Share

OFFER

Binasa ni Vegee ang detalye ng kasal nito. Sa susunod na linggo pa ito gaganapin. Alas 3 ng hapon at ang pangalan ng groom niya ay Gabriel Quiros. Sa mukha nilang dalawa na nilagay sa invitation ay bagay naman tingnan ang mga ito. Gwapo ang lalaki at mabait itong tingnan. Ika nga ni Steffi, good boy raw ito.

Napabuntong hininga si Vegee. Another bugbog moment niya na naman siguro next week.

“So ano? Game?”

“Medyo dihado ako sa offer mong one hundred thousand at five hundred thousand if successful. Paano kong patayin ako don? Bugbugin? O kasuhan, wala akong kalaban-laban kung ganoon ang mangyayari sa akin.”

“Gosh, alam ko na kung saan patungo ang sasabihin mo... eight hundred thousand? Okay na ba?”

Medyo nag-isip si Vegee at pumayag na rin siya. “Ganito, one-hundred thousand lang ang ibigay mo kay Dalia. Ang eight hundred thousand, ipasok mo sa aking bangko,” aniya.

“Ohhh, no problem sa akin ‘yan. Ang importante lang ay hindi matuloy ang kasal namin,” ani nito.

“Curious lang ako, bakit hindi ka nalang makipaghiwalay sa kanya?”

“Hindi madali iyon, ayaw kong magmukhang kontrabida sa harap ng pamilya niya at pamilya ko. At sa araw ng kasal ko ibibigay ng mga magulang ko ang pamana nila. Gift raw, bago pa ang kasal pipirma na kami. So iyon lang talaga ang habol ko.”

“Kahit walang ginawang masama ang tao sa’yo?”

“Hey b*tch, hindi ako magi-guilty sa ganyang mga tanong, noh. Kumain na tayo, gutom na ako.”

Hindi na nagtanong pa si Vegee. Wala din naman silang pinagkaiba ni Steffi. Gagawin lang iyon ng babae dahil sa pera at yaman. At siya, para lang din sa pera ang kanyang dahilan.

Nang nandiyan na ang pagkain ay biglang tumayo ang babae. “Nakalimutan kong may family dinner pala kami ngayon. Kung hindi mo mauubos ang pagkain take out mo nalang. Anyway, paid na ‘yan,” ani nito. Akmang lalabas na ng private room si Steffi nang pigilan niya ito.

“Teka,” ani niya at sabay dukot sa maliit na papel. “Dito mo ipapasok ang eight-hundred thousand. Huwag kang mag-aalala. Successful kong gagawin ang misyon ko next week,” paninigurado niya sa babae.

“Okay,” ani nito at umalis na.

Naiwan si Vegee kaharap ang maraming pagkain. Sa dami niyon ay halos patikim-tikim na lamang ang kanyang ginawa. Hindi nagtagal ay nabusog na rin siya. Si Steffi lang yata ang costumer niyang sobrang yaman at determinado talaga itong makipaghiwalay. Naisipan niyang i-take out nalang ang pagkain. Lumabas siya at tumawag ng waiter. Kaagad naman siyang napansin nito at sinabi na gusto na lamang niyang i-take out ang ibang pagkain.

Naghintay lamang siya ng sampung minuto at kaagad na niyang nakuha ang mga pagkain. Bago paman siya makasakay ng taxi ay kaagad niyang natandaan ang gustong ipapabili ni Anna sa kanya. Hindi na siya sumakay ng taxi, naghanap na muna siya ng manga at maraming chili sa merkado. Nang makahanap ay kaagad na rin siyang umuwi dahil gabi na.

Pagdating ni Vegee ay naabutan niya ang kanyang mga kasamahan na sama-samang kumain. Ngumiti ang mga ito nang makita ang dala niyang mga pagkain.

“Hoy Vegee! Swerte ka talaga!” pasigaw na wika Gloria at kaagad nitong kinuha ang mga dala niya.

“Hindi ko naubos kaya dinala ko nalang,” aniya.

“In demand talaga ang ganda mo,” wika naman ni Rosa at tumulong itong ilabas ang mga pagkain sa supot.

“Mabuti nalang at hindi mo nakalimutan ang manga, Vegee. Thank you!” wika ni Anna.

“Kailan ka pa naging mahilig sa maganda at chili?” biglang tanong ni Dalia kay Anna.

“Noon pa, hindi na ako virgin pero hindi ako buntis, noh,” mataray na wika ni Anna kay Dalia.

“Siguraduhan mo dahil dito ka lang kumikita. At saka tigilan mo ‘yan kakasama sa boyfriend mong amoy kanto, hindi yata ‘yon naliligo araw-araw,” wika pa ni Dalia.

“Hay naku, kumain na nga kayo at magpapahinga na muna ako. Kailangan ko pang mag-isip kung ano ang gagawin ko sa bagong trabaho,” wika ni Vegee. Tatalikod na sana siya ngunit nagtanong pa si Dalia.

“Mahirap ba?” tanong nito.

“Hindi naman ngunit sobrang yaman ni Steffi, kailangan ko talagang galingan.”

“Sa bagay, siya palang ang nag-offer ng one hundred thousand na bayad,” pagsang-ayon ni Dalia.

“Bongga ka talaga, Vegee,” wika naman ni Rosa.

“Kaya lage tayong magpasalamat kay Vegee dahil sa kanya nabubuhay pa rin tayo,” ani naman ni Gloria.

“Sige na at pupunta na ako sa kwarto para makapagpalit ng damit,” aniya. Kung tutuusin ay siya talaga ang may maraming kliyente sa kanila. Mabuti na lamang at hindi madamot na tao si Dalia dahil ang kalahating pera na nakukuha nito ay binibili nito ng mga pagkain at iba pang maintenance. Ngunit iyong offer niya kay Steffi. Hindi pwedeng sabihin niya iyon, kailangan niya ng pera para sa kanyang pamilya.

Nakatanggap ng tawag si Vegee sa kanyang pamilya at nalaman niyang sinugod sa ospital ang kanyang ama. Sinubukan niyang humiram ng pera kay Dalia at tanging ten thousand lang ang binigay nito. Kaagad iyong ipinadala sa Bohol upang magamit. Wala pang findings ang doktor kung ano ang sakit ng kanyang ama ngunit nababahala si Vegee.

“Kaya galingan mo sa trabaho mo kay Steffi, makakatulong iyon sa pamilya mo sa probinsya, Vegee,” wika ni Dalia. “Kahit thirty thousand lang ang mapupunta sa akin at huwag mo na akong bayaran sa ten thousand na hiniram mo sa akin ngayon,” dagdag na wika ng babae.

“Maraming salamat, Dalia.” Napabuntong hininga si Vegee. Hindi siya mapakali at baka napano na ang kanyang ama ngayon. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Boyet iyon, nag-text ito na natanggap na nila ang pera at labis na nagpapasalamat ang mga ito. Kaagad naman siyang nag-reply na magpapadala siya sa susunod pang mga araw. Three days from now ay kasal na nila Steffi. Tumawag pa ang babae na ready to send na yong eight hundred thousand kapag tagumpay sila.

“Oh siya, maiwan na muna kita at may lakad ako,” ani ng babae at lumabas na ito ng kanilang tinitirhan. Si Vegee lang ang naiwan ngayon. May mga bagong kliyente ang kanyang mga kasamahan at kailangan kumayod ng mga ito.

Nagpunta sa kwarto at doon ay napaghinga. Kanyang binuksan ang kanyang cellphone at doon nanood na muna siya ng mga palabas para hindi siya mabagot at mawala ang bahala niya sa kanyang ama.

Kung matatanggap ni Vegee ang eight-hundred thousand ay pwede niya iyong gagamitin upang  makapagsimula ng bagong buhay at uuwi siya sa Bohol upang siya na ang mag-aalaga sa kanyang ama. Nang matapos ang kanyang pinanood ay lumipat siya sa social media app niya. Kaagad na tumambad sa kanya ang balitang may resort na itinayo sa chocolate hills. Viral ito at maraming nagalit. Wala namang interest sa mga ganoon si Vegee kaya kaagad na siyang nag-scroll.

Inubos niya ang buong araw sa kakaharap ng kanyang cellphone hanggang ito’y kanyang nakatulugan. Nagising na lamang si Vegee nang marinig ang kalabog sa labas ng kanilang kwarto.

“Huwag kang maingay, baka magising si Vegee, ahh,” biglang halinghing ni Dalia. May dinala na naman itong bagong lalaki kahit na may jowa na ito.

“Kahit dito nalang tayo sa sala ninyo. Mas gusto ko dito, mas n*********n ako lalo pa’t alam mong may tao pala dito sa loob ng bahay ninyo,” wika ng lalaki.

Hindi na lamang pinansin ni Vegee ang dalawa. Talagang taglibog ngayong panahon dahil medyo malamig. Huwag lang sanang malaman ng nobyo ni Dalia na bungi ang kalukuhan nito dahil siguradong mag-aaway ang mga ito.

“Ahh! Dahan-dahan lang! Masiyadong malaki ‘yang sa’yo,” sigaw ni Dalia.

“Ang sikip mo, Dalia, ang sarap mo.”

“Gago ka, siguraduhin mong bibigyan mo ako ng five thousand, ha.”

“Oo, basta mangako ka na hindi lang ito ang huli nating pagsisiping,” ani ng lalaki.

“Oo naman basta may bayad, sige, bilisan mo pa at hindi na masakit.”

Mga ganoong pag-uusap ang narinig ni Vegee. Medyo nakaramdam siya ng init ng katawan dahil sa kanyang narinig. Panay halinghing at sigaw ang naririnig ni Vegee. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakaranas ng s*x. Paano’y puro babae naman kasi ang kanilang kliyente at ayaw din niya ng ganoong. Mas gusto niya pa ring ibigay ang kanyang pagkababae sa lalaking mahal niya at mahal siya.

“Lalabasan na ako, Dalia!”

“Bilisan mo at malapit na ako! Ang five thousand, ha!”

“Oh, Dalia! Mukha kang pera talaga!”

Hanggang sa matapos ang dalawa at wala nang narinig pang ingay si Vegee. Bumangon siya sa pagkakahiga at sinubukan niyang sumilip. Halos mapamura siya nang makitang nakatulog ang dalawa. Hindi niya kilala ang lalaki. Napatingin siya sa alaga ng lalaki at napalunok si Vegee. Mahaba ito at mataba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status