Mula pa sa simula, plano na ba talaga niyang ipagdiwang ang kaarawan niya kasama si Irene? Nakaplano na ba ang araw na ito para sa kanila kaya hindi niya man lang nabanggit sa akin na kaarawan niya? Marahil ay iyon nga ang dahilan.Dapat na talaga siyang matuto—at tigil na ang mga walang kwentang bagay na siya lang ang nagpapakahirap, pero sa dulo, siya rin ang napapahiya. Nagpakapagod siya, hindi naman niya kailangan iyon, at sa huli, nauwi lang ang lahat sa wala.“Sana naniwala na lang ako kay Nilly. Hay. Kailan ba ako matututo? Bakit paulit-ulit na nangyayari ito?” Litanya niya sa sarili, umaasang sa pamamagitan nito, matatauhan siya at hindi na uulit pa.Nakahiga na siya, patay na ang ilaw, at sinubukan niyang matulog. Pero biglang may narinig siyang tunog mula sa pinto--ang tunog ng susi na iniikot sa seradura.Agad siyang napabangon.Sa parehong sandali, bumukas ang pinto, sumindi ang mga ilaw, at nagliwanag ang buong kwarto. Pumasok si Mateo ng walang pakialam at inihagis ang s
最終更新日 : 2025-07-21 続きを読む