NASA MAY PINTUAN ng mansion si Briel nakatayo nang dumating si Giovanni at hinihintay ang pagdating ng dati niyang asawa. Nagkakarerang tumakbo sina Gabe at Bry nang makita ang mga bulto ng kung sino ang dumating. Dumaan saglit doon ang mag-anak nina Gavin at Bethany. Inaaya sila nitong mamasyal ngunit dahil may usapan sina Brian at ang kanyang ama, mariing tinanggihan iyon ni Briel. Ayaw na sirain ang unang plano ng mag-aama niya.“Lolo Gov!” matinis ang boses na sigaw ni Gabe na lumingon pa sa loob ng mansion ng mga Dankworth, “Brian, narito na ang Daddy niyo ni Gia! Bilisan niyo ng lumabas diyan! Dali!” “Sandali lang, nagsusuot pa ako ng shoes!” sagot ni Brian na halata sa tinig ang excitement.“Lolo Gov wala ka man lang pasalubong?” si Bry na kung maka-demand ay wagas kay Giovanni, natawa na lang tuloy doon ang dating Governor. Hindi niya alam na naroroon sila. “Sorry apo, hindi ko naman alam na narito kayo.” hingi ng paumanhin ni Giovanni, totoo iyon. Wala siyang malay na naroo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya