

Kinaumagahan ay umuwi din si Vegee dahil bukas na ang kanyang pinaghahandaang trabaho. Hindi na siya nagpahatid kay George. May mga masasakyan naman kung kaya’t hindi na niya ito inabala.

Mananatili pa ng Baguio ng dalawang gabi sina Dhalia kasama ang mga lalaking kaibigan ni George.

Nang makarating sa bahay ay nagpahinga na siya. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nagtungo sa messaging app. Maraming videos na sinend sa kanilang group chat. Halos si Gloria at Rosa ang maraming sinend na video. Sa gulat niya ay mga sex video nila iyon at nagkatuwaan pa ang mga ito.

“Para kay Vegee na lantang-lanta na,” wika ni Gloria sa message.

Napatawa na lamang siya sa mga ito. Sila lang naman ang nakakaalam sa group chat na iyon at intended iyon sa kanilang mga usapan. Hindi na niya pinanood ang scandal ng bawat isa at natulog na siya.

Nagising si Vegee sa malakas na ring ng kanyang cellphone. Unknown number iyon, ganoon paman ay kanyang itong sinagot.

“Si Steffi ito, huwag kang magpapa-late, kailangan nandito ka na ahead of time sa venue,” wika ng babae.

“Noted,” aniya at pinatay na ang tawag. Naging mahaba pala ang kanyang pagkatulog at umaga na siyang nagising. Mabuti na lamang at tumawag sa kanya ang babae. Hindi na siya natulog pa. May apat na oras pa siya upang maghanda kaya naisipan niyang maligo na muna at magpatuyo ng buhok.

Habang mabilis na tumatakbo ang oras ay ganoon din kabilis ng pagtibok ng puso ni Vegee. Ngayon lamang siya kinakabahan ng malala. Inayos na muna niya ang kanyang mukha at sinunod niya ang kanyang buhok. Nang matapos siya sa pag-aayos ay nagsuot na siya ng kanyang dress. Naglagay siya ng tubig sa isang cellophane  ng ice water at nilagyan iyon ng pulang food color. Pinasok ito ni Vegee sa kanyang panty, magagamit niya ito mamaya.

Simple lang kanyang suot pero kitang-kita ang kurbada ng kanyang katawan. Modelong tingnan si Vegee. Naisipan niyang mag-selfie at mag-send ng picture sa group chat nila upang mag-update sa tatlong babae. Gaya ng kanyang inasahan, may mga bagong videos na naman. Nag-send siya ng picture at binilinan naman siya ng mga ito na mag-ingat. Sinabihan pa siya ni Dhalia na dito na dumiritso sa Baguio pagkatapos ng kanyang trabaho. Sinabi niya lamang na pag-iisipan niya. Masiyadong malayo ang Baguio!

Umalis na si Vegee at nakarating na siya sa venue. Sa simbahan iyon. Medyo makati ang pinasok niyang cellophane sa kanyang panty kaya hindi siya masiyadong nagagalaw.

Marami nang tao ang nandoon. Bago pa siya makapasok ay hiningan siya ng invitation letter ng mga guards. Binigay niya iyon ngunit binalik naman ito kaagad sa kanya. Pagkapasok niya ay sa likurang bahagi lang siya umupo. Unti-unti nang napupuno ang simbahan at talagang masasabi ni Vegee na mayayaman ang mga dumalo. Sa quality ng damit na sinusuot ng mga ito ay hindi basta-basta ang mga guest. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang kinabahan. Halos luluwa na ang kanyang dibdib sa bilis ng tibok nito.

Naghintay pa siya ng 30 minutes at dumating na ang groom. Napapatitig siya rito, ito ang lalaking bumunggo sa kanya no’ng naglalakad siya. Hindi siya pwedeng magkamali at parang may kahawig din ito. Hindi niya lang maalala.

Biglang tumunog ang musika sa buong simbahan at nagsitayuan ang mga tao. Pumasok na si Steffi. Napatingin ito sa kanyang gawi ngunit walang reaksyon sa mukha nito. Sobrang ganda ni Steffi. Bumagay sa kutis ng kanyang balat ang kulay ng gown nito.

Umiiyak pa ang groom habang nakatingin kay Steffi. Wala itong kamalay-malay na palabas lang ang lahat ng ito at hindi talaga ito mahal ng babae.

Nagsalita na ang pari nakinig na lamang siya. Hindi pa ito ang magandang tiyempo upang gumawa ng eskandalo. Nang tatanungin na sana ng pari ang dalawang ikakasal ay nagtungo siya sa isle at sumigaw! Lahat napatingin sa kanya at gulat na gulat ang mga ito.

“Walang kasalang magaganap dahil buntis ako! At si Gabriel ang ama, mga hayop kayo!” sigaw niya. Gulong-gulong ang lalaki at hindi ito makapaniwala sa kanyang pinagsasabi. Napatitig pa ang lalaki sa kanya, mukhang nakikilala siya nito. “Huwag ka nang magmaang-maangan Gabriel. Isang buwan na ang tiyan ko. Matapos mo akong dalhin sa Baguio at pinangakuan mo ng magandang buhay ngunit nawala ka nalang bigla na parang bula. At ngayon, mababalitaan ko na ikakasal ka na sa babaeng ‘yan? Yaman lang ang mayroon siya! Ganda ang meron ako!”

“Hayop ka Gabriel! Minahal kita ng totoo at ito lang ang igaganti mo sa akin!” galit na rin si Steffi. Malamang kailangan rin nitong umakting dahil ito ang gusto niya. “Ikaw! Ikaw na malanding babae ka, talagang sinira mo pa ang kasal naming dalawa!”

Nagmamadaling sumugod sa kanya si Steffi at pinagsasampal siya nito. Hinanda na iyon ni Vegee. Nang tinulak siya ng babae ay nilakasan niya ang pag-upo sa sahig. Hindi pumutok ang cellophane sa kanyang panty! Tumayo siya at muling nagpasabunot sa babae. Muli na namang siyang tinulak ng hipokrita. Ngunit sa malas ay hindi pa rin pumutok ang cellophane na may peking dugo! Habang nakahandusay sa sahig ay nagulat siya nang biglang sipain ni Steffi ang kanyang pagkababae. Pumutok ang cellophane! Nangiliti si Vegee sa sobrang sakit dahil tumama ang heels ng babae.

Mabilis na kumalat ang pulang tubig na may food color sa sahig dahilan upang mas lalo pang magulat ang mga tao. Sa pagkakataong iyon ay umawat na si Gabriel!

“Malandi ka! Inakit mo siya para patulan ka niya!” hindi pari  nagpaawat si Steffi. Bigay todo rin ang babae!

“Stop it, hindi ko siya kilala at walang nangyari sa amin. Palabasin na natin siya at ipagpatuloy natin ang kasal. Nakakahiya sa mga bisita natin, Babe,” awat ni Gabriel at mukhang hindi alam ang gagawin.

“No! Hindi na ako magpapakasal sa’yo at magsama kayo ng babae mo! Liar and cheater!” Ubod lakas na sinampal ni Steffi si Gabriel at nagmamadali itong umalis palabas.

Naiwan si Vegee ngunit tinulungan siya ni Gabriel na makatayo. “Masaya ka na sa ginawa mo? Hindi ko alam kung sino ka at kung bakit mo ito ginagawa, sanay masaya ka sa panggugulo mo rito,” ani ng lalaki at dismayado itong umalis.

Hindi na nakapagsalita pa si Vegee dahil maraming camera ang nakatutok sa kanya. Natakot na rin siya sa possibleng mangyari sa kanya kapag matagal pa siyang mananatili sa simbahan.

Nagmamadali na siyang umalis at umaktong nasasaktan sa ginawang pananampal  at pagsipa ni Steffi sa kanya. Pumara na siya ng taxi at umuwi sa bahay upang  maligo at magbihis. Mabilis niyang tinawagan si Steffi at sumagot naman ito.

“Good job, ang galing mong umarte,” puri ng babae sa kanya. “At kung tumawag ka para sa payment, na-sent ko na sa bank account mo. Huwag ka munang magpapakita at magtago ka muna. Mainit ka pa sa mga mata nila. May maraming media kanina malamang nakunan nila ang mga nangyari,” wika ni Steffi sa kabilang linya. “At nag-send na ako ng one hundred thousand kay Dhalia. Kagaya nang napag-usapan natin, hindi ko sasabihin sa kanya na nagbayad ako ng eight-hundred thousand sa’yo,” dagdag pa ng babae.

“Maraming salamat,” iyon lang at pinatay na ni Vegee ang tawag. Tiningnan niya ang kanyang bank account sa online banking, hindi nga nagsisinungaling ang babae. Nag-send nga ito ng malaking halaga.

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin si Vegee. Imbes na magtungo siyang punerarya upang bisitahin si Anna ay sumunod na lamang siya sa Baguio. Doon na muna siya magpapalipas ng ilang araw at magpalamig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status