“Maayos ang naging operasyon ng kapatid mo. Congratulations, Iha.”Napasinghap si Cheska at napalapat ang palad sa bibig niya nang marinig ang balitang iyon. Para bang biglang lumuwag ang lahat ng iniipit sa dibdib niya. Muling pumatak ang luha sa mga mata niya, pero hindi na ito gaya ng kanina—hindi na ito luha ng takot o sakit. Luha ito ng tuwa, ng pag-asa, at ng ginhawang matagal na niyang inaasam.Naoperahan na ang kapatid niya. At higit sa lahat—successful iyon.Ibig sabihin, pwede na ulit itong mamuhay nang normal. Hindi na ito kailangan pagbawalan sa pagtakbo, sa paglalaro, o sa mga simpleng bagay na dapat ay normal sa isang bata. Pwede na uli itong ngumiti nang walang iniindang sakit. Pwede na uli siyang huminga nang masmaluwag.“T-Thank you po,” humihikbing sagot ni Cheska habang patuloy na pinupunasan ang luha sa pisngi.Ngumiti ang doktor na nanguna sa operasyon—ang Tita ni Azrael.“I’m so happy for you and of course, to your brother,” wika nito, taos-puso ang tono. “Pero wa
Last Updated : 2025-05-10 Read more