NANAHIMIK SI BETHANY sa sinabi ng asawa na naisip na naman ang buntis na hipag niya. Ang hirap talagang kalaban ng sakit kahit na may pera. Kung hindi aalagaang mabuti ang kalusugan isa iyon sa magpapahirap sa katawan ng tao. Naiintindihan naman niya kasi may edad na rin ito. Edad na alam niyang numero lang, pero kung hindi aalagaan nanakawin ng oras ang iyong lakas.
“Masyadong masakit ang proseso ng treatment na iyon na di ko alam kung kaya ni Tito. I mean, kung kakayanin ng kanyang katawan. Napakahirap noon para sa kanya na maging positibo pa. Although, makikita naman sa mukha niya at kilos na patuloy at paulit-ulit siyang lumalaban. Iyong sakit mismo ang magpapahirap sa kanya at kahit na matatag ang isip niya ay bibigay siya.”
“Gavin, sasabihin mo ba ang tungkol dito sa kapatid mong si Briel?”
BINUKSAN NI GIOVANNI ang likod na bahagi ng sasakyan at kinuha doon ang mga jar kung saan nakalagay ang maraming paperplanes na itinupi niya, simbolo na namiss niya sila kada piraso noon. Sinundan na siya ng curious na tingin ng bata.“Sa tuwing nami-miss kita o kayo, nagtutupi ako ng paperplanes. Kita mo kung gaano sila karami? Ganyang pagka-miss ang nararamdaman ko sa inyong tatlo ng Mommy mo at ni Gia. Iyong green ikaw, iyong pink kay Gia at red, sa Mommy.”Minsan na na-kwento ni Bethany sa kanya ang mga moment na sobrang miss na siya ni Brian. Anito, lagi itong tatambay ng veranda upang mag-abang ng airplane. Iniisip nito na lulan noon ang ama. Noong marinig iyon ni Giovanni, hindi niya mapigilang bumigat na ang puso. Hindi pa siya noon lubusang magaling kung kaya naman hindi siya agad makauwi dito.
MULING SINULYAPAN NI Briel si Gia na biglang tumigil sa pag-iyak. Nakalugmok na ang mukha nito sa kanyang dibdib habang nakasubo ang kanang hinalalaki sa kanyang bibig. Puno ng bakas ng luha ang mga mata nitong padilat-dilat. Bagsak naman ang balikat sa tanawin si Brian, tila nabigo ito sa kanyang misyon at hindi napagtagumpayan ang plano.“I just got off the plane and came here. Ni hindi ko ipinaalam kay Mama na pabalik na ako ng bansa ngayon. I always heard from her that you often take the children to Baguio to see her. Salamat doon, Briel. Hindi mo ipinagkait sa kanya ang dalawang bata. Kayo na lang lagi ang topic namin ni Mama kada tatawag siya sa akin. Nakakalibang din ang marami niyang kwento patungkol sa inyong mag-iina habang nakaratay ako.” sambit ni Giovanni na pilit pinasigla ang boses niya.Hinarap na siya ni
MATAPOS ANG ILANG minutong makabagbag damdamin na pagkikita nina Giovanni at Briel na muli ay nagpasya na silang pumasok ng mansion upang puntahan ang pangalawa nilang anak na nasa silid nina Briel ng mga sandaling iyon. Mabilis na itong lumakad. Alam na rin nito bigkasin ang mga tawag sa mga kasama nila sa mansion. Nangingilala na rin ito pero mabilis mapalagay. Iyon ang buong akala ni Briel, ngunit iba ang naging sitwasyon nila nang makita si Giovanni.“Mommy!” matinis na sigaw niya nang makitang pumasok si Briel, hinabol siya ng yaya nito sa pag-aalalang matutumba. “Oops!” preno ng mga munti nitong paa na tanging medyas lang ang suot, nakatali rin sa dalawa ang manipis na buhok.Naudlot ang gagawin niya sanang mabilis na pagsalubong sa ina nang makitang hindi lang ito ang pumasok sa silid. May kasama itong
HINDI NA NAPIGILAN pa ni Briel na mamasa ang mga mata habang titig na titig pa rin sa bulto ng lalaking dalawang taon na walang naging paramdaman sa kanya. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang makailang beses na nagigising siya sa gitna ng gabi, umiiyak dahil napanaginipan niyang wala na ito at habangbuhay na silang iniwan. Ni wala siyang alam sa kondisyon nito kung kumusta na ba. Wala ‘ring bumanggit sa dalawang taong iyon kung kaya naman hindi siya napag-uusapan. Literal na lumipas ang two years na wala siyang naging contact sa dating asawa. Tapos ngayon, bigla itong susulpot at parang kabuteng biglang magpapakita na lang sa kanya? Lubusang magaling na ba ito? Pinakatitigan ni Briel ang pamilyar na pigura ni Giovanni. Ayaw na niyang kumurap at baka mawala itong bigla oras na gawin niya ang bagay na iyon. Baka dinadaya lang siya ng paningin. Pakiramdam niya ay tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan. Na-blangko rin ang isipan niya.“You are back?” mahina pa rin na tanong niya na h
NAPALINGON NA SI Giovanni kay Conrad. Bakit ba hindi nila nagawang maisip iyon noon?“Tutal, naging malapit na rin siya sa amin ng aking asawa. Gusto na namin siyang ampunin sa legal na paraan. Malaki na rin naman siya at hindi rin siya mahirap turuan. Suportado mo kami?”Ilang beses na kumurap si Giovanni. Maya-maya pa ay marahang tumango. Oras na gumaling siya at nakabalik ng bansa, kapag pinaampon niya si Ceska wala na silang magiging problema pa. Magagawa na niyang makapag-focus ng kanyang atensyon sa mag-iina nang walang inaalala pa.“Basta, huwag niyo na lang palitan ang pangalan niya. Kapag tumawag si Gavin, sasabihin ko na tulungan ka niyang mapapalitan ang kanyang apelyido. Sigurado akong ‘di naman ito tatanggi.”
PINANOOD LANG SIYA ni Conrad ngunit hindi na siya nito paulit-ulit na kinulit pa. Ganun naman palagi ang takbo ng kanilang usapan. Babanggitin nito si Briel tapos magkukunwari si Giovanni na hindi narinig upang maiwasan nilang pag-usapan ang mag-iina. Ayaw niyang bumuhos ang emosyon na matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang secretary. Ayaw niyang humina.“Okay, may gusto ka bang kainin?” pagsuko ng secretary sa reaction ng amo.“Bahala ka na, Conrad. Ikaw naman ang nakakaalam ng pwede sa akin at hindi.”Habang nakahiga sa kama ay paulit-ulit na binalikan ni Giovanni ang mga pinagdaanan noon nila ni Briel. Iyong simula ng love story nila hanggang sa nalaman niyang siya pala ang nakauna sa katawan ng babae. Sobrang saya niya