Share

GOODBYES

Dumating ang pamilya ni Anna ngunit hindi niya pa rin iniiwan ang kaibigan kahit marami nang nagbabantay rito. Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng mga kape nang dumating si Eric. Ito ‘yong pangalawang beses niyang dumalaw kay Anna. Kaagad niyang hininto ang pagtitimpla at nilapitan ang lalaki.

“Mukhang hindi yatang magandang ideya na nandito ka, Eric. Galit ang pamilya ni Anna sa’yo at paano kung sumunod na naman ang asawa mo?” wika niya sa lalaki na may halong pag-aalala.

“Huwag nalang nating ipaalam na ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Anna, what’s your name again?”

“Vegee,” sagot niya.

“Aalis na ako pa-abroad mamaya, Vegee. Doon na ako magsisimula ng panibagong buhay. Yong asawa ko, tuluyan na akong nakipaghiwalay sa kanya. Gusto ko ring lumimot sa lahat ng ito,” ani ng lalaki. “Gusto ko lang makapagpaalam ng maayos kay Anna at sa bata. Alam ko namang napapanood nila ako ngayon.”

“Si-sige, basta sabihin mo lang kaibigan ka niya,” aniya.

Tumango si Eric at lumapit ang lalaki sa kabaong ni Anna. Hindi na siya lumapit at tiningnan niya na lamang ito. Nakatingin din ang mga magulang ni Anna kay Eric kung kaya’t medyo kinakabahan si Vegee.

Nang kalmado naman ang lahat ay bumalik na siya sa pagtitimpla ang kape at binigay ito sa mga naroroon.

Tapos nang magpaalam si Eric at magpapaalam na sana ito nang dumating sina Rosa at Gloria. Napatitig ito sa lalaki at tila nagtataka ang mga ito.

“Teka-teka, ikaw ba si Eric? Ang nakabuntis kay Anna?” tanong ni Gloria. Malakas ang boses nito at nakaagaw iyon ng atensyon.

“Ikaw ang pumatay sa anak ko?”  biglang tanong ni Tiya Milagros at tumayo ito upang lumapit.

“Tiya, hindi siya. Kaibigan po namin siya ni Anna, nagpapaalam lang dahil babalik na siya ng abroad,” aniya. Masama mang pagtakpan ang lalaki ngunit hindi magugustuhan ni Anna kung magtuturuan pa sila kung sino ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang babae.

“Pasensya ka na, Hijo. Salamat sa pagdalaw mo sa aking anak at magiging apo sana,” ani ng ginang.

Nakahinga ng maluwag si Vegee at tuluyan nang nagpaalam si Eric. Nang makaalis na ang lalaki ay hinila naman siya ng dalawa sa sulok ng punerarya.

“Magsabi ka nga ng totoo? Siya ang nakabuntis kay Anna, hindi ba?” seryosong tanong ni Rosa.

“Oo, alangan namang umamin ako, eh, magkakagulo lang tayong lahat dito. At mabuti na rin iyon, aalis na naman si Eric pa abroad.”

“Sabi ko na nga ba, eh. Malakas talaga ang kutob ko na siya ‘yon. Mukha palang fuckboy na,” saad ni Rosa.

“Magtigil nga kayo. Kayo na muna ang sumama sa pamilya ni Anna dito dahil sa susunod na araw na ang trabaho ko. Kailangan ko ‘yong paghandaan dahil malaking pera ang ibabayad sa akin,” wika ni Vegee sa dalawa at iniwan na niya ito.

Eksakto namang paglabas niya sa punerarya nang dumating sina Dhalia at George. Nagbuluntaryo ang lalaki na ihatid na siya pauwi dahil hindi din naman ito sasama sa pagbabantay ng labi.

“Nakatipid na naman ako ng pamasahe,” aniya sa lalaki at natawa.

“Wala ‘yon,” tipid na wika ng lalaki.

“Ikaw, George,” bigla niyang wika.

“Anong ako?” curious nitong tanong.

“Kailan ka sasakay ng barko?” tanong niya. Bigla niya kasing naalala si Eric sa pag-alis nito papuntang abroad.

“Ba’t mo natanong? Sa susunod na buwan na pero if lalaki naman ang negosyo ko this month baka hindi na muna ako sasampa. Nakaka-miss din si Dhalia,” ani ng lalaki.

“Talagang mahal na mahal mo siya, ano?”

“May rason ba para hindi ko siya mahalin? Alam ko naman kung anong klaseng trabaho na mayroon kayo pero tiwala naman ako sa kanya na this time magiging loyal siya,” ani nito.

“Sabagay, mabait din naman si Dhalia. Ang kawalan ng pera lang talaga ang nagpapasubo sa amin para gumawa ng ganitong uri ng trabaho.”

“Nabalitaan ko na may trabaho ka sa susunod na araw, nagbayad na ng advance ‘yong babae kay Dhalia. Saka na raw kayo mag-uusap. Maybe mamayang gabi, hindi ka ba natatakot sa ganoon?” tanong ng lalaki.

Napabuntong hininga si Vegee. “Natatakot siyempre ngunit wala naman akong magagawa dahil sa akin lang umaasa ang pamilya ko. Ang alam nila nagtatrabaho ako bilang sekretarya ngunit ito pala ang pinapasukan kong trabaho. Mapanganib pero nasanay na ako. Iyong mga sampal na nakukuha ko, iniisip ko nalang na extra kita ‘yon,” seryosong wika niya sa babae.

“Kung sobrang yaman ko lang talaga ay bibigyan ko sana kayo ng trabaho na hindi ganito kapanganib ngunit maliit pa sa ngayon ang business ko. Hayaan ninyo’t hindi naman permanenti iyang trabaho ninyo. Makakaahon din kayong lahat. Magsilbi sanang leksyon ang nangyari kay Anna.”

Napaisip bigla si Vegee sa sinabi ng lalaki. Naging leksyon nga ba sa kanila ang pagkamatay ni Anna?

“Gustuhin man naming mag-ibang buhay ngunit ito lang talaga ang pinakamadaling paraan upang kumita at magpadala ng pera sa pamilya,” aniya.

“Tama ka, nandito na tayo,” wika ng lalaki at lumabas na si Vegee.

“Maraming salamat, ha,” aniya at ngumiti.

“No problem.”

Umalis na ang lalaki at pumasok na sa bahay si Vegee. Naligo na muna siya at sandaling nagpahinga upang ihanda ang kanyang mga susuotin sa susunod na araw.

Nang masiguardong maayos na ang lahat ay saka pa lamang siya nag-isip ng gagawin niya pagdating sa venue at paano siya papasok sa eksena. Kinakabahan siya habang nagsusulat ng mga notes. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni George.

“Huwag sana ako pabayaan ng Panginoon,” aniya at biglang may malamig na humaplos sa kanyang buhok. Napatingin siya sa eletric fan, nakapatay ito. Bigla siyang kinilabutan.

“Huwag kang ganyan, Anna,” natatakot niyang wika. Kailangan nila siguro ng pari upang mag-pray over sa bahay. Baka hindi makaalis si Anna sa bahay na ito dahil dito siya nagpakamatay.

Hindi niya pinansin ang takot na nararamdaman. Tinapos niya ang kanyang pagsusulat at humiga sa kama. Nanood na lamang si Vegee ng mga movies pampalipas oras hanggang sa dumating na silang lahat at nagkayayaan na gumala. Ngunit pinili na lamang ni Vegee na manatili sa bahay dahil pagod siya at wala pa siyang tulog.

“Sigurado ka? Minumulto pa tayo ni Anna dito,” wika ni Rosa.

“Oo.” Silang lahat ay talagang nakaramdam ng ganoon. Baka pamamaalam na rin iyon ni Anna sa kanila. Nakakalungkot lang dahil umabot pa sila ganito.

Nang makaalis ang mga kasamahan ay sinubukan ni Vegee na matulog ngunit ayaw niyang makatulog. Nilakasan na niya ang electric fan ngunit wala talaga. Sinubukan niyang tawagan sina Gloria upang tanungin ang mga ito ngunit nasa Baguio ang apat kasama si George.

Nagbihis si Vegee at gumala siya mag-isa papuntang mall. Nilibang niya ang kanyang sarili. Papasok na sana siya ng restaurant nang makasalubong niya ang assawa ni Eric at may kasama itong lalaki. Magkahawak kamay ang dalawa. Napatingin ang babae sa kanya at hindi niya ito pinansin. Mabuti na lamang at walang ginawang eskandalo ang babae at nakahinga siya ng maluwag roon.

Pumasok na siya ng restaurant at doon nagpalipas ng oras hanggang sa tumawag sa kanya si Dhalia. Kukunin siya ni George dahil may mga kaibigan din itong lalaki na gusto sumama. Noong una ay ayaw na sana niya ngunit mapilit ang babae. Naghintay na lamang siya kay George sa mall. Halos dalawang oras din siyang maghihintay. Sagot naman ng lalaki ang hotel sa Baguio kaya hindi na siya mapapagastos.

Dumating ang lalaki. Inisip ni Vegee na siya ang unang kukunin ng lalaki ngunit nandoon na na ang dalawa nitong kaibigan. Gwapo ang mga ito at maskulado. Binati pa siya ng dalawa at ngumiti naman si Vegee sa mga ito.

“Dito ka nalang sa front seat, Vegee, baka mailang ka pa sa dalawa pero mababait naman ang mga ‘yan. Kasamahan ko sa barko at kabababa lang nila,” ani ni George.

“I see,” tanging wika niya at doon na siya sa unahan umupo.

Medyo may pag-aalinlangan din siya kasi purong lalaki ang kanyang mga kasama. Kapag nagkataon na mayroong gagawing masama ang mga ito ay hindi talaga siya makakapalag. Ngunit sa mga mukha nito, ang aamo ang mukha. Malabong gagawa ng kasalanan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status